Isang Pagtitipon ang Nagbigay sa Akin ng Bagong Pagkaunawa sa Biblia
- Quick Navigation
- Ang Aking Espiritu ay Nanlupaypay sa Kadiliman, ngunit Nagkataon na Natagpuan Ko ang Isang Natatanging Klase ng Pag-aaral ng Biblia
- Mayroon pa bang Anumang Iba pang mga Bagong Pagbigkas Bukod Doon sa nasa Biblia?
- Ang Aking Pag-aalinlangan ay Napawi, at Nakarating Ako sa Isang Bagong Pagkaunawa sa Biblia
- Nauunawan Ko ang Gawain ng Diyos at Tinatanggap Nang May Kagalakan ang Pagbabalik ng Panginoon
Ang Aking Espiritu ay Nanlupaypay sa Kadiliman, ngunit Nagkataon na Natagpuan Ko ang Isang Natatanging Klase ng Pag-aaral ng Biblia
“Inay, inay, bakit natutulog ka na naman?”
Nang gisingin ako ng aking anak, napagtanto ko na nakatulog na naman ako sa panahon ng mga pananalangin, at nakonsensya ako nang husto. Tinapik ko ang aking mga hita na namanhid sa pagluhod nang matagal, tumayo, at naglakad papunta sa bintana. Habang nakatunghay ako sa maaliwalas, maliwanag na buwan sa panggabing kalawakan, hindi ko maiwasang balikan ang mga alaala ng lumipas.
Nagsimula akong maniwala sa Panginoon nang ako ay bata, at ito ay 35 taon sa ngayon. Dahil sa pagkawili sa Biblia, ako ay naging tagapangasiwa para sa Asosasyon ng mga Kabataang Kristiyano ng aking iglesia, isa rin akong guro sa Panlinggong Paaralan, at palagi kong pinaglilingkuran ang Panginoon nang masigasig. Sa loob ng ilang taon, gayunpaman, dama ko na ang aking espiritu ay lalong naging tigang, hindi ko itinuturing ang Biblia bilang nagbibigay-liwanag, hindi ako magkaroon ng sapat na lakas kapag inaakay ang mga kapatid sa pag-aaral ng Biblia. Nasasabik ako na tustusan ako ng pastor ng kanyang mga sermon, ngunit palagi niyang ipinangangaral ang mga dating bagay nang walang anumang liwanag o anupaman. Hindi ako nasisiyahan sa aking narinig, at ang aking espiritu ay hindi natutustusan. Karamihan sa mananamplataya na dumating upang dinggin ang kanyang mga sermon ay nagsasagawa lamang ng relihiyosong seromya at nakikisabay lang sa nakararami. Wala halos ni isa mang sumasamba sa Diyos sa espiritu at sa katotohanan, at ang sitwasyon sa loob ng iglesia ay lumala nang lumala. Sa harap ng ganitong mga pangyayari, nagpatuloy ako sa pag-aaral ng Biblia na umaasa na makahanap ng landas upang mapanumbalik ang aking pananampalataya, ngunit nabigo pa rin ako. Sa panahong iyon, madalas kong isipin, “Ang aking espiritu ngayon ay nalugmok at nakakatulog pa ako sa panahon ng mga pananalangin. Mananampalataya pa rin ba ako ng Panginoon? Tatalikuran ba ako ng Panginoon?” Masyadong naligalig ang loob ko, at ang magagawa ko lang ay ang patuloy na tawagin ang Panginoon, hinihiling na gabayan Niya ako.
Isang araw noong Setyembre 2017, nakilala ko ang Kapatid na Wang at, pagkatapos, madalas naming talakayin ang aming pagkaunawa sa Mga Banal na Kasulatan. Ang kapatid na Wang ay mayroong dalisay na pagklaunawa ng Mga Banal na Kasulatan at nagbabahagi siya sa isang napakaliwanag na paraan. Nilutas niya ang maraming mga usapin na dati ay bumagabag sa akin, at kapag ako ay nakikinig sa kanya, dama ko na ang aking puso ay puno ng liwanag. Upang lalo pa akong mas makaunawa, ako ay nagkusa at hiniling na maanyayahan sa kanilang pag-aaral ng Biblia sa online. Sa loob ng mahigit sa isang buwan ng mga palitan sa online, nadama ng espiritu ko ang natustusan nang husto at naunawaan ko ang marami tungkol sa mga hula sa Biblia at sa kalooban ng Panginoon. Pinadalhan din nila ako ng ilang salita na parang bukal ng sariwang tubig na bumubuhos sa aking puso at dinidiligan ang aking tigang na espiritu; kinasabikan ko ang aming mga pagtitipon.
