Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 173

452 2020-08-09

Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan (Mga piling sipi)

4. Liwanag

Ang ikaapat na bagay na may kaugnayan sa mga mata ng tao—iyon ay, ang liwanag. Napakahalaga nito. Kapag nakakita ka ng maliwanag na ilaw, at ang liwanag ng ilaw na ito ay umaabot sa isang partikular na saklaw, ang iyong mga mata ay mabubulag. Gayunpaman, ang mga mata ng tao ay gawa sa laman. Sila ay hindi tinatablan ng pinsala. Mayroon bang sinuman ang nangahas na tumingin nang direkta sa araw? (Hindi.) Nasubukan na ba ito ng sinuman? Nasubukan na ito ng ilan. Kaya mong tumingin nang may suot na salaming pang-araw, tama? Kinakailangan nito ang tulong ng mga kagamitan. Kung wala ang mga kagamitan, ang hubad na mga mata ng tao ay hindi mangangahas na tumitig nang direkta sa araw. Walang ganitong kakayahan ang mga tao. Nilikha ng Diyos ang araw upang magdala ng liwanag sa sangkatauhan, ngunit minanipula rin Niya ang liwanag na ito. Hindi lamang basta iniwan ng Diyos ang araw at isinawalang-bahala ito matapos itong likhain. “Sino ang may pakialam kung ang mga mata ng tao ay kayang matagalan ito!” Hindi gumagawa ang Diyos ng mga bagay gaya niyon. Gumagawa Siya ng mga bagay nang napakaingat at isinasaalang-alang ang lahat ng aspeto. Binigyan ng Diyos ang sangkatauhan ng mga mata upang sila ay makakita, ngunit naghanda rin ang Diyos ng saklaw ng kaliwanagan kung saan kaya nilang makakita. Hindi ito mangyayari kung walang sapat na liwanag. Kung masyado ring madilim na hindi na kayang makita ng mga tao ang kanilang kamay sa kanilang harapan, kung gayon mawawala ang tungkulin ng kanilang mga mata at mawawalan ng bisa. Hindi kakayanin ng mga mata ng tao na matagalan ang mga lugar na masyadong maliwanag, at hindi sila magkakaroon ng kakayahan na makakita ng kahit ano. Kaya sa kapaligiran na tinitirhan ng sangkatauhan, nagbigay ang Diyos ng sapat na dami ng liwanag na akma sa mga mata ng tao. Ang liwanag na ito ay hindi makasasakit o makapipinsala sa mga mata ng tao. Higit pa rito, hindi mawawala ang gamit ng mga mata ng tao, at magagarantiya nito na ang mga mata ng mga tao ay magkakaroon ng kakayahan na makita nang malinaw ang lahat ng dapat nilang makita. Kaya nagdagdag ang Diyos ng sapat na dami ng mga ulap sa palibot ng araw at ng mundo, at ang densidad ng hangin ay may kakayahan ding salain nang normal ang liwanag na nakasasakit sa mga mata at balat ng tao. Ito ay magkaugnay. Dagdag pa rito, ang kulay ng daigdig na ginawa ng Diyos ay nagpapakita rin ng liwanag at ang lahat ng uri ng liwanag at nagtatanggal ng bahagi ng liwanag na nagdudulot ng hindi magandang pakiramdam sa mga mata ng tao. Sa ganoong paraan, hindi kailangan ng tao na palaging magsuot ng napakadilim na salaming pang-araw upang magkaroon ng kakayahang maglakad sa labas at ipagpatuloy ang kanilang buhay. Sa ilalim ng mga normal na mga pagkakataon, nakikita ng mga mata ng tao ang mga bagay sa loob ng saklaw ng kanilang paningin at hindi mahaharangan ng liwanag. Iyon ay, ang liwanag na ito ay hindi maaaring maging masyadong nakakasilaw o masyadong madilim: Kung ito ay masyadong madilim, ang mga mata ng tao ay mapipinsala at hindi nila magagamit ang mga ito sa napakatagal na panahon bago tumigil sa paggana ang kanilang mga mata; kung ito ay masyadong maliwanag, hindi ito makakayanang matagalan ng mga mata ng tao, at ang kanilang mga mata ay hindi magagamit sa loob ng 30 hanggang 40 taon o 40 hanggang 50 taon. Sa madaling sabi, ang liwanag na ito ay naangkop na makita ng mga mata ng tao, at ang pinsalang dala ng liwanag sa mga mata ng tao ay nabawasan ng Diyos sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan. Hindi alintana kung ang liwanag ay nagdadala ng mga benepisyo o mga sagabal sa mga mata ng tao, ito ay sapat upang hayaang tumagal ang mga mata ng tao hanggang sa katapusan ng kanilang buhay. Tama? (Oo.) Hindi ba pinag-isipan itong mabuti ng Diyos? Ngunit kapag si Satanas, ang demonyo, ay gumagawa ng mga gawain, ay hindi nagsasaalang-alang ng alinman sa mga ito. Wala itong pakialam kung ang isang bagay ay magdadala ng kapinsalaan sa mga tao. Gumawa ito ng maraming mga bagay upang mapinsala ang kapaligirang ekolohiya, at nakita na ng mga tao ang ilan dito. Ang liwanag ay maaaring masyadong maliwanag o masyadong madilim—hindi nito kailanman isinasaalang-alang ang mga pakiramdam ng sangkatauhan.

Ginawa ng Diyos ang mga bagay na ito sa lahat ng mga aspeto ng katawan ng tao—paningin, pandinig, panlasa, paghinga, pagdamdam … upang magamit nang husto para sa kakayahang kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan upang makayanan nilang mabuhay—upang mamuhay nang normal at magpatuloy na mabuhay. Ang nasabing umiiral na kapaligirang may buhay na nilikha ng Diyos ay ang kapaligirang may buhay na pinaka-angkop at kapaki-pakinabang sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Maaaring isipin ng ilan na ito ay hindi sapat at ang lahat ng ito ay napaka-ordinaryo lamang. Ang mga tunog, liwanag, at hangin ay mga bagay na pakiramdam ng tao ay kasama na sa kanilang pagkapanganak, mga bagay na maaari nilang tamasahin mula sa sandali ng kanilang pagkapanganak. Ngunit ang ginawa ng Diyos sa likod ng kanilang pagtatamasa ng mga bagay na ito ay isang bagay na kailangan nilang malaman at maunawaan. Sa kabila ng kahit nararamdaman mong mayroong anumang pangangailangan na maunawaan o malaman ang mga bagay na ito, samakatuwid, noong nilikha ng Diyos ang mga bagay na ito, gumugol Siya ng pag-iisip, nagkaroon Siya ng plano, nagkaroon Siya ng mga tiyak na ideya. Hindi Niya basta inilagay lang ang sangkatauhan sa nasabing kapaligirang may buhay, nang hindi sinasadya, o nang walang anumang pagsasaalang-alang. Maaari ninyong isipin na bawat isa sa mga bagay na ito na Aking tinalakay ay hindi isang malaking bagay, ngunit sa Aking pananaw, bawat bagay na ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan ay kailangan para sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Mayroong pagkilos ng Diyos sa bagay na ito.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII

Mag-iwan ng Tugon