Ang Pagkamulat Ko Bilang Kristiyano: Ang Katanyagan at Pakinabang Ay Hindi ang Susi sa Kaligayahan
Ang katanyagan at pakinabang ay mga layunin na hinahabol ng maraming tao sa kanilang mga buhay bagamat personal na nasaksihan ng marami sa atin ang kinahinatnan ng iba habang kanilang pinagtitiisan ang kapighatian at pagdurusa sa isang matinding pagpupunyagi para sa katanyagan at pakinabang. Gayunpaman, kaunti ang nakatakas mula sa mga tanikala ng isang walang katapusang paghahabol ng katanyagan at pakinabang. Sa paghahabol ng katanyagan at pakinabang, kinakalaban ng ilang tao ang kanilang mga sariling pamilya, at ang ilan ay desidido pang pumatay. Hinahabol ang mga ito ng iba na ang binubuwis ay ang kanilang kalusugan, dinadapuan ng mga karamdaman at sakit sa kasagsagan ng kanilang kabataan. Pagkatapos ay mayroon pa ring iba na, sa paghahabol na ito, ay bumabaling sa paggawa ng krimen. Hindi maiwasan ng marami sa atin ang bumaling at itanong sa ating mga sarili: “Ano ang pinakamakabuluhang bagay na dapat nating hangarin sa buhay? Ang paghahabol ba talaga sa katanyagan at pakinabang ang daan sa kaligayahan?” Upang makapagbigay-linaw sa mga katanungang ito, si May—na minsang nagbuhos ng lahat ng kanyang lakas sa gayong pagpupunyagi lang—ay naririto upang ibahagi ang kanyang kuwento sa atin …
“May, nagpasya ka na ba talagang magbitiw?”
“Oo, buo na ang pasiya ko. Pupunta ako sa Estados Unidos upang kunin ang aking master’s degree. Alam ninyo kung ano ang kalakaran dito. Walang umaangat sa kumpanyang ito malibang sila ay mayroong karagdagang pinag-aralan,” buong-tatag kong tugon sa aking mga kasamahan.
Nang makapagtapos ako ng kolehiyo, naaalala ko na ang tanging naiisip ko ay mga paraan kung paano mauungusan ang nakararami at maging matagumpay ako. Isang araw, sinabi ko sa aking sarili, sasakay ako sa isang mamahaling kotse at titira sa isang malaking mansyon. Ang kumpanya kung saan ako unang nagtrabaho, gayunpaman, ay tumangging tumanggap ng sinuman para sa isang nakatataas na posisyon malibang mayroon silang MBA o PhD, itinatalaga ako na mag-umpisa sa ibaba bilang isang karaniwang empleyado. “Ang mga tao ay nagkukumahog upang makapunta sa itaas, ngunit ang tubig ay dumadaloy pababa,” sinabi ko sa aking sarili. Upang magkaroon ng pagkakataon sa isang promosyon, madalas akong nagpapaiwang mag-isa pagkatapos ng trabaho sa silid-aklatan ng kumpanya; binabasa ko ang bawat isang ulat mula sa dating mga proyekto. Ako ay naging isang walang pakialam na subsob sa trabaho. Higit pa sa isang pagkakataon, pinagod ko ang aking sarili hanggang sa puntong nakadama ako ng paninikip ng dibdib at nahirapang huminga. Sa bandang huli ito ay humantong sa malalang pag-atake ng hika. Paulit-ulit, binabalewala ko ito. “Kung walang pagsisikap, walang mararating,” palagi kong sinasabi sa aking sarili. Pagkatapos ng ilang taon ng pagpupunyagi, napansin din ako sa wakas ng aking amo, para balewalain lang nang isa pang babae na hindi pa ganoon katagal sa kumpanya at hindi ganoon kagaling sa kanyang trabaho—subalit mayroong mas mataas na pinag-aralan—ang sa halip na itinaas ang posisyon bilang tagapangsiwa. Ganap akong nainsulto at nawalan ng kasiyahan dahil dito. Kaya, sa pagtutuon ng aking pansin sa pagtatamo ng katanyagan at pakinabang, nagpasiya akong magbitiw sa aking trabaho at umalis patungong Estados Unidos upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral.
Ilang taon pa kinalaunan, natanggap ko ang aking master’s degree at nagbalik sa Taiwan upang ipagpatuloy ang pagnanaus ko sa mas mataas na posisyon sa kumpanya. Di-nagtagal, humawak ako ng isang mataas na posisyon sa aking kumpanya at pinasasahod ng napakalaki. Tumira ako sa isang malaking bahay, gumagastos ng malaki sa mga bakasyunan na may mainit na bukal, at pinapalakpakan ako ng aking mga kaibigan at pamilya sa aking mga tagumpay. Masasabi ninyo na nasa akin na ang lahat—katanyagan at pakinabang. Gayunpaman, hindi pa rin ako nasisiyahan sa aking buhay. Dama ko na parang ganap akong napaliligiran ng lalong mas matagumpay na mga negosyante at mga mamumuhunan, at nasasabik akong makipantay sa kanila. Ang ideya ng pagiging negosyante ay kaagad naging solido. Upang gawing totoo ang aking pangarap, nagpatuloy ako sa pagtatrabaho habang inaasikaso rin ang ukol sa real estate. Di-nagtagal, nangutang ako ng malaki upang bumili ng ilang pinauupahang ari-arian. Samantala, pinag-aaralan ko rin ang ukol sa pamumuhunan at pangangasiwa sa pananalapi. Una, nagsimula ako sa forex trading, at pagkatapos ay kaagad akong lumipat sa mutual fund. Kinalaunan, natutuhan ko kung paano mamuhunan sa equities, futures, at options. Pinanood ko ang ilan sa aking mga kaibigang sinusubukan ang stock market at kumikita ng libu-libo sa magdamag—ang ilan ay naging mga milyonaryo pa sa loob ng ilang taon lamang. Napuno ako ng inggit at madalas mangarap tungkol sa biglaang pagyaman isang araw, kagaya nila. Sa panahong iyon, gumugugol ako ng tatlo o apat na oras araw-araw pagkatapos magtrabaho sa pagsubaybay sa merkado. Maging habang nagtatrabaho, hindi ko mapigilang isipin ang tungkol sa pagnenegosyo ng futures at palaging tinitingnan ang aking portfolio, Dahil ang merkado para sa futures ay lubos na pabagu-bago, napuno ako ng alalahanin —ang aking puso ay magsisimulang kumabog at ang aking mga kamay ay magpapawis sa bawat pagkakataon na maglalagay ako ng order. Ang lubos kong kinatatakutan ay ang magising ako isang umaga para makita na ang aking kabuuang kapalaran ay naglaho sa magdamag. Bilang resulta, nagkaroon ako ng insomya at madalas mawalan ng gana sa pagkain. Pagkatapos maging abala sa stock market sa mahabang panahon, nawalan ako ng gana sa aking trabaho, nawalan ng gana sa aking mga pagkakaibigan, at nawalan ng gana sa pag-ibig. Kaya nagbitiw ako sa aking trabaho upang mailaan ko ang aking buong pansin sa stock market.
