Read more!
Read more!

Sa Pamamagitan ng Pagkawala sa Gapos ng Usap-usapan at sa Aking mga Pagkaunawa, Masaya kong Tinanggap ang Pagbabalik ng Panginoon

Ang landas papasok sa kaharian ng langit ay puno ng lahat ng iba’t ibang kahirapan at mga hadlang. Kung wala tayong pagkilala sa mga usap-usapan, madali tayong malilinlang, at maliligaw sa tunay na daan. Ang ating sariling mga pagkaunawa at mga kathang-isip ay mga hadlang din sa daan ng pagkakamit ng kaalaman ukol sa Diyos. Kailangan nating umasa sa Diyos upang kumawala sa gapos ng usap-usapan at sa ating sariling mga pagkaunawa at makinig sa tinig ng Diyos upang matanggap ang pagbabalik ng Panginoon.

Epigrap

Pagkasumpong sa Espiritwal na Panustos na Matagal Ko Nang Kinasabikan

Ang mga bulaklak ay namumukadkad at natutuyo, dumaan ang mga tagsibol at ang mga taglagas ay dumating. Sa kalendaryo, naniniwala ako sa Diyos sa loob ng 15 taon.

Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula, ngunit isang araw, natuklasan ko na ang ipinangangaral ng mga pastor at ng mga nakatatanda ay mapurol at mapanglaw. Madalas, bago pa man sila makarating sa pangunahing paksa, ang ilang mananampalataya ay matutulog na sa mga pagtitipon, habang ang iba ay maglalaro gamit ang kanilang mga telepono o aalis sa kalagitnaan, at ang ibang mga kapatid na lalaki ay sasamantalahin ang mga paggtitipon upang magbenta ng seguro o mga produktong tuwirang naibebenta. Pagkakita sa mga bagay na ito sa ganitong paraan lalo pa akong nalungkot at nasiraan ng loob. Unti-unti, nawalan ako ng gana at pagnanais sa buhay iglesia, at ang aking espiritwal na buhay ay naging lalong madilim at nawalan ng liwanag. Sa Biblia, nabasa ko, “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan(Mateo 7:7)Tumawag ka sa akin, at ako’y sasagot sa iyo, at ako’y magpapakita sa iyo ng mga dakilang bagay, at mahihirap na hindi mo nangalalaman(Jeremias 33:3) Pagkatapos niyon, muli akong nakadama ng isang piraso ng pag-asa sa aking puso, kaya patuloy akong nanalangin sa Diyos upang manghingi ng paggabay at direksyon upang akayin akong palabas sa aking mga kahirapan.

Sa wakas, di-nagtagal.isang himala ang nangyari! Isang araw, nakilala ko ang isang kapwa Kristiyano sa Facebook, at nang anyayahan niya akong sumali sa kanyang grupo sa pag-aaral ng Biblia sa online, masaya akong sumang-ayon. Sa unang pagtitipon, tinalakay ng Kapatid na Zhang ang paglikha ng Diyos, at nagbasa rin ng mga salita mula sa isang atikulo sa awtoridad ng Diyos na tinatawag na “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I.” Lubos kong nadama na ang mga salitang ito ay mayroong awtoridad at kapangyarihan. Binasa rin niya ang isang artikulo na may kaugnayan sa mga pagbubunyag tungkol sa hiwaga ng “Ang Anim na Sugpungan sa Buhay ng Tao,” ang bawat salita niyon ay tumatak nang husto sa loob ko, at nagbigay sa akin ng mga bagong pagpapakahulugan sa pag-aasawa at sa tahanan. Nadama ko na ang mga salitang ito ay kahanga-hanga. Ginising ng mga ito ang aking puso mula sa matinding pagkatuliro nito. Nadama ko na ito ang matagal ko nang hinahanap, at na ngayon, sa wakas, natagpuan ko na talaga ang espiritwal na panustos na kinasasabikan ko!

