Menu

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 58 Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 58
00:00/ 00:00

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 58

00:00
00:00

Na ang Aking mga misteryo ay ibinubunyag at bukas na namamalas, at hindi na nakatago, ay lubusang dahil sa Aking biyaya at awa. Higit pa rito, na ang Aking salita ay lumilitaw sa gitna ng mga tao, at hindi na natatakpan, ay dahil din sa Aking biyaya at awa. Mahal Ko ang lahat na taos-pusong gumugugol ng kanilang mga sarili para sa Akin at inilalaan ang kanilang mga sarili sa Akin. Galit Ako sa mga isinilang mula sa Akin pero hindi Ako kilala, at lumalaban pa sa Akin. Hindi Ko tatalikuran ang sinuman na taos-pusong para sa Akin; sa halip, dodoblehin Ko ang mga pagpapala ng taong iyon. Parurusahan Ko nang doble yaong mga walang utang na loob at lumalabag sa Aking kabaitan, at hindi Ko sila basta hahayaan nang ganoon na lamang. Sa Aking kaharian, walang kabuktutan o panlilinlang, at walang kamunduhan; iyon ay, walang amoy ng bangkay. Sa halip, ang lahat ay pagkamatuwid at katuwiran; ang lahat ay pagkabusilak at katapatan, na walang nakatago o lingid. Ang lahat ay sariwa, ang lahat ay kasiyahan, at ang lahat ay pagpapahusay. Ang sinumang nangangamoy-patay pa rin ay hindi maaaring manatili sa Aking kaharian, at sa halip ay pamumunuan ng Aking bakal na pamalo. Ang lahat ng walang-katapusang misteryo, mula noong unang panahon hanggang kasalukuyan, ay ganap na ibinubunyag sa inyo—ang pangkat ng mga taong nakamit Ko sa mga huling araw. Hindi mo ba nararamdamang pinagpala ka? Higit pa rito, ang mga araw kung kailan lantarang ibubunyag ang lahat ay ang mga araw kung kailan kayo’y magiging bahagi ng Aking paghahari.

Ang pangkat ng mga taong tunay na naghahari ay umaasa sa Aking predestinasyon at pagpili, at ganap na walang kalooban ng tao rito. Ang sinumang nangangahas na makibahagi rito ay kailangang makaranas ng pagpaparusa mula sa Aking kamay, at ang gayong mga tao ay magiging pakay ng Aking nag-aalab na poot; ito ay isa pang panig ng Aking katuwiran at kamahalan. Nasabi Ko nang pinaghaharian Ko ang lahat ng bagay, Ako ang marunong na Diyos na may hawak ng buong kapangyarihan, at Ako ay mahigpit sa lahat; ganap Akong walang awa, at ganap na walang personal na damdamin. Tinatrato Ko ang lahat (kahit na gaano siya kahusay magsalita, hindi Ko siya bibitawan) gamit ang Aking katuwiran, pagkamatuwid, at kamahalan, habang binibigyang-kakayahan ang lahat na makita nang mas malinaw ang pagiging kamangha-mangha ng Aking mga gawa, pati na rin ang kahulugan ng Aking mga gawa. Isa-isa, pinarusahan Ko ang masasamang espiritu para sa lahat ng uri ng pagkilos na kanilang ginagawa, ibinubulid silang isa-isa sa walang-hanggang kalaliman. Ang gawaing ito ay tinapos Ko bago nagsimula ang panahon, iniwan ang mga ito na walang posisyon, iniwan ang mga ito na walang lugar para gawin ang kanilang gawain. Wala sa Aking mga piniling tao—yaong mga paunang-itinadhana at pinili Ko—ang maaaring sapian ng masasamang espiritu kailanman, at sa halip ay laging magiging banal. Samantalang ang mga hindi paunang-itinadhana at napili, ipapasa Ko sila kay Satanas, at hindi Ko na sila hahayaang manatili. Sa lahat ng aspeto, nakapaloob sa Aking mga atas administratibo ang Aking katuwiran at Aking kamahalan. Wala Akong pakakawalan kahit isa sa mga kinikilusan ni Satanas, kundi itatapon sila kasama ang kanilang mga katawan sa Hades, dahil galit Ako kay Satanas. Hindi Ko ito basta-basta pakakawalan, kundi ganap itong wawasakin, hindi ito binibigyan ng bahagya mang pagkakataong gawin ang gawain nito. Ang lahat ng sinira na ni Satanas sa anumang paraan (iyon ay, ang mga layon ng sakuna) ay nasa ilalim ng mahusay na pagsasaayos ng Aking sariling kamay. Huwag mong isiping ito ay nangyari bunga ng kabangisan ni Satanas; alamin mo na Ako ang Makapangyarihang Diyos na namumuno sa buong sansinukob at sa lahat ng bagay! Para sa Akin, walang problemang hindi nalulutas, at lalo nang walang anumang bagay na hindi nagagawa o anumang salitang hindi nabibigkas. Ang mga tao ay hindi dapat kumilos bilang Aking mga tagapayo. Mag-ingat kang maibagsak ng Aking kamay at maitapon sa Hades. Sinasabi Ko ito sa iyo! Ang mga aktibong nakikipagtulungan sa Akin ngayon ay ang pinakamatatalino, at maiiwasan nila ang mga kawalan at matatakasan ang sakit ng paghatol. Lahat ng ito ay Aking mga pagsasaayos, paunang-itinadhana Ko. Huwag kang magkomento nang bulgar at huwag kang magsalita nang pabalang, iniisip na ikaw ay napakagaling. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay sa pamamagitan ng Aking paunang pagtatadhana? Kayo, na magiging mga tagapayo Ko, ay mga walang hiya! Hindi ninyo alam ang inyong sariling tayog; kung gaano ito kababa! Magkagayon man, akala ninyo ay maliit na bagay lamang ito, at hindi ninyo nakikilala ang inyong mga sarili. Lagi na lamang, hindi kayo nakikinig sa Aking mga salita, na nagsasanhi para mawalan ng kabuluhan ang Aking maiingat na pagsisikap, at hindi man lamang napapagtanto na ang mga ito ay mga pagpapamalas ng Aking biyaya at awa. Sa halip, sinusubukan ninyong ipakita ang inyong sariling katalinuhan nang paulit-ulit. Natatandaan niyo ba ito? Anong pagkastigo ang dapat matanggap ng mga tao na nag-aakalang napakagaling nila? Walang pakialam at hindi tapat sa Aking mga salita, at hindi isinasapuso ang mga ito, ginagamit ninyo Ako bilang pagpapanggap para gawin ang ganito at ganyan. Mga masasamang tao! Kailan ninyo makakayang ganap na isaalang-alang ang Aking puso? Wala kayong pagsasaalang-alang dito kaya’t ang pagtawag sa inyo na “masasama” ay hindi pagmamaltrato sa inyo. Talagang bagay na bagay ito sa inyo!

