Menu

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 302 Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 302
00:00/ 00:00

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 302

00:00
00:00

Ang sanhi ng pagbubunyag ng masamang disposisyon ng tao ay walang iba kundi ang kanyang mapurol na konsensya, kanyang malisyosong kalikasan at kanyang wala sa katotohanang katinuan; kung ang konsensya at katinuan ng tao ay maibabalik sa normal, siya ay magiging akmang magamit sa harap ng Diyos. Ito ay dahil ang konsensya ng tao ay matagal nang manhid, ang katinuan ng tao kailanma’y ’di batay sa katotohanan, at lalo pang pumupurol habang ang tao ay lalo pang naghihimagsik sa Diyos, kaya nga ipinako pa niya si Jesus sa krus at hindi pinapasok ang nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw sa kanyang tahanan, at hinusgahan ang katawang-tao ng Diyos, at itinuturing pa ang katawang-tao ng Diyos bilang hamak at mababa. Kung ang tao ay mayroong kahit na kaunting pagkatao, hindi siya magiging malupit sa kanyang pagtrato sa katawan ng Diyos na nagkatawang-tao; kung mayroon siya kahit ng kaunting katinuan, hindi siya magiging malupit sa kanyang pagtrato sa katawan ng Diyos na nagkatawang-tao; kung mayroon siya kahit na kaunting konsensya, hindi siya magiging “mapagpasalamat” sa Diyos na nagkatawang-tao sa ganitong paraan. Ang tao ay nabubuhay sa panahon na ang Diyos ay naging katawan, nguni’t hindi niya magawang magpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng ganoong kagandang pagkakataon, at sa halip ay isinumpa ang pagdating ng Diyos, o lubusang hindi pinapansin ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at para bang tutol siya rito at nayayamot ukol dito. Hindi alintana paano man tinatrato ng tao ang pagdating ng Diyos, ang Diyos, sa madaling sabi, ay laging nagpapatuloy sa Kaniyang gawain kahit anupaman—kahit na ang tao ay wala ni katiting na pagbati ng pagsalubong sa Kaniya, at walang taros na lang hihiling sa Kaniya. Ang disposisyon ng tao ay naging napakasama, ang kanyang katinuan ay naging napakapurol, at ang kanyang konsensya ay lubusan nang niyurakan ng masama at matagal nang tumigil bilang orihinal na konsensya ng tao. Ang tao ay hindi lang walang utang na loob sa Diyos na nagkatawang-tao sa pagkakaloob Niya ng gayong buhay at biyaya sa sangkatauhan, ngunit lalo pa ngang naghihinakit sa Diyos sa pagbibigay Niya sa kanya ng katotohanan; ito ay sapagkat ang tao ay wala ni kaunting interes sa katotohanan kaya siya ay naghihinakit sa Diyos. Ang tao ay hindi lang walang kakayahang ialay ang kanyang buhay para sa Diyos na nagkatawang-tao, ngunit nagsisikap din siyang makakuha ng mga pabor sa Kaniya, at umaangkin ng mga pakinabang na dose-dosenang beses na mas marami kaysa sa naipagkaloob ng tao sa Diyos. Ang mga tao na may gayong konsensya at katinuan ay itinuturing ang lahat ng ito bilang nakatakda, at patuloy na naniniwala na sila ay gumugol na nang napakarami sa Diyos, at ang Diyos ay nakapagbigay lamang ng kaunti sa kanila. May mga tao na nakapagbigay lang sa Akin ng isang mangkok ng tubig ngunit naglahad ng kanilang mga kamay at ang hinihinging kapalit ay dalawang mangkok ng gatas, o nakapagbigay sa Akin ng isang kuwarto para sa isang gabi nguni’t nagtangkang singilin Ako ng mas maraming beses para sa bayad sa pagpapatira. Sa gayong pagkatao, at sa gayong konsensya, paano ninyo nagawang naisin pa na matamo ang buhay? Kayo ay mga kasuklam-suklam na sawing-palad! Dahil sa ganitong pagkatao at konsensya ng tao kaya ang Diyos na nagkatawang-tao ay lumilibot sa buong lupa, walang mahanap na lugar para masilungan. Yaong mga tunay na nagtataglay ng konsensya at pagkatao ay dapat sambahin at buong pusong paglingkuran ang Diyos na nagkatawang-tao hindi lamang dahil sa dami ng gawain na Kaniyang nagampanan, nguni’t kahit na wala Siyang nagampanang anupaman. Ito ang dapat na gawin niyaong may mahusay na katinuan, at ito ang tungkulin ng tao. Karamihan sa mga tao ay naghahayag pa ng mga kundisyon sa kanilang paglilingkod sa Diyos: Wala silang pakialam kung Siya man ay Diyos o isang tao, at sila’y nagsasalita lang ng kanilang sariling mga kundisyon, at ang pinagsisikapan lang ay ang pagkakamit ng