Sa mga pagtitipon na sumunod, ibinahagi ng kapatid na lalaki na may kinalaman sa pagdidilig sa akin ang ukol sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, at nagpatotoo rin na ang Panginoong Jesus ay nagbalik bilang ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos sa Tsina, at batay sa gawain ng pagtubos, ipinahayag Niya ang katotohanan upang gawin ang karagdagang gawain ng paghatol at paglilinis sa sangkatauhan, na ganap na nililinis ang masasamang disposisyon sa loob natin at nagtutulot sa atin na ganap na maligtas ng Diyos. Nakita ko kung paano isinama ng kapatid ang Biblia sa kanyang pagbabahagi, at na ito ay makatuwiran, ayon sa katuwiran, at gayundin ay bago sa akin. Nasiyahan ako nang husto na marinig ito, kaya nagpatuloy akong magsuri. Pagkatapos, ibinahagi niya sa akin ang tungkol sa hiwaga ng pagkakatawang-tao, ang hiwaga ng pangalan ng Diyos, ang tunay at maling mga pamamaraan, paano makikilala ang bulaang Cristo, at marami pang iba. Ang lahat ng mga ito ay mga aral na hindi ko pa narinig noong una, at ang mga ito ay lubos na kapaki-pakinabang sa akin, kaya habang dumarami ang aking naririnig, lalo akong nagiging intresado. Sa bawat pagtitipon, sinikap kong magplano ng oras para mag-online, at lubos akong naaliw sa akin mga pagtitipon kasama ng aking mga kapatid.

Dahil sa mga Usap-usapan Kamuntik Ko nang Hindi Nakita ang Pagbabalik ng Panginoon

Kinalaunan, buong-kasabikan kong inanyayahan ang isang kaibigan upang makinig sa mga sermong ito sa online kasama ko, ngunit nabigla ako sa narinig na sinasabi ng aking kaibigan pagkatapos, “Maging maingat. Sinabihan tayo ng mga pastor sa iglesia na huwag makinig sa mga sermon sa online, lalung -lalo na sa mga mula sa Kidlat ng Silanganan, at napakarami rin ng impormasyon na humuhusga sa kanila sa online.” Naging dahilan iyon upang hindi ako mapakali, kaya nag-online ako upang hanapin ang Kidlat ng Silanganan, at nabigla ako nang husto na t makita talaga ang mga negatibong balita tungkol sa kanila. Pagkatapos niyon, nang malaman ng mga nakatatanda at ng mga diakono sa aking iglesia na nakikipagkita ako sa aking mga kapatid mula sa Ang Iglesia Makapangyarihang Diyos, dumating sila at ipinakita nila sa akin ang maraming webpage na ngalalaman ng negatibong impormasyon tungkol sa kanila. Nagsimula akong malito at walang magawa. Tunay ba akong naniwala sa maling landas? Upang matiyak na hindi ko tinahak ang maling landas sa aking paniniwala, nagpasya ako na titigil na sa pagdalo sa kanilang mga pagtitipon.

Ngunit sa gabing iyon, habang ako ay nasa higaan, hindi pa rin ako mapakali. Naisip ko nang detalyado ang tungkol sa mga bagay na sinabi ng aking mga pastor at mga nakatatanda sa mga pagtitipon, at natanto ko na madalas silang mangaral sa sauladong mga salita tungkol sa Biblia o sa mga teoryang pangteolohiya. Ang kanilang mga sermon ay mapanglaw at walang lasa, at hindi naglalaan ng panustos na espiritwal sa anumang paraan, na naging dahilan upang ang aking espiritwal na kalagayan ay lalong lumala. Gayunman sa pamamagitan ng aking pakikibahagi kasama ng aking mga kapatid sa nakaraang ilang araw, naunawaan ko ang ilang katotohanan, nagkamit ng bagong kaalaman ng mga bagay sa Biblia kagaya ng mga hula ng pagbabalik ng Panginoong Jesus at gawain ng Diyos, nagkamit ng panustos na hindi ko kailanman nadama noong una, at nagsimulang makaramdam ng kasaganaan sa aking espiritu. Kung ang Diyos ay hindi dumating upang ipahayag ang katotohanan, sino pa ang makapaghahayag sa mga hiwagang ito? Narinig ko ang balita sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, hindi ba ako dapat maghanap at magsuri? Kung mawawalan ako ng pagkakataon na tanggapin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, magiging masyado nang huli na para magsisi? Ngunit bakit napakarami ng mga negatibong ulat tungkol sa kanila sa online? Parang nawala ako, nalito, naging kumplikado, at nag-alala. Sa loob ng ilang araw, dahil sa isang labanan ang nag-uumigting sa aking puso, ako ay miserable, hindi ako makatulog sa gabi, hindi ko maituon ang aking pansin sa trabaho. Makapananalangin lang ako sa Diyos upang hingin ang Kanyang paggabay, direksyon, at makalabas sa kadilimang ito.

Nang mahalata ng Kapatid na Zhang na hindi ako nakarating sa ilang pagtitipon, ipinagtanong niya ako dahil sa pag-aalala, at sinabi ko sa kanya ang tungkol sa aking mga isipin. Ibinahagi sa akin ng Kapatid na Zhang, “Sa Biblia, hinulaan ng Panginoong Jesus: ‘Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao(Mateo 24:27). ‘Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan(Lucas 17:24). Nalalaman nating lahat na ang “silangan” ng mundo ay tumutukoy sa Tsina. Ayon sa Kanyang mga pangako at mga hula, sa mga huling araw, magpapakita Siyang muli sa katawang-tao sa Tsina, kung saan ay ihahayag Niya ang katotohanan at gagawin ang karagdagang gawain upang hatulan at linisin ang sankatauhan. Ang mga salita ng Makpangyarihang Diyos ay kagaya ng isang matinding liwanag na nagpapakita sa silangan at inuuga ang buong mundo. Sa bawat relihiyon at denominasyon, nakikita ng mga naniniwala nang tapat sa Diyos at umiibig sa katotohanan na ang mga salitang ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na ang mga ito ay mayroong awtoridad at kapangyarihan, kinikilala na ang mga ito ay ang tinig ng Diyos, at ang lahat ay bumaling sa Makapangyarihang Diyos. Sa loob lamang ng maigsing 20 taon, ang ebanghelyo ng kaharian ng Makpangyarihang Diyos ay lumaganap sa lahat ng sulok ng pangunahing bahagi ng Tsina, at kasalukuyang lumalaganap sa palibot ng globo, na may nakatatag ng mga sangay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa maraming mga bansa. Ang gawain ng Makapangyaruhang Diyos sa mga huling araw ay kagaya ng kidlat na lumalaganap sa palibot ng kalawakan mula sa silangan hanggang sa kanluran, na tinutupad sa kabuuan ang hula ng Panginoong Jesus, ‘Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran’; Sinasabi nito sa atin na ang Kidlat ng Silanganan ay tumutukoy sa gawain ng Diyos sa mga huling araw! Ngunit, ang pamahalaang CCP ay ateista, naniniwala ito sa ateismo, materyalismo, at ebolusyon, at ang mga misyon nito ay ang alisin ang lahat ng kapitalismo at mga relihiyosong paniniwala, maunawaan ang komunismo, at itayo ang Tsina at ang mundo sa isang kahariang walang Diyos. Simula nang magkaroon ng kapangyarihan, itinalaga ng CCP ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang masasamang kulto, at hinusgahan din ang Biblia bilang kultong panitikan, kinumpiska at sinunog ang di-mabilang na mga kopya, itinapon sa dagat ang napakaraming bilang ng Biblia na talagang para sa Tsina. Pinalayas ang mga banyagang misyoneryo. Ikinulong ang mga Tsinong mangangaral at sapilitang muling tinuruan sa pamamagitan ng mga kampo ng paggawa, at inaresto at pinahirapan ang di-mabilang na mga Kristiyano at mga Katoliko. Nitong nakaraang mga taon, ang pag-uusig ng CCP ay pinatindi sa bawat aspeto. Nagpalabas ang CCP ng lihim na mga kautusan sa ilang pagkakataon, nagkaroon ng pambansang pagtugis at mga pag-aresto ng mga Krsitiyano, at maging ang opisyal na mga iglesia ng Tatlong Sariling Makabayan at ang kanilang mga krus ay giniba. Mula sa mga bagay na ito, makikita natin na ang esensya ng CCP ay sa isang diablo na ginagawa ang sarili nito na isang kaaway ng Diyos. Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay nagpakita sa Tsina upang gumawa, at nang makita ng CCP na parami nang parami ang mga taong bumabaling sa Makapangyarihang Diyos, naging balisa ito. Upang itatag ang kaharian nitong walang Diyos patatagin ang kapangyarihan at katayuan nito, ginagamit nito ang armadong pulis at sundalo upang siilin ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at ginagamit din nito ang news media upang lumikha ng iba’t ibang usap-usapan upang siraang-puri ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, taglay ang layunin ng panlilinlang sa mga tao na walang pagkilala sa pagtatwa sa Diyos, pagtayo sa panig nito, kinokontrol nito, kasama ng paglaban sa Diyos, at ang panghuli mawawala ang pagliligtas ng Diyos. Mayroon ding ilang impormasyon sa online na humuhusga sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagmula sa relihiyosong mundo. Amga pastor at ang mga nakatatanda, upang protektahan ang kanilang sariling kaatayuan at mga posisyon, ipinapalaganap din ang mga usap-usapan upang linlangin ang mga mananampalataya. Alam nating lahat na nang nagpakita ang Panginoong Jesus upang gumawa, ang mga lider ng Judaismo, upang protektahan ang kanilang katayuan at mga posisyon, lumikha ng maraming usap-usapan tungkol sa Panginoong Jesus, at nakipagsabwatan pa sa pamahlaang Romano upang ipapako sa krus ang Panginoong Jesus. Sa kasalukuyan, tinatrato ng mga pastor at ng mga nakatatanda ang gawain ng Diyos sa mga huling araw sa ganitong paraan. Wala silang interes sa pagsusuri. Lumilikha din ng mga usap-usapan upang linlangin ang mga mananampalataya, at ikinakalat pa ang mga usap-usapan na ginawa ng CCP upang marahas na husgahan at siraang-puri ang gawain ng Diyos. Mula rito, makikita natin ang kasamaan ng sangkatauhan, at na kinamumuhian ng sangkatauhan ang katotohanan at sinasamba ang masama, kabilang na ang relihiyosong mundo. Kakaunting mga tao ang umiibig sa katotohanan o nauuhaw sa pagpapakita at gawain ng Diyos. Kagaya lang ng sinasabi ng Biblia: ‘Ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama(1 Juan 5:19). ‘Ang lahing ito’y isang masamang lahi(Lucas 11:29). Kung ang mga tao ay walang pagkilala, at nabibigong makita nang malinaw ang kasamaan at kadiliman sa mundo o ang tunay na katunayan ng pagpapasama ni Satanas sa sangkatauhan, sa usapin ng pagbabalik ng Panginoon susundin lamang nila ang kanilang mga pastor nang may kamangmangan, basta na lang maniniwala sa mga usap-usapan at mga kasinungalingan sa internet, at sa gayon ay malilinlang, hindi makikita ang pagbabalik ng Panginoon, at mawawalan ng pagkakataon na ganap na maligtas ng Diyos.”