Ngayon, ipinakikita Ko sa inyo, isa-isa, ang mga bagay na dati ay nakatago. Ang malaking pulang dragon ay itinatapon sa walang-hanggang kalaliman at lubusang winawasak, dahil talagang walang kuwentang panatilihin pa ito; ibig sabihin ay hindi nito napagsisilbihan si Cristo. Pagkatapos nito, mawawala na ang mga pulang bagay; unti-unti, magugunaw ang mga ito hanggang sa mawala. Ginagawa Ko ang sinasabi Ko; ito ang kaganapan ng Aking gawain. Alisin ang mga pantaong pagkaunawa; lahat ng nasabi Ko, Aking nagawa. Ang lahat ng nagmamarunong ay nagdadala lang ng kapahamakan at pagkadusta sa kanilang sarili, at ayaw mabuhay. Samakatuwid, bibigyang-kasiyahan Kita, at tiyak na hindi Ko pananatilihin ang mga gayong tao. Pagkatapos nito, ang populasyon ay aangat sa kahusayan, habang ang mga di-aktibong nakikipagtulungan sa Akin ay tatangayin papunta sa kawalan. Ang mga sinang-ayunan Ko ay silang mga gagawin Kong perpekto, at wala Akong itatakwil ni isa. Walang mga pagsasalungatan sa Aking sinasabi. Ang mga hindi aktibong nakikipagtulungan sa Akin ay magdurusa ng higit pang pagkastigo, bagaman, sa kahuli-hulihan ay tiyak na ililigtas Ko sila. Gayunpaman, pagdating ng panahong iyon, ang lawak ng kanilang mga buhay ay magiging iba. Gusto mo bang maging ganoong tao? Bumangon ka at makipagtulungan sa Akin! Tiyak na hindi Ko tatratuhin nang masama ang sinumang matapat na gumugugol ng kanilang mga sarili sa Akin. Sa mga yaon naman na taos-pusong naglalaan ng kanilang mga sarili sa Akin, ipagkakaloob Ko ang lahat ng Aking pagpapala sa iyo. Ialay mo nang lubusan ang iyong sarili sa Akin! Kung ano ang iyong kinakain, kung ano ang iyong isinusuot, at ang iyong kinabukasan ay lahat nasa Aking mga kamay; isasaayos Ko ang lahat nang tama, upang magkaroon ka ng walang-humpay na pagtatamasa, na hindi mo mauubos kailanman. Ito ay dahil sinabi Ko, “Sa mga yaon na taos-pusong gumugugol para sa Akin, tiyak na pagpapalain Kita nang masagana.” Ang lahat ng pagpapala ay darating sa bawat taong taos-pusong gumugugol ng kanyang sarili para sa Akin.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 70

Mag-iwan ng Tugon