Menu

Sabi sa Biblia: “Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas” (Roma 10:10). Naniniwala kami na napawalang-sala na tayo ng Panginoong Jesus mula sa ating mga kasalanan at ginawa tayong matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya. Bukod pa riyan, naniniwala kami na kung minsang nailigtas ang isang tao, ligtas na sila magpakailanman, at kapag nagbalik ang Panginoon agad tayong dadalhin at papasok sa kaharian ng langit. Kaya bakit mo pinatototohanan na kailangan nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw bago tayo maliligtas at madadala sa kaharian ng langit?

Sagot:

Ang iniisip ng lahat ng sumasampalataya sa Panginoon: Tinubos tayo ng Panginoong Jesus nang mamatay Siya sa krus, kaya pinatawad na tayo sa lahat ng kasalanan. Hindi na tayo nakikita ng Panginoon bilang mga makasalanan. Naging matuwid na tayo sa pamamagitan ng ating pananalig, pag naligtas na tayo, magpakailanman na iyon. Basta magtitiis tayo hanggang sa wakas, pagbalik ng Panginoon, agad tayong dadalhin sa alapaap papunta sa kaharian ng langit. Bueno, iyon ba ang katotohanan? Nagbigay ba ang Diyos ng anumang pruweba sa Kanyang mga salita para patunayan ang pahayag na iyon? Kung hindi naaayon sa katotohanan ang pananaw na ito, ano ang magiging mga epekto? Dapat gamitin nating mga sumasampalataya sa Panginoon ang mga salita Niya bilang basehan para sa lahat ng bagay. Sadyang totoo iyon pagdating sa tanong kung paano ilalarawan ang pagbabalik ng Panginoon. Kahit anong mangyari, hindi natin dapat ilarawan ang Kanyang pagbabalik ayon sa mga pagkaintindi at imahinasyon ng tao. Napakaseryoso ng epekto ng ganoong pag-uugali kahit pag-isipan man lang. Katulad iyon nang ipako sa krus ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus habang hinihintay nila ang pagdating ng Mesiyas. Ano ang magiging kahihinatnan? Nakumpleto na ng Panginoong Jesus ang gawain na pagtubos sa sangkatauhan. Totoo iyon, pero tapos na ba ang gawain ng pagliligtas ng Diyos para sa sangkatauhan? Ibig bang sabihin noon na lahat tayong mga nananampalataya sa Panginoong Jesus ay karapat-dapat na madala sa alapaap papunta sa kaharian ng langit? Walang nakakaalam ng sagot sa tanong na ito. Minsang sinabi ng Diyos, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal(Levitico 11:45). Ayon sa mga salita ng Diyos, makakasiguro tayo na yaong mga pumapasok sa kaharian ng langit ay napalaya na ang sarili sa kasalanan at nalinis na. Sila ang mga gumagawa sa nais ng Diyos, sumusunod sa Diyos, nagmamahal sa Diyos, at gumagalang sa Kanya. Dahil banal ang Diyos at ang mga pumapasok sa kaharian ng langit ay mamumuhay na kasama Niya, kung hindi pa tayo nalilinis, paano tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit? Samakatuwid, ang pagkaunawa ng ilan na tayong mga sumasampalataya ay pinatawad na sa kasalanan at makakapasok tayo sa kaharian ng langit ay isang lubos na maling pagkakaintindi sa nais ng Diyos. Nagmula iyon sa sariling imahinasyon; pagkaintindi iyon natin. Pinatawad tayo ng Panginoong Jesus sa kasalanan; hindi iyon mali. Ganoon pa man, hindi kailanman sinabi ng Panginoong Jesus na lubos na tayong nalinis sa kapatawarang iyon at ngayon ay karapat-dapat nang pumasok sa kaharian ng langit. Walang makakatanggi sa katotohanang iyon. Kung ganoon, bakit iniisip ng lahat ng nananampalataya na ang mga pinatawad na ay makakapasok sa kaharian ng