Menu

Bible Verse of the Day Tagalog - Paliwanag sa Job 1:21

Bible Verse of the Day Tagalog

Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova.

Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…

Gusto Mo Bang Magkaroon ng Tunay na Pananampalataya sa Diyos Tulad ni Job at Matanggap ang Pagpapala ng Diyos?

Sa buhay, maraming tao ang nahaharap sa mga paghihirap tulad ng mga kagipitan sa pinansyal, pagpapahirap ng karamdaman, at mga kabiguan sa trabaho. Kapag dumarating sa atin ang mga pagdurusa at pagsubok, hindi natin nauunawaan ang kalooban ng Diyos at sa gayon ay kadalasang nakararamdam ng panghihina at pagkanegatibo at maging hindi naiintindihan ang Diyos at nagrereklamo laban sa Kanya, naiwawala ang ating patotoo. Kung gayon, paano tayo makapagpapatotoo at mabibigyang-kasiyahan ang Diyos sa harap ng mga paghihirap at pagsubok?

Naiisip ko si Job na nakaranas ng matinding pagsubok: Lahat ng kanyang ari-arian ay kinuha ng mga tulisan, ang kanyang mga anak ay nadurog sa pagguho ng bahay, at ang kanyang katawan ay napuno ng mga pigsa. Sa pagharap sa gayong mga kalagayan, hindi lamang hindi nagreklamo si Job sa Diyos, kundi pinuri pa rin niya ang Diyos, na nagsasabing, “Hubad akong lumabas sa bahay-bata ng aking ina, at hubad na babalik ako roon: ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nag-alis; purihin ang pangalan ng Panginoon” (Job 1:21). Sa kalaunan ay tumayo siyang patotoo para sa Diyos, na nakakamit ang pagpapala at pagsang-ayon ng Diyos. Alam mo ba kung paano siya nagpatotoo? Sama-sama nating tingnan ang mga salita ng Diyos.

Sabi ng Diyos, “Matapos sabihin ng Diyos kay Satanas na, ‘Lahat niyang tinatangkilik ay nangasa iyong kapangyarihan; siya lamang ang huwag mong pagbuhatan ng iyong kamay,’ umalis si Satanas, at matapos noon ay sumailalim na si Job sa biglaan at mababangis na pag-atake: Una, ninakaw ang kanyang mga baka at mga asno at pinatay ang ilan sa mga tagapaglingkod niya; sumunod, sinunog ang ilan sa kanyang mga tupa at mga tagapaglingkod; matapos noon, kinuha ang mga kamelyo niya at pinatay ang mga tagapaglingkod niya; sa huli, pinaslang ang mga anak niyang lalaki at babae. Ang sunud-sunod na pag-atake na ito ay ang paghihirap na dinanas ni Job sa unang tukso. Ayon sa iniutos ng Diyos, ang mga ari-arian at mga anak lamang ni Job ang pinuntirya ni Satanas sa panahon ng mga pag-atake, at hindi niya sinaktan si Job. Gayunman, mula sa pagiging isang mayamang tao na nagmamay-ari ng malaking kayamanan, si Job ay biglang naging isang tao na wala kahit na anong ari-arian. Walang sinuman ang may kakayahang matagalan ang mga kagila-gilalas na biglaang pag-atake na ito o tumugon sa mga ito nang maayos, ngunit si Job ay nagpakita ng kanyang pambihirang kakayahan. Nagbibigay ang Kasulatan ng sumusunod na salaysay: ‘Nang magkagayo’y bumangon si Job, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba.’ Ito ang unang reaksyon ni Job pagkatapos niyang marinig na nawala sa kanya ang kanyang mga anak at lahat ng kanyang ari-arian. Higit sa lahat, hindi siya mukhang nagulat, o natakot, at lalong hindi siya nagpahayag ng galit o poot. Nakikita mo, sa gayon, na nakilala na niya sa kanyang puso na ang mga sakunang ito ay hindi isang aksidente, o gawain ng kamay ng tao, at lalong hindi dala ng paghihiganti o kaparusahan. Sa halip, dumating sa kanya ang mga pagsubok ni Jehova. Si Jehova ang nagnais na kunin ang kanyang ari-arian at mga anak. Napaka-mahinahon at malinaw ng pag-iisip ni Job noon. Ang kanyang perpekto at matuwid na pagkatao ang tumulong sa kanya upang makagawa ng mga makatwiran at likas na tumpak na mga paghatol at pagpapasya tungkol sa mga sakunang dumating sa kanya, at dahil dito, nagawa niyang kumilos nang may pambihirang kahinahunan: ‘Nang magkagayo’y bumangon si Job, at hinapak ang kaniyang balabal, at inahitan ang kaniyang ulo, at nagpatirapa sa lupa at sumamba.’ Ang ‘hinapak ang kaniyang balabal’ ay nangangahulugan na wala siyang suot, at walang pagmamay-ari; ang ‘inahitan ang kaniyang ulo’ ay nangangahulugang bumalik siya sa Diyos bilang isang bagong silang na sanggol; ang ‘nagpatirapa sa lupa at sumamba’ ay nangangahulugang dumating siya sa mundo nang hubad, at wala pa ring pag-aari sa ngayon, ibinalik siya sa Diyos na tila isang bagong silang na sanggol. Ang saloobin ni Job sa lahat ng sinapit niya ay hindi maaaring makamit ng anumang nilalang ng Diyos. Ang kanyang pananampalataya kay Jehova ay hindi kapani-paniwala; ganito ang kanyang takot sa Diyos at pagkamasunurin sa Diyos, at hindi lamang siya nagpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kanya, ngunit pati na rin sa pagkuha mula sa kanya. Higit pa rito, nagawa niyang ibalik sa Diyos ang lahat ng kanyang pag-aari, kasama na ang kanyang buhay.” “Ang takot at pagkamasunurin ni Job sa Diyos ay isang halimbawa sa sangkatauhan, at ang kanyang pagka-perpekto at ang pagkamatuwid ay ang rurok ng pagkatao na dapat taglayin ng tao. Kahit hindi niya nakita ang Diyos, naintindihan niya na tunay na umiiral ang Diyos, at dahil sa pagkaintinding ito ay nagkaroon siya ng takot sa Diyos—at dahil sa takot niya sa Diyos, nagawa niyang sumunod sa Diyos. Binigyan niya ang Diyos ng kalayaan na kunin ang lahat ng kanyang pag-aari, subalit hindi siya nagreklamo, at nagpakumbaba siya sa harap ng Diyos at sinabi sa Kanya, sa oras na ito, na kahit na kunin ng Diyos ang kanyang laman, masaya niyang hahayaan na gawin ito ng Diyos, nang walang reklamo. Ang kanyang buong asal ay dahil sa kanyang perpekto at matuwid na pagkatao. Ibig sabihin nito, bunga ng kanyang kawalang-sala, katapatan, at kabaitan, si Job ay naging matatag sa kanyang naintindihan at karanasan na tungkol sa pag-iral ng Diyos, at mula sa saligang ito inatasan niya ang kanyang sarili at gumawa ng pamantayan sa kanyang pag-iisip, pag-uugali, asal, at mga prinsipyo sa pagkilos sa harap ng Diyos na naayon sa patnubay ng Diyos sa kanya at sa mga gawa ng Diyos na nakita niya sa lahat ng bagay. Sa paglipas ng panahon, ang kanyang mga karanasan ay nagdulot ng tunay at totoong takot sa Diyos at nagawa niyang layuan ang kasamaan. Ito ang pinagmulan ng katapatan na mahigpit na pinanghawakan ni Job. Si Job ay may isang matapat, walang sala, at mabait na pagkatao, at siya ay mayroong tunay na karanasan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos, pagsunod sa Diyos, at paglayo sa kasamaan, pati na rin ang kaalaman na ‘si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis.’ Dahil sa mga bagay na ito lamang niya nagawang tumayo nang matatag sa kanyang patotoo sa gitna ng mapaminsalang pag-atake ni Satanas, at dahil sa mga ito lamang niya nagawang hindi biguin ang Diyos at magbigay ng kasiya-siyang sagot sa Diyos nang dumating ang Kanyang mga pagsubok.

