Mag-subscribe

Menu

Susunod

"Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II" | Sipi 38

485 2020-06-03

Nakikita Lang ng mga Tao ng mga Huling Araw ang Galit ng Diyos sa Kanyang mga Salita, at ’Di Nila Tunay na Nararanasan ang Galit ng Diyos

Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, walang grupong lubos na nasiyahan tulad ng huling grupong ito sa biyaya o awa at mapagkandiling pagmamahal ng Diyos. Bagama’t, sa huling yugto, ginawa na ng Diyos ang paghatol at pagkastigo, at ginawa ang Kanyang gawain nang may kamahalan at poot, kadalasan ginagamit lang ng Diyos ang mga salita para tapusin ang Kanyang gawain; gumagamit Siya ng mga salita upang magturo, at magdilig, at magbigay, at magpakain. Ang galit ng Diyos, samantala, ay palaging nanatiling nakatago, at bukod sa nararanasang mabagsik na disposisyon ng Diyos sa Kanyang mga salita, kakaunting tao lang ang personal na nakaranas ng Kanyang galit. Na ang ibig sabihin, sa panahon ng paghatol at pagkastigo, kahit na ang galit na ibinunyag sa mga salita ng Diyos ay hinahayaan ang mga tao na maranasan ang kamahalan at kawalang-pagpaparaya ng Diyos sa kasalanan, hanggang sa Kanyang mga salita lang ang poot na ito. Sa ibang salita, ang Diyos ay gumagamit ng mga salita para pagalitan nang mabuti ang tao, ilantad ang tao, hatulan ang tao, kastiguhin ang tao at kahit isumpa ang tao—ngunit ang Diyos ay hindi pa talagang nagagalit sa tao, at bahagya pa lang na pinakawalan ang Kanyang poot sa tao nang hindi ginagamit ang Kanyang mga salita. Kaya, ang awa at mapagkandiling pagmamahal ng Diyos na naranasan ng tao sa kapanahunang ito ay ang pagbubunyag ng tunay na disposisyon ng Diyos, habang ang poot ng Diyos na naranasan ng tao ay epekto lang ng tono at pakiramdam ng Kanyang mga pagbigkas. Maraming tao ang nagkakamali sa pagtingin ng epektong ito bilang tunay na karanasan at tunay na kaalaman sa poot ng Diyos. Bilang resulta, naniniwala ang karamihan na nakita na nila ang awa at mapagkandiling pagmamahal ng Diyos sa Kanyang mga salita, na naranasan na nila ang walang-pagpaparaya ng Diyos sa mga kasalanan ng tao, at karamihan sa kanila ay pinahahalagahan pa ang awa at pagpaparaya ng Diyos sa tao. Ngunit gaano man kasama ang ugali ng tao, o gaano kasama ang kanyang disposisyon, palaging nagtitiis ang Diyos. Sa pagtitiis, ang Kanyang layunin ay ang maghintay sa mga salitang sinabi Niya, sa mga pagsisikap na ginawa Niya at sa halagang binayad Niya para maapektuhan ang mga taong gusto Niyang matamo. Ang paghihintay ng kinalabasan nito ay inaabot ng matagal na panahon, at nangangailangan ng paglikha ng iba’t-ibang kapaligiran para sa tao, sa parehong paraan na hindi agad nagiging magulang ang pag-iisip ng tao pagkapanganak nila, inaabot iyan ng labingwalo o labingsiyam na taon, at ang ilang tao naman ay kailangan ng dalawampu o tatlumpung taon bago maging magulang ang kanilang isipan. Hinihintay ng Diyos ang pagkumpleto sa prosesong ito, naghihintay Siya sa pagdating ng ganitong oras, at naghihintay Siya sa pagdating ng kalalabasang ito. At sa buong panahon na Siya ay naghihintay, ang Diyos ay lubos na mahabagin. Sa panahon ng gawain ng Diyos, gayunman, napaka-kaunting mga tao ang tinatanggal, at ang ilan ay pinaparusahan dahil sa kanilang malubhang pagsalungat sa Diyos. Ang ganitong mga halimbawa ay mas malaking patunay ng disposisyon ng Diyos na hindi pinapalampas ang pagkakasala ng tao, at ganap na pinapagtibay ang tunay na pag-iral ng pagpaparaya at pagtitiis ng Diyos sa mga hinirang Niya. Mangyari pa, sa mga karaniwang halimbawang ito, hindi nakakaapekto sa pangkalahatang plano sa pamamahala ng Diyos ang pagbubunyag ng bahagi ng disposisyon ng Diyos sa mga taong ito. Sa katunayan, sa huling yugtong ito ng gawain ng Diyos, ang Diyos ay nagtiis sa buong panahon ng Kanyang paghihintay, at ipinagpalit Niya ang Kanyang pagtitiis at ang Kanyang buhay para sa kaligtasan ng mga taong sumusunod sa Kanya. Nakikita ba ninyo ito? Hindi sisirain ng Diyos ang Kanyang plano nang walang dahilan. Maaari Niyang ipamalas ang Kanyang galit, at maaari rin Siyang maging mahabagin; ito ang pagbubunyag ng dalawang pangunahing bahagi ng disposisyon ng Diyos. Ito ba, o hindi ba ito, napakalinaw? Sa ibang salita, pagdating sa Diyos, tama at mali, makatarungan at hindi makatarungan, ang positibo at ang negatibo—ang lahat ng ito ay malinaw na ipinapakita sa tao. Kung ano ang Kanyang gagawin, kung ano ang gusto Niya, kung ano ang kinamumuhian Niya—ang lahat ng ito ay maaaring direktang nakalarawan sa Kanyang disposisyon. Ang ganitong mga bagay ay maaari ring higit na maliwanag at malinaw na nakikita sa gawain ng Diyos, at hindi malabo o pangkalahatan ang mga ito; sa halip, hinahayaan ng mga ito na ipakita sa lahat ng tao ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya sa isang talagang kongkreto, tunay at praktikal na paraan. Ito ang tunay na Diyos Mismo.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-iwan ng Tugon