langit? Ano ang ginagamit nila bilang pruweba? Paano nila pinatutunayan ang pahayag na iyon? Maraming taong nagsasabing ibinabase nila ang paniniwalang iyon sa mga salita ni Pablo at ibang mga apostol, gaya ng nasusulat sa Bibliya. Kung ganoon, tatanungin ko kayo, kinakatawan ba ng mga salita ni Pablo at ng ibang apostol ang mga salita ng Panginoong Jesus? Kinakatawan ba nila ang mga salita ng Banal na Espiritu? Maaaring nasa Biblia ang mga salita ng tao, pero nangangahulugan ba iyon na mga salita iyon ng Diyos? May isang katotohanang malinaw nating makikita sa Biblia: Ang mga taong pinupuri ng Diyos ay kayang makinig sa Kanyang salita at sundin ang Kanyang gawain. Sila ang mga sumusunod sa Kanyang daan, ang mga karapat-dapat na magmana sa ipinangako ng Diyos. Isa itong katotohanang hindi maitatanggi nino man. Alam nating lahat na kahit pinatawad na ang mga kasalanan nating mga sumasampalataya, hindi pa rin tayo nalilinis; nagkakasala pa rin tayo at lagi pa ring lumalaban sa Diyos. Malinaw na sinabi sa atin ng Diyos: “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal(Levitico 11:45). “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). Mula sa mga salita ng Diyos, makakasiguro tayong bagama’t napatawad na ang mga kasalanan ng tao, hindi sila karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. Kailangang linisin ang mga tao; kailangang maging tagagawa sila ng nais ng Diyos bago sila makapasok sa kaharian ng langit. Isa iyong katotohanang hindi mapapasubalian. Makikitang hindi ganoon kasimple ang pag-unawa sa nais ng Diyos gaya ng akala natin. Hindi tayo malilinis dahil lang sa pinatawad na ang ating mga kasalanan. Kailangan muna nating magkaroon ng ilang realidad ng katotohanan at makamit ang papuri ng Diyos. Saka tayo magiging marapat na pumasok sa kaharian ng langit. Kung hindi natin mahal ang katotohanan at sa halip ay sawa na tayo roon at kinamuuhian pa natin iyon, kung mga gantimpala at korona lang ang habol natin, pero wala tayong pakialam sa nais ng Diyos, lalo na sa paggawa sa nais ng Diyos, hindi ba masama ang ginagawa natin? Pinupuri ba ng Panginoon ang ganitong uri ng tao? Kung ganoon, kagaya rin lang tayo noong mga hipokritong Fariseo: Kahit pinatawad na tayo sa mga kasalanan, hindi pa rin tayo makakapasok sa kaharian ng langit. Hindi maitatatwa ang katotohanang iyon.

Ipagpatuloy natin ang pagbabahagi. Pinatawad tayo ng Panginoong Jesus sa lahat ng ating mga kasalanan. Anong mga kasalanan ang pinatawad Niya? Anong klaseng mga kasalanan ang ikinukumpisal natin pagkatapos nating sumampalataya sa Panginoon? Ang tinutukoy na mga pangunahing kasalanan ay iyong mga totoong kasalanan na nagkakanulo sa mga kautusan ng Diyos, mga utos, o mga salita. Ipinagkanulo nating mga tao ang mga batas at utos ng Diyos kaya hahatulan tayo at parurusahan ng Kanyang kautusan. Kaya dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain ng pagtubos. Kung kaya, kailangan lang nating manalangin sa Panginoong Jesus at ikumpisal at pagsisihan ang ating mga kasalanan at patatawarin Niya tayo. Matapos iyon, hindi na tayo mapapailalim sa paghatol at pagpaparusa ayon sa Kanyang batas. Hindi na tayo tatratuhin ng Diyos bilang mga makasalanan. Kaya makakapagdasal na tayo nang diretso sa Diyos, makakaiyak na tayo sa Diyos at makakabahagi sa masagana Niyang biyaya at katotohanan. Ito ang tunay na kahulugan ng “kaligtasan” na madalas