Nang marinig ko ang pagbabahagi ng Kapatid na Zhang, naunawaan ko na ang Kidlat ng Silanganan sa totoo lang ay tumutukoy sa pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw, na tinutupad sa kabuuan ang mga hula sa Biblia. Karamihan sa mga negatibong ulat sa online ay nagmula sa pamahlaan ng CCP, at upang pigilin ang mga tao sa pagtanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw at protektahan ang sariling kapangyarihan nito, ginagamit ng CCP ang Internet media upang lumikha ng mga usap-usapan at siraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagtatangka na linlangin ang mga tao na hindi nakakaalam sa katotohanan. Ang totoo, mula sa mga balita nakita ko rin kung paano ginagawa ng CCP ang mga bagay kagaya ng pag-aresto at pag-uusig sa mga relihiysong mananampalataya, sinisira ang mga krus at ang mga iglesia, at itinuturing ang Biblia bilang kultong panitikan, ngunit ako ay mangmang at walang pagkilala tungkol sa mga layunin nito. Natanto ko na ako ay talagang nanganib, sapagkat ako ay kamuntik nang malinlang ng mga usap-usapang ito! Nang maunawaan ko ang mga bagay na ito, hindi na ako naiimpluwensyahan ng negatibong propaganda sa online, kaya muli kong sinimulan ang pagdalo sa mga pagtitipon kasama ng aking mga kapatid.

Itutuloy …

Ang mga Salita ng Diyos ay Umiiral Lampas sa Biblia

Isang araw, pinadalhan ako ng Kapatid na Zhang ng ilang video at mga pelikula, at nakita ko na hindi binabasa ng mga bida ang Biblia o ang iba pang mga banal na kasulatan, sa halip binabasa nila ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Kaagad akong naging intresado: Sa loob ng libu-libong taon, nababasa ng mga Kristiyano ang Biblia, bakit nila ibinababa ang Biblia ngayon? Sinabi sa amin ng mga pastor at ng mga nakatatanda sa aming iglesia, “Sa kanilang paniniwala sa Diyos, hindi maiiwan ng mga Kristiyano ang Biblia, sapagkat ang lahat ng mga salita at mga gawain ng Diyos ay nakatala rito, at ang Biblia ang siya ring saligan ng pananampalatayang Krsitiyano. Ang anumang bagay sa labas ng Biblia ay maling pananampalataya, at lampas sa Biblia, walang mga aklat ang makapagsisilbing batayan para sa paniniwala ng Kristiyano sa Diyos.” Kung hindi ako nanatili sa Biblia, sasang-ayunan pa ba ako ng Diyos? Subalit, ang mga salitang binasa nila sa akin ay parang hindi rin mga bagay na masasabi ng isang karaniwang tao. Ipinaliliwanag nila ang mga hiwaga ng Biblia, inihahayag ang ating sariling mga puso at isip, at mayroong awtoridad. Kung ang mga ito talaga ay ang mga bagong salita ng Diyos, mali ang hindi basahin ang mga ito.

Sa isang pagtitipon, ipinaliwanag ko ang pag-aalinlangan na pumupuno sa aking isipan, at ibinahagi ng Kapatid na Zhang, “Kapatid, ang totoo, nalalaman ng lahat ng nakauunawa sa Biblia na sa proseso ng pagtipon sa Biblia, dahil sa mga pagtatalo at mga laktaw sa kalipunan ng mga patnugot, ang ilan sa mga salita ng Diyos na ipinaabot sa mga propeta sa Kapanahunan ng Kautusan ay hindi sinama sa Lumang Tipan, at na hindi lahat ng mga salita at mga gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi rin naisama sa Biblia. Isaalang-alang na ang Panginoong Jesus ay nabuhay sa mundo sa loob ng tatlumpu’t tatlo at kalahating taon, at Siya ay gumawa at nangaral ng tatlo at kalahating taon. Ilang mga salita ang Kanyang binigkas at gaano karaming gawain ang kanyang ginawa sa panahong ito? Subalit ang lahat ng mga salita ng Panginoong Jesus na nasa Biblia ay masasalita sa loob ng ilang oras. Sinasabi sa Juan 21:25: ‘At mayroon ding iba’t ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin.’ Pinatutunayan nito na ang mga salita at mga gawain ng Panginoong Jesus ay hindi ganap na naitala sa Bagong Tipan ng Biblia. Kaya, paano natin masasabi na ang lahat ng mga salita at mga gawain ng Diyos ay naitala sa Biblia? Hindi ito naaayon sa mga katunayan! Basahin natin ang ilang sipi ng mga salira ng Makapangyarihang Diyos, at mauunawaan natin nang mas malinaw. Sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: ‘Ang lahat ng naitala sa loob ng Biblia ay limitado at hindi kayang kumatawan sa lahat ng gawain ng Diyos. Ang Apat na Ebanghelyo sa kabuuan ay may mas kaunti sa isang daang mga kabanata na kung saan ay nakasulat ang takdang bilang ng mga pangyayari, tulad ng pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos, tatlong pagtanggi ni Pedro sa Panginoon, paglitaw ni Jesus sa mga alagad kasunod ng Kanyang pagkapako sa krus at muling pagkabuhay, pagtuturo tungkol sa pag-aayuno, pagtuturo tungkol sa panalangin, pagtuturo tungkol sa diborsiyo, ang kapanganakan at talaangkanan ni Jesus, paghirang ni Jesus sa mga alagad, at iba pa. Subali’t, pinahahalagahan ang mga ito ng tao bilang mga kayamanan, at pinatototohanan pa ang gawain sa ngayon laban sa kanila. Naniniwala pa nga sila na gumawa lamang nang gayon karami si Jesus sa panahon pagkatapos ng Kanyang kapanganakan. Parang naniniwala sila na gayon lamang karami ang kayang gawin ng Diyos, na wala nang maaaring karagdagang gawain. Hindi ba ito katawa-tawa?’ ’Kung tutuusin, alin ang mas dakila: Ang Diyos o ang Biblia? Bakit kailangan ang gawain ng Diyos ay kaayon sa Biblia? Maaari kaya na ang Diyos ay walang karapatan na higitan ang Biblia? Hindi ba maaaaring lisanin ng Diyos ang Biblia at gumawa ng iba pang gawain? Bakit si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay hindi nangilin sa Araw ng Pamamahinga? Kung pananatilihin Niyang banal ang Araw ng Pamamahinga at magsasagawa ayon sa mga utos ng Lumang Tipan, bakit hindi nangilin si Jesus sa Araw ng Pamamahinga matapos Niyang dumating, ngunit sa halip naghugas ng mga paa, nagtaklob ng ulo, hinati-hati ang tinapay, at uminom ng alak? Hindi ba itong lahat ay wala sa mga utos ng Lumang Tipan? Kung pinarangalan ni Jesus ang Lumang Tipan, bakit Niya sinalungat ang mga doktrinang ito? Dapat mong malaman kung alin ang nauna, ang Diyos o ang Biblia! Bilang Panginoon ng Araw ng Pamamahinga, Siya ba’y maaari ding maging Panginoon ng Biblia?’’’