kanilang sariling mga hangarin. Kapag nagluluto kayo para sa Akin, humihingi kayo ng bayad para sa tagaluto, kapag tumatakbo kayo para sa Akin, humihingi kayo ng bayad para sa pagtakbo, kapag kayo ay gumagawa para sa Akin humihingi kayo ng bayad para sa paggawa, kapag nilalabhan ninyo ang Aking mga damit humihingi kayo ng bayad para sa paglalaba, kapag nagbibigay kayo para sa iglesia humihingi kayo para sa mga pagbawi ng gastos, kapag nagsasalita kayo humihingi kayo ng bayad para sa tagapagsalita, kapag namigay kayo ng mga libro humihingi kayo ng bayad para sa pamamahagi, at kapag nagsusulat kayo humihingi kayo ng bayad para sa pagsusulat. Yaong Aking mga pinakitunguhan ay nanghihingi pa ng kabayaran mula sa Akin, samantalang yaong mga pinauwi ay nanghihingi ng bayad-pinsala para sa pagkasira ng kanilang pangalan, yaong mga hindi pa kasal ay nanghihingi ng dote, o kabayaran para sa nawala nilang kabataan, yaong mga nagsikatay ng manok ay nanghihingi ng bayad para sa tagakatay, yaong mga nangagsisiprito ay nanghihingi ng bayad para sa pagpiprito, at yaong nagsisigawa ng sopas ay nanghihingi ng kabayaran para rito, gayundin…. Ito ang inyong matayog at makapangyarihang pagkatao, at ito ang mga gawa na idinikta ng inyong mainit-init na konsensya. Nasaan ang inyong katinuan? Nasaan ang inyong pagkatao? Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo! Kapag nagpatuloy kayo gaya nito, titigil Ako sa paggawa sa gitna ninyo. Hindi Ako gagawa sa gitna ng kawan ng mga hayop na nakadamit-tao, hindi Ako magpapakasakit sa gayong grupo ng mga tao na ang magandang mukha ay nagtatago ng isang mabangis na puso, hindi Ako magtitiis para sa gayong kawan ng mga hayop na wala ni katiting na posibilidad sa kaligtasan. Ang araw na talikuran Ko kayo ay ang araw na kayo ay mamamatay, ito ang araw na darating sa inyo ang kadiliman, at ang araw na kayo ay pinabayaan ng liwanag! Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo! Hindi Ako magiging mabait sa grupo na katulad niyo, isang grupo na mas mababa pa sa mga hayop! May mga hangganan ang Aking mga salita at pagkilos, at sa ganyan ninyong pagkatao at konsensya, hindi na Ako gagawa pa, sapagka’t kayo ay sobrang walang konsensya, kayo ay nagdulot ng masyadong matinding sakit sa Akin, at lubos Kong kinayayamutan ang inyong kasuklam-suklam na pag-uugali! Ang mga taong masyadong kulang sa pagkatao at konsensya ay hindi kailanman magkakaroon ng pag-asa sa kaligtasan; Hindi Ko kailanman ililigtas ang gayong walang puso at walang utang na loob na mga tao. Pagdating ng Aking araw, ibubuhos Kong parang ulan ang Aking nakapapasong apoy hanggang sa walang hanggan sa mga anak ng pagsuway na minsan ay pumukaw sa Aking matinding galit, ipapataw Ko ang Aking walang hanggang kaparusahan sa mga hayop na iyon na minsa’y pumukol ng pagtuligsa sa Akin at pinabayaan Ako, susunugin Ko magpakailanman sa pamamagitan ng mga apoy ng Aking galit ang mga anak ng pagsuway na minsan ay nakasama Kong kumain at nakipamuhay kasama Ko nguni’t hindi naniwala sa Akin, at ininsulto at pinagtaksilan Ako. Isasailalim Ko sa Aking kaparusahan ang lahat na pumukaw ng Aking galit, ibubuhos kong parang ulan ang kabuuan ng Aking galit sa mga hayop na minsa’y nagnais gumawa kasama Ko subalit hindi sumamba o sumunod sa Akin, ang tungkod na Aking ihahataw sa tao ay babagsak sa mga hayop na dating nagpasasa sa Aking kalinga at mga misteryong Aking sinabi at nagtangkang tumanggap ng makalupang kasiyahan mula sa Akin. Hindi Ako magiging mapagpatawad sa sinumang tao na nagtatangkang kunin ang Aking posisyon; wala Akong paliligtasin sa mga nang-agaw ng pagkain at mga damit sa Akin. Sa ngayon, mananatili kayong malaya mula sa kapahamakan at patuloy ninyong lampasan ang inyong mga sarili sa mga kahilingang inilatag ninyo sa Akin. Pagdating ng araw ng pagkapoot, wala na kayong mahihiling sa Akin; at sa oras na iyon, hahayaan Ko kayong “magpakasaya” hanggang gusto ninyo, isusubsob Ko ang inyong mukha sa lupa at hindi na kayo muling makababangon! ’Di magtatagal, “pagbabayarin” Ko kayo sa pagkakautang na ito—at umaasa Ako na matiyaga kayong maghihintay sa pagdating ng araw na ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos

Mag-iwan ng Tugon