Isang araw, nakarating sa aking kaalaman ang isang pagkakataon para mamuhunan na nagsasabing makakalikha ng 8% balik sa puhunan kada buwan. Sa pag-iisip na ito na ang pagkakataon kong humakot ng malaking kita, at pinangingibabawan ng pagnanasa, inilagay ko ang lahat ng aking naipon sa pamumuhunang ito. Bago pa man magsimulang magbigay ng kita ang pamumuhunan, gayunpaman, ang lahat ay nasiwalat at nabunyag ito bilang isang panloloko. Hindi na kailanman iniisip ang ipinangakong interes na kinita—sa bandang huli, ni hindi ko mabawi ang prinsipal, na parang naglaho na lang bigla nang walang sinuman ang nakakaalam. Sa mga taong iyon, nalugi ako ng daan-daang libong dolyar sa stock market. Ako ay nadurog. Ngunit makagayunman, hindi pa rin ako sumuko. Nakita ko na patuloy na tumataas ang halaga ng dalawa o tatlo sa mga paupahang bahay na aking ipinuhunan noong una, at sinisi ko ang aking sarili sa hindi pagbili ng mas marami pa. Kaya, nagpatuloy ako at nangutang pa nang nangutang upang bumili ng dalawang mamahaling paupahang bahay sa isang pang-mayamang lugar. Pagkatapos, mula kung saan, ang merkado ng real estate ay sumubsob, at ang mga mamimili ay biglang nawala. Pagkatapos ng sunud-sunod na bigong pamumuhunan, pagkalugi nang husto sa real estate, hanggang leeg na pagkakalubog sa utang, nadama ko na ang lahat ng aking pagsisikap sa nakalipas na mga taon ay nauwi sa wala. Nalungkot ako nang husto. Walang anumang salita ang makapagpapahayag sa kapighatian sa aking puso at, sa bingit ng panlulupaypay ng katawan at isip, natumba ako sa sahig at umiyak sa loob ng dalawang oras.
Kinalaunan, nabasa ko ang isang artikulo sa balita tungkol sa isang kabataan, babaeng propesyonal na wala pang asawa na, kagaya ko, ay nagsikap din nang husto para sa kanyang sarili bilang isang mayaman at may mataas na posisyon sa kumpanya. Kagaya ko, bumili din siya ng mamahaling ari-arian nang malapit nang malugmok ang real estate at nalugi ng halos sangkapat na milyong dolyar sa loob lamang ng anim na buwan. Sa labis na kabiguan, umakyat siya sa pinakamataas na palapag ng gusali ng kanyang opisina at nagpatiwakal. Nanginig ako sa pagbabasa niyon. Bakit tatapusin ng isang kabataan, matagumpay na babae na kagaya ng ganoon ang kanyang buhay dahil lang sa ilang daang libong dolyar? Nalito talaga ako sa kuwento ng balitang iyon. Ano nga ba talaga ang halaga ng pagkakaroon ng isang matagumpay na buhay? Ang paghahabol ba talaga sa katanyagan at pakinabang ang susi sa kaligayahan?
Salamat sa Diyos, sa oras ng aking kapighatian at matinding kabiguan, ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw ay dumating sa akin. Binasa ko ang mga salita ng Diyos: “Ano ang ginagamit ni Satanas upang mapanatili ang tao sa mahigpit nitong kontrol? (Katanyagan at pakinabang.) Kaya, ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao, hanggang sa ang naiisip ng mga tao ay pawang katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, nagbabata ng kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakripisyo ang lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at gagawa sila ng anumang paghatol o pagpapasiya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan, iginagapos ni Satanas ang tao gamit ang kadenang hindi nakikita, at wala silang lakas ni tapang na iwaksi ang mga ito. Walang kaalam-alam nilang dinadala ang mga kadenang ito at lumalakad nang may matinding paghihirap. Para sa kapakanan ng katanyagan at pakinabang na ito, ang sangkatauhan ay lumalayo sa Diyos at pinagtataksilan Siya at mas lalo silang nagiging masama. Sa ganitong paraan, samakatuwid, nasisira ang sali’t salinlahi sa katanyagan at pakinabang ni Satanas.” “Ang katanyagan at mabuting kapalaran na natatamo ng isang tao sa materyal na mundo ay maaaring makapagbigay sa kanya ng panandaliang kasiyahan, lumilipas na kaaliwan, at isang huwad na pakiramdam ng kaluwagan; dahilan para mawala sa landas ang isang tao. Kaya habang sila’y kumakawag-kawag sa malawak na dagat ng sangkatauhan, nananabik sa kapayapaan, kaginhawahan, at kapanatagan ng puso, ang mga tao’y muli’t muling nadadala sa ilalim ng mga alon. Kapag malalaman pa lamang ng mga tao ang mga katanungan na pinakamahalagang maunawaan—kung saan sila nanggaling, bakit sila nabubuhay, saan sila patutungo, at iba pa—sila ay naaakit ng katanyagan at mabuting kapalaran, inililigaw, kinokontrol ng mga ito, tuluyan nang nawala. Mabilis na lumilipas ang panahon; dumadaan ang mga taon sa isang kisapmata; at bago pa matanto ng isang tao, siya ay nakapagpaalam na sa pinakamaiinam na taon ng kanyang buhay.”
