Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 3
Ang Diyos ay walang masamang hangarin tungo sa mga nilikha at nagnanais lamang na matalo si Satanas. Lahat ng Kanyang gawain—maging ito man ay pagkastigo o paghatol—ay nakadirekta kay Satanas; ito ay ipatutupad para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, ang lahat ay upang matalo si Satanas, at ito ay mayroong isang layunin: ang makidigma kay Satanas hanggang sa katapusan! At ang Diyos ay hindi magpapahinga hangga’t hindi Siya nagwawagi kay Satanas! Siya ay magpapahinga lamang sa oras na matalo na Niya si Satanas. Sapagkat ang lahat ng gawain na isinagawa ng Diyos ay nakadirekta kay Satanas, at dahil sa ang lahat ng pinasama ni Satanas ay nasa ilalim ng kontrol ng sakop ni Satanas at nabubuhay lahat sa sakop ni Satanas, kung hindi nakipagdigma ang Diyos laban kay Satanas o patnubayan silang humiwalay rito, hindi maglulubay si Satanas sa paghawak niya sa mga taong ito, at hindi sila maaaring matamo. Kung hindi sila natamo, patutunayan nito na si Satanas ay hindi pa natalo, na ito ay hindi pa nadaig. At kaya, sa 6,000-taong plano sa pamamahala ng Diyos, sa unang yugto ginawa Niya ang gawain ng Kautusan, sa ikalawang yugto ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, iyon ay, ang gawain ng pagpapako sa krus, at sa ikatlong yugto ginawa Niya ang gawain ng panlulupig sa sangkatauhan. Ang lahat ng gawaing ito ay nakadirekta sa lawak na kung saan pinasama ni Satanas ang sangkatauhan, ang lahat ng ito ay upang matalo si Satanas, at walang isa man sa mga yugto ang hindi para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang diwa ng 6,000-taong gawain sa pamamahala ng Diyos ay ang digmaan laban sa malaking pulang dragon, at ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay ang gawain din ng pagtalo kay Satanas, at ang gawaing pakikidigma kay Satanas. Nakidigma ang Diyos ng 6,000 taon, at kaya gumawa ng 6,000 taon, upang sa huli ay madala ang tao sa bagong kaharian. Kapag si Satanas ay natalo, ang tao ay ganap nang magiging malaya. Hindi ba ito ang pinatutunguhan ng gawain ng Diyos ngayon? Ito ang eksaktong pinatutunguhan ng gawain sa ngayon: ang lubos na pagpapalaya at pagpapakawala sa tao, at nang hindi na siya sakop ng anumang patakaran, o nililimitahan ng anumang mga saklaw o mga pagbabawal. Lahat ng gawaing ito ay ginagawa alinsunod sa inyong tayog at alinsunod sa inyong mga pangangailangan, ibig lang sabihin na kayo ay pinaglalaanan sa kung anuman ang maaari ninyong tapusin. Hindi ito kaso ng “pagtataboy sa isang pato sa dapuan,” ng pamimilit sa inyo na gawin ang mga bagay na lampas sa inyong kakayahan; sa halip, ang lahat ng gawaing ito ay ipinatutupad alinsunod sa inyong aktuwal na pangangailangan. Ang bawat yugto ng gawain ay alinsunod sa totoong pangangailangan at kinakailangan ng tao, at para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Sa katunayan, sa pasimula ay walang mga hadlang sa pagitan ng Lumikha at ng Kanyang mga nilikha. Lahat ay dulot ni Satanas. Hindi na magawang makita o mahipo ng tao ang anuman dahil sa panggugulo at katiwalian ni Satanas. Ang biktima ay ang tao, siya ang nalinlang. Sa oras na matalo si Satanas, mamamasdan ng mga nilikha ang Lumikha, at titingnan ng Lumikha ang mga nilikha at magagawang personal na pangunahan sila. Ito lamang ang buhay na dapat taglayin ng tao sa lupa. At kaya, ang gawain ng Diyos una sa lahat ay upang matalo si Satanas, at sa oras na matalo si Satanas, ang lahat ay malulutas.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan