Mag-subscribe

Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob: Kabanata 27" | Sipi 372

1,393 2021-11-03

Naranasan na ng mga tao ang Aking kagiliwan, taimtim na Akong pinaglingkuran ng tao, at taimtim nang nagpasakop ang tao sa Aking harapan, na ginagawa ang lahat para sa Akin sa Aking presensya. Subalit hindi ito magawa ng mga tao ngayon; wala silang ginagawa kundi manangis sa kanilang espiritu na para bang naagaw sila ng isang gutom na lobo, at nakakatingin lamang sila sa Akin na walang magawa, na walang-tigil na nananawagan sa Akin. Ngunit sa huli, hindi nila matakasan ang kanilang masamang kalagayan. Naaalala Ko kung paano nangako ang mga tao noong araw sa Aking presensya, na sumusumpa sa langit at lupa sa Aking presensya upang suklian ng kanilang pagmamahal ang Aking kabaitan. Malungkot silang nanangis sa Aking harapan, at ang tunog ng kanilang mga pagtangis ay nakakadurog ng puso, mahirap tiisin. Dahil sa kanilang matibay na pagpapasiya, madalas Kong tulungan ang sangkatauhan. Sa maraming pagkakataon, humarap sa Akin ang mga tao upang magpasakop sa Akin, at mahirap kalimutan ang kanilang kaibig-ibig na paraan. Sa maraming pagkakataon, minahal na nila Ako, na may matibay na katapatan, kahanga-hanga ang kanilang kasigasigan. Sa maraming pagkakataon, minahal na nila Ako hanggang sa punto na isakripisyo nila ang buhay nila mismo, minahal na nila Ako nang higit sa kanilang sarili—at nang makita Ko ang kanilang katapatan, tinanggap Ko na ang kanilang pagmamahal. Sa maraming pagkakataon, inialay na nila ang kanilang sarili sa Aking presensya, alang-alang sa Akin ay hindi sila nabahala sa harap ng kamatayan, at pinalis Ko ang pag-aalala sa kanilang mukha at maingat Kong sinuri ang kanilang kalagayan. Maraming pagkakataon Ko na silang minahal na parang isang natatanging kayamanan, at maraming pagkakataon Ko na silang kinamuhian bilang sarili Kong kaaway. Gayunpaman, hindi pa rin naaarok ng tao ang nasa Aking isipan. Kapag nalulungkot ang mga tao, dumarating Ako upang aliwin sila, at kapag mahina sila, dumarating Ako upang tulungan sila. Kapag naliligaw sila, binibigyan Ko sila ng direksyon. Kapag nananangis sila, pinupunasan Ko ang kanilang mga luha. Ngunit kapag nalulungkot Ako, sino ang makakaaliw sa Akin nang taos-puso? Kapag labis Akong nag-aalala, sino ang nagsasaalang-alang sa Aking damdamin? Kapag nalulungkot Ako, sino ang makakapawi sa sugatan Kong puso? Kapag kailangan Ko ang isang tao, sino ang nagkukusang tumulong sa Akin? Maaari kayang nawala na ang dating saloobin sa Akin ng mga tao, at hindi na ito mabalik kailanman? Bakit wala nang anumang natitira nito sa kanilang alaala? Paano nalimutan ng mga tao ang lahat ng bagay na ito? Hindi kaya lahat ng ito ay dahil ginawang tiwali ng kanyang kaaway ang sangkatauhan?

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos

Sino ang Maaaring Magmalasakit sa Kalooban ng Diyos?

Tao'y naranasan pagkagiliw Ko, dati'y naglingkod sila sa Akin at sila'y tunay na masunurin, ginagawa'ng lahat para sa 'Kin. Ngunit tao'y 'di na 'to kaya ngayon; sa espiritu nila sila'y umiiyak. Tinitingnan Ako, tumatawag ng tulong; 'di makakatakas sa suliranin nila.

Mga tao noo'y nangako, nanunumpa sa lupa at langit na bayaran kabaitan Ko ng buong pagmamahal nila. Umiyak silang may pighati sa 'Kin; iyak nila'y malungkot, hirap tiisin. Ibibigay Ko'ng tulong sa sangkatauhan dahil sa kanilang kapasyahan.

Kung tao'y malungkot, nandito Ako upang sila'y aliwin; kung sila'y mahina, tutulong Ako. Kung sila'y mawala, ibibigay Ko ang daan; at kung sila'y umiiyak, pupunasan Ko'ng luha nila. Ngunit kung Ako'y malungkot, sino'ng aaliw sa Akin? Kung Ako'y nag-aalala, sino'ng iintindi sa nadarama Ko?

'Di mabilang na beses tao'y sinunod Ako, kagandahan nila'y 'di malilimutan. Ako'y tapat nilang mahal, damdaming tunay kapuri-puri. 'Di mabilang na beses Ako'y minahal nila at buhay isasakripisyo. Dahil sa katapatang ito, pag-ibig nila'y nakamtan pagtanggap Ko.

IV

'Di mabilang na beses, inalay sarili nila, kamataya'y mahinahong hinaharap sa kapakanan Ko. Pag-aalala'y inalis sa mukha nila, maingat Kong minasdan mukha nila. 'Di mabilang na beses, sila'y minahal Ko animo'y yaman Ko sila. 'Di mabilang na beses, sila'y kinamuhian Ko, animo'y kaaway Ko sila. Tao'y 'di pa rin maaarok ano'ng nasa isip Ko.

Kung tao'y malungkot, nandito Ako upang sila'y aliwin; kung sila'y mahina, tutulong Ako. Kung sila'y mawala, ibibigay Ko ang daan; at kung sila'y umiiyak, pupunasan Ko'ng luha nila. Ngunit kung Ako'y malungkot, sino'ng aaliw sa Akin? Kung Ako'y nag-aalala, sino'ng iintindi sa nadarama Ko?

Kapag Ako'y malungkot, sino'ng maghihilom sa sugat ng puso Ko? Sino'ng makikipagtulungan sa Akin sa oras na kailangan Ko 'sang tao? Nakaraang saloobin ba ng tao sa Akin ngayo'y nawala, 'di na babalik? Bakit walang kahit isang natira sa alaala nila? Mga tao'y nakalimutan na'ng mga bagay na 'to, dahil ginawang tiwali ng kaaway.

Kung tao'y malungkot, nandito Ako upang sila'y aliwin; kung sila'y mahina, tutulong Ako. Kung sila'y mawala, ibibigay Ko ang daan; at kung sila'y umiiyak, pupunasan Ko'ng luha nila. Ngunit kung Ako'y malungkot, sino'ng aaliw sa Akin? Kung Ako'y nag-aalala, sino'ng iintindi sa nadarama Ko?

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon