Alam Ko Kung Paano Magaganap ang Paghatol sa Malaking Puting Trono
“At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat” (Pahayag 20:11-12).
Sa tuwing babasahin ko ang dalawang taludtod na ito, nailalarawan ko sa isip ang isang magandang eksena ng paghatol ng nagbalik na Panginoon sa sangkatauhan sa mga huling araw. Naisip ko nang panahong iyon na ang Panginoon Hesus ay uupo sa malaking puting trono sa langit tangan ang mga talaan ng bawat tao sa Kanyang mga kamay, at maringal na huhusgahan silang lahat. Nagpatuloy ako sa paniniwalang ito hanggang sa marinig ko ang magandang balita ng Diyos.
Narinig ko ang magandang balita ng Diyos.
Isang araw noong Pebrero 2018, pagkatapos kong makauwi mula sa pagbabakasyon mula sa ibang estado, masayang sinabi sa’kin ng asawa ko, “Nagbalik na ang nagkatawang-taong Panginoong Hesus. Nagpahayag siya ng mga salita at ginawa ang gawain ng paghatol umpisa sa iglesia ng Diyos. Nakinig ako ng ilang pangaral tungkol dito. Mula roon, maraming katotohanan akong naintindihan at tunay na nagkamit ng buhay. Idagdag pa, ang mga kapatid na iyon ay may bago at malinaw na paraan ng pagbabahagi ng tungkol sa Biblia. Isa pa, napaka-maawin nila. Kaya pakiramdam ko ay malaya ako kapag nagtitipon kasama sila. Sumama ka kaya sa aking makinig sa kanila bukas?” Matapos marinig iyon, namamangha kong sinabi, “Paano iyon nangyari? Malinaw na sinasabi sa Pahayag na kapag bumalik ang Panginoon, uupo Siya sa malaking puting trono sa langit at personal na bubuksan ang pergamino kung saan nakatala ang lahat ng ginawa ng bawa’t isang tao sa buhay nila. Sa mga oras na iyon, iaangat sa hangin ang mga tao, personal na mangungumpisal ng mga kasalanang ginawa nila sa buong buhay nila, at tatanggapin ang matuwid na paghatol ng Panginoon. Pero sa ngayon ay wala pa tayong nakikitang mga ganitong eksena, kaya paano nangyaring nagbalik na ang Panginoon?” At ipinaalala ko sa kanya, “Walang tunay na pag-ibig sa mundong ito. Dapat kang mag-ingat. Huwag magpapalinlang sa iba.”
Sinabi niya, “Totoo na walang tunay na pag-ibig sa mundong ito. Pero may mga tunay na mananampalataya sa Diyos, at talagang iba kaysa sa mga ordinaryong tao. Makikita mo kapag nakilala mo sila bukas.” Pagkarinig sa kanyang magsalita ng ganito, bahagya akong naging interesado, kaya gusto kong makilala ang mga taong pinuri ng aking asawa at makinig sa kanilang mga sermon.
Ang mga paniniwala at mga palagay ko ay mga harang sa aking kaalaman tungkol sa Diyos.
Nang sumunod na araw, matapos naming dumating sa itinalaga nilang lugar ng tagpuan, masaya kaming binati ng mga kapatid. Sa pag-oobserba ng husto sa kanilang salita at mga kilos, nararamdaman kong tunay ang kanilang mga puso. Unti-unti, naging mas maluwag ang pakiramdam ko. Idagdag pa roon, sa pakikinig sa pagbabahagi ng kanilang sariling mga karanasan sa pananampalataya sa Diyos, naramdaman kong napaka-praktikal at naiiba ang kanilang pagbabahagi. Kaya, tinanong ko ang kapatid na nangaral, “Kapatid, sinabi ng asawa ko na dumating na ang Panginoong Hesus na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain ng paghatol. Ngunit naaalala kong sinabi sa Pahayag, ‘At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat’ (Pahayag 20:11-12). Kaya naman, mas mainam na sabihin na ang paghahatol sa mga huling araw ay dapat na maganap sa langit. Kapag bumalik ang Panginoon, dapat ay uupo Siya sa malaking puting trono sa himpapawid, tangan ang mga talaan sa Kanyang mga kamay, at maringal na hahatulan ang bawa’t lalaki at babae ayon sa kanilang mga indibidwal na aksiyon. Paano mo nasabi na nagkatawang-tao na ang Panginoon upang gawin ang gawain ng paghatol sa mundo?”
