Read more!
Read more!

Ang Tanda ng mga Huling Araw ay Naglitawan: Paano Natin Sasalubungin ang Panginoon?

Ngayon ang mga sakuna ay nagiging mas malubha at nagkaroon ng mga sunod-sunod na mga lindol, mga taggutom at mga giyera. Sa karagdagan, mula sa huling bahagi ng 2019 hanggang 2020, ang bagong coronavirus ay umusbong sa Wuhan, Tsina, kumalat sa maraming mga bansa. Bukod pa dito, mula noong Setyembre 2019 hanggang Enero 2020, ang bushfire sa Australia ay sumira sa libo-libong mga gusali. Sa karagdagan, dose-dosenang mga tao ang nawalan ng buhay at halos bilyong mga hayop ang naitala na nangamatay. Nang maglaon, ang isang-daang taon na ulan ay humagupit sa Australia, na nagdulot ng pagbaha, pagkawala ng kuryente sa ilang mga distrito, at ang abo mula sa bushfire ay inanod sa mga ilog, na nagdulot ng pagkamatay ng napakaraming mga buhay na yamang tubig. Nung Enero 2020, ang napakalakas na mga pag-ulan ay rumagasa sa Indonesia, kaya’t libu-libong mga tao ang nawalan ng tirahan. At saka, ang apat na pagdugo ng buwan ay lumitaw, at ang mga sakuna ay sunod-sunod na naganap sa buong mundo. Ang mga ito ay tumutupad sa mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus, “At nakita ko nang buksan niya ang ikaanim na tatak, at nagkaroon ng malakas na lindol; at ang araw ay umitim na gaya ng isang magaspang na kayong buhok na maitim, at ang buong buwan ay naging gaya ng dugo(Pahayag 6:12). “Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan(Mateo 24:7-8). Pagkakita sa pagtupad ng mga propesiyang ito, maraming mga kapatid sa Panginoon ang nagtaas ng ganitong mga katanungan: Yamang ang mga propesiya sa pagbabalik ng panginoon ay pangunahing nangatupad na, nakabalik na ba ang Panginoon? Kung gayon, bakit hindi pa natin nasasalubong ang Panginoon? Saan natin mahahanap ang mga yapak ng Panginoon?

Kaugnay sa isyu na ito, dapat muna nating unang alamin kung paano magbabalik ang Panginoon. Maraming mga tao ang nag-iisip na sapagkat ang Panginoon ay umalis sakay ng mga ulap, dapat rin Siyang pumarito kasama ng mga ulap kapag siya ay nagbalik, sapagkat sinasabi ng Bibliya, “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap(Pahayag 1:7), at “Mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Mateo 24:30). Ngunit bakit hindi pa natin nakikitang bumabalik ang Panginoon kasama ng mga ulap? Sa katunayan, sa bagay na pagsalubong sa pagdating ng Panginoon, naipagsawalang-bahala natin ang isang importanteng bagay—mayroong mga propesiya sa Bibliya ng pagparito ng Panginoon ng lihim, tulad ng, “Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw(Pahayag 16:15), “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6). “Kaya nga kayo’y magsihanda naman; sapagka’t paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip(Mateo 24:44). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito(Lucas 17:24–25).

Ang mga salitang “pumaparitong gaya ng magnanakaw” at “pagkahating gabi ay may sumigaw” sa mga talatang ito ay tumutukoy sa tahimik at palihim na pagparito ng Panginoon sa mga huling araw. “Ang Anak ng tao” at “Paririto ang Anak ng tao” sa mga talata ay tumutukoy sa Diyos na naging laman bilang ang Anak ng tao upang palihim na pumarito. Kapag ang Anak ng tao ay nabanggit, ito ay palaging tumutukoy sa Isang ipinanganak na tao, mayroong mga magulang at namumuhay kasama ang mga tao sa anyo ng isang ordinaryong tao sa laman at dugo, tulad ng Panginoong Jesus. Kung ang Panginoon ay bumalik sa nabuhay-muling espiritwal na katawan, hindi Siya matatawag na Anak ng tao. At saka, ang talatang “Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” ay nangangahulugan na ang Diyos ay magiging laman bilang ang Anak ng tao kapag Siya ay bumalik. Sapagkat ang nagkatawang-taong Diyos ay normal at ordinaryo mula sa panlabas at hindi matatanto ng mga tao na Siya ang Diyos Mismo, kung kaya’t ituturing nila Siya bilang isang ordinaryong tao at higit pa ay kokondenahin at itatanggi Siya. Samakatuwid, kapag ang Panginoon ay bumalik, Siya ay magbabata ng maraming bagay. Tulad nung ang Panginoon ay nagpakita at nagsagawa ng kanyang gawain sa panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao bilang ang Anak ng tao, maraming mga tao ang hindi nakikilala na ang Panginoong Jesus ay ang Mesiyas, at sila ay, base sa kanilang sariling mga paniniwala at imahinasyon, ay kinalaban at kinondena Siya at Siya ay ipinako sa krus. Kung ang Panginoong Jesus ay nagbalik upang gumawa sa anyo ng Kanyang nabuhay-muling espiritwal na laman, sino ang maglalakas-loob na ituring Siya bilang isang ordinaryong tao at sinong maglalakas-loob na kumondena, kumalaban o itanggi Siya? At ang bawat isa ay luluhod sa lupa at ang paghihirap ng Diyos ay matatapos na. Makikita na kapag ang Panginoong Jesus ay bumalik sa mga huling araw, Siya ay magiging laman at bababa ng lihim upang gawin ang Kanyang gawain.

