Ang pakikitungo ng Diyos sa panlabas na disposisyon ng tao ay isa ring bahagi ng Kanyang gawa; pakikitungo sa panlabas ng tao, hindi normal na sangkatauhan, halimbawa, o sa kanilang mga pamumuhay at gawi, kanilang mga paraan at kaugalian, pati na rin ang kanilang mga panlabas na mga gawain, at kanilang mga pagtaimtim. Ngunit kapag Kanyang hiniling sa mga tao na isagawa ang katotohanan at baguhin ang kanilang pagpapasya, ang pinagtutuonan ay ang mga motibasyon at paniwala nila sa kalooban. Hindi mahirap ang tanging pakikisalamuha sa iyong panlabas na disposisyon; ito ay tulad ng paghingi sa iyong huwag kumain ng mga bagay na iyong nais, na siyang madali. Na siyang humahaplos sa mga pananaw ng iyong kalooban, gayunpaman, hindi madaling talikuran: Kailangan nito labanan ang laman, at pagbayad, at magdusa sa harap ng Diyos. Ganap itong partikular sa mga motibasyon ng mga tao. Mula sa panahon ng kanilang paniniwala sa Diyos hanggang ngayon, ang mga tao ay nagkupkop ng maraming maling motibasyon. Kapag hindi mo isinasagawa ang katotohanan, iyong pakiramdam na lahat ng iyong layunin ay tama, ngunit kapag may nangyari sa iyo, makikita mong maraming mga maling pag-uudyok sa iyong kalooban. Kaya, kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, nagsasanhi Siya na matanto ng mga ito na maraming mga paniniwala sa kanilang kalooban na humaharang sa kanilang pagkilala sa Diyos. Kapag malaman mong mali ang iyong mga pag-uudyok, kung iyong magagawang itigil ang isinasagawa ayon sa iyong mga paniniwala at motibasyon, at magagawang magpatotoo sa Diyos at panindigan ang iyong posisyon sa lahat ng mangyayari sa iyo, ito ay nagpapatunay na kayo ay tumalima na labanan ang laman. Kapag ikaw ay lumaban sa laman, tiyak na mayroon isang labanan sa iyong kalooban. Susubukan at hihimukin ka ni Satanas na sumunod dito, susubukan at uutusan ka na sundin ang mga paniwala sa laman at panindigan ang mga interes ng laman—ngunit ang salita ng Diyos ay magpapaliwanag at magpapailaw sa iyong kalooban, at sa oras na iyon ay nasa iyo kung susundin ang Diyos o susundin si Satanas. Pagunahing ipinag-utos ng Diyos sa mga tao na isagawa ang katotohanan upang pakitunguhan ang mga bagay sa kalooban ng mga ito, upang harapin ang kanilang mga kaisipan, at kanilang mga paniwala na hindi laan para sa puso ng Diyos. Ginagabayan ng Banal na Espiritu ang kalooban ng mga tao, at ipinapatupad ang Kanyang mga gawa sa kalooban ng mga ito, at sa likod ng lahat ng mga bagay na nangyayari sa labanan: Sa bawat oras na isinasagawa ng mga tao ang katotohanan, o isinasagawa ang pag-ibig ng Diyos, mayroong isang malaking labanan, at kahit na ang lahat ay mukhang maayos sa kanilang laman, sa kailaliman ng kanilang mga puso, may isang buhay-at-kamatayan na digmaan na, sa katunayan, magpapatuloy—at sa pagtatapos lamang ng matinding labanang ito, matapos ang laganap na pagmuni-muni, maaaring pagpasyahan ang tagumpay o pagkatalo. Hindi niya alam kung tatawa o hihikbi. Dahil maraming mali sa motibasyon sa kalooban ng mga tao, o kaya’y dahil karamihan sa gawa ng Diyos ang tuligsa sa kanilang sariling paniniwala, kapag isinagawa ng mga tao ang katotohanan isang malaking labanan ang ginaganap sa likod ng mga eksena. Ang pagsasagawa ng katotohanang ito, sa likod ng mga eksena ang walang humpay na luha ng dalamhati ng mga tao, ang papatak bago tuluyang mapagpasyahan ng kanilang isipan na bigyang kasiyahan ang Diyos. Ito ay dahil sa labanang iyon na nagtitiis ang tao sa paghihirap at pagpipino; ito ang totoong pagdurusa. Kapag ang labanan ay napasaiyo, kung ikaw ay tunay na papanig sa tabi ng Diyos, magagawang mong bigyan ng kasiyahan ang Diyos. Ang pagdurusa sa kurso ng pagsasagawa ng katotohanan ay hindi maiiwasan; kung, kapag kanilang isinagawa ang katotohanan, ang lahat ng nasa kalooban nila ay tama, at hindi na sila kailangan pang gawing perpekto ng Diyos, at hindi magkakaroon ng labanan, at hindi sila magdurusa. Ito ay dahil sa maraming mga bagay sa kalooban ng tao ang hindi akmang gamitin ng Diyos, at karamihan ay mga lumalabang disposisyon ng laman, na kailangang matutunan ng tao