Menu

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 62 Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 62
00:00/ 00:00

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 62

00:00
00:00

Ang tao sa buong sansinukob ay ipinagdiriwang ang araw ng Aking pagdating, at ang mga anghel ay makikiisa sa hanay ng masa. Kapag si Satanas ay lumilikha ng kaguluhan, ang mga anghel, dahil sa kanilang paglilingkod sa langit, ay laging tumutulong sa Aking bayan. Hindi sila nalilinlang ng diyablo bunga ng kahinaan ng tao, ngunit nakakakuha ng higit na karanasan sa binalot ng hamog na buhay ng tao bilang isang resulta ng mabangis na pagsalakay ng puwersa ng kadiliman. Nagpapasakop ang lahat ng tao sa ilalim ng Aking pangalan, at walang sinumang nag-aaklas upang lantarang sumalungat sa Akin. Dahil sa pagpapagal ng mga anghel, tinatanggap ng tao ang Aking pangalan at ang lahat ay nasa gitna ng agos ng Aking gawa. Bumabagsak ang mundo! Paralisado ang Babilonia! Ang mundong relihiyoso—paano ito hindi wawasakin ng Aking awtoridad sa lupa? Sino pa ang mangangahas na sumuway at tumutol sa Akin? Ang mga eskriba? Lahat ng relihiyosong opisyal? Ang mga pinuno at mga awtoridad sa lupa? Ang mga anghel? Sino ang hindi makikipagdiwang sa pagka-perpekto at kapuspusan ng Aking katawan? Sa mga tao, sino ang hindi kumakanta ng mga papuri sa Akin nang walang tigil, sino ang hindi masayang walang maliw? Naninirahan Ako sa lupain ng pugad ng malaking pulang dragon, ngunit hindi ito nagdudulot sa Akin nang panginginig sa takot o pagtakbo palayo, dahil ang lahat ng mga tao nito ay nagsisimulang masuklam dito. Hindi kailanman nagawa ang “tungkulin” sa anumang bagay sa harap ng dragon; sa halip, ang lahat ng bagay ay patuloy sa sarili nitong gawain, pinipili ang landas na mainam para sa mga ito. Paanong ang mga bansa sa mundo ay hindi malilipol? Paanong ang mga bansa sa lupa ay hindi babagsak? Paanong ang Aking bayan ay hindi magdiriwang? Paanong hindi sila aawit nang may kagalakan? Ito ba ang gawain ng tao? Ito ba ay gawa ng mga kamay ng tao? Binigyan Ko ang tao ng ugat ng kanyang pag-iral, at naglaan sa kanya ng mga materyal na bagay, ngunit ang tao ay hindi kuntento sa kanyang kasalukuyag kalagayan at humihiling na siya’y makapasok sa Aking kaharian. Ngunit paano siya madaling makakapasok sa Aking kaharian, na walang napagbabayarang halaga, at hindi nais na maghandog ng kanyang walang pag-iimbot na debosyon? Sa halip na humiling ng anuman sa tao, nagbigay Ako ng mga pangangailangan mula sa kanya, upang ang Aking kaharian sa lupa ay mapunan ng kaluwalhatian. Aking ginabayan ang tao patungo sa kasalukuyang panahon, siya ay umiiral sa kalagayang ito, at siya ay nakatira sa gitna ng paggabay ng Aking liwanag. Kung ito ay hindi ganoon, sino sa mga tao sa mundo ang makakaalam ng kanilang mga inaasam-asam? Sino ang makakaunawa ng Aking kalooban? Idinadagdag Ko ang Aking mga probisyon sa mga pangangailangan ng tao; hindi ba ito alinsunod sa mga batas ng kalikasan?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 22

Mag-iwan ng Tugon