Matapos marinig ang tanong ko, tumango siya at payapang sinabi, “Ayon sa talaan ng mga pangitain ni Juan sa Aklat ng Pahayag, maraming pinaniniwalaan at palagay ang maraming mga Kristiyano tungkol sa paghatol sa panahon ng pagbabalik muli ng Panginoon sa mga huling araw. Naniniwala sila na ang gawain ng paghatol ay mangyayari sa himpapawid. Sa isip nila, mayroong puting trono sa langit, at nakaupo doon ang Panginoong Hesus. Nasa tabi niya ang nakabukas na aklat ng buhay at aklat ng kamatayan, sasabihin ng Panginoong Hesus sa lahat ng tao na panagutan nila ang lahat ng kasalanang ginawa nila, at pagkatapos ay pagde-desisyunan niya ang magiging katapusan ng mga tao ayon sa kanilang mga aksiyon at gawa. Lahat tayo ay inilalarawan sa isip na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay higit sa karaniwan. Gayunman, gagawin ba iyon ng Diyos ayon sa ating mga palagay? Mangyayari ba ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa himpapawid o sa lupa? Tingnan muna natin ang dalawang taludtod na ito. Sinasabi ng Pahayag 14:6-7, ‘At nakita ko ang ibang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may mabuting balita na walang hanggan upang ibalita sa mga nananahan sa lupa, at sa bawa’t bansa at angkan at wika at bayan; At sinasabi niya ng malakas na tinig, Matakot kayo sa Dios, at magbigay kaluwalhatian sa kaniya; sapagka’t dumating ang panahon ng kaniyang paghatol: at magsisamba kayo sa gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng tubig.’ Malinaw na sinasabi ng mga taludtod na ito sa atin na isang anghel ang nagsabi sa mga tao na kapag dumating na ang panahon na hahatulan na ng Diyos ang mga tao, wala sa langit ang mga tao kundi nasa lupa. Isipin natin ito. Sa langit nananahan ang Diyos; tayo ay mga mortal na nilalang na nakatira sa lupa at ang sangkatauhan din na pininsala ni Satanas. Kaya paano natin magagawang umakyat sa langit upang mahatulan? Karapat-dapat lang sa atin na yumukod sa paanan ng Diyos at tanggapin ang paghatol ng Diyos sa lupa. Mas praktikal iyon.”
Habang tinitingnan ng maigi ang mga taludtod at pinagninilayan ang pagbabahagi ng kapatid, may katwiran nga iyon. Palagi akong naniniwala na kapag bumalik ang Panginoon, hahatulan Niya tayo sa langit. Pero ni hindi ko naisip kung makatotohanan ba iyon o hindi. Naisip ko, “Parang nalilito ang pananampalataya ko sa Diyos.”
Hindi nagtagal, binuksan niya ang kanyang computer at pinabasa sa’kin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, “Ang ‘paghatol’ sa mga salitang nasabi na dati—ang paghatol ay magsisimula sa bahay ng Diyos—ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa ganoong higit-sa-karaniwang mga naguguni-guni kagaya ng, sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa mga kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, at pagkatapos, nakaupo sa isang dakilang luklukan na ang lahat ng mga tao ay nakaluhod sa lupa, ibubunyag Niya ang mga kasalanan ng bawat tao at doon ay malalaman kung sila ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Anuman ang mga naguguni-guni ng tao, ang nilalaman ng gawain ng Diyos ay hindi maaaring mabago. Ang mga naguguni-guni ng tao ay walang iba kundi mga nabubuong kaisipan ng tao at nanggagaling sa utak ng tao, binuo at pinagtagni-tagni mula sa mga nakita at narinig ng tao. Samakatuwid Aking sinasabi, gaano man kaliwanag ang mga larawang naisip, ang mga ito ay mga iginuhit lamang at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos. Kung tutuusin, ang tao ay nagáwâ nang tiwali ni Satanas, kaya papaano niya maaarok ang mga iniisip ng Diyos? … Naguguni-guni ng bawa’t tao na maalamat ang gawain ng paghatol ng Diyos. Alam mo ba, gayunman, na matagal nang sinimulan ng Diyos ang gawain ng paghatol sa gitna ng mga tao, at sa buong panahong ito ikaw ay mahimbing na natutulog? Na, sa oras na inaakala mong ang gawain ng paghatol ng Diyos ay nagsisimula na, ito na ang oras na binabago na ng Diyos ang langit at lupa? Sa oras na iyon, malamang ay noon mo pa lamang naintindihan ang kahulugan ng buhay, nguni’t ang walang-awang gawain ng pagpaparusa ng Diyos ay magdadala sa iyo, na natutulog pa ring mahimbing, sa impiyerno. Saka mo lamang biglang mapagtatanto na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay natapos na.”
