Menu

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 15 Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 15
00:00/ 00:00

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 15

00:00
00:00

Sa buong gawain ng pamamahala, ang pinakamahalagang gawain ay ang mailigtas ang tao mula sa impluwensya ni Satanas. Ang pinakamahalagang gawain ay ang ganap na paglupig sa tiwaling tao, sa gayon ay mapanunumbalik ang naunang paggalang sa Diyos sa puso ng nalupig na tao, at matutulutan siyang makamit ang isang normal na buhay, na ang ibig sabihin ay ang normal na buhay ng isang nilikha ng Diyos. Mahalaga ang gawaing ito, at ito ang sentro ng gawain ng pamamahala. Sa tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas, ang unang yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan ay malayo sa sentro ng gawain ng pamamahala; may bahagyang pagpapakita lamang ito ng gawain ng pagliligtas, at hindi ang simula ng gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa sakop ni Satanas. Tuwirang ginawa ng Espiritu ang unang yugto ng gawain dahil, sa ilalim ng kautusan, pagsunod sa kautusan ang tanging alam ng tao, at hindi nagkaroon ng higit na maraming katotohanan ang tao, at sapagka’t halos hindi nasangkutan ng mga pagbabago ng disposisyon ng tao ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan, lalong hindi ito nagsaalang-alang sa gawain kung paano maliligtas ang tao mula sa sakop ni Satanas. Kung kaya ginawang ganap ng Espiritu ng Diyos itong sukdulang payak na yugto ng gawain na walang kinalaman sa tiwaling disposisyon ng tao. May maliit na kaugnayan lamang ang bahaging ito ng gawain sa sentro ng pamamahala, at walang malaking ugnayan sa opisyal na gawain ng pagliligtas sa tao, at sa gayon ay hindi kinailangan ng Diyos na maging katawang-tao upang personal na gawin ang Kanyang gawain. Mapagpahiwatig at hindi maarok ang gawain na ginagawa ng Espiritu, at ito ay kakila-kilabot at hindi malapitan ng tao; hindi naaangkop ang Espiritu sa tuwirang paggawa ng gawain ng pagliligtas, at hindi angkop sa tuwirang pagbibigay-buhay sa tao. Ang pinakaangkop para sa tao ay ang pagbabagong-anyo ng gawain ng Espiritu sa isang paraang malapit sa tao, na ang ibig sabihin, kung ano ang pinakaangkop para sa tao ay maging isang ordinaryo, karaniwang katauhan ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain. Nangangailangan ito na magkatawang-tao ang Diyos upang halinhan ang Espiritu sa Kanyang gawain, at para sa tao, wala nang higit na angkop na paraan upang gumawa ang Diyos. Sa tatlong yugtong ito ng gawain, dalawang yugto ang isinasagawa sa katawang-tao, at ang dalawang yugtong ito ang mahahalagang bahagi ng gawain ng pamamahala. Tumutulong sa isa’t isa ang dalawang pagkakatawang-tao at ganap na pinupunan ang isa’t isa. Ang unang yugto ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang naglatag ng pundasyon para sa ikalawang yugto, at masasabi na ang dalawang anyo ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay bumubuo ng isang kabuuan, at hindi nagsasalungatan sa isa’t isa. Isinasagawa ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan bilang katawang-tao ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos dahil napakahalaga ng mga ito sa buong gawain ng pamamahala. Halos masasabi na kung wala ang gawain ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, mahihinto ang buong gawain ng pamamahala, at magiging walang anuman kundi walang saysay na salita ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Nakabatay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan kung mahalaga o hindi ang gawain na ito, at sa realidad ng kabuktutan ng sangkatauhan, at sa kalubhaan ng pagsuway ni Satanas at sa panