Mag-subscribe

Menu

Susunod

"Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat" | Sipi 356

601 2020-08-17

Pang Araw-araw na Salita ng Diyos | “Ang Hinagpis ng Makapangyarihan sa Lahat” | Sipi 356
Mayroong napakalaking lihim sa iyong puso. Hindi mo alam na naroroon ito dahil ikaw ay namumuhay sa isang mundong walang nagniningning na liwanag. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay kinuha na ng masamang nilalang. Ang iyong mga mata ay nilukuban na ng kadiliman; hindi mo makita ang araw sa kalangitan, at pati na rin ang kumikislap na bituin sa gabi. Ang iyong mga tainga ay nababarahan na ng mga mapanlinlang na mga salita at hindi mo naririnig ang madagundong na tinig ni Jehova, pati na rin ang tunog ng dumadaloy na tubig mula sa trono. Nawalan ka ng lahat ng bagay na dapat ay pag-aari mo at lahat ng bagay na ipinagkaloob sa iyo ng Makapangyarihan sa lahat. Ikaw ay pumasok sa isang walang katapusang dagat ng kapaitan, na walang lakas ng isang pagsagip, walang pag-asa ng kaligtasan, naiwan lamang upang magpunyagi at maging abala. … Mula sa sandaling iyon, ikaw ay tiyak na mapapahamak sa kapighatian sa pamamagitan ng masama, napalayo mula sa mga pagpapala ng Makapangyarihan sa lahat, hindi maabot ng mga panustos ng Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay pumasok sa isang daan na wala nang balikan. Hindi na magawang pukawin ng milyong mga tawag ang iyong puso at espiritu. Natutulog ka nang mahimbing sa mga kamay ng masama, na tinukso ka papunta sa walang hangganang kaharian, na walang direksyon, na walang mga palatandaan ng daanan. Kung kaya, nawala ang iyong orihinal na kadalisayan, kawalang kasalanan, at nagsimulang magtago mula sa pag-aalaga ng Makapangyarihan sa lahat. Ang masama ang naglalayo sa iyong puso sa lahat ng bagay at nagiging iyong buhay. Hindi ka na takot dito, hindi na ito iniiwasan, hindi na rin ito pinagdududahan. Sa halip, itinuturing mo na rin ito bilang isang Diyos sa iyong puso. Sinisimulan mo na itong idambana, sambahin ito, hindi ka mahiwalay na para bang anino nito, at kapwa nangako sa isa’t isa sa buhay at kamatayan. Wala kang kaalam-alam kung saan ka nagmula, bakit ka umiiral, o bakit ka namamatay. Ang tingin mo sa Makapangyarihan sa lahat ay isang estranghero; hindi mo alam ang Kanyang pinagmulan, pati na rin ang lahat ng Kanyang ginawa para sa iyo. Ang lahat ng galing sa Kanya ay naging kamuhi-muhi para sa iyo. Hindi mo man lamang minamahal ang mga ito ni hindi man alam ang kanilang mga halaga. Ikaw ay naglalakad kasama ang masama, mula noong parehong araw na nagsimula kang tumanggap ng mga panustos mula sa Makapangyarihan sa lahat. Ikaw at ang masama ay tumahak sa loob ng libu-libong taon ng bagyo at unos. Kasama ito, sumasalungat ka sa Diyos, na pinagmulan ng iyong buhay. Hindi ka nagsisisi, lalo na ang malaman mong ikaw ay patungo sa punto ng pagkapahamak. Nakakalimutan mo na ang masama ay natukso ka, pinahirapan ka; nakakalimutan mo na ang iyong pinagmulan. Ganoon lang, ang masama ay namiminsala sa iyo unti-unti, hanggang sa ngayon. Ang iyong puso at ang iyong espiritu ay hindi na sensitibo at nabubulok na. Hindi ka na nagrereklamo tungkol sa pagdurusa ng mundo, hindi na naniniwala na ang mundo ay hindi makatarungan. Hindi mo na rin pinahahalagahan ang tungkol sa pag-iral ng Makapangyarihan sa lahat. Ito ay dahil itinuturing mo ang masama bilang iyong tunay na ama, at hindi ka na maaaring mapahiwalay mula sa kanya. Ito ang lihim sa iyong puso.

Sa pagdating ng bukang-liwayway, isang tala sa umaga ang sumisikat mula sa silangan. Ito ay isang tala na wala roon dati. Pinagliliwanag nito ang kalangitang tahimik at puno ng mga bituin at pinagdidingas ang napawing liwanag sa puso ng mga tao. Ang mga tao ay hindi na nalulungkot, dahil sa liwanag na ito, ang liwanag na kumikinang para sa iyo at sa iba pa. Ngunit tanging ikaw lamang ang nananatiling mahimbing ang tulog sa madilim na gabi. Hindi mo na marinig ang tunog, ni hindi makita ang liwanag, hindi mapansin ang pagdating ng isang bagong langit at isang bagong lupa, ang isang bagong kapanahunan. Dahil ang iyong ama ay nagsasabi sa iyo, “Aking anak, huwag kang bumangon, maaga pa. Sa labas ay malamig, manatili sa loob, baka tumagos ang tabak o sibat sa iyong mga mata.” Naniniwala ka lamang sa pangaral ng iyong ama, dahil naniniwala ka na tama ang ama dahil ang ama ay mas matanda kaysa sa iyo, at ang ama ay tunay na nagmamahal sa iyo. Ang ganitong mga pangaral at ganitong pag-ibig ay nagdudulot sa iyo na huwag nang maniwala sa mga alamat na may ilaw sa sanlibutan, at hindi na inaalala kung ang mundo ay may katotohanan. Hindi ka na naglakas-loob umasa sa pagliligtas mula sa Makapangyarihan sa lahat. Kontento ka na sa kasalukuyang kalagayan, hindi na umaasa para sa pagdating ng liwanag, at hindi na mananatiling nag-aantabay para sa mga pagdating ng maalamat na Makapangyarihan sa lahat. Sa iyong mga mata, ang lahat ng maganda ay hindi na muling mabubuhay, at hindi na rin patuloy na iiral. Sa iyong mga mata, ang bukas at ang kinabukasan ng sangkatauhan ay nawawala at napapahamak. Hinahawakan mo nang mahigpit sa damit ng iyong ama, handang magdusa nang magkasama, natatakot sa pagkawala ng iyong kapareha sa paglalakbay at ang direksyon ng iyong malayong paglalakbay. Ang malawak at makulimlim na mundo ay ginawa kang walang tinag at walang takot sa pagganap ng mga iba’t ibang papel sa mundong ito. Lumikha ito ng maraming “mandirigma” na hindi takot kahit sa kamatayan. Higit pa rito, ito ay lumikha ng mga pangkat ng mga taong hindi sensitibo at paralisado na hindi nakakaunawa ng layunin ng kanilang pagkakalikha. Ang mga mata ng Makapangyarihan sa lahat ay tumitingin sa paligid ng lubhang nahihirapang sangkatauhan, naririnig ang panaghoy ng mga nagdurusa, nakikita ang kawalang-kahihiyan ng mga nahihirapan, at nararamdaman ang kawalan ng kakayahan at pangamba ng sangkatauhan na nawalan ng kaligtasan. Itinakwil ng sangkatauhan ang Kanyang pag-aalaga, tinatahak ang kanilang sariling mga landas, at iniiwasan ang paghahanap Niya. Mas gusto nila na tikman ang lahat ng kapaitan ng malalim na dagat, kasama ang kaaway. Ang panaghoy ng Makapangyarihan sa lahat ay hindi na maririnig pa. Ang mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat ay hindi na handang abutin ang kalunos-lunos na sangkatauhan. Inuulit Niya ang Kanyang gawain, nababawi at nawawala, muli’t muli. Mula sa sandaling iyon, napapagod Siya, at nasisiphayo, kaya itinitigil Niya ang gawain sa Kanyang kamay, at hindi na naglilibot sa mga tao. … Ang mga tao ay hindi man lamang namamalayan ang mga pagbabagong ito, hindi namamalayan ang mga pagdating at paglisan, ang kalungkutan at pagkabigo ng Makapangyarihan sa lahat.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-iwan ng Tugon