Sa puntong ito, ang ilang mga kapatid ay nakaramdam ng pagkalito: Yamang ang Panginoon ay bababa ng lihim at gagawa sa gitna ng sangkatauhan sa mga huling araw, kung gayon paano matutupad ang mga propesiya ng Kanyang pagbaba sa mga ulap? Hindi ba ito magkasalungat? Alam natin na ang Diyos ay tapat, kaya’t ang Kanyang mga propesiya ay paniguradong matutupad. Sa katunayan, isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng may plano, at may mga hakbang. Siya ay unang bababa upang gumawa at iligtas ang tao, at pagkatapos ay lantad na bababa sa mga ulap upang magpakita sa tao at gantimpalaan ang mabuti at parurusahan ang masama. Halina’t basahin natin ang ilang mga talata na makatutulong upang linawin kung paano matutupad ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating(Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol(Juan 5:22). Mula sa mga talatang ito makikita natin na kapag ang Diyos ay naging laman at pasikretong lumakad kasama ang sangkatauhan sa mga huling araw, Siya ay magsasalita sa sangkatauhan, gagawa ng gawain ng paghatol upang dalisayin at perpektuhin ang lahat ng yaong mga bumabalik sa harap ng Kanyang luklukan. At ginagawa ng Diyos ang yugtong ito ng gawain mula sa pundasyon ng gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus at naaayon sa pangangailangan ngayon ng sangkatauhan. Bagaman natubos tayo ng Panginoong Jesus at ang ating mga kasalanan ay pinatawad, ang ating satanikong mga kalikasan tulad ng pagiging arogante, pandaraya, pagka-makasarili at malisya ay hindi pa lubusang nalutas, at tayo pa rin ay nananatiling namumuhay sa isang estado ng pagkakasala at pagkukumpisal. Kaya, Sinabi ng Panginoong Jesus na kapag bumalik Siya sa mga huling araw, Siya ay magiging laman upang ipahayag ang Kanyang mga salita at isagawa ang Kanyang gawain na hatulan at dalisayin ang tao. Ang mga yaong tumanggap sa gawain ng paghatol ng mga salita ng Diyos ay maaaring malinis ng Diyos at maging mga mananagumpay bago ang mga sakuna, at sa huli’y makakapasok sa kaharian ng Diyos, tatamasahin ang walang-hanggang pagpapala na ipinagkaloob ng Diyos. Gayunpaman, sa panahon ng palihim na paggawa ng Diyos, ang mga yaong hindi naghahanap o nakikinig sa tinig ng Diyos at hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ngunit sa halip ay umaasa sa kanilang sariling mga paniniwala at imahinasyon upang kondenahin ang Diyos, ay ang mga panirang-damo na ilalantad ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Matapos ihiwalay ng gawain ng paghatol ng Diyos ang mga matatalinong dalaga mula sa mga mangmang na mga dalaga, mabubuting lingkod mula sa masasamang lingkod, at yaong mga nagmamahal sa katotohanan mula sa kinasusuklaman ang katotohanan, ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa tao ay lubusang makukumpleto at gayon ang Diyos ay bababa sa mga ulap upang lantad na magpakita sa mga tao ng lahat ng mga bansa, gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang mga masasama. Ang mga yaong hindi tinatanggap ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos ay masusorpresa na matuklasan na ang Isang kanilang kinalaban at itinanggi ay ang tunay na nagbalik na Panginoong Jesus, kaya sila ay magsisisi, hahatawin ang kanilang mga dibdib sa kalungkutan, tatangis at mag ngangalit ang mga ngipin, pero ito ay huli na. Ito ay kabuuang tinutupad ang propesiyang, “Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya(Pahayag 1:7). “At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian(Mateo 24:30). Sa gayon, hangga’t tinatanggap natin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa Kanyang lihim na gawain, maaari tayong malinis ng Diyos at magkaroon ng pagkakataon na makapasok sa kaharian ng Diyos.

Paano natin sasalubungin ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus? Tingnan natin ang mga bersikulong ito, “Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya(Mateo 25:6). “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko(Pahayag 3:20). Ang bersikulong ito ay nagsabing “may sumigaw” at “ako’y nakatayo sa pintuan,” na nangangahulugang kapag ang Panginoon ay bumalik sa paggawa, ang ilang mga tao ay magpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na at gagamitin Niya ang Kanyang mga salita upang kumatok sa mga pintuan ng ating mga puso. Kaya, ang pinakamahalaga sa pagsalubong sa Panginoon ay ang pakikinig sa tinig ng Diyos, tulad ng sinabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin(Juan 10:27). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.(Pahayag 2:7). Samakatuwid, kapag narinig natin ang isang tao na nagpapatotoo na ang Panginoon ay bumalik na upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol, dapat nating bigyang pansin ang paghahanap at pagsisiyasat at tingnan kung ang mga salitang ito ay tinig ng Diyos at kung ang gawain ay ang pagpapakita ng Diyos at gawain Niya. Kung makikilala natin ang tinig ng Diyos mula sa mga salita ng nagbalik na Panginoon, kung gayon ay nasundan natin ang mga yapak ng Kordero at tinanggap ang pagbabalik ng Panginoon.

Kung nais mong higit pang matuto tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, Paki-click ang Mga Pahina ng Ebanghelyo o i-enjoy ang sumusunod na nauugnay na nilalaman.

Share