Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 179

626 2020-08-09

Mula pa noong likhain sila ng Diyos, ang lahat ng mga bagay ay kumikilos alinsunod sa mga batas na itinakda ng Diyos at nagpapatuloy na umunlad nang maayos. Sa ilalim ng Kanyang pagmamasid, sa ilalim ng Kanyang pamamahala, ang lahat ng mga bagay ay maayos na umuunlad kaagapay ng kaligtasan ng mga tao. Walang anumang bagay ang makababago sa mga kautusang ito, at walang anumang bagay ang makasisira sa mga kautusang ito. Nang dahil sa pamamahala ng Diyos kaya maaaring magparami ang lahat ng nilalang, at dahil sa Kanyang tuntunin at pamamahala kaya ang lahat ng nilalang ay makakaligtas. Ito ay upang sabihin na sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, ang lahat ng mga nilalang ay nagsisiiral, umuunlad, nawawala, at muling magkakatawang-tao sa maayos na paraan. Kapag dumarating ang tagsibol, dinadala ng pag-ambon ng ulan ang damdaming iyon ng tagsibol at binabasa-basa ang lupa. Ang lupa ay nagsisimulang malusaw, ang damo ay tumutubo at umuusbong sa lupa at ang mga puno ay unti-unting nagiging luntian. Ang lahat ng buhay na bagay na ito ay nagdadala ng sariwang kalakasan sa lupa. Ito ang tanawin ng lahat ng nilalang na nagsisiiral at nagsisiunlad. Ang lahat ng uri ng hayop ay lumalabas din sa kanilang mga lungga upang damhin ang init ng tagsibol at simulan ang isang bagong taon. Ang lahat ng mga nilalang ay nagbibilad sa tag-araw at ikinagagalak ang init na dulot ng panahon. Ang mga ito ay mabilis na lumalaki; ang mga puno, ang damo, at ang lahat ng uri ng halaman ay mabilis na lumalago, saka sila namumukadkad at namumunga. Ang lahat ng nilalang ay masyadong abala sa panahon ng tag-araw, pati na ang mga tao. Sa taglagas, nagdadala ang mga ulan ng lamig ng taglagas, at ang lahat ng uri ng buhay na mga bagay ay nagsisimulang maranasan ang panahon ng pag-ani. Ang lahat ng nilalang ay nagbubunga, at nagsisimula na rin ang mga tao na anihin ang lahat ng uri ng bagay dahil sa paggawa sa taglagas ng mga nilalang na ito, nang upang maghanda ng pagkain para sa taglamig. Sa taglamig ang lahat ng nilalang ay unti-unting nagsisimulang magpahinga sa kalamigan, upang pumayapa, at ang mga tao ay nagpapahinga din sa panahong ito. Ang mga pagbabagong ito mula sa tagsibol papuntang tag-araw hanggang sa taglagas at hanggang sa taglamig—ang mga pagbabagong ito ay nagaganap lahat alinsunod sa mga kautusan na itinatag ng Diyos. Pinangungunahan Niya ang lahat ng nilalang at tao gamit ang mga kautusang ito at nakapagtatag para sa tao ng isang mayaman at makulay na paraan ng pamumuhay, naghahanda ng isang kapaligiran para sa kaligtasan na mayroong ibat ibang temperatura at ibat ibang panahon. Sa ilalim ng maayos na mga kapaligirang ito para sa kaligtasan, ang mga tao ay maaari ding makaligtas at makapagparami sa maayos na paraan. Hindi maaaring baguhin ng mga tao ang mga kautusang ito at walang sinuman at anuman ang makasisira sa mga ito. Anumang malaking mga pagbabago ang maganap sa mundo, ang mga kautusang ito ay patuloy na iiral at sila ay umiiral dahil ang Diyos ay umiiral. Ito ay dahil sa tuntunin ng Diyos at sa Kanyang pamamahala. Sa ganitong uri ng maayos, mas malaking kapaligiran, ang buhay ng mga tao ay makapagpapatuloy sa loob ng mga kautusan at mga patakarang ito. Nilinang ng mga kautusang ito ang sali’t salinlahi ng mga tao at sali’t salinlahi ng mga tao ang nakaligtas sa loob ng mga kautusang ito. Tinatamasa ng mga tao ang mga nilalang at itong maayos na kapaligiran para sa kaligtasan na nilikha ng Diyos para sa sali’t salinlahi ng mga tao. Kahit na nararamdaman ng mga tao na ang ganitong uri ng mga kautusan ay katutubo, kahit na lubos ang kanilang paghamak sa mga ito, at kahit na hindi nila nararamdaman na ang Diyos ang nagtutugma sa mga kautusang ito, na pinamamahalaan ng Diyos ang mga kautusang ito, kahit ano pa man, ang Diyos ay palaging sangkot sa hindi nagbabagong gawain na ito. Ang Kanyang layunin sa hindi nagbabagong gawain na ito ay para sa kaligtasan ng sangkatauhan, at nang upang makapagpatuloy ang mga tao.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX

Mag-iwan ng Tugon