Mayroon pa bang Anumang Iba pang mga Bagong Pagbigkas Bukod Doon sa nasa Biblia?
Isang araw, nagsalang ang mga kapatid ng isang video para sa akin, sa kalagitnaan, napagtanto ko na ang lahat ng mga artista sa video ay humahawak ng libro. Ang libro ay hindi ang Biblia, gayunpaman, at wala akong magawa kundi ang mabigla. Naisip ko, “Bakit wala silang hawak na Biblia? Dapat basahin ng mga Kristiyano na naniniwala sa Panginoon ang Biblia sapagkat walang anumang mga salita maliban sa mga naroroon sa Biblia. Kung hindi nila binabasa ang Biblia, mangangahulugan ba iyon na sila ay naligaw?” Kaagad-agad, ang aking puso ay napuno ng mga pag-aalinlangan ngunit para hindi sila mapahiya, hindi na ako tumutol. Pagkatapos magwakas ng aming pagtitipon sa online nagpadala ako ng mensahe kay Kapatid na Wang na sinasabi sa kanya ang aking mga pag-aalinlangan, at nagpasya ako na hindi na ako dadalong muli sa pag-aaral na ito ng Biblia.
Sumagot ang Kapatid na Wang, na nagsasabi, “Kapatid, ang aklat na ito ay ang Ang Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian—Ang Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao. Wala itong nilalaman maliban sa mga bagong pagbigkas na ipinahayag ni Cristo ng mga huling araw, Makapangyarihang Diyos, at ‘ito ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia’ na hinulaan sa Pahayag. Sa mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos ay nagpakita at tinupad ang Kanyang gawain, nagpahayag Siya ng milyong mga salita at inihayag Niya ang hiwaga ng anim na libong taon ng plano sa pamamahala ng Diyos gayundin ang maraming mga katotohanan na nasa loob ng Biblia. Ang mga katotohanang ito ay mga bagay na hindi natin kailanman naunawaan sa loob ng lahat ng mga taon ng ating paniniwala sa Panginoon.” Nang mabasa ko ang mensahe ng Kapatid na Wang, ako ay nalito nang husto, at naisip, “naniwala ako sa Panginoon sa loob ng 35 taon at wala akong narinig kailanman na mayroong mga salita ng Diyos maliban sa mga nasa Biblia. Gayunma’y sinasabi nila na ang aklat na ito, Ang Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao, ay walang anumang nilalaman maliban sa mga bagong pagbigkas ng Diyos. Paano nangyari ito?
Tamang-tama naman, nagpadala ang Kapatid na Wang ng isa pang mensahe, na nagsasabi, “Kapatid, inaabangan na namin ang pagbabalik ng Panginoon sa loob ng 30 taon, at ngayon ang Panginoong Jesus ay talagang nagbalik bilang ang Makapangyarihang Diyos. Sinasabi Niya ngayon ang kanyang mga salita sa buong mundo, kaya hindi ba tayo dapat maghanap at magsiyasat sa ganitong paraan? Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya’ (Mateo 25:6). Umaasa ang Panginoon na kapag nabalitaan natin ang Kanyang pagdating, magiging kagaya tayo ng matatalinong dalaga at aktibong hanapin Siya sapagkat sa paggawa lamang nito natin matatanggap ang Panginoon. Kapag nabalitaan natin ang pagbabalik ng Panginoon ngunit tumangging suriin ito sapagkat hindi umaayon sa sarili nating mga pagkaunawa, kung gayon malamang na mawawalan tayo ng pagkakataon na matanggap ang pagbabalik ng Panginoon, at hindi ba natin kung gayon mawawala ang pagliligtas ng Panginoon?”
