Mag-subscribe

Menu

Susunod

"Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" | Sipi 152

495 2020-10-11

Pang Araw-araw na Salita ng Diyos | “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” | Sipi 152
Ang gawain ng Diyos sa gitna ng mga tao ay hindi maihihiwalay mula sa tao, dahil ang tao ay ang layon ng gawaing ito, at ang tanging nilikha ng Diyos na kayang magpatotoo sa Diyos. Ang buhay ng tao at lahat ng kanyang mga gawain ay hindi maihihiwalay mula sa Diyos, at lahat ay pinipigilan ng mga kamay ng Diyos, at maaari pang masabi na walang tao ang maaaring mag-isang umiral nang hiwalay sa Diyos. Walang maaaring magkaila nito, dahil ito ay isang katunayan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kapakinabangan ng sangkatauhan, at nakatuon sa mga pakánâ ni Satanas. Ang lahat ng kailangan ng tao ay nanggagaling sa Diyos, at ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng tao. Kaya, ang tao ay hindi kayang humiwalay sa Diyos. Ang Diyos, higit pa rito, ay hindi nagkaroon kailanman ng hangaring humiwalay sa tao. Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng buong sangkatauhan, at ang mga iniisip Niya ay laging mabuti. Para sa tao, kung gayon, ang gawain ng Diyos at ang mga iniisip ng Diyos (iyon ay, ang kalooban ng Diyos) ay kapwa “mga pangitain” na kailangang malaman ng tao. Ang gayong mga pangitain ay ang pamamahala rin ng Diyos, at gawain na hindi kayang magawa ng tao. Ang mga kinakailangan ng Diyos sa tao sa panahon ng gawain Niya, samantala, ay tinatawag na “pagsasagawa” ng tao. Ang mga pangitain ay ang gawain ng Diyos Mismo, o ang kalooban Niya para sa sangkatauhan o ang mga layunin at kahalagahan ng gawain Niya. Ang mga pangitain ay maaari ding sabihin na bahagi ng pamamahala, dahil ang pamamahalang ito ay ang gawain ng Diyos, at ito ay nakatuon sa tao, na nangangahulugang ito ang gawain na ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao. Ang gawaing ito ay ang patunay at ang daan kung saan sa pamamagitan nito ay nakikilala ng tao ang Diyos, at ito ay mahalagang-mahalaga para sa tao. Kung, sa halip na magbigay-pansin sa kaalaman sa gawain ng Diyos, nagbibigay-pansin lamang ang mga tao sa mga aral ng paniniwala sa Diyos, o sa mga mabababaw at hindi-makabuluhang mga detalye, kung gayon, hindi talaga nila makikilala ang Diyos, at, higit pa rito, sila’y hindi makasusunod sa puso ng Diyos. Ang gawain ng Diyos ay lubhang makatutulong sa pagkakilala ng tao sa Diyos, at ito ay tinatawag na mga pangitain. Ang mga pangitaing ito ay ang gawain ng Diyos, ang kalooban ng Diyos, at ang mga layunin at kahalagahan ng gawain ng Diyos; ang lahat ng mga iyon ay para sa kapakanan ng tao. Ang pagsasagawa ay tumutukoy sa kung ano ang dapat magawa ng tao, yaong dapat na magawa ng mga nilalang na sumusunod sa Diyos. Ito ay tungkulin din ng tao. Kung ano ang dapat na gawin ng tao ay hindi isang bagay na naunawaan ng tao mula sa kasimu-simulaan, kundi mga kinakailangan ng Diyos sa tao sa panahon ng gawain Niya. Ang mga kinakailangang ito ay unti-unting nagiging mas malalim at mas mataas habang gumagawa ang Diyos. Halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, kinailangang sundin ng tao ang batas, at sa Kapanahunan ng Biyaya, kinailangang pasanin ng tao ang krus. Iba ang Kapanahunan ng Kaharian: Ang mga kinakailangan sa tao ay mas matataas kaysa sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya. Habang ang mga pangitain ay nagiging mas mataas, ang mga kinakailangan sa tao ay lalo pang nagiging mas mataas, at lalo pang nagiging mas malinaw at mas makatotohanan. Gayon din, ang mga pangitain ay mas nagiging makatotohanan. Ang maraming totoong pangitaing ito ay hindi lamang kapaki-pakinabang sa pagsunod ng tao sa Diyos, nguni’t, higit dito, ay kapaki-pakinabang sa kanyang pagkakilala sa Diyos.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-iwan ng Tugon