Makakapasok ba Talaga ang mga Tao sa Makalangit na Kaharian sa Pamamagitan ng Pagkakaroon ng Magagandang Pag-uugali?
Ang matamo ang kaligtasan at makapasok sa makalangit na kaharian ang karaniwang inaasam ng lahat ng mga mananampalataya sa Panginoon. Marami sa kanila ang nag-iisip na hangga’t masigasig silang gumugugol at nagsusumikap para sa Panginoon at gumagawa ng mabubuting gawa, matatamo nila ang pagsang-ayon ng Panginoon at madadala sila sa makalangit na kaharian sa pagdating ng Panginoon. Ganoon ba talaga iyon? May anumang sinabi ba ang Panginoong Jesus sa ganitong epekto? Paano tayo makakapasok sa makalangit na kaharian?
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). At sinabi ng Diyos na Jehova, “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal” (Levitico 11:45). Ayon sa mga salita ng Diyos, matitiyak natin na ang mga makakapasok sa makalangit na kaharian ay dapat gawin ang kalooban ng Diyos, iyon ay, sinusunod nila ang daan ng Diyos, sumusunod sa Diyos, minamahal ang Diyos at sinasamba ang Diyos. Sila ang mga napalaya mula sa kasalanan at nalinis. Tingnan ang ating mga sarili. Bagaman nagsasagawa tayo ng mga mabubuting pag-uugali, at tinalikdan ang lahat upang gumawa para sa Panginoon, hindi maikakaila na kontrolado pa rin tayo ng ating mga makasalanang kalikasan at numumuhay nang walang magawa sa masamang siklo ng pagkakasala at pagsisisi, at ang inihahayag natin ay tiwaling satanikong disposisyon tulad ng kayabangan, pagkamakasarili, kasamaan, at panlilinlang. Halimbawa, bagaman naniniwala tayo sa Panginoon, natutukso pa rin tayo ng ating mga makalaman na hangarin na magsinungaling, mandaya, manloko, ipursige ang mga walang kabuluhan, pagnasaan ang pera, at sundin ang masasamang makamundong kalakaran; habang sinusunod natin ang Diyos, sumasamba at sumusunod tayo sa mga tao; kapag nakakaranas ng mga pagdurusa at pagsubok na nakakasama sa ating pansariling interes, sinisisi pa natin at pinagtataksilan ang Diyos; ang ating gawain at pangangaral ay para lamang makipagpalitan sa Panginoon at humingi ng Kanyang mga pagpapala; nakikipakumpitensiya tayo sa ating mga katrabaho para sa katanyagan at kita, at itinataguyod rin ang ating sariling mga kaharian sa pamamagitan ng pakainggit at mga pagtatalo; kapag ang gawain at salita ng Diyos ay hindi umaayon sa ating mga kuru-kuro, walang ingat nating hinahatulan, nilalabanan, at pinagtataksilan ang Diyos. Ito ay katulad ng ginawa ng mga punong paring mga Judio, eskriba at Fariseo. Sa tingin ay mukha silang mapagpakumbaba at matiyaga, nag-aabuloy at tumutulong sa iba, at naglakbay pa nang napakalawak upang maipalaganap ang ebanghelyo—nagpapakita ng ilang tila mabubuting pag-uugali. Ngunit nang gumawa ang Panginoong Jesus, mabilis nila Siyang kinondena at sinalungat upang mapangalagaan ang kanilang sariling katayuan at kabuhayan. Nakipagsabwatan pa sila sa pamahalaang Romano upang ipako Siya sa krus, na gumawa ng isang matinding kasalanan at sa gayon ay isinumpa at pinarusahan ng Diyos.