Ginising ako ng mga salita ng kapatid, at naisip ko, “Oo! Naniwala ako sa Diyos sa loob ng napakaraming taon, at hindi ko pa nahihintay ang pagbabalik ng Panginoon sa panahong ito? Ngayong may nagpapatotoo na na ang Panginoon ay nagbalik at na muli Niyang sinasabi ang Kanyang mga salita, kaya tiyak na dapat ko munang pakinggan at siyasatin ito. Sa paggawa lamang nito ko matatanggap ang Panginoon!
Pagkatapos, muling nagpadala ng isa pang mensahe ang Kapatid na Wang, na nagsasabi, “Sa Juan 16:12-3, sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating’ Hinulaan din sa Pahayag sa magkakaibang lugar na ‘Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia’ (Pahayag 2:29). Mula rito, makikita natin na, kapag ang Panginoonay nagbalik, magsasabi Siya ng bagong mga salita at sasabihin sa atin ang lahat ng mga katotohanan ay mga hiwaga na hindi pa natin kailanman naunawaan noong una. Ang mga katotohanang ito ay hindi nakatala sa Biblia—ang mga ito ay isasakatuparan at tutuparin pa lang sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw. Kung naniniwala tayo na hindi na magkakaroon ng mga salita at mga gawain ng Diyos maliban sa mga nasa Biblia, paano kung gayon matutupad ang mga hulang ito? Bakit ang mga pagbigkas ng Diyos sa mga huling araw ay lilitaw kaagad sa Biblia? Kung gayon, kung gusto nating tanggapin ang Panginoon, kung gayon dapat nating kalimutan ang ating sariling pagkaunawa at una sa lahat ay basahin ang mga pagbigkas ng Diyos na nagbalik sa mga huling araw, pakinggang mabuti ang tinig Diyos. Kung patuloy tayong nananalig sa Biblia at hindi tayo nakikinig sa sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, kung gayon malamang na mawawala natin ang ating pagkakataon na tanggapin ang Panginoon!”
Pagkabasa sa mensaheng ito, bigla kong nadama na ang pagkaunawa ay nagliwanag sa akin, at naisip ko, “Ah, nabasa ko na ang mga talatang ito nang maraming beses noong una, kaya bakit hindi ko kailanman nalaman ang kalooban ng Diyos? Sa pagsasabing ‘Ang may pakinig, ay makinig’ hindi ba nakikiusap ang Panginoon sa atin? Kapag nagbalik ang Panginoon, sasabihin Niya ang Kanyang mga salita sa atin, at sa pagtutuon lamang ng pansin sa pakikinig sa tinig ng Diyos batin matatanggap ang Panginoon at masusundan ang Kanyang mga hakbang!” Iniisip ito, kaagad kong hiniling sa Kapatid na Wang na padalhan pa niya ako ng mas maraming mga salita ng Makapangyarihang Diyos.
Sa gayon ay nagpadala ang Kapatid na Wang ng maraming mga kabanata ng mga salita na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, kabilang ang “Dapat Mong Malaman Kung Paano Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” at “Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng ilang pagkaunawa sa gawain ng Diyos, nalaman ko ang pinagmulan ng pagiging hamak ng sangkatauhan, kung paano pinasasama ni Satanas ang tao at kung paano gumagawa ang Diyos upang iligtas ang sangkatauhan. Naunawaan ko rin na palagi nating nililimitahan ang gawain ng Diyos sa pananangan sa atin sariling mga pagkaunawa at mga kathang-isip, at na ito tayo na umaasal sa isang paraan na sumasalangsang sa Diyos. Habang binabasa ko ang mga salita ng Diyos, lalong nagliliwanag ang aking puso, at nadama ko na ang mga salita ng Diyos ay nagtataglay ng awtoridad at ng kapangyarihanm na parang ang mga ito talaga ang tinig ng Diyos, at nagpasya akong patuloy na siyasatin ito.
