Menu

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 223 Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 223
00:00/ 00:00

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 223

00:00
00:00

Sa mundo, ang mga lindol ang pasimula ng sakuna. Una, Aking ginagawa ang mundo, iyan ay ang lupa, na mabago. Iyan ay sinusundan ng mga salot at mga taggutom. Ito ang Aking plano, ang mga ito ay Aking mga hakbang, at Aking pagagalawin ang lahat upang maglingkod sa Akin, para tapusin ang Aking planong pamamahala. Sa gayon, ang buong mundo ng sansinukob ay wawasakin, kahit wala ang Aking tuwirang pakikialam. Nang Ako ay unang naging katawang-tao at ipinako sa krus, ang lupa ay yumanig nang napakalakas; ito ay magiging kapareho sa katapusan. Ang mga lindol ay magsisimula sa mismong sandali na pumapasok Ako sa espirituwal na dako mula sa katawang-tao. Kaya Aking sinasabi, ang mga panganay na anak ay walang-pasubaling hindi magdurusa mula sa sakuna. Ang mga tao na hindi mga panganay na anak ay maiiwan sa sakuna at magdurusa. Kaya, para sa sangkatauhan, lahat ay handang maging isang panganay na anak. Sa mga pangitain ng mga tao ito ay hindi para sa pagtatamasa ng mga pagpapala, kundi para takasan ang pagdurusa mula sa sakuna. Ito ang pakana ng malaking pulang dragon. Nguni’t hindi Ko kailanman ito hahayaang makatakas. Papapagdusahin Ko ito ng Aking mahigpit na kaparusahan at pagkatapos ay tatayo pa rin at maglilingkod sa Akin (ito ay tumutukoy sa paggawang ganap sa Aking mga anak at Aking bayan), hayaan itong magpakailanmang malinlang ng sarili nitong mga patibong, magpakailanmang tanggapin ang Aking paghatol, at magpakailanmang tanggapin ang Aking pagsunog. Ito ang totoong kahulugan ng paggawa sa mga taga-silbi na magpuri sa Akin (ginagamit sila upang ibunyag ang Aking dakilang kapangyarihan). Hindi Ko hahayaan ang malaking pulang dragon na pumuslit sa Aking kaharian, at hindi Ko pahihintulutan ang malaking pulang dragon ng karapatang purihin Ako! (Dahil hindi ito karapat-dapat, hindi kailanman karapat-dapat!) Papaglingkurin Ko lamang ito sa Akin hanggang kawalang-hanggan! Hahayaan Ko lamang itong magpatirapa sa harap Ko. (Yaong mga nawawasak ay mas napapabuti pa kaysa mga yaon na nasa kapahamakan. Ang pagkawasak ay isang pansamantalang mabigat na kaparusahan lamang, nguni’t yaong mga nasa kapahamakan ay magdurusa ng matitinding kaparusahan magpakailanman, kaya ginagamit Ko ang “magpatirapa.” Dahil ang mga taong ito ay pumupuslit sa Aking tahanan at nagtatamasa nang malaki sa Aking biyaya at mayroon silang kaunting kaalaman tungkol sa Akin, gumagamit Ako ng mahihigpit na kaparusahan. Para naman sa mga nasa labas ng Aking bahay, maaari mong sabihin na ang mangmang ay hindi magdurusa.) Sa mga pagkaunawa ng mga tao, kanilang iniisip na ang mga nawawasak ay mas masama kaysa yaong nasa kapahamakan, nguni’t sa kabaligtaran, yaong mga nasa kapahamakan ay kailangang mahigpit na parusahan magpakailanman, at yaong mga nawawasak ay babalik sa kawalan magpakailanman.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 108

Mag-iwan ng Tugon