Matapos magbasa, ibinahagi niya ito, “Inihahayag ng mga salita ng Diyos na ang ating mga ideya tungkol sa paggawa ng Diyos ng gawain ng paghatol sa langit ay nagmula lamang sa ating mga paniniwala at palagay. Ang totoo, kahit na wala pa tayong nakikitang mga senyales at mga kababalaghan, ipinahayag na ng Diyos ang katotohanan at inumpisahan na ang Kanyang gawain ng paghatol na nag-umpisa sa Kanyang iglesia sa gitna ng mga taong itinalaga at pinili Niya. Ito mismo ang paghahatol ng malaking puting trono, tulad ng propesiya sa Aklat ng Pahayag. Lahat ng tatanggap sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, at magtatamo ng paglilinis at pagbabago, ay ang mga mananagumpay na ginawa ng Diyos bago ang malaking sakuna. Ang mga pangalan nila ay maitatala sa aklat ng buhay. Ito ay naaayon sa propesiyang nakatala sa Pahayag. ‘Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis’ (Pahayag 14:4-5). Kapag ang mga tao na tumanggap ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay pinaging ganap ng Diyos, magtatapos na ang gawain ng paghatol ng Diyos, at pagkatapos ay gagantimpalaan ng Diyos ang mabuti at parurusahan ang masama. Kung tatanggapin natin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa panahong iyon, huli na ang lahat. Kaya, sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng gawain ng paghatol ng Diyos na nagkatawang tao tayo makakaligtas sa malaking sakuna sa ilalim ng proteksiyon ng Diyos.”
Ganito pala hinahatulan ng Diyos ang sangkatauhan.
Nakaramdam ako ng kaliwanagan bigla sa kanyang pagbabahagi. Naisip ko, “Ang paghatol pala na nag-uumpisa sa iglesia ng Diyos ang paghatol ng malaking puting trono, gaya ng propesiya mula sa Aklat ng Pahayag. Labis na matalino at hindi maaarok ang gawain ng Diyos! Dapat makinig akong maigi upang malaman kung tunay na nga bang bumalik ang Panginoon upang simulan ang Kanyang gawain ng paghatol umpisa sa Kanyang iglesia.” Pagkatapos ay tinanong ko siya dala ng kuryosidad, “Kapatid, talaga bang dumating na sa lupa ang Panginoon? Kung ganoon ay paano Niya hinahatulan ang sangkatauhan?”
Ngumiti siya at malumanay na sinabing, “Noon, naniniwala tayong lahat na kapag hinatulan ng Diyos ang mga tao, uupo Siya sa hukuman at direktang magdedesisyon ng kanilang katapusan, base sa kanilang mga gawa. Pagkatapos ay tatanggapin sa langit ang mabubuting tao, habang ang masama ay ipadadala sa impiyerno at parurusahan. Ang totoo, ang lahat ng ito ay mga paniniwala at palagay lamang natin. Kung ganoon ay paano hinahatulan ng Diyos ang tao sa lupa? Tingnan nating maigi ang mga salita ng Diyos at alamin kung anong sinabi Niya tungkol sa paksang ito.” Binuksan niya ang kanyang Kindle at binasa, “Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos.”
Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, nagpatuloy siya sa pagbabahagi nito, “Mula sa mga salitang ito ay nalaman natin na sa mga huling araw, ipinahahayag ng Diyos ang mga katotohanan ayon sa kinakailangan ng sangkatauhan, at ang mga katotohanang ito ay naaayon sa ating mga masasamang isipin at kalikasan. Ginagamit Niya ang mga katotohanan upang hatulan at kastiguhin ang ating pagsuway at kasamaan upang matanggap natin ang hatol sa Kanyang mga salita at matamo ang pag-unawa sa katotohanan. Malalaman natin kung gaano kasama, walang katotohanan at kahibangan ang mga maling ideyang itinanim ni Satanas sa loob natin, makikilala ang ating satanikong pagkatao na nilalabanan at nagtataksil sa Diyos, at makita kung gaano karumi at kapangit ang ating mga kaluluwa. Hinahayaan tayo nitong magsisi, at hindi na umasa sa ating satanikong pagkatao kapag gumagawa tayo ng mga bagay. Sa halip, maaari tayong maging mabubuting tao ayon sa salita ng Diyos, at, sa huli, magbabago ang ating pagtingin sa buhay. Sa paraan na ito ay magagawa tayong ganap ng Diyos, at matatapos ang Kanyang gawain ng paghatol. Ituring mo akong halimbawa. Noon, naniniwala ako na ang paniniwala sa Diyos ay para lamang makatanggap ng mga biyaya at grasya, at magpakasaya sa walang-hanggang pagpapala ng Diyos. Pinamumunuan ng ganoong klaseng pananampalataya, madalas