Pagkatapos bulaying mabuti ang salita ng Diyos, napagtanto ko sa wakas na ang paghahabol sa katanyagan at pakinabang ay, sa totoo lang, ang maling landas na tatahakin—talaga, ito ang paraan ni Satanas ng paggapos sa tao gamit ang hindi nakikitang mga tanikala. Sa kanilang mahigpit na paghahabol ng katanyagan at pakinabang, ang mga tao ay nawawala sa kanilang mga sarili at lalong nagiging mas masama, nagbibigay-daan sa isang buhay na puspos ng lalo pang mas maraming kapighatian. Naalala ko ang mga kautusan upang mabuhay na aking kinasadlakan sa loob ng maraming taon na may kasamang mga pagkaunawa kagaya ng pagtatangka na maging angat sa iba at “ang mga tao ay nagsisikap nang husto upang umangat, ngunit ang tubig ay dumadaloy pababa.” Ang aking kabuuang layunin sa buhay ay ang umangat nang husto, at inisip ko na ang posisyon ng isang tao sa lipunan ay pinagpapasiyahan ng kanilang trabaho at ng kabuuang halaga ng kanilang pera at ari-arian. Sa ganitong saloobin, nakatuuon ang isip kong hinangad ang mga layunin ng pagpapataas sa aking katayuan at pagkakamal ng pera, gaano man kahirap humangga ang mga bagay o gaano mang kapighatian ang danasin ko. Nang una kong pasukin ang mundo ng pagtatrabaho, walang-kapaguran akong nagtatrabaho nang husto araw at gabi para sa pagkakataong mapataaas ang posisyon, wala na tuloy akong panahon pa para maisipang manligaw. Di-nagtagal, nagsimula ng magparamdam ang aking katawan na pinapagod ko na nang husto ang aking sarili. Nang hindi maitaas-taas ang aking posisyon sapagkat wala akong dagdag na pinag-aralan, hindi matanggap ng aking sarili ang kasalukuyang kalagayan at sa halip iniwan ko ang aking trabaho upang mag-aral sa ibang bansa, nagsisikap upang madagdagan ang aking kaalaman. Pagkatapos kong makamit ang aking master’s degree, bagamat nakuha ko na sa wakas ang trabaho na pinapangarap ko at namumuhay nang mariwasa, hindi pa rin ako nasisiyahan, kaya nagpasya akong sumulong pa nang kaunti sa pagiging isang negosyante. Sa pagsisikap na yumaman kaagad, umalis pa ako sa aking trabaho upang ilaan ang lahat ng aking oras at lakas sa stock market. Sa bandang huli, itinaya ko ang lahat ng aking ipon sa isang pakikipagsapalaran na umubos sa aking pera at lubog sa utang. Pagkatapos, sa pagtatangka na makabawi, lalo pa akong nangutang upang mamuhunan sa real estate. Sa bandang huli, wala kong anumang nakamit. Bagamat maari ko namang piliin na makapamuhay ng isang simple, maligayang buhay, subalit hinangad ko ang katanyagan at pakinabang anuman ang magiging kapalit, naudyukan ng mga kautusan para mabuhay ni Satanas na nagsasabing “ang mga tao ay nagsisikap nang husto upang umangat, ngunit ang tubig ay dumadaloy pababa,” at “kung walang pagsisikap, walang mararating.” Sa sandaling magtamo ako ng isang bagay, gusto ko ng isang bagay na mas mainam pa. Hindi ako kailanman nasiyahan sa kasalukuyang kalagayan, at kapag ako ay nabigo, iyon ang lalong pinakamasakit. Kagaya ng isang langaw na nasilo sa isang sapot ng gagamba, ako ay lubos na nalulong sa paghahabol ko sa katanyagan at pakinabang nang wala ni pagkakataon mang makasinghap. Naging malinaw din ito sa akin sa wakas na ang paghahabol sa katanyagan at pakinabang ay hindi nagbigay ng kaligayahan sa akin. Sa