Nang matapos siya, ibinahagi ng Kapatid na Zhang, “Ang totoo, ang Biblia ay isang tala ng kasaysayan ng nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Itinala nito ang dalawang yugto ng gawain na ginawa ng Diyos sa pag-aakay sa mga tao at pagtubos sa mga tao pagkatapos Niyang likhain ang langit, lupa, at lahat ng mga bagay sa mga ito, ngunit hindi nito kinakatawan ang kabuuang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatuhan. Gayundin, bago gumawa ang Panginoong Jesus, wala pa ang Bagong Tipan, ang Lumang Tipan lamang. Ang Lumang Tioan ng Biblia ay tinipon sa isang pagtitipon ng mga lider ng relihiyon mula sa iba’t ibang bansa batay sa pagpili ng mga sulatin ng mga apostol tatlong daang taong mahigit pagkatapos dumating ng Panginoon. Kung wala ang gawain ng Diyos, walang maitatalang ganito sa Biblia. Ang Diyos ay hindi gumagawa batay sa Biblia, ni ang Diyos ay nililimitahan ng Biblia, sapagkat ang Diyos ay hindi lamang Panginoon ng Sabbath, bagkus Siya rin ang Panginoon ng Biblia, at Siya ay mayroong lubusang awtoridad na humigit sa Biblia at baguhin ang Kanyang gawain ayon sa Kanyang plano at sa mga pangangailangan ng sangkatauhan sa bawat kapanahunan. Kagaya lamang nang ang Panginoong Jesus ay dumating upang gumawa, itinuro Niya sa mga tao ang mga bagay kagaya ng landas ng pagsisisi, ang hindi na pagpapanatili ng Sabbath, at pagpapatawad ng makapitumpung pitong beses, ang lahat ng ito ay mga bagay na hindi naitala sa Lumang Tipan. Kung ituturing natin ang anumang bagay sa labas ng Biblia bilang maling pananampalataya, hindi ba natin kung gayon hinuhusgahan ang Panginoong Jesus? Ito ang dahilan, kapag sinasabi ng mga pastor at ng mga nakatatanda, ‘Ang lahat ng mga gawain at mga salita ng Diyos ay nakatala sa Biblia, at ang anumang bagay na humigit sa Biblia ay maling pananampalataya,’ ito ay nakabatay nang lubusan sa mga pagkaunawa at mga kathang-isip ng tao. Ito ay hindi patas at kakaibang pagkaunawa, at hindi angkop sa mga katunayan ng gawain ng Diyos sa anumang paraan. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Ang kung ano ang Diyos at kung ano ang mayroon Siya ay magpakailanmang di-nauubos at walang-hangganan. Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay at lahat ng mga bagay. Ang Diyos ay hindi maaaring maarok ng anumang nilalang. Panghuli, dapat Ko pa ring ipaalala sa lahat: Huwag muling lilimitahan ang Diyos sa mga aklat, mga salita, o Kanyang nakaraang mga pagbigkas. Mayroon lamang iisang salita para sa katangian ng gawain ng Diyos—bago. Ayaw Niyang tahakin ang lumang mga landas o ulitin ang Kanyang gawain, at higit pa ayaw Niyang sambahin Siya ng mga tao sa pamamagitan ng paglilimita sa Kanya sa loob ng isang tiyak na sakop. Ito ang disposisyon ng Diyos.’ Ang Diyos ay ang Panginoon ng paglikha, ang pinagmumulan ng buhay ng sangkatauhan, ang salita ng Diyos ay walang katapusan at walang hanggan, at ang karunungan at pagkamakapangyarihan ng Diyos ay hindi maaarok. Hindi natin mahihigpitan ang gawain ng Diyos, at lalong hindi natin malilimitahan ito sa Biblia.”

Ang marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang pagbabahagi ng Kapatid na Zhang ay kagaya ng pagkakita kaagad sa liwanag. Ang mga salita at mga gawain ng Diyos sa bawat kapanahunan na naitala sa Biblia ay limitado, at hindi kinakatawan ng mga ito sa anumang paraan ang kabuuang mga gawain at mga salita ng Diyos. Nang isaalang-alang ko ito, natanto ko na ito ay tama. Pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa sansinukob, at Siya ang walang katapusang pinagmumulan ng tubig ng buhay. Paanong nangyari na sinalita lamang Niya ang limitadong dami ng mga salita sa Biblia? Natanto ko na sa mga taon ng aking paniniwala sa Panginoon, sa ilalim ng impluwensya ng mga pastor at ng mga nakatatanda, palagi kong nililimitahan ang mga salita at mga gawain ng Diyos sa Biblia at pinaniwalaan na ang paniniwala sa Diyos ay nangangahulugang hindi ako makahihigit sa Biblia. Maging nang makita ko na ang mga salitang ipinahayag ng Diyos sa mga huling araw ay mayroong awtoridad at kapangyarihan, hindi ako nangahas na tunay na tanggapin ang mga ito. Mangmang talaga ako! Sa puntong ito, naliwanagan ang aking puso, hindi na ako naguguluhan o nag-aalinlangan, at nagpasiya ako na ipagpatuloy ang pagsusuri. Dahil oras na, nakipagkasundo ako sa aking kapatid na lalaki na ipagpatuloy ang aming pagbabahagi sa kinabukasan.

