Menu

Napakaliwanag at Napakaaliwalas ng Langit sa Araw na Iyon (Ikalawang Bahagi)

Pinag-isipan ko ang mga salita ng sister at nadama ko na may malaking katuturan ang sinabi niya, kaya naupo ako roon at tahimik na nakinig. Patuloy na nagsalita ang sister: “Nahayag na ng salita ng Makapangyarihang Diyos ang hiwaga ng maligtas at magtamo ng ganap na kaligtasan, kaya tingnan natin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at alamin kung ano ang sinasabi Niya tungkol dito. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: ‘Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay pinawalang-sala sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Nguni’t sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangan pang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa(“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). ‘Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na nagawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag at likas na pagkataong lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang likas na lason sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. … Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao na namumuhay sa laman, at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang paghahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon. … ito ay nananatiling mas malalim kaysa kasalanan, na itinanim ni Satanas at malalim na nag-ugat sa loob ng tao. Hindi madali para sa tao na mabatid ang kanyang mga kasalanan; hindi kayang kilalanin ng tao ang kanyang sariling kalikasang nag-ugat na nang malalim. Tanging sa pamamagitan ng paghatol ng salita makakamit ang gayong mga epekto. Sa gayon lamang maaaring unti-unting mabago ang tao mula sa puntong iyon(“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). ‘Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw, ngunit paano ba talaga Siya bababa? Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, at hindi pa nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, ang dating ikaw, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—napakasuwerte mo naman! Nalagpasan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangan ay ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalagpasan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).”

sky-was-especially-clear-and-sunny

Pagkatapos ay nagpatuloy ang sister sa kanyang pagbabahagi: “Mula sa salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita natin na bawat yugto ng gawaing isinasagawa ng Diyos ay isinasagawa alinsunod sa mga pangangailangan ng tiwaling lipi ng tao. Sa pagtatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, mas lalong ginawang tiwali ni Satanas ang tao at mas lalo silang nagkasala. Nilabag na ng tao ang mga kautusan ni Jehova at nanganib na batuhin hanggang sa mamatay at sunugin ng mga apoy ng langit. Mahal ng Diyos ang sangkatauhan. Nagkatawang-tao Siya upang maging katulad ng makasalanang laman, at ipinako sa krus upang tubusin ang tao mula sa kasalanan. Kaya, hangga’t nananalig tayo sa Panginoong Jesus, maliligtas tayo, at hindi na maaalala ng Panginoon ang ating mga kasalanan. Maaari tayong dumiretso sa Diyos at manalangin sa Kanya, at magtamasa ng kasaganaan ng biyayang ipinagkakaloob Niya. Ngunit kahit natubos na tayo, hindi niyan pinapatunayan na wala tayong kasalanan. Tayo, ang lipi ng tao, ay nagawang tiwali ni Satanas sa loob ng libu-libong taon, at nag-ugat na nang malalim ang lason ni Satanas sa ating kalooban—naging buhay na natin ito at naging likas na sa atin. Kontrolado tayo ng ating likas na kasamaan, tulad ng kahambugan at kayabangan, panlilinlang at kabaluktutan, pagkamakasarili at kawalanghiyaan, at kasakiman at pagiging kasuklam-suklam. Nagagawa pa rin nating magsinungaling nang madalas, manlinlang, magkasala, at lumaban sa Diyos. Ito ang ugat ng ating paulit-ulit na pamumuhay na patuloy na nagkakasala at pagkatapos ay ikinukumpisal ang mga ito. Samakatwid, batay sa mga pangangailangan ng tiwaling lipi ng tao at plano ng pamamahala ng Diyos para sa pagliligtas ng sangkatauhan, naparito ang Diyos upang isagawa ang isang yugto ng gawain sa mga huling araw na hatulan at kastiguhin ang tao upang linisin tayo at baguhin ang ating mga tiwaling disposisyon, at sa huli ay aakayin ng Diyos sa Kanyang kaharian yaong mga nagtamo ng lubos na kaligtasan at nagawang perpekto. Kung kumakapit pa rin tayo sa pagkaintindi na ‘kapag naligtas nang minsan, naligtas nang palagian,’ at tumatanggi tayong tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, hindi malilinis kailanman ang lason ni Satanas na nasa ating dugo, hindi natin matatamo kailanman ang lubos na pagliligtas ng Diyos, at hindi na pag-uusapan pa kung tayo ay maiaangat sa kaharian ng langit. Napakaseryoso ng mga kahihinatnang ito. Kaya, ngayon, sa mga huling araw na ito, sa pagtalikod lamang sa Kapanahunan ng Biyaya at pagtanggap sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw lubusang malilinis ang tao, magtatamo ng lubos na pagliligtas ng Diyos, at makakapunta sa isang magandang hantungan.”