kabaligtaran, ito ay walang katapusang pagbulusok sa aking pagkawala sa sarili, pagsasakripisyo sa aking kalusugan, hindi pagkakaroon ng pagkakataon sa isang normal na buhay, pagkalugmok napakaraming kabiguan, idinulot lahat ng paghahabol sa katanyagan at pakinabang. Idagdag pa rito, napagtanto ko kung bakit ang matagumpay na kabataang babaeng iyon na nabasa ko sa balita ay nagpatiwakal pagkatapos malugi ng sangkapat na milyong dolyar. Ito ang resulta sa kabuuan ng pagkakaroon ng maling pananaw sa buhay at ang kahihinatnan ng paghahabol sa katanyagan at pakinabang. Ang mapagtanto ang mga ito ang nagbigay sa akin ng kahandaan na labanan si Satanas, itinulak ako nito upang taimtim na hangarin ang katotohanan at hindi kailanman hahayaan ang aking sarili na maligaw sa pagkukumahog para sa katanyagan at pakinabang.
Di-nagtagal, gayunpaman, napansin ko na sa bawat pagkakataong makakita ako ng sinumang sumasagana ang buhay, nagtataguyod ng isang maligayang pamilya, at nasisiyahan sa napakagandang karera, dama ko palagi na ako ay isang bigo bilang tao dahil nag-iisa pa rin ako at walang trabaho. Nang maglaon, umandar na naman ang pagkahumaling ko sa ambisyon. Namuhunan ako ng panibagong malaking halaga ng pera na muling sumaid sa aking pinagsikapang ipunin. Noon ko lamang napagtanto kung gaano katindi akong nasilo ng paghahangad na ito ng katanyagan at pakinabang. Dahil salat sa katotohanan, hinayaan ko ang aking sarili na malayang pangibabawan ni Satanas. Sa kaibuturan, tumawag ako sa Diyos upang saklolohan ako, hinihiling sa Kanya na tulungan akong makatakas sa patibong na ito ng katanyagan at pakinabang. Kinalaunan, naalala ko ang isang kapamilya na hinahangaan ng lahat. Siya ay ubod nang yaman, ang kanyang anak na lalaki ay mayroong matagumpay na karera, at noong isang taon lang naglakbay siya sa Estados Unidos upang tumulong sa pag-aalaga sa kanyang apo. Subalit, sa taong ito, hindi inaasahan na siya ay natuklasang may isang malalang sakit. Nakahiga na lamang sa isang kama sa ospital, siya ay nag-iisa at walang magawa, naghihintay na lamang na matapos ang kanyang buhay. Sa gayon ay naalala ko ang ina ng aking hipag. Nang sila ay bata pa, siya at ang kanyang asawa ay lumikha ng isang buhay para sa kanilang mga sarili mula sa wala, kabilang ang kumita ng kaunting pera mula sa pagbubukas ng isang maliit na pabrika at pagbili ng ilang pinauupahang ari-arian. Subalit sa puntong iyon, siya dinapuan din ng sakit at hindi na maasikaso ang sarili. Nanatili siya sa lumipas na ilang taon sa isang bahay-kalinga at ibinenta ang lahat ng kanyang ari-ariang bahay at lupa, ginugol ang halos huling sentimo na kanyang naipon nang siya at ang kanyang asawa ay mas bata pa—isang kaawa-awang wakas sa kanyang mga huling taon. Pagkatapos ay naroroon ang isa sa matatalik kong kaibigan na matagal ko ng kilala. Mataas ang kanyang posisyon sa kanyang kumpanya ngunit kalaunan ay natuklasang mayroong kanser sa dibdib at kinailangang iwanan ang kanyang trabaho. Bagamat sa bandang huli ay natalo niya ang kanser sa pamamagitan ng kemoterapi, ang paggamot ay nauwi sa halos pagkaubos ng lahat ng kanyang pinagsikapang ipunin. Ang lahat ng mga kaibigang ito at mga kapamilya ay mga babae na matagumpay ang mga