Sinabi ng Panginoong Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman: ang anak ang nananahan magpakailanman” (Juan 8:34–35). Sabi ng mga salita ng Diyos, “Kailangan mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga humihingi ng pabor sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makasusuway rito!” Nililinaw ito ng mga salita ng Diyos. Ang Diyos ay banal at matuwid. Ang kaharian ng Diyos ay nasa ilalim ng Kanyang kapangyarihan. Hindi Niya kailanman pahihintulutan ang marumi o tiwali sa Kanyang kaharian, at ito ay napagpasyahan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Tulad natin, ang ating mga makasalanang kalikasan ay hindi pa nalutas at ang ating mga satanikong disposisyon ay hindi pa nalinis. Halimbawa, kumikilos tayo batay sa ating sariling mga ninanais sa halip na sa mga salita ng Diyos; kapag nahaharap sa mga bagay na hindi umaayon sa ating mga paniwala, wala tayong pagsunod sa Diyos; kapag nagsakripisyo tayo ng isang bagay, nagsisimula tayong humingi ng mga pagpapala sa Diyos. Kaya, gaano man tayo magdusa o gumawa, at gaano man karami ang mabubuting gawa ang nakikitang ginagawa natin, paano tayo magiging mga tao na ginagawa ang kalooban ng Diyos at makakapasok sa kaharian ng Diyos? Ang mga sumusunod sa kalooban ng Diyos ay walang alinlangang mga ganap na sumusunod sa Diyos. Tiyak na ang kanilang pag-iisip ay kaayon ng sa Diyos. Tiyak na hindi sila susuway o lalaban sa Diyos. Ang mga taong ito ay ang mga karapat-dapat na pumasok sa makalangit na kaharian at tumanggap sa pangako ng Diyos. Tulad ng sinabi ng salita ng Diyos, “Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, o nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, na ang dating ikaw pa rin, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at na ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, sakim ka at masama, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalaktawan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos.”
Minsang ipinropesiya ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). Hinulaan din sa Biblia, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos” (1 Pedro 4:17). Mula sa mga talatang ito ay maaari nating makita, alinsunod sa mga pangangailangan nating mga tiwaling tao, sa mga huling araw ay ipapahayag ng Diyos ang lahat ng mga katotohanan na magliligtas sa sangkatauhan, at gagawin ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Sa pagtanggap lamang sa gawaing ito natin maaaring matanggap ang kaligtasan at makapasok sa makalangit na kaharian. Tulad ng sabi ng mga salita ng Diyos, “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.”
Mula sa mga salita ng Diyos ay nauunawaan natin, natapos lamang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, niligtas ang tao mula sa kasalanan. Samakatuwid, hindi na tayo isinumpa dahil sa paglabag sa mga kautusan ng Diyos, at maaaring humarap sa Diyos upang manalangin sa Kanya at masiyahan sa Kanyang biyaya at mga pagpapala. Ngunit ang ating mga makasalanang kalikasan ay nananatiling malalim na nakaugat sa loob natin, at pinipilit pa rin tayo ng ating satanikong kalikasan na salungatin at pagtaksilan ang Diyos. Bukod rito, nang hindi nakikilala ang Diyos, hindi natin magagawang matakot sa Diyos at iwasan ang kasamaan, lalo na ang maabot ang isang estado ng ganap na pagsunod sa Diyos, ang pagiging kaayon sa Diyos at pagdadalisay. Samakatuwid, hindi tayo tunay na natamo ng Diyos at kailangan pa rin natin ang Diyos upang gawin ang gawain ng ganap na pagtanggal ng kasalanan. Para sa kadahilanang ito, ayon sa Kanyang plano ng pagliligtas sa sangkatauhan at mga pangangailangan nating mga tiwaling tao, ipinahayag ng Diyos ang katotohanan at isinagawa ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw upang alisin ang mga kadena at paghahadlang sa atin at ang mga pangunahing sanhi ng kasalanan, nang sa gayon ay ganap tayong mabago at malinis, maiwaksi ang impluwensya ni Satanas, at matanggap ang kaligtasan ng Diyos. Sa gayon lamang tayo maaaring maging karapat-dapat na pumasok sa makalangit na kaharian.