Nang makinig ako sa pagbabahagi ng sister, naisip ko sa sarili ko: “Oo, napakapraktikal ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nitong nakaraang ilang taon, hindi ba palagi akong nagkakasala sa araw at pagkatapos ay ikinukumpisal ko ang mga ito sa gabi. Talagang napatawad lang tayo sa ating mga kasalanan dahil sa ating pananampalataya sa Panginoon, ngunit naroon pa rin ang ating pagiging likas na makasalanan. Maaari pa rin tayong magkasala at lumaban sa Diyos. Ang Panginoon ay banal, kaya paano madadala sa kaharian ng langit yaong mga madalas magkasala at lumalaban sa Kanya? Nalutas ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang mga isyung ito na nakabigat sa aking isipan nang napakaraming taon. Talaga ngang nasa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanang hinahangad natin. Maaari kaya na ang Makapangyarihang Diyos nga ang nagbalik na Panginoon? Talagang kailangan kong pag-aralan ito nang husto.”

Unti-unti akong naging kampante sa sister na ito, ngunit habang iniisip kong suriin ang mga bagay na napag-usapan namin, biglang may kumatok nang malakas at nag-aapura sa pinto. Humangos si Sister Hu para buksan ang pinto, at galit na pumasok ang aking pastor sa kuwarto. Tumingin siya sa akin, at pagkatapos ay sa sister na nagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos, at saka niya sinabi sa akin na may tono ng pagtataka at galit: “Ano ang ginagawa mo rito? Hindi ba sinabi ko sa iyo na huwag kang makinig sa mga sermon ng mga estranghero? Paano mo pa nagagawang magpunta rito at makinig sa kanila? Umuwi ka ngayon din, at huwag ka nang makinig ulit sa kanila. Kapag nalinlang ka, magiging huli na ang lahat para magsisi ka!” Nang makatapos ang pastor na pagalitan ako, saka siya lumingon upang takutin ang sister: “At kayong mga tao na nagpapalaganap ng Kidlat ng Silanganan, wala kayong ginagawa kundi magpunta sa aming iglesia at nakawin ang aming mga tupa! Umalis na kayo ngayon din! Kung hindi kayo aalis, hindi ko kayo igagalang!” Nang makita kong tratuhin ng pastor ang sister sa ganitong paraan, medyo nainis ako, kaya sinabi ko sa kanya, “Pastor, talagang may mga bagay na sinasabi ang sister na ito na talagang maganda, at ang sinabi niya ay naaayon sa Biblia. Pakiramdam ko talagang posible nga na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoon. Bakit hindi mo ito pakinggan, at saka tayo magdesisyon. Bukod diyan, hindi ba sinasabi sa Biblia na, ‘Huwag ninyong limutin ang pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa: sapagka’t sa pamamagitan nito ang iba’y walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel’ (Mga Hebreo 13:2)? Tayo na nananalig sa Panginoon ay kailangang magpakita ng kaunting habag, at hindi natin maaaring tratuhin ang mga tao sa ganitong paraan. Hindi ba labag sa mga turo ng Panginoon ang pagpapalayas nang ganito sa sister na ito?” Pagkatapos ay sinigawan ako ng pastor, “Ano ba ang nauunawaan mo? Naligtas na tayo na nananalig kay Jesus. Hindi na tayo kailangang iligtas ulit! Naparito sila upang nakawin ang ating kawan, kaya nga hindi natin sila dapat tanggapin!” Sa oras na ito ngumiti ang sister na nagpapalaganap ng ebanghelyo at nagsabi, “Naghihintay tayong lahat sa pagbabalik ng Panginoon, kaya bakit hindi tayo maupo at mag-usap? Kapag nakalagpas sa atin ang pagbalik ng Panginoon pagsisisihan natin ito nang lubusan—” Hindi na hinintay ng pastor na makatapos ng pagsasalita ang sister, at sinimulan niya itong itulak palabas, na sinasabing, “Tumigil ka na! Gaano ka man kahusay magsalita, hindi pa rin kita pakikinggan! Umalis ka na ngayon din!” At ganoon lang, itinulak, hinila at minura pa ng pastor ang sister para paalisin ito sa bahay. Nang makaalis ang sister, nilingon at binantaan ako ng pastor, na sinasabing, “Bilisan mong umuwi. Mula ngayon hindi ka na puwedeng makipag-ugnayan sa mga tao mula sa Kidlat ng Silanganan. Kung hindi, ititiwalag ka sa iglesia, at kapag nangyari iyan kailanma’y hindi ka na magkakaroon ng pagkakataong matanggap ang papuri ng Diyos at pumasok sa kaharian ng langit.” Dahil narinig ko na ang pagbabahagi ng sister, naunawaan ko na ang gawain ng Panginoong Jesus ay ang pagtubos, ngunit hindi ang pagdadalisay sa tao, at na kapag nagbalik ang Panginoon upang isagawa ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw, saka lamang Niya lubos na lilinisin at ililigtas ang tao. Kapag hindi tinanggap ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, hindi magbabago ang mga tiwaling disposisyon ng tao, at hindi niya matatamo ang lubos na pagliligtas ng Diyos, at hindi siya makakapasok sa kaharian ng langit. Samakatwid, walang gaanong epekto sa akin ang mga salita ng pastor, kaya nakisama na lang ako at tumango sa pakunwaring pag-ayon, at pagkatapos ay umuwi na ako.

Mag-iwan ng Tugon