Mag-subscribe

Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III" | Sipi 63

642 2020-07-02

Kahit na anuman ang marinig ng mga tao o magkamit ng pagkaunawa sa kung ano ang disposisyon ng Diyos, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ang kanilang nakakamit ay buhay na nagmumula sa Diyos. Sa sandaling ang buhay na ito ay iparanas sa iyo, ang iyong takot sa Diyos ay lalaki nang lalaki, at ang pagpitas sa aning ito ay magaganap sa talagang likas na paraan. Kung ayaw mong maintindihan o makilala ang tungkol sa disposisyon ng Diyos o ang Kanyang diwa, kung ayaw mo man lamang bulay-bulayin o pagtuunan ng pansin ang mga bagay na ito, masasabi Ko sa iyo nang may katiyakan na ang paraan ng iyong kasalukuyang paghahangad sa iyong pananampalataya sa Diyos ay hindi ka kailanman tutulutang mapalugod ang Kanyang kalooban o makamit ang Kanyang pagpupuri. Higit sa roon, hindi mo kailanman tunay na mararating ang kaligtasan—ito ang mga panghuling mga kahihinatnan. Kapag hindi naiintindihan ng mga tao ang Diyos at hindi nalalaman ang Kanyang disposisyon, ang kanilang mga puso ay hindi kailanman magagawang tunay na mabubuksan sa Kanya. Sa sandaling maintindihan nila ang Diyos, mauunawaan na nila at pahahalagahan kung ano ang nasa Kanyang puso nang may interes at pananampalataya. Kapag naintindihan mo at pinahalagahan kung ano ang nasa puso ng Diyos, ang iyong puso ay dahan-dahan, unti-unting, magbubukas sa Kanya. Kapag bumukas ang iyong puso sa Kanya, madarama mo kung gaano kahiya-hiya at kasuklam-suklam ang iyong mga pakikipag-ugnayan sa Diyos, ang iyong mga hinihiling sa Diyos, ang iyong sariling malabis na mga hangarin. Kapag ang iyong puso ay tunay na nagbukas sa Diyos, makikita mo na ang Kanyang puso ay gaya ng isang walang hanggang mundo, at ikaw ay papasok sa isang kaharian na hindi mo pa nararanasan kahit kailan. Sa kahariang ito ay walang pandaraya, walang panlilinlang, walang kadiliman, at walang kasamaan. Mayroon lamang kataimtiman at katapatan; tanging liwanag at pagkamarangal; tanging pagkamatuwid at kagandahang-loob. Ito ay puno ng pagmamahal at pag-aaruga, puno ng awa at pagpapaubaya, at sa pamamagitan nito ay mararamdaman mo ang kaligayahan at kagalakan ng pagiging buhay. Ang mga bagay na ito ang Kanyang ibubunyag sa iyo kapag binuksan mo ang iyong puso sa Diyos. Ang walang-hanggang mundong ito ay puno ng karunungan, at puno ng Kanyang pagka-makapangyarihan; ito ay puno rin ng Kanyang pag-ibig at ng Kanyang awtoridad. Makikita mo dito ang bawat aspeto ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, kung ano ang nagbibigay sa Kanya ng kagalakan, bakit Siya nag-aalala at bakit Siya nalulungkot, bakit Siya nagagalit…. Ito ang makikita ng bawat isang tao na magbubukas ng kanilang puso at hahayaang makapasok ang Diyos. Makapapasok lamang sa iyong puso ang Diyos kung ito ay bubuksan mo sa Kanya. Makikita mo lamang kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos, at makikita mo lamang ang Kanyang kalooban para sa iyo, kung Siya ay nakapasok sa iyong puso. Sa sandaling iyon, madidiskubre mo na ang lahat ng tungkol sa Diyos ay napakahalaga, na kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay karapat-dapat pakaingatan. Kumpara doon, ang mga taong nakapaligid sa iyo, ang mga bagay at mga pangyayari sa iyong buhay, at maging ang iyong mga mahal sa buhay, ang iyong kasama, at ang lahat ng mga bagay na iyong minamahal, ay hindi man lamang dapat banggitin. Ang mga ito ay napakaliit, at napakababa; mararamdaman mo na walang materyal na bagay ang muling makapaglalapit sa iyo, at hindi ka na nila mapagbabayad muli ng anumang halaga para sa kanila. Sa kababaang-loob ng Diyos makikita mo ang Kanyang kadakilaan at ang Kanyang pangingibabaw; higit pa rito, sa isang bagay na Kanyang ginawa na pinaniniwalaan mong masyadong maliit, makikita mo ang Kanyang walang hanggang karunungan at ang Kanyang pagpapaubaya, at makikita mo ang Kanyang tiyaga, ang Kanyang pagtitimpi, at ang Kanyang pag-unawa sa iyo. Magbubunga ito sa iyo ng pag-ibig para sa Kanya. Sa araw na iyon, makikita mo na ang sangkatauhan ay nabubuhay sa isang maruming mundo, na ang mga taong nasa tabi mo at ang mga bagay na nangyayari sa iyong buhay, at maging yaong iyong iniibig, ang kanilang pag-ibig sa iyo, at ang kanilang tinatawag na pag-iingat para sa iyo o ang kanilang malasakit para sa iyo ay hindi man lamang dapat banggitin—ang Diyos lamang ang iyong minamahal, at ang Diyos lamang ang iyong pakapahalagahan. Kapag dumating ang araw na iyon, naniniwala Ako na magkakaroon ng ilang mga tao na magsasabing: Ang pag-ibig ng Diyos ay napakadakila, at ang Kanyang diwa ay napakabanal—sa Diyos ay walang panlilinlang, walang kasamaan, walang inggit, at walang alitan, ngunit tanging pagkamatuwid at kawastuhan, at lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay dapat kasabikan ng mga tao. Dapat itong pagsikapan at hangarin ng mga tao. Sa anong batayan nakatatayo ang kakayahan ng mga tao na makamtam ito? Ito ba ay nakatayo batay sa pagkaunawa ng mga tao sa disposisyon ng Diyos, at sa kanilang pagkaunawa sa diwa ng Diyos. Kaya ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ay isang habang buhay na aral sa bawat tao, at ito ay isang habang buhay na layunin na hinahangad ng bawat isang tao na nagsisikap na mabago ang kanilang disposisyon, at nagsisikap na makilala ang Diyos.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-iwan ng Tugon