Mula sa mga salita ng Diyos, nauunawaan natin: Ang dahilan kung bakit nakapagpatotoo si Job ay dahil mayroon siyang tunay na pananampalataya sa Diyos. Siya ay simple at tapat at naniniwala siyang lahat ng mga pangyayari at lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos, at lahat ng mga sitwasyong iyon na kanyang kinaharap ay may pagsang-ayon ng Diyos at hindi gawa ng tao. Bukod pa rito, nagkaroon din ng malalim na karanasan si Job sa kanyang mga dekada ng buhay na ang lahat ng pag-aari niya ay ipinagkaloob ng Diyos at hindi nagmula sa kanyang sariling pagpapagal. Kahit na gusto ng Diyos na alisin ang mga ito, dapat siyang magpasakop sa Diyos bilang isang nilikha. Kaya naman noong nahaharap siya sa paghihirap ng pagkawala ng lahat ng kanyang mga ari-arian at ng kanyang mga anak, hindi siya nagreklamo sa Diyos bagkus ganap na nagpasakop sa Diyos sa pag-alis sa mga bagay na iyon. Kahit na ang pinakabuhay niya ay kunin sa kanya, handa pa rin niyang sundin ang Diyos. Sinabi niya, “Ang Panginoon ang nagbigay, at ang Panginoon ang nag-alis; purihin ang pangalan ng Panginoon” (Job 1:21). Ang patotoo ni Job ay lubusang nagpahiya kay Satanas, at nang may ganoong pananampalataya, sa huli ay natamo niya ang pagsang-ayon ng Diyos, na nabubuhay sa liwanag ng Diyos magpakailanman.

Samakatuwid, kapag nahaharap tayo sa mga paghihirap at pagsubok, dapat nating tularan si Job, magkaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos at lumapit sa Diyos upang manalangin at hanapin ang Kanyang kalooban, sa gayon ay gagabayan tayo ng Diyos upang maunawaan ang Kanyang kalooban at tutulungan tayo sa lahat ng mga paghihirap.

Kung gusto mong matuto nang higit pa, mangyaring huwag mag-atubiling i-click ang link upang sumali sa aming online fellowship. Kami ay palaging available upang makipag-usap sa iyo.

Mag-iwan ng Tugon