Ang Aking Pag-aalinlangan ay Napawi, at Nakarating Ako sa Isang Bagong Pagkaunawa sa Biblia
Sa sumunod naming pagtitipon, sinabi ko sa mga kapatid ang ukol sa aking pag-aalinlangan: Kapatid na Lin, Kapatid na Wang, sinasabi ninyo na tinutupad ng Diyos ang bagong gawain at nagpapahayag ng bagong mga salita. Ngunit magmula nang ako ay bata pa, naririnig ko ang aming pastor na nagsasabi na ang lahat ng mga salita ng Diyos ay matatagpuan sa loob ng Biblia at na ang mga Kristiyano ay hindi makahihiwalay sa Biblia sa kanilang paniniwala sa Diyos, sapagkat ang paggawa ng gayon ay mangangahulugan ng paglayo sa tunay na daan. Gusto kong malaman kung ano ang inyong opinyon sa usaping ito, kaya iniisip ko kung maibabahagi ninyo sa akin ang tungkol dito?” Ang kapatid na Lin sa gayon ay nagbahagi, na sinasabi, “Kapatid, sumasang-ayon kami sa mga pastor at sa mga nakatatanda ng relihiyosong mundo na ang lahat ng mga gawain at nga salita ng Diyos ay nasa loob ng Biblia at ang humiwalay mula sa Biblia ay paglayo sa tunay na daan. Ito ay isang paniniwala na pinanghawakan ng kabuuan ng relihiyosong mundo, subalit ang pananaw bang ito ay naaayon sa mga katunayan? Naayon ba ito sa mga salita ng Diyos? Ang Panginoong Jesus ay hindi kailanman nagsabi ng gayon at hindi kailanman sinabi ng Banal na Espiritu ang ganitong mga salita, kaya ano ang pinagbabatayan ng pananaw na ito? Hindi ba ito nagmumula sa ating sariling mga pagkaunawa at kathang-isip? Kagaya ng nalalaman nating lahat, ang Biblia ay isang tala lamang ng dalawang nagdaang mga yugto ng gawain ng Diyos at ito ay isang tala ng mga salita at gawain ng Diyos batay sa mga alaala ng ilang tagasunod ng Diyos sa sandaling natapos ng Diyos ang Kanyang gawain; masasabi ba natin, na naitala talaga ng mga taong ito ang lahat? Gayundin, nang ang Biblia ay isinasaayos, nagtalo ang mga patnugot at may mga nalaktawan, iyon ang dahilan kumbakit may isang bahagi ng mga salita ng Diyos na sinabi ang mga propeta na hindi naitala sa Lumang Tipan, bagkus ay pinagsama-sama sa mga aklat na deuterocanonico. Nangangahulugan ba ito na ang mga hula ng mga propeta na nilaktawan ay hindi mga salita ng Diyos? Malinaw na sinasabi sa Ebanghelyo ni Juan, 21:20 na, ‘At mayroon ding iba’t ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin.’ Ang Panginoong Jesus ay gumawa sa loob ng tatlo at kalahating taon, at pinangunahan Niya ang Kanyang mga disipulo upang mangaral at gumawa saanman sila magpunta, kaya ilan salita kaya ang Kanyang nasabi sa panahong iyon? Ilang gawain kaya ang Kanyang nagawa? Masasabi kung gayon na marami sa mga gawain at mga salita ng Panginoong Jesus na hindi naitala sa Biblia—ang mga salita ng Panginoong Jesus na naitala sa Biblia ay kakaunti lamang! Kaya paano masasabi ng mga pastor at ng mga nakatatanda sa relihiyosong mundo na ang lahat ng mga salita at mga gawain ng Diyos ay naitala sa Biblia? Hindi ba sumasalungat ang pagsasabi ng gayon sa mga katunayan? Kung paniniwalaan natin ang sinasabi ng mga pastor at ng mga nakatatanda, hindi ba natin kung gayon itatatwa ang mga salitang sinabi ng mga propeta na matatagpuan sa labas ng Biblia? Bukod rito, nang dumating ang Panginoong Jesus upang tuparin ang Kanyang gawain noong una, ang bagong Tipan ay hindi pa umiiral at ang daang ipinahayag ni Jesus na, ‘Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit’ (Mateo 4:17), ay hindi rin naitala sa Lumang Tipan. Masasabi kung gayon na ang mga salita at mga gawain ng Panginoong Jesus ay lumampas sa Biblia sa panahong iyon. Kaya, ang pagsasabi ng relihiyosong mundo na may pagkondena na anumang lumalampas sa Biblia ay paghiwalay mula sa tunay na daan, hindi rin ba nila kinokondena ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus?”
