Menu

Bible Verse of the Day Tagalog - John 3:16 Tagalog Explanation

Bible Verse of the Day Tagalog

Sapagkat gayon na lamang ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya’y hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang-hanggan.

Sa tuwing babasahin natin ang talatang ito, maaantig ang ating puso. Sa huling bahagi ng Kapanahunan ng Kautusan, habang ang mga tao ay lalong pinasama ni Satanas, lahat sila ay namumuhay sa kasalanan, hindi makasunod sa batas, at nahaharap sa panganib na mahatulan at isumpa ng batas. Kaya, nagkatawang-tao ang Diyos at naparito sa mundo. Siya ay ipinako sa krus, ibinuhos ang lahat ng Kanyang mahalagang dugo, at natapos ang gawain ng pagtubos. Hangga't ang mga tao ay umamin at nagsisi sa Panginoon, patatawarin Niya ang kanilang mga kasalanan at palalayain sila mula sa paghatol at sumpa ng batas. Sa gayon, matatamasa nila ang saganang biyaya at pagpapala ng Diyos, at magkakaroon ng pag-asa na magtamo ng buhay na walang hanggan. Napakadakila ng pagmamahal ng Panginoon sa atin. Ngunit maraming kapatid ang nag-iisip na nakamit natin ang buhay na walang hanggan dahil sa pananampalataya sa Panginoong Jesus. Ganito ba talaga? Marahil ang lahat ng nananampalataya sa Panginoon ay may malalim na kaalaman tungkol dito: Bagama't pinatawad na tayo sa ating mga kasalanan dahil sa pananampalataya sa Panginoon, ang ating makasalanang kalikasan ay malalim pa ring nakaugat at hindi pa nalulutas. Napipigilan pa rin tayo at nakagapos sa ating makasalanang kalikasan, at nabubuhay pa rin tayo sa paulit-ulit na pagkakasala at pagkukumpisal. Kahit na bihasa tayo sa Bibliya, at nananalangin tayo sa Panginoon upang ipagtapat ang ating mga kasalanan, at magsumikap sa pangalan ng Panginoon, hindi pa rin natin matatakasan ang mga gapos at mga hadlang ng kasalanan. Ito ang tunay nating kalagayan ng paniniwala sa Panginoon. Ito ay nakasulat sa Bibliya, “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23). Hindi pa tayo nadalisay sa kasalanan, kaya paano masasabing nakamit na natin ang buhay na walang hanggan? Sa katunayan, ang pagpapako sa krus ng Panginoong Jesus ay gawain lamang ng pagtubos. Dinala Niya sa mga tao ang daan ng pagsisisi, at hindi ipinagkaloob sa atin ang daan ng buhay na walang hanggan na makapagpapalaya sa atin mula sa ating makasalanang kalikasan at magpapadalisay sa atin. Samakatuwid, ilang beses na nagpropesiya ang Panginoong Jesus na Siya ay babalik. Sa pagbabalik Niya sa mga huling araw, ipahahayag Niya ang katotohanan at isasagawa ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos upang ganap na iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan, upang tayo ay maging dalisay at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Gaya ng ipinropesiya sa Bibliya, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). “Pakabanalin Mo sila sa katotohanan: ang salita Mo'y katotohanan(Juan 17:17). “Sapagkat dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios(1 Pedro 4:17). Ngayon, ang mga propesiya na ito ay natupad na at ang Panginoong Jesus ay bumalik na. Siya ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos. Ipinahayag Niya ang katotohanan at isinagawa ang gawain ng paghatol simula sa sambahayan ng Diyos, na nagdadala sa atin ng daan ng buhay na walang hanggan. Tanging kung tatanggapin natin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at matamo ang daan ng buhay na walang hanggan na ipinagkaloob ng Diyos maaari tayong magkaroon ng pagkakataong magtamo ng buhay na walang hanggan at makapasok sa kaharian ng Diyos.

Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. “Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng Diyos at masasang-ayunan ng Diyos ang tao. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit …

Kung nais mong basahin ang higit pang mga salita ng Diyos upang maunawaan ang mga misteryo ng buhay na walang hanggan, at makamit ang daan ng buhay na walang hanggan, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng online chat window sa ibaba ng website na ito. Halina't mag-usap tayo online!

Mag-iwan ng Tugon