Makakamit Natin ang Bagong Buhay sa Pamamagitan Lamang ng Pagsunod kay Cristo

Sa aming pagtitipon, kinabukasan, ibinahagi ng Kapatid na Zhang, “Marami sa mga mananampalataya sa Panginoon ang nag-iisip na ang Biblia ang batayan ng pananampalatayang Kristiyano, at na sa ating pananampalataya sa Diyos hindi natin maiiwan ang Biblia, ngunit ang totoo, sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin(Juan 5:39). Mula sa mga salita ng Panginoong Jesus, makikita natin na ang Biblia ay patotoo lamang ng gawain ng Diyos, na ang Biblia ay hindi ang buhay na ipinagkaloob sa mga tao ng Diyos, at na sa pamamagitan ng paniniwala sa Biblia, hindi natin kailanman makakamit ang katotohanan, ang daan, at ang buhay, Si Cristo lamang ang makapaghahayag sa katotohanan, makatutubos sa sangkatauhan, at makapagliligtas sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, ang nagkatawang-taong Diyos ay nagpahayag ng mga bagong salita, kaya sundin nating mabuti ang mga hakbang ng Kordero, gayundin ay tanggapin ang totoong mga salita at gawain ng Diyos, upang kamtin ang panustos na tubig ng buhay ng Diyos.”

Pagkatapos, pinadalhan niya ako ng isang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos, “Kung nais mong makita ang gawa ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano sumunod ang mga Israelita sa landas ni Jehova, kung gayon dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawa ng Kapanahunan ng Biyaya, kung gayon dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa huling mga araw? Kailangan mong tanggapin ang pamumuno ng Diyos sa kasalukuyan, at makilahok sa gawain sa kasalukuyan, dahil ito ang bagong gawa, at wala pang nakapagtatala nito sa Biblia. Ngayon, ang Diyos ay naging katawang-tao at pumili ng ibang mga hinirang sa Tsina. Ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito, nagpapatuloy Siya mula sa Kanyang gawain sa daigdig, nagpapatuloy mula sa gawa sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain sa kasalukuyan ay isang landas na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at daan na walang sinuman ang nakakita. Ito ay gawa na hindi pa kailanpaman nagawa—ito ang pinakabagong gawa ng Diyos sa mundo. Kaya, ang gawa na hindi pa nagawa noon ay hindi kasaysayan, dahil ang ngayon ay ngayon, at hindi pa nagiging nakaraan. Hindi alam ng mga tao na ang Diyos ay nakagawa nang mas higit, mas bagong gawain sa mundo, at sa labas ng Israel, na lumampas ito sa saklaw ng Israel, at lampas sa panghuhula ng mga propeta, na bago at kahanga-hangang gawa ito na wala sa mga propesiya, at bagong gawa na lampas sa Israel, at gawa na hindi maaaring mahiwatigan o akalain ng mga tao. Paanong ang Biblia ay naglalaman ng malinaw na mga talaan ng nasabing gawa? Sino ang maaaring magtala ng bawat isang kapiraso ng gawa ngayon, nang walang makakaligtaan, sa patiuna? Sino ang maaaring magtala nitong mas makapangyarihan, mas matalinong gawa na humahamon sa kinaugalian na nasa lumang inaamag na libro? Ang gawa sa kasalukuyan ay hindi kasaysayan, at dahil dito, kung nais mong lumakad sa bagong landas ngayon, sa gayon kailangan mong lisanin ang Biblia, dapat mong higitan ang mga libro ng propesiya o kasaysayan na nasa Biblia. Saka ka lamang maaaring makalakad sa bagong landas nang maayos, at saka ka lamang makakapasok sa bagong kaharian at sa bagong gawain.”