Sa pagsasabi nito, ipinadala ng Kapatid na Lin ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang lahat ng naitala sa loob ng Biblia ay limitado at hindi kayang kumatawan sa lahat ng gawain ng Diyos. Ang Apat na Ebanghelyo sa kabuuan ay may mas kaunti sa isang daang mga kabanata na kung saan ay nakasulat ang takdang bilang ng mga pangyayari, tulad ng pagsumpa ni Jesus sa puno ng igos, tatlong pagtanggi ni Pedro sa Panginoon, paglitaw ni Jesus sa mga alagad kasunod ng Kanyang pagkapako sa krus at muling pagkabuhay, pagtuturo tungkol sa pag-aayuno, pagtuturo tungkol sa panalangin, pagtuturo tungkol sa diborsiyo, ang kapanganakan at talaangkanan ni Jesus, paghirang ni Jesus sa mga alagad, at iba pa. Subali’t, pinahahalagahan ang mga ito ng tao bilang mga kayamanan, at pinatototohanan pa ang gawain sa ngayon laban sa kanila. Naniniwala pa nga sila na gumawa lamang nang gayon karami si Jesus sa panahon pagkatapos ng Kanyang kapanganakan. Parang naniniwala sila na gayon lamang karami ang kayang gawin ng Diyos, na wala nang maaaring karagdagang gawain. Hindi ba ito katawa-tawa?” (Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao)
Nagbigay pagkatapos ang Kapatid na Lin ng pagbabahagi, na sinasabi, “Ang nilalaman na nakatala sa Biblia ay talagang limitado. Ang itinala lamang ng Lumang Tipan ay isang bahagi ng gawain ng Diyos na si Jehovah, at ang itinala lamang ng Bagong Tipan ay isang bahagi ng gawain ng Panginoobng Jesus. Tungkol naman sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, ang Biblia ay naglalaman lang ng ilang hula tungkol dito at walang detalyadong tala na matatagpuan. Sa bawat Kapanahunan, ginagawa lamang ng Diyos ang gawain ng kapanahunang iyon at hindi tinutupad ang susunod na gawain nang patiuna, iyon ang dahilan kumbakit hindi kaagad-agad sinasabi ng Diyos sa atin ang tungkol sa Kanyang susunod na yugto ng gawain. Gaya halimbawa, sa Kapanahunan ng Kautusan, ang tao ay tinuruan lamang ng Diyos na si Jehovah na panatilihin ang mga utos at mga kautusan at iniutos Niya sa tao na sambahin ang Diyos. Hindi Niya ipinagpaunang sinabi sa mga tao sa panahong iyon ang tungkol sa gawain na Kanyang gagawin sa Kapanahunan ng Biyaya. Gayundin naman, ang Panginoong Jesus ay nagbalik na ngayon sa mga huling araw at, sa saligan ng gawain ng pagtubos ng Kapanahunan ng Biyaya, ipinahahayag Niya ang Kanyang mga salita, tinutupad ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos, hinahatulan at nililinis ang ating masasamang disposisyon, at tinutulutan Niya tayong ganap na itakwil ang mga gapos ng kasalanan at linisin at iligtas ng Diyos. Ang mga detalye ng gawaing ito ay hindi maaaring naipagpaunang naitala sa mga pahina ng Biblia. Kung gayon, ang sinabi ng mga pastor at ng mga nakatatanda sa relihiyosong mundo, na “Ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia, at ang lumayo mula sa Biblia ay ang humiwalay mula sa tunay na daan,” ay ganap na sumasalangsang sa mga katunayan ng gawain ng Diyos; galing ito sa mga pagkaunawa at mga kathang-isip ng tao, at ito ay isang kasinungalingan, isang kakaibang teorya, na ang nilalayon ay ang linlangin ang mga tao.”
Lubos akong nakumbinsi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ng pagbabahagi ng kapatid, at hindi ito mapasisinungalingan. Hindi ko maiwasang mag-isip, “Oo naman, sinasaklaw ng Diyos ang lahat ng mga bagay at ang Kanyang karunungan ay puspos at sagana, kaya papaanong ang Kanyang mga salita at mga gawa ay iyon lamang nasa Biblia? May karapatan ang Diyos na lumampas sa Biblia upang tuparin ang kanyang gawain, kaya ang ating dating pagkaunawa ay tiyak na mali!”