karera at nagtamo ng mataas na katayuan sa lipunan. Gayunpaman, gaano mang katanyagan at pakinabang ang kanilang natamo, nang sumapit ang sandali upang harapin ang karamdaman at kamatayan, tila silang lahat ay napakahina, napakaliit. Ang makita ang kinahinatnan nila ay masyadong madamdamin para sa akin. Gaano man kainam ang mayroon tayo, gaano man tayo ka kagalang-galang, gaano man karaming tao ang pumupuri sa atin—wala ni isa rito ang maipagpapalit para sa mabuting kalusugan o makapagbibigay ng buhay sa atin. Ano, kung gayon, ang kabuluhan ng paghahabol sa katanyagan at pakinabang?
Nabasa ko ang sumusunod na sipi mula sa mga salita ng Diyos: “Ginugugol ng mga tao ang kanilang mga buhay sa paghahanap ng salapi at katanyagan; mahigpit silang kumakapit sa mga dayaming ito, iniisip na ang mga ito ang tanging paraan nila ng suporta, na para bang kung mayroon sila nito ay maaari silang patuloy na mabuhay, na maaari silang malibre sa kamatayan. Subalit kung malapit na silang mamatay doon lamang nila natatanto kung gaano kalayo ang mga bagay na ito sa kanila, kung gaano sila kahina sa harap ng kamatayan, kung gaano sila kadaling mabasag, kung gaano sila kalungkot at tila walang-kakayahan, at walang matatakbuhan. Natatanto nila na ang buhay ay hindi nabibili ng salapi at katanyagan, na gaano man kayaman ang isang tao, gaano man kataas ang kanyang posisyon, lahat ng tao ay pantay-pantay na mahihirap at walang halaga sa harap ng kamatayan. Natatanto nila na hindi nabibili ng pera ang buhay, na hindi mabubura ng katanyagan ang kamatayan, na alinman sa pera o katanyagan ay di-makakapagpahaba ng buhay ng isang tao nang kahit na isang minuto o kahit na isang segundo.” Nang ikumpara ko ang salita ng Diyos sa lahat ng pinagdaanan ng aking mga kaibigan at mga mahal sa buhay, nagliwanag sa akin na ang mga bagay kagaya ng pera, kalagayan sa lipunan, mga mamahaling kotse, at mga mansyon ay walang anumang likas na halaga. Wala tayong anumang dala-dala sa mundong ito nang tayo ay isilang, at tiyak na wala tayong madadalang anuman nito kapag tayo ay namatay—ang lahat ay panandalian lang. Ang totoo, walang anuman sa mga bagay na ito ang may kabuluhan kapag naghahanda na tayong makipagkita sa kamatayan. Hindi makapagdudulot sa atin ang mga ito ng kapayapaan o kaligayahan, o makapagpapatakas sa atin mula sa kamatayan. Kagaya ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? o ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” (Mateo 16:26). Muli, naisip ko ang katunayan na bagamat ako ay nakipaglaban at nagsikap nang husto sa loob ng maraming taon, nakamtan ang katanyagan at pakinabang, tinanggap at iginalang ng iba, at panandaliang nabigyang kasiyahan ang aking sariling kayabangan, hindi kailanman nagbigay ang mga bagay na ito ng tunay na kaligayahan sa akin. Sa kabaligtaran, pinalala lamang ng mga ito ang aking mga pagnanasa at nagdulot ng pisikal na kapighatian at kakulangan sa aking puso. Nang maisip ko ito, bumaling ako sa Diyos at nanalangin: “O Diyos! Napagtanto ko ngayon na pinili ko ang maling landas. Sa aking paghahabol ng katanyagan at pakinabang, muli akong nahulog sa bitag ni Satanas. O Diyos! Nagsisisi ako sa Iyo at nananalangin na aakayin Mo ako sa aking hinaharap na landas.”
