Menu

Bible Verse of the Day Tagalog - Paliwanag sa Mateo 5:6

Bible Verse of the Day Tagalog

Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran: sapagka't sila'y bubusugin.

Mga Kaunawaan sa Talata Ngayong Araw…

Ang turo ng Panginoong Jesus ay ipinaaalalasa atin ang propesiya na nabanggit sa Pahayag, “Ang nauuhaw ay aking paiinuming walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.” Ang lahat ng mga naghahanap ng katotohanan, at gutom at nauuhaw sa katuwiran ay tatanggap ng pagkakaloob ng buhay na tubig ng buhay at mabigyan-kasiyahanang kanilang espiritu kapag sila’y lumapit sa harap ng Diyos. Ito ay kinakailangan para sa tao na magkaroon ng isang aktibong naghahanap na puso. Tulad ng sinasabi ng mga salita ng Diyos,“Itinutuon ng Diyos sa mga tao ang Kanyang salita. Kung ikaw ay handang basahin ito, ikaw ay Kanyang liliwanagan, nguni’t kung hindi, hindi Niya ito gagawin.Nililiwanagan ng Diyos ang mga nagugutom at nauuhaw para sa pagkamatuwid, at ang mga naghahanap sa Kanya. ...Ang Diyos ay nakapagsalita nang marami, kaya dapat mong gawin ang iyong makakaya upang kumain at uminom sa Kanyang salita. Hindi mo namamalayan, darating ka sa pagkaunawa at liliwanagan ka ng Banal na Espiritu. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao, madalas itong lingid sa kaalaman ng tao. Nililiwanagan at ginagabayan ka Niya kapag ikaw ay nauuhaw at naghahanap. Ang panuntunan kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu ay nakapagitna sa salita ng Diyos kung saan ikaw ay kumakain at umiinom. ” “Kung nararamdaman ng isang tao na hindi siya makakain at makainom ng sapat sa salita ng Diyos, kung palagi nila itong hinahangad at nagugutom at nauuhaw para rito, ang Banal na Espiritu ay palaging gagawa ng gawain sa gitna nila. Habang lalong nananabik ang isang tao, mas lalong maari niyang pakisamahan ang tungkol sa mga praktikal na bagay. Habang lalong tumitindi ang paghahangad ng isang tao sa katotohanan, mas lalong mabilis na uunlad ang kanyang buhay, magbibigay sa kanya ng mayamang karanasan at gagawin siyang mayaman sa bahay ng Diyos. Hindi alintana maging ikaw man ay tatakbo, gugugol, o tutupad ng isang tungkulin, o pinagkatiwalaan ng Diyos, dapat hangarin mo na maging perpekto at mapalugod ang kalooban ng Diyos.” Mula sa mga salita ng Diyos nakikita natin na, pinahahalagahan at nililiwanagan ng Diyos ang mga naghahangad at nagsisiyasat ng katotohanan. Samantala, ito ang dapat nating isagawa upang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Halimbawa, nang panahong ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, ang mga eskriba at Fariseo na sumunod sa Biblia at ayaw siyasatin ang gawain at mga salita ng Panginoong Jesus ay napalampas ang pagkakataong matanggap ang pagkakaloob ng mga salita ng Panginoong Jesus at makuha ang Kanyang kaligtasan. Sa huli, sila ay sinumpa at pinarusahan ng Diyos sapagkat nilabanan at kinondena nila ang gawain at salita ng Panginoong Jesus. Habang ang mga nauhaw sa gawain at mga salita ng Panginoong Jesus ay nakatanggap ng pagkakaloob ng buhay na tubig ng buhay, nakatamo ng patnubay ng gawain ng Banal na Espiritu, at nakakamit ng mga pagpapala ng Diyos. Ito ay isang malaking praktikal na halimbawa.

Ngayon ay katapusan na ng mundo at ang pinakamahalagang sandali ng pagtanggap sa pagbabalik ng Panginoong Jesus. Sa Biblia, iprinopesiya ng Diyos ng maraming beses na ang Panginoong Jesus ay magsasalita ng mga salita sa mga huling araw sa Kanyang pagbabalik. At kung makukuha natin ang mga salitang ito o hindi ay nakasalalay sa kung mayroon tayong isang pusong may takot sa Diyos at mapagpakumbabang naghahanap, sapagkat sinabi ng Panginoong Jesus, “Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan.” “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin.” Hangga't mayroon tayong puso na nagugutom at nauuhaw para sa katuwiran at naririnig ang tinig ng Diyos, tiyak na aakayin tayo ng Diyos na mahanap ang Kanyang gawain at mga salita.

Pinahabang Pagbasa:

Kung gusto mong matuto nang higit pa, maaari kang makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng Messenger anumang oras!

Mag-iwan ng Tugon