naming sinasabi sa Kapanahunan ng Biyaya. Walang kinalaman ang kaligtasang ito sa pagiging malinis at pagpasok sa kaharian ng langit. Masasabi mong dalawang magkaibang bagay iyon, dahil hindi kailanman sinabi ng Panginoong Jesus na lahat ng naligtas at pinatawad ay makakapasok sa kaharian ng langit. Basahin natin ang ilang salita ng Makapangyarihang Diyos, “Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng lahat ng naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay pinawalang-sala sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Nguni’t sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangan pang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa(“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na nagawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag at likas na pagkataong lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang likas na lason sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. … Kahit na ang tao ay natubos at napatawad sa kanyang mga kasalanan, ito ay maaaring ituring lamang bilang hindi pag-alala ng Diyos sa mga paglabag ng tao at hindi pagtrato sa tao alinsunod sa mga paglabag ng tao. Subali’t, kapag ang tao na namumuhay sa laman, at siya ay hindi pa napapalaya mula sa kasalanan, siya ay maaaring magpatuloy lamang sa pagkakasala, walang-katapusang paghahayag ang kanyang maka-satanas na disposisyon. Ito ang pamumuhay ng tao, isang walang-katapusang pag-ikot ng kasalanan at kapatawaran. Ang karamihan ng mga tao ay nagkakasala sa araw upang magtapat ng kasalanan sa gabi. Dahil dito, kahit na ang handog para sa kasalanan ay magpakailanmang mabisa para sa tao, hindi nito magagawang iligtas ang tao mula sa kasalanan. Tanging kalahati lang ng gawain ng pagliligtas ang nakumpleto, sapagka’t ang tao ay mayroon pa ring tiwaling disposisyon(“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Napakalinaw na nasagot ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang tanong na iyon. Matapos namin iyong marinig, naintindihan namin. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa lang ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain ng pagtubos para patawarin ang sangkatauhan sa kasalanan, na ginawa silang matuwid sa pamamagitan ng pananalig at nagligtas sa kanila sa pamamagitan ng pananalig. Ganoon pa man, hindi kailanman sinabi ng Panginoong Jesus na lahat ng pinatawad na sa kanyang mga kasalanan ay makakapasok sa kaharian ng langit. Dahil iyon sa maaaring pinatawad na tayo ng Panginoong Jesus sa lahat ng kasalanan, pero hindi kailanman niya tayo pinatawad sa ating mga satanikong kalikasan. Ang panloob nating kayabangan, kaswapangan, panlilinlang, kasamaan, atbp., iyon ay, ang ating mga tiwaling disposisyon, ay nananatili pa rin. Mas malalim sa kasalanan ang mga bagay na ito. Mas mahirap itong lutasin. Kung ang mga satanikong kalikasan at mga tiwaling disposisyon, na labis kung lumaban sa Diyos, ay hindi pa nalulutas, hindi natin maiiwasang gumawa ng maraming kasalanan. Maaari pa tayong makagawa ng mga kasalanang mas malala pa sa paglabag sa batas, at iyon ay, ang mga napakasamang kasalanan. Bakit nagawa ng mga Fariseo na tuligsain at labanan ang Panginoong Jesus? Paano nila Siya magagawang ipako sa krus? Pinatutunayan noon na kapag ang satanikong kalikasan ng tao ay hindi pa nalulutas magkakasala pa rin tayo, lalaban sa Diyos, at ipagkakanulo ang Diyos.

Sumampalataya tayo sa Panginoon sa loob ng ilang taon at naranasan natin sa ating sarili ang isang bagay, iyon ay, kahit pinatawad na ang ating mga kasalanan, hindi pa rin natin malalabanan ang palagiang pagkakasala. Nagsisinungaling pa rin tayo, nandadaya, nanloloko at nanlalansi sa paghahangad ng magandang reputasyon at katayuan. Tumatakas pa nga tayo sa responsibilidad at nagbibigay ng problema sa iba para lang sa sarili natin. Kapag humaharap sa natural at gawa ng taong mga sakuna, o sa mga pagsubok at paghihirap, sinisisi at tinatraydor natin ang Diyos. Kung hindi naaayon sa sarili nating pagkaintindi ang gawain ng Diyos, itinatanggi, hinuhusgahan, at nilalabanan natin ang Diyos. Kahit sumasampalataya tayo sa pangalan ng Diyos, iginagalang at sinusunod pa rin natin ang ibang mga tao. Kung mayroon tayong mga posisyon, pinupuri at binibigyang patunay natin ang ating mga sarili, gaya ng mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo. Umaarte tayong parang tayo ang Diyos para igalang at hangaan tayo ng mga tao. Ninanakaw at kinukuha pa natin para sa aring mga sarili ang mga alay sa Diyos. Naiinggit tayo at sumusunod sa sarili nating kagustuhan at sa mga kapritso ng ating laman at damdamin. Tinatanim natin ang sarili nating mga watawat, bumubuo ng sarili nating mga grupo, at nagtatayo ng sarili nating mga kaharian. Malilinaw na katotohanan ang mga ito. Makikita nating kapag hindi pa nalulutas ang ating satanikong kalikasan at disposisyon, hindi tayo magiging karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit kahit pa ilang milyong beses na pinatawad ang ating mga kasalanan. Ang katotohanang nagkakasala pa rin tayo at lumalaban sa Diyos ay nagpapakitang pag-aari pa rin tayo ni Satanas, mga kalaban ng Diyos, at tiyak na hahatulan at parurusahan Niya. Gaya rin iyon ng sinasabi sa Biblia, “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway(Mga Hebreo 10:26–27). Basahin pa natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, at hindi pa nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, ang dating ikaw, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—napakasuwerte mo naman! Nalagpasan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangan ay ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalagpasan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos(“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Gaya ng nakikita ninyo, tinubos lang tayo ng Panginoong Jesus pero namumuhay pa rin sa ating satanikong disposisyon, palaging nagkakasala at lumalaban sa Diyos. Kailangang maranasan natin ang paghatol at pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw para ganap na makalaya sa kasalanan at maging kaayon ng puso ng Diyos. Saka tayo magiging karapat-dapat pumasok sa kaharian ng langit. Sa totoo lang, minsang sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon(Juan 14:2–3). Bumalik ang Panginoon para maghanda ng lugar para sa atin at pagkatapos Niyang maghanda, babalik Siya para tanggapin tayo. Sa katotohanan, ang “pagtanggap” na ito ay tumutukoy sa mga plano Niya na isilang tayong muli sa mga huling araw. Pagdating ng Panginoon para gawin ang Kanyang gawain, dadalhin niya tayo sa harap ng Kanyang luklukan para hatulan, linisin, at gawing perpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Gagawin Niya tayong mga mananagumpay bago dumating ang mga sakuna. Ang proseso ng Kanyang pagtanggap sa atin ay siya ring paraan kung paano Niya tayo lilinisin at gagawing perpekto. Dumating ngayon ang Panginoon sa lupa para humatol sa mga huling araw. Nadala na tayo sa harap ng Kanyang luklukan para makapiling Siya. Hindi ba lubos nitong tinutupad ang propesiya ng pagdating ng Panginoon para tanggapin tayo? Pagkatapos ng malalaking sakuna, itatatag sa lupa ang kaharian ni Cristo. Lahat ng makakaligtas sa pagpipino ng malalaking sakuna ay magkakaroon ng lugar sa kaharian sa langit.