ang leksiyon ng paglaban sa laman nang mas malalim. Ito ang tinatawag ng Diyos na paghihirap na Kanyang hiningi sa tao na ialay sa Kanya. Kapag ikaw ay nakakaranas ng mga paghihirap, magmadali at manalangin sa Diyos: Oh Diyos! Nais kong magbigay-kasiyahan sa Iyo, nais kong tiisin ang sukdol na paghihirap upang makapagbigay-kasiyahan sa Iyong puso, at gaano man kalaki ang mga kabiguang aking makatagpo, ako ay nararapat pa ring magbigay-kasiyahan sa Iyo. Kahit na ibigay ko pa ang aking buong buhay, nararapat pa rin akong magbigay-kasiyahan sa Iyo! Sa ganitong panata, sa iyong pananalangin kung gayon magagawa mong panindigan ang iyong testimonya. Sa bawa’t sandali na kanilang isinasagawa ang katotohanan, sa bawa’t oras na sumasailalim sila sa mga pagpipino, sa bawa’t oras na sila ay sinusubok, at sa bawa’t oras na ang gawa ng Diyos ay dumarating sa kanila, nagtitiis ang mga tao ng matinding sakit. Ang lahat ng ito ay isang pagsubok para sa mga tao, at kaya sa loob nilang lahat ay may isang digmaan. Ito ang aktwal na halagang kanilang binabayaran. Ang pagbabasa nang higit pa ng mga salita ng Diyos at higit na pag-aabala ay parang isang kabayaran. Ito ang nararapat gawin ng mga tao, ito ay ang kanilang tungkulin, at ang pananagutan na dapat nilang tuparin, nguni’t dapat na isantabi ng mga tao yaong nasa loob nila na kailangang maisantabi. Kung hindi, kung gayon gaano man kalaki ang iyong panlabas na pagdurusa, at gaano man katindi ang iyong naging pagsisikap, ang lahat ay mawawalan ng kabuluhan! Na ang ibig sabihin, tanging ang mga pagbabago sa iyong kalooban ang tutukoy kung ang iyong mga panlabas na paghihirap ay may halaga. Kapag ang iyong panloob na disposisyon ay nabago at iyong isinagawa ang katotohanan, kung gayon ang lahat ng iyong panlabas na paghihirap ay magkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos; kung walang naging pagbabago sa iyong panloob na disposisyon, kung gayon kahit gaano karaming paghihirap ang iyong tiisin o kung gaano kahigpit ang iyong pagsisikap sa panlabas, walang magiging pagsang-ayon mula sa Diyos—at ang paghihirap na hindi nakumpirma ng Diyos ay walang kabuluhan. Kaya, kung nabibilang ang halaga na iyong ibinayad ay malalaman sa pamamagitan ng kung nagkaroon ng pagbabago sa iyo o hindi, at kung isinagawa mo ba ang katotohanan o hindi at lumalaban sa sarili mong mga motibasyon at mga pagkaintindi upang makamit ang kasiyahan ng kalooban ng Diyos, ang pagkilala sa Diyos, at katapatan sa Diyos. Kahit gaano man ang iyong pag-aabala, kung hindi ka pa kailanman lumaban sa iyong sariling mga motibasyon, naghahanap lamang ng panlabas na mga aksyon at pagkataimtim, at hindi kailanman nagbibigay-pansin sa iyong buhay, kung gayon ang iyong paghihirap ay walang kabuluhan. Kung, sa isang tiyak na kapaligiran, mayroon kang nais sabihin, nguni’t sa iyong kalooban ramdam mo na ito ay hindi tama, na ito ay hindi makabubuti sa iyong mga kapatid na lalaki at babae, at maaaring makapanakit sa kanila, kung gayon hindi mo ito sasabihin, pipiliing tahimik na masaktan, sapagka’t hindi kaya ng mga salitang ito ang pagbibigay-kasiyahan sa kalooban ng Diyos. Sa oras na ito, magkakaroon ng paglalaban sa iyong kalooban, nguni’t ikaw ay magiging handang magdusa ng sakit at bumitaw sa iyong iniibig, magiging handa kang tiisin ang pagdurusa upang masiyahan ang Diyos, at bagaman ikaw ay panloob na magdurusa ng sakit, hindi ka magpapadala sa laman, at ang puso ng Diyos ay nasisiyahan, at ikaw rin ay malulubag sa kalooban. Ito ang tunay na pagbabayad ng halaga, at ang halaga na ninanais ng Diyos. Kung ikaw ay nagsasagawa sa ganitong paraan, siguradong pagpapalain ka ng Diyos; kung hindi mo makamit ito, kung gayon kahit gaano mo man nauunawaan, o gaano ka kahusay sa pananalita, itong lahat ay para sa wala! Kung, sa landas tungo sa pagmamahal sa Diyos, nagawa mong tumayo sa panig ng Diyos kapag Siya ay nakikipaglaban kay Satanas, at hindi ka bumabalik kay Satanas, sa gayon iyo nang makakamit ang pagmamahal ng Diyos, at ikaw ay makapaninindigan sa iyong testimonya.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos