Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 329
Dati, nang ang Diyos ay nasa langit, sinubukan ng tao na linlangin ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagkilos; ngayon, pumarito ang Diyos sa gitna ng mga tao—kung gaano katagal ay walang nakaaalam—nguni’t basta gumagawa lamang ang tao sa Diyos, sinusubukang linlangin ang Diyos. Hindi ba sukdulang paurong ang pag-iisip ng tao? Pareho ito kay Judas: Bago dumating si Jesus, nagsasabi ng mga kasinungalingan si Judas sa kanyang mga kapatid na lalaki at babae, at matapos dumating si Jesus ay hindi siya nagbago; hindi siya nagkaroon ng kahit katiting na kaalaman kay Jesus, at sa katapusan pinagkanulo niya si Jesus. Hindi ba ito dahil hindi niya kilala ang Diyos? Kung, sa ngayon, hindi pa rin ninyo kilala ang Diyos, kung gayon magiging katulad kayo ni Judas, at ang trahedya ng pagkapako ni Jesus sa krus sa Kapanahunan ng Biyaya, na libu-libong taon na ang nakaraan, ay muling isasadula. Hindi ba kayo naniniwala rito? Ito ay isang katunayan! Sa ngayon, maraming tao ang nasa mga ganitong kalagayan—maaaring sinasabi Ko ito nang mas maaga—at ang gayong mga tao ay gumaganap sa papel ni Judas. Hindi Ako nagsasalita nang mababaw, kundi ayon sa katunayan—at dapat kang maniwala. Kahit maraming tao ang nagkukunwaring mapagpakumbaba, sa kanilang mga puso ay walang iba kundi di-umaagos, mabahong tubig. Sa ngayon, marami sa mga nasa iglesia ang katulad nito. Iniisip ninyo na wala Akong alam; ngayon, ang Aking Espiritu ay gumagabay sa Akin, at nagpapatotoo sa Akin. Iniisip mo ba na wala akong alam? Iniisip ninyo bang wala akong naiintindihan sa mapanlinlang na kaisipan sa inyong mga puso at ang mga bagay na nakatago sa inyong mga puso? Ang Diyos ba ay napakadaling malinlang? Iniisip mo ba na matratrato mo Siya sa anumang paraan mong naisin? Sa nakaraan, nag-aalala Ako na nakakadena kayo, kung kaya’t patuloy Akong nagbigay sa inyo ng kalayaan sa pagkilos, ngunit walang nakatanto na Ako ay nagiging mabuti sa kanila. Sinamantala nila ang kabutihan Ko. Tanungin ninyo ang isa’t-isa: Hindi Ako nakitungo sa halos kahit kanino, at hindi kaagad-agad pinagagalitan ang sinuman—gayong alam Ko ang lahat ng motibo at mga pagkaintindi ng tao. Iniisip mo ba na ang Diyos Mismo kung kanino nagpapatotoo ang Diyos ay isang hangal? Kung gayon nga, masasabi Kong ikaw ay lubhang bulag. Hindi kita pupunahin, at tingnan natin kung gaano ka lalong maging ubod ng sama. Tingnan natin kung kaya kang iligtas ng mga panlalansi mo, o kung maililigtas ka ng iyong pinakamahusay na pagtatangka na mahalin ang Diyos. Sa ngayon, hindi Kita huhusgahan; hintayin nating dumating ang panahon ng Diyos upang makita kung paano ang Kanyang paghihiganti sa iyo. Wala Akong oras para sa walang kabuluhang pakikipag-usap sa iyo sa ngayon, at ayaw kong pagtagalin ang Aking lalong dakilang gawain para sa iyong kapakanan, ang isang uod na tulad mo ay hindi karapat-dapat paglaanan ng Diyos ng panahon Niya sa pakikitungo sa iyo—kaya tingnan natin kung paano ka magpalayaw sa iyong sarili. Ang gayong mga tao ay hindi nagsisikap na magkaroon ng kahit katiting na kaalaman sa Diyos, at wala silang anumang pag-ibig sa Diyos, ngunit nagnanais pa rin silang tawaging matuwid ng Diyos—hindi ba ito isang biro? Sapagka’t talagang kaunti na lamang ang bilang ng mga tao na tapat, ang iniintindi Ko ay walang iba kundi ang pagbibigay buhay sa tao. Tatapusin Ko lamang ang nararapat magawa ngayon, at pagkatapos, ang paghihiganti ay ipapataw sa bawat isa alinsunod sa kanyang pag-uugali. Nasabi Ko na ang nararapat Kong sabihin, sapagkat ito ang gawain na Aking isinasagawa. Ginagawa Ko ang nararapat Kong gawin, at hindi Ko ginagawa ang hindi Ko dapat gawin, nguni’t umaasa pa rin akong maglalaan kayo nang higit pang panahon sa pagbubulay-bulay: Gaano karami sa mga kaalaman mo sa Diyos ang talagang totoo? Isa ka ba sa mga muling nagpapako sa Diyos sa krus? Sa wakas, sinasabi Ko ito: Sa aba nilang mga nagpapako sa Diyos sa krus.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Masama ay Tiyak na Parurusahan