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Kahit napatawad na ang ating mga kasalanan dahil sa paniniwala sa Panginoon, at mabibilang tayo na nailigtas, ngunit sa katotohanann, nananatili tayong marumi at tiwali at hindi pa nakakatakas sa kasalanan upang tumanggap ng kalinisan. Ang mapatawad ang ating mga kasalanan ay nangangahulugan lamang na hindi tayo hinahatulan ng kautusan. Ito ang eksaktong kahulugan ng “naligtas sa pamamagitan ng biyaya.” Maaaring pinatawad na ng Diyos ang ating mga kasalanan at ipinagkaloob sa atin ang maraming biyaya, hinahayaan tayong tamasahin ang kapayapaan at kaligayahan ng kapatawaran ng ating mga kasalanan, at ibinibigay sa atin ang karapatang magdasal sa Diyos at makipag-usap at ipagbigay-alam sa Diyos, ngunit ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi nagtatapos doon. Ang gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay para lamang ihanda ang daan para sa gawain ng paglilinis at pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung wala ang pagtubos ng Panginoong Jesus, hindi tayo magiging karapat-dapat na manalangin sa Diyos at tumanggap ng pagliligtas ng Diyos. Dapat alam natin ito. Bakit matapos mapatawad ang ating mga kasalanan dahil sa paniniwala sa Panginoon, hindi pa rin natin mapigilan ang ating mga sarili at madalas pa ring nakakagawa ng mga pagkakasala, at hindi mapalaya ang ating mga sarili mula sa pamumuhay sa kasalanan? Ito ay dahil ang pagtiwali sa atin ni Satanas ay napakalalim, sa hangganang lahat tayo’y may kalikasang mala-satanas at punung-puno ng mala-satanas na disposisyon. Kaya hindi natin mapigilang makagawa ng mga kasalanan. Kung ang mala-satanas na kalikasang ito ay hindi malulutas, maaari pa rin tayong magkasala at lumaban sa Diyos kahit na napatawad na ang ating mga kasalanan. Sa ganoong paraan, hindi natin kailanman makakamit ang pagkakaayon sa Diyos. Ito ang dahilan kung bakit sabi ng Panginoong Jesus na babalik Siya. Ito ay upang maisagawa Niya ang Kanyang gawain ng paghatol ng mga huling araw upang ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Tulad ng sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na nagawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag at likas na pagkataong lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang likas na lason sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin sa pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas. Ang tao ay nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang pinuhin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng karumihan, mga pagkaunawa, mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay ganap na naibubunyag(“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, nguni’t hindi magagawang lutasin ng tao ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, nguni’t ang tao ay patuloy na namuhay sa dating tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang landas ng buhay, at ang paraan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon ng tao ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng pagsikat ng liwanag, at upang maaaring magawa niya ang lahat ng bagay ayon sa kalooban ng Diyos, iwaksi ang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at lumaya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at dahil dito ganap na makakalaya mula sa kasalanan. Doon lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan. … Samakatuwid, matapos na makumpleto ang yugtong iyon, naroon pa rin ang gawain ng paghatol at pagkastigo. Ang yugtong ito ay para padalisayin ang tao sa pamamagitan ng salita at sa gayo’y bigyan siya ng isang landas na susundan. Ang yugtong ito ay hindi magiging mabunga o makahulugan kung nagpatuloy ito sa pagpapalayas ng mga demonyo, sapagka’t ang makasalanang kalikasan ng tao ay hindi maiwawaksi at ang tao ay hihinto lamang sa pagpapatawad ng mga kasalanan. Sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ang tao ay napatawad sa kanyang mga kasalanan, sapagka’t ang gawain ng pagpapapako sa krus ay dumating na sa katapusan at ang Diyos ay nanaig