Minsan, habang tinutupad ko ang aking mga panatang espiritwal, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Kung tinitingnan ng isang tao ang buhay bilang isang pagkakataon para maranasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha at makilala ang Kanyang awtoridad, kung nakikita niya na ang kanyang buhay ay isang pambihirang pagkakataon upang gampanan ang sariling tungkulin bilang isang nilikhang tao at tuparin ang kanyang misyon, kung gayon ay talagang magkakaroon siya ng wastong pananaw sa buhay, tiyak na magkakaroon ng buhay na pinagpapala at ginagabayan ng Lumikha, siguradong lalakad sa liwanag ng Lumikha, tiyak na makikilala ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, talagang magpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan, siguradong magiging isang saksi sa Kanyang mahimalang mga gawain at sa Kanyang awtoridad.” Pagkatapos basahin ang mga salitang ito mula sa Diyos, napagtanto ko sa wakas kung ano ang pinakamakabuluhang bagay ang dapat hangarin ng isang tao sa kanilang buhay. Tayo ay nilikha ng Diyos, at ang lahat ng mayroon tayo ay nagmula sa Diyos. Dapat nating hangaring makilala ang Diyos at maging isang tao na sumasamba at sumusunod sa Kanya. Ang Diyos ay mayroong plano sa bawat isang tao, usapin, at bagay sa ating pang-araw-araw na buhay upang ating maranasan ang Kanyang kalayaan at sumaksi sa Kanyang mga kilos. Sa paggawa nito, mabubuhay tayo upang bigyang kasiyahan ang Diyos at maging isang saksi sa Kanya. Ito ang tanging paraan upang tanggapin ang papuri ng Diyos, at ang tanging paraan upang isabuhay ang isang tunay na maligaya at payapang buhay. Dahil sa pagkaunawa kung ano ang kalooban ng Diyos, itinatalaga ko ngayon ang aking sarili sa iglesia at hindi na magpapagal para sa katanyagan at pakinabang. Nakikipagtulungan lang ako ngayon sa mga kaibigan upang isakatuparan ang ilang maliliit na transaksyon sa negosyo at inaasikaso ang hindi ganoon kalalaking pamumuhunan sa iba’t ibang lugar. Kapalit ng ningning at kaakit-akit na katanyagan at pakinabang, natagpuan ko ang pagbabahagi kasama ng mga kapatid habang sabay-sabay naming nauunawaan at nakikilala ang salita ng Diyos. Nagdulot ito sa akin ng totoong diwa ng kapayapaan sa aking puso, at ng isang pakiramdam ng kalayaan at pagpapalaya. Sa ibabaw ng lahat, sa pamamagitan ng aking sariling mga karanasan, natutuhan ko na ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos at paghahanap ng katotohanan lamang ang totoong susi sa tunay na kaligayahan! Salamat sa Diyos! Amen!
Inirerekomenda para sa iyo:
Para sa Kalusugan Mo, Magpahinga ka ng Husto
Isang Bagong Panimula sa Buhay: Pagpapaalam sa Pakikipagpalit ng Buhay Para sa Pera