Ang kapatid na Wang ay nagpadala pagkatapos ng isang talata mula sa Biblia: “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40) Sa gayon ay sinabi niya, “Ang Biblia ay isa lamang makasaysayang tala at isang patotoo sa dalawang naunang nga yugto ng gawain ng Diyos. Ang Biblia ay hindi nagtataglay ng buhay na walang hanggan, ni ito ng pinagmumulan ng buhay. Sa paniniwala sa Biblia, hindi natin kailanman makakamtan ang katotohanan o buhay, ni matatamo natin ang gawain ng Banal na Espiritu, lalong mas hindi makakamit ang tunay na kaligtasan. Ang Diyos lamang ang katotohanan, ang daan at ang buhay at Siya lamang ang pinagmumulan ng ating mga buhay; kung gusto nating makamtan ang katotohanan at buhay sa ating paniniwala sa Diyos, dapat tayo kung gayon lumapit sa Diyos, tanggapin at sundin ang kasalukuyang gawain at mga salita ng Diyos at sundang mabuti ang mga hakbang ng Kordero, sapagkat sa gayon lamang natin makakamit ang pagliligtas ng Diyos.”
Pagkarinig sa pagbabahagi ng Kapatid na Wang, bigla kong nakita ang liwanag, at naisip ko, “Kapag binabasa ko ang talatang ito noong una, nauunawaan ko lang na ang Biblia ay nagsilbi bilang isang patotoo para sa Diyos at naniwala ako na kailangang mapanatili ng isang tao ang Biblia sa kanyang pananampalataya sa Diyos, ngunit hindi ko napansin ang katunayan na ang Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Ngayon ko lang nauunawaan na ang Biblia ay isang patotoo lamang sa nagdaang gawain ng Diyos at na hindi nito makakatawan ang Diyos, ni nagtataglay ito ng buhay sa gitna nito. Kung gusto kong magkamit ng katotohanan at ng buhay, kung gayon kailangan kong sundang mabuti ang mga hakbang ng Diyos, sapagkat sa gayon ko lamang tatamuhin ang pagliligtas ng Diyos. Oh, kapag iniisip ko ang aking pakikitungo sa bagong gawain ng Diyos, nang wala ni kapiraso ng isang naghahanap na puso, nananalig sa aking sariling mga pagkaunawa at itinatakwil ang gawain ng Diyos, nakikita ko ngayon kung gaano ako naging kabulag at kamangmang. Kung patuloy akong magmamatigas sa pananalig sa Biblia, hindi ko ba kung gayon itatakwil ang pagliligtas ng Diyos? Dapat kong siyasating masikap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.”
Nauunawan Ko ang Gawain ng Diyos at Tinatanggap Nang May Kagalakan ang Pagbabalik ng Panginoon
Pagkatapos, ipinakita sa amin ng Kapatid na Lin ang isang pelikula ng ebanghelyo na tinatawag na, Ang Paglabas ng Biblia, ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng isang kapatid na babae sa pelikula ang nag-akay sa akin. Sinasabi ng salita ng Diyos, “Yamang may bagong mga pagbigkas, at mas bagong gawa, bakit mamumuhay sa gitna ng lumang makasaysayang mga talaan? Ang mga bagong pagbigkas ay maaaring makapaglaan sa inyo, na nagpapatunay na ito ang bagong gawa; ang mga lumang talaan ay hindi magagawang pagsawain ka, o tutugon sa iyong kasalukuyang pangangailangan, na nagpapatunay na kasaysayan ang mga ito, at hindi gawa ng dito at ngayon. Ang pinakamataas na paraan ay ang pinakabagong gawa, at sa bagong gawa, kahit gaano pa kataas ang daan ng nakaraan, ito pa rin ay kasaysayan ng mga pagninilay ng mga tao, at kahit gaano pa ang halaga nito bilang sanggunian, ito pa rin ay lumang landas. Kahit na ito ay naitala sa "banal na aklat," ang lumang landas ay kasaysayan; kahit na walang nakatala nito sa "banal na aklat," ang bagong landas ay ang dito at ngayon. Ang ganitong paraan ang maaaring magligtas sa iyo, at maaari kang mabago ng ganitong paraan, dahil ito ay gawa ng Banal na Espiritu” (“Tungkol sa Biblia (1) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao). “Ang pagbanggit ngayon sa mga bagay na nakalipas ay gumagawa sa mga ito na kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi nagpapatungkol sa kasalukuyan. Sapagka’t ang Diyos ay hindi lumilingon sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang naiintindihan sa gawain na nilalayong gawin ngayon ng Diyos, at kung naniniwala ka sa Diyos nguni’t hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay hindi mo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng hanapin ang Diyos. Kung binabasa mo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng mga kalangitan at kalupaan, kung gayon ay hindi ka naniniwala sa Diyos. Nguni’t ngayon, dahil naniniwala ka sa Diyos, at hinahabol ang buhay, dahil hinahabol mo ang pagkakilala sa Diyos, at hindi hinahabol ang mga walang-buhay na titik at doktrina, o ang pagkaunawa ng kasaysayan, dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat mong hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang arkeologo maaari mong mabasa ang Biblia—nguni’t ikaw ay hindi, ikaw ang isa sa mga yaon na naniniwala sa Diyos, at pinakamainam na hanapin mo ang kalooban ng Diyos sa ngayon” (“Tungkol sa Biblia (4) sa Ang Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao).
Ibinahagi ng isang kapatid na babae sa pelikula, “kahit na ang Kanyang mga gawain sa huling araw ay inihula lang sa Bibliya, at walang aktwal na tala nito, naka-base pa rin ito sa aktwal na pangangailangan ng tao, At ang gawaing ito ay mas pinatayog at pinalalim base sa Bibliya. Tulad na lang ng dumating ang Panginoong Hesus, kahit hindi siya gumawa ng naaayon sa Lumang Tipan, gumawa Siya ayon sa pangangailangan ng sangkatauhan at naaayon sa sariling plano ng Diyos. Natapos Niya ang yugto ng gawain ng pagtubos, ayon sa pundasyon ng gawain ng kautusan, ibig sabihin, natapos Niya ang isang bago at matayog na yugto ng gawain sa pundasyon ng Lumang Tipan. Sa yugtong iyon, hindi Niya pinawalang-bisa ang lumang kautusan, kundi pinerpekto ito. at pati na rin sa mga huling araw ngayon, gumagawa ang Diyos ng mas matayog na gawain, sa pundasyon ng pagtubos ng Panginoong Hesus, base sa kung anong pangangailangan ng sangkatauhan, ayon sa plano, ng pamamahala ng ating Diyos, bumibigkas ng maraming salita na kayang luminis at magligtas sa sangkatauhan. Isinisiwalat Niya rin ang lahat ng misteryo ng plano ng pamamahala ng Diyos. Ito ang mga bagay na hindi kailanman sinabi ng Diyos sa Panahon ng Kautusan at Biyaya. Ito rin ang balumbon. ang pitong selyo na bubuksan ng- Diyos sa huling mga araw. Ito ang tutupad sa hula sa Aklat ng Pahayag: “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:17) Nasusulat din ito sa Pahayag 5:1-5: ‘At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak. At nakakita ako ng isang malakas na anghel na nagtatanyag ng malakas na tinig, Sinong karapatdapat magbukas ng aklat, at magtanggal ng mga tatak nito? At sinoman sa langit, o sa ibabaw man ng lupa, o sa ilalim man ng lupa, ay hindi makapagbukas ng aklat, o makatingin man. At ako’y umiyak na mainam, sapagka’t hindi nakasumpong ng sinomang marapat magbukas ng aklat, o makatingin man: At sinabi sa akin ng isa sa matatanda, Huwag kang umiyak; narito, ang Leon sa angkan ni Juda, ang Ugat ni David, ay nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.’ Ang mga hulang ito’y umiral matapos makumpleto ng Panginoong Hesus ang Kanyang gawain. Masasabi na, tunay ngang, ito ang mga gawain na ninanais isakatuparan ng Diyos, maging ang gawain ng pagliligtas na gagawin ng Diyos sa mga huling mga araw. Ngayon- nagkatawang tao ang Diyos, at bumigkas ng mga salita. Ginawa Niya ang yugto ng gawain ng paghatol at paglilinis, at bumigkas ng mga salita na makapagliligtas sa mga tao. Ang mga salitang ito’y wala sa Bibliya. Ang lahat ng ito ay hindi roon matatagpuan. Ang mayabong na mga salitang ito ng buhay ang daan ng buhay na bigay ng Diyos sa ‘tin sa mga huling araw, at ang tanging landas sa ikaliligtas ng tao. Kung tatanggihan natin ito, hindi tayo madidiligan ng buhay na tubig na galing sa buhay ng Diyos, hindi natin kailanman makakamtan ang katotohanan o buhay mula sa Diyos.”
Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kapatid, sa wakas ay naunawaan ko na ang gawain ng Diyos ay nagtuluy-tuloy. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ipinahayag ng Diyos na si Jehovah ang kautusan at ang mga utos upang gabayan ang buhay ng sangkatauhan, at upang ipaalam sa mga tao kung paano sambahin ang Diyos at kung ano ang kasalanan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, sa pagkakapako sa krus, tinubos ng Panginoong Jesus ang sangkatauhan, tinubos Niya ang sangkatauhan mula sa mga gapos ng kautusan, at hangga’t tinatanggap ng mga tao ang pagliligtas ng Panginoon, matatamasa nila kung gayon ang masaganang biyaya at mga pagpapala ng Panginoon. Ang hindi maitatanggi, gayunpaman, ay ang nabubuhay pa rin tayo sa isang sitwasyon kung saan tayo ay nagkakasala at nangungumpisal, nang paulit-ulit, at hindi natin kailanman maitakwil ang mga gapos at mga tanikala ng kasalanan. Ngayon, ang nagbalik na Panginoong Jesus—Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw—ay tinutupad ang gawain ng paghatol at inihahayag Niya ang Kanyang mga salita upang ang ating mapagkasalang kalikasan ay magkaroon ng kalutasan, upang lubos tayong makalaya sa ating makasalanang kalikasan at sa wakas ay magiging karapat-dapat na tamuhin ang pangako ng Diyos at makapasok sa ating magandang destinasyon. Hindi itinatatwa ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang Biblia. Sa halip, sa saligan ng ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahaunan ng Biyaya, tinutupad ng Diyos ang isang mas bago, mas mataas na yugto ng gawain, na ito mismo ang kailangan natin bilang masamang sangkatauhan. Ang Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian—Ang Salita ay Nagpakita sa Katawang-tao ay ang daan ng buhay na ibinigay sa atin ng Diyos sa mga huling araw, at tanging sa pagtanggap sa gawain ng Diyos sa mga huling araw natin matatamo ang panustos ng buhay na tubig ng buhay. Ngayon ko lang naunawaan ang dahilan kung bakit hindi natin kayang tamuhin ang panustos ng buhay mula sa Diyos, at kung bakit nahulog tayo sa kadiliman at nawala ang gawain ng Banal na Espiritu; ito ay dahil nanalig tayo sa Biblia, naniniwala na ang mga gawain at ang mga salita ng Diyos ay matatagpuang lahat sa loob ng Biblia, at dahil ayaw nating tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.
Bagamat iilang buwan pa lamang akong nakikipag-ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nakikita ko na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, malulutas ng mga ito ang aking pag-aalinlangan at mga katanungan, at nagtutustos ang mga ito sa aking espiritu. Natiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik at tinanggap ko nang may kagalakan ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Kapag naiisip ko kung paano kong itinakwil ang gawain ng Diyos sapagkat nanalig ako sa Biblia, nagsisisi talaga ako—napakayabang at napakahangal ko! Gayunma’y kinahabagan ako ng Diyos at, sa pamamagitan ng mga kapatid na nagpapadala ng mga mensahe sa akin, nakikipagkita sa akin at nakikibahagi kasama ko nang paulit-ulit, itinulot ng Diyos na maunawaan ko ang totoong pangyayari tungkol sa Biblia, gayundin ang pinakadiwa nito, at naunawaan kung paano gumagawa ang Diyos nang dahan-dahan upang iligtas ang sangkatauhan hanggang, sa wakas, kinalimutan ko ang aking mga pagkaunawa at tinanggap ang gawain ng Diyos ng mga huling araw at sinimulang sundan ang mga hakbang ng Diyos. Salamat sa Diyos sa pag-ibig at pagliligtas sa akin!