laban kay Satanas. Nguni’t ang tiwaling disposisyon ng tao ay nananatili pa rin sa loob nila at ang tao ay maaari pa ring magkasala at labanan ang Diyos; at hindi pa nakamit ng Diyos ang sangkatauhan. Kung kaya sa yugtong ito ng gawaing ginagamit ng Diyos ang salita upang ibunyag ang tiwaling disposisyon ng tao at hinihingi sa tao na magsagawa alinsunod sa tamang landas. Ang yugtong ito ay mas makahulugan kaysa nauna at mas mabunga rin, dahil sa ngayon ang salita ang direktang nagbibigay-buhay sa tao at nagbibigay-daan upang ang disposisyon ng tao ay ganap na mapanibago; ito ay isang yugto ng gawain na mas masusi(“Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay napakalinaw: Sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa lamang ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawaing pagtubos. Ang ating mga pagkakasala ay napatawad dahil sa paniniwala sa Panginoon, ngunit hindi nalutas ang ating makasalanang kalikasan. Ang makasalanang kalikasan ay kalikasan ni Satanas. Nagkaugat na ito sa loob natin, na naging ating buhay. Ito ang dahilan kung bakit hindi pa rin natin maiwasan ang magkasala at lumaban sa Diyos. Ang pagkakaroon natin ng mala-satanas na kalikasan ay ang ugat na dahilan ng ating paglaban sa Diyos. Ang ating mga kasalanan ay maaaring mapatawad, ngunit mapapatawad ba ng Diyos ang ating mala-satanas na kalikasan? Ang mala-satanas na kalikasan ay direktang lumalaban sa Diyos at sa katotohanan. Hindi ito kailanman patatawarin ng Diyos. Samakatuwid, kailangang ganap na iligtas ng Diyos ang sangkatauhan mula sa pagkaalipin at pagkontrol ng mala-satanas na kalikasan, at kailangang hatulan at kastiguhin ng Diyos ang sangkatauhan. Ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawaing nakalaan sa mala-satanas na kalikasan at disposisyon sa loob ng tiwaling sangkatauhan. Maaaring itanong ng ilan, “Malulutas lang ba ang ating mala-satanas na kalikasan sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo? Hindi ba natin magagawa, sa pamamagitan ng pagbabayad sa halaga ng pagdurusa, pagsupil sa ating katawan, at pagpigil sa ating mga sarili nang kusa, na lutasin ang ating mala-satanas na kalikasan?” Siguradong hindi. Kung hindi dahil sa pagpapahayag ng Diyos ng katotohanan at paghatol at paghahayag sa kalikasan at diwa ng tao, walang sinuman ang makakaalam ng eksakto kung ano ang kalikasan ng tiwaling sangkatauhan. Tingnan nating muli ang maraming banal sa buong kasaysayan na nagbayad ng halaga ng pagdurusa at sinupil ang kanilang mga katawan, silang lahat na nagnais na makatakas sa pagkaalipin at pagkontrol ng kasalanan, at mangibabaw sa laman. Ngunit sino sa kanila ang nagawang mapagtagumpayan si Satanas at naging isang taong tunay na sumusunod sa Diyos? Halos wala. Kahit pa may ilan, sila ay mga tao na natatanging ginawang ganap ng Diyos. Ngunit ilang ganoong tao ang mayroon? Dahil mismo sa walang paghatol at pagkastigo ng Diyos, kaya hindi nalinis ang ating mala-satanas na disposisyon. Samakatuwid, ang ating disposisyon sa buhay ay hindi natin kayang baguhin. Ang katotohanang ito ay sapat upang patunayan na ang paggamit ng mga paraan ng tao ay hindi kayang lutasin ang ating mala-satanas na kalikasan. Kailangang nating dumaan sa paghatol at pagkastigo, pagtatabas at pakikitungo, at mga pagsubok at pagpipino ng Diyos, bago natin makamit ang katotohanan at buhay, at tanggapin ang daan ng buhay na walang hanggan. Doon lamang ganap na malulutas ang ating mala-satanas na kalikasan. Ito ang dahilan kung bakit, batay sa gawaing pagtubos ng Panginoong Jesus, isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa mga huling araw, upang ganap na iligtas ang sangkatauhan mula sa pagkaalipin at pagkontrol ng mala-satanas na kalikasan, upang malinis ang sangkatauhan para tumanggap ng pagliligtas ng Diyos at makamit ng Diyos. Magmula dito makikita natin na ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ang ganap na makakalinis at makapagliligtas sa sangkatauhan. Ito ang katotohanan.