Sinabi ng Kapatid na Zhang, “Sa mga salita ng Diyos, nakikita natin na sa pamamagitang ng Luma at Bagong Tipan sa Biblia, nauunawaan natin ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit sa Biblia, naroroon lamang ang mga hula na may kaugnayan sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, at walang mga makatotohanang tala. Ang gawain ng Diyos ay palaging umuusad pasulong, umuunlad at sumusulong nang bai-baitang, at kaya dapat tayong sumabay sa praktikal na gawain ng Diyos upang magkamit ng panustos ng buhay. Kagaya lamang nang ang Panginoong Jesus ay gumawa, kinailangan ng mga tao na lumabas mula sa Kapanahunan ng Kautusan, tanggapin ang pagliligtas ng Panginoong Jesus, at magsagawa ayon sa Kanyang mga aral upang tanggapin ang paggabay at panustos ng Diyos. Bagamat tinatamasa natin ang biyaya at mga pagpapala ng Panginoon, ang ating makasalanang kalikasan ay nakatanim pa rin nang malalim sa atin, at nabubuhay pa rin tayo sa isang kalagayang nagkakasala sa araw at nagkukumpisal sa gabi. Sa mga huling araw, upang ganap tayong iligtas mula sa kasalanan, at batay sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus, ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa tahanan ng Diyos, ipinahahayag ang lahat ng katotohanan lampas pa sa Biblia na magtutulot sa atin na malinis at ganap na maligtas, inihahayag ang lahat ng mga hiwaga na may kaugnayan sa Kanyang plano ng pamamahala, at ipinaliliwanag sa atin ang landas para baguhin natin ang ating disposisyon sa buhay. Karamihan sa mga katotohanang ito ay tinipon sa Biblia sa Kapanahunan ng Kaharian, na siyang aklat na inyong nakita na hawak ng ating mga kapatid sa mga pelikula at sa mga video, Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ang masaganang mga salitang ito ng buhay ay ang daan ng buhay na walang hanggan na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos sa mga huling araw, at ang tanging landas para sa mga tao upang kamtin ang ganap na pagliligtas mula sa Diyos. Ang mga salitang ito ay ang mga balumbon na binuksan ng Diyos at ang pitong tatak na binuksan ng Diyos sa mga huling araw, na tumutupad sa mga hula sa Pahayag, ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia(Pahayag 2:17). ‘At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak. At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito? At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man. At ako’y umiyak na mainam, sapagka’t hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man: At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito(Pahayag 5:1-5). Sa pagtanggap sa mga salita ni Cristo ng mga huling araw, Makapangyarihang Diyos, saka lamang natin makakamit ang katotohanan at buhay, makatatakas sa gapos at paghihigpit ng kasalanan, matatamo ang ganap na kaligtasanm at makapapasok sa kaharian ng langit. Kung mananatili tayo sa Biblia at hindi tatanggapin ang mga salita na ipinahahayag ng mga huling araw na Cristo, kung gayon ang makakamit natin ay masyadong limitado, sapagkat ang Biblia ay hindi ang pinagmumulan ng buhay. Si Cristo lamang ang pinagmumulan ng buhay.”

Pagkatapos marinig ang kanyang pagbabahagi, naunawaan ko na ang gawain ng Diyos ay palaging umuuusad pasulong, na ipinahahayag ng Diyos ang bagong mga salita sa bawat panahon upang ipahayag ang kalooban ng Diyos at ang mga bagong hinihingi para sa tao, subalit kinakatawan lamang ng Kanyang mga salita at gawa sa bawat yugto ang Kanyang mga hinihingi at kalooban sa nakapaloob na panahon, at hindi kinakatawan ang Kanyang mga salita at gawa sa iba pang mga panahon. Dapat nating tanggapin ang Kanyang mga salita at gawain para sa bagong panahon upang kamtin ang buhay at tamuhin ang ganap na pagliligtas ng Diyos.

Sa sumunod na mga araw, pinanood ko ang pelikulang Kumakatok sa Pintuan, pinanood ang maiikling palabas na Ang Panginoon ay Kumakatok, Paggutom sa Sarili sa Takot na Mabulunan, at Isang Babala Mula sa Kasaysayan, at pinanood ang maiikling palabas ng karaniwang pag-uusap na Mga Mata sa Lahat ng Dako, Pagtakas sa Hawla, Paano ba Talaga Darating ang Panginoon, at marami pang iba. Sa panonood sa mga ito, nagkamit ako ng lalo pang liwanag na may kaugnayan sa mga aspeto ng katotohanan na may kinalaman sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, ang hiwaga ng 6,000 taon ng plano sa pamamahala ng Diyos, ang hiwaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, ang panloob na mga kuwento sa likod ng Biblia, nalaman ko na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at nakadama ako ng walang katapusang utang na loob at pagpupuri para sa Diyos sa aking puso. Pinasasalamatan ko ang Diyos sa paggabay sa akin sa bawat hakbang, sa pagtutulot sa akin na makawala sa mga paghihigpit ng mga usap-usapan at sa mga pagkaunawa ng relihiyosong mundo, at para sa mabuting kapalaran na tanggapin ang nagbalik na Panginoon. Nangako ako na may panunumpa na susundin ang Makapangyarihang Diyos, tatanggapin ang pagkastigo at paghatol sa salita ng Diyos, at hahangarin ang paglilinis at ang pagiging ganap na ililigtas ng Diyos!

Wakas.

Share