na humihingi ako ng grasya at biyaya mula sa Panginoon, ginagamit ang mga sakripisyo ko at pagbiyahe para sa Kanya bilang kapital, at naramdaman na pinaka-naaangkop na makakuha ng mga bagay na ito. Ngunit nakita ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ‘Ang relasyon ng tao sa Diyos ay isang hubad na pansariling interes lamang. Ito ay ang relasyon sa pagitan ng tagatanggap at tagabigay ng mga pagpapala. Upang maging malinaw, ito ay tulad ng relasyon sa pag-itan ng manggagawa at amo. Ang manggagawa ay gumagawa lamang upang tumanggap ng mga gantimpala na ipinagkaloob ng amo. Sa isang relasyong tulad nito, walang pagmamahal, isang kasunduan lamang; walang pagmamahal at minamahal, kawanggawa at awa lamang; walang pag-unawa, pagbibitiw at panlilinlang lamang; walang pagpapalagayang-loob, isa lamang look na hindi maaaring mapagdugtong.’ Ang pagsisiwalat sa mga salita ng Diyos ay naging dahilan upang mapahiya ako. Nakita ko ang kalikasan ko na makasarili, malungkot, at mapanlinlang. Ang paniniwala at sakripisyo ko para sa Diyos ay hindi upang hanapin ang katotohanan o gawin ang mga tungkulin ko bilang nilalang. Bagkus, sinusubukan kong makipag-transaksiyon sa Diyos. Ginawa ko iyon upang mapaluguran ang aking pagnanasa sa pagtamo ng mga pagpapala, at upang manghingi ng walang katapusang pagpapala mula sa Diyos. Sa kaalamang ito, labis akong nanghinayang at nag-umpisang talikdan ang aking mga personal na ambisyon at mga pagnanasa at hanapin ang katotohanan ayon sa mga atas ng Diyos. Pagkatapos, nagsagawa ng maraming sitwasyon ang Diyos kung saan sinubukan at dinalisay Niya ako upang ihantad ang aking mga pagkukulang upang mas lalo ko pang makita nang malinaw ang katotohanan tungkol sa aking kasamaan. Lalo pa akong namuhi sa aking sarili, at unti-unting hindi na nanampalataya sa Diyos para lamang magkalaman ang aking sikmura. Sa pamamagitan ng pagdanas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, labis kong naramdaman na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay tunay na makalilinis at makapagbabago ang isang tao. Kaya sa pamamagitan lamang ng pagtanggap ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw malilinis ang ating masamang disposisyon at maliligtas ang ating mga sarili at mapeperpekto ng Diyos sa huli. Kapatid, naiintindihan mo ba kung anong sinasabi ko?”
Ngumiti ako at tumango, sinasabing, “Bahagya kong naiintindihan. Dati, kahit na alam kong mag-uumpisa ang paghatol ng Diyos sa iglesia ng Diyos, hindi ko alam kung paano iyon gagawin. Ngayon, sa pamamagitan ng iyong pababahagi, naintindihan ko na ang ibig sabihin ng paghatol mula sa iglesia ng Diyos ay nangangahulugan na nagkatawang-tao ang Diyos upang ipahayag ang katotohanan at hahatulan at lilinisin ang mga taong pupunta sa Kanyang harapan. Kapag nagtapos na ang gawain ng Diyos, igu-grupo ang mga tao ayon sa kanilang uri.”
Labis akong nalugod sa harap ng trono sa pamamagitan ng Diyos matapos mapalaya mula sa mga pinaniniwalaan ko.
Pagkatapos, lalo pang lumawak ang aking pang-unawa sa kahulugan ng gawain ng paghatol ng Diyos sa lupa matapos panoorin ang bidyo ng pagbigkas ng mga salita ng Diyos Nakabalik na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap” sa website ng The Church of Almighty God. Idagdag pa, nagpatuloy ang kapatid sa mga larawan ng tatlong yugto ng gawain at nagbahagi tungkol sa mga katotohanan ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, ang nagkatawang-taong Diyos, at mga pangalan ng Diyos sa akin. Naging dahilan iyon upang lalo kong maintindihan ang katotohanan tungkol sa anim-na-libong taong plano ng pamamahala ng Diyos para sa sangkatauhan, ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ang pagbabago ng Diyos ng Kanyang pangalan sa bawat yugto. Matapos panoorin ang bidyo na Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nalaman ko na na ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Hesus.
Mga minamahal na mambabasa, malapit nang magtapos ang gawain ng paghatol ng Diyos sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw. Nasa daloy ka na ba ng gawain ng paghatol ng Diyos o wala?