Bakit ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa tiwaling lahi ng tao sa mga huling araw? Upang maunawaan ang usaping ito, dapat nating malaman na hindi lubusang inililigtas ng Diyos ang lahi ng tao sa isa o dalawang yugto ng gawain lamang. Sa halip, ito ay sa pamamagitan ng tatlong yugto ng gawain: ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kaharian. Ito lamang tatlong yugto ng gawain ang ganap na nakapagliligtas sa sangkatauhan mula sa sakop ni Satanas, at ang mga ito lamang ang bumubuo ng buong gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Noong Kapanahunan ng Kautusan, ang Diyos na Jehova ay naglabas ng mga batas at kautusan upang gabayan ang tao sa kanyang buhay sa lupa, at sa pamamagitan ng mga ito, malalaman ng sangkatauhan kung anong uri ng mga tao ang pinagpapala ng Diyos, anong uri ng mga tao ang isinusumpa ng Diyos, gayundin ano ang matuwid at ano ang makasalanan. Gayunpaman, noong mga huling yugto ng Kapanahunan ng Kautusan lahat ng tao ay namuhay sa kasalanan dahil ang lahi ng tao ay nagawang lalo pang tiwali ni Satanas. Hindi nila nakayang sumunod sa mga batas at nanganib na mahatulang nagkasala at masumpa ng mga batas na ito. Kaya naman ang Panginoong Jesus ng Kapanahunan ng Biyaya ay dumating upang gawin ang gawain ng pagtubos, tinutulutan ang tao na ikumpisal ang kanyang mga kasalanan, magsisi at mapatawad sa mga ito, sa gayon ay nalilibre ang tao mula sa pagiging nahatulang nagkasala at nasumpa sa pamamagitan ng batas at tinutulutan siyang maging karapat-dapat na humarap sa Diyos at manalangin, makipagniig sa Diyos, at tamasahin ang Kanyang masaganang biyaya at katotohanan. Ito ang totoong kahulugan ng “pagiging ligtas.” Gayunpaman, pinatawad lamang ng Panginoong Jesus ang ating mga kasalanan; hindi Niya pinatawad ang ating makasalanang kalikasan o ang ating mala-satanas na disposisyon. Umiiral pa rin ang ating mala-satanas na kalikasan. Nagpatuloy tayong umiral sa loob ng masamang siklo ng paggawa ng kasalanan, pagkukumpisal ng mga ito at pagkatapos ay paggawa uli ng mga kasalanan nang walang paraan upang makawala mula sa pagpigil at pagkontrol ng ating makasalanang kalikasan. Sumigaw tayo sa Diyos sa sakit: “Ako’y talagang nagdurusa! Paano ako makakawala mula sa pagpigil at pagkontrol ng kasalanan?” Ito’y isang karanasan, isang pagkaunawa nating lahat bilang mga mananampalataya ng Panginoon. Gayunpaman, tayo’y walang kakayanan na lutasin ang ating makasalanang kalikasan sa sarili natin. Tanging ang Diyos, ang Lumikha ang kayang magligtas sa sangkatauhan at palayain tayo mula kay Satanas at sa kasalanan. Tanging Siya ang makapagliligtas sa atin mula sa sakop ni Satanas. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Yamang nilikha Niya ang tao, pinangungunahan Niya ito; yamang inililigtas Niya ang tao, ililigtas Niya siya nang lubos, at ganap na kakamtin siya; yamang pinangungunahan Niya ang tao, dadalhin Niya siya sa wastong hantungan; at yamang nilikha Niya at pinamamahalaan ang tao, kailangang akuin Niya ang pananagutan sa kapalaran at mga pagkakataon ng tao. Ito nga ay ang gawaing ginagawa ng Lumikha(“Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang Diyos ay matapat. Dahil inililigtas ng Diyos ang tao, gagawin Niya ito nang ganap. Tiyak na hindi Siya susuko sa kalagitnaan. Kaya nga ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan upang linisin at iligtas ang sangkatauhan sa mga huling araw upang lubusang iligtas ang tao. Ginagawa Niya ang gawain ng paghatol simula sa tahanan ng Diyos upang lubusang lutasin ang problema ng mala-satanas na kalikasan at mala-satanas na disposisyon ng sangkatauhan. Ginagawa Niya ito upang makawala ang sangkatauhan sa kasalanan, makamit ang kaligtasan, at makamtan ng Diyos. Ang gawaing paghatol na ginagawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay eksaktong-eksakto kung ano ang kailangan ng tiwaling sangkatauhan, at ito rin ang pinakamahalagang yugto ng gawain na dapat magampanan ng Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Tinutupad nito ang hula ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). “Ang Espiritu ng katotohanan” ay tumutukoy sa Diyos na magkakatawang-tao sa mga huling araw, nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol. Ang tanging kailangan nating gawin ay tanggapin at sundin ang gawaing paghatol ng Diyos ng mga huling araw upang makamit natin ang kaligtasan at makamtan ng Diyos. Ito’y isang bagay na napapatunayan ng lahat ng tunay na nakaranas ng gawaing paghatol ng Diyos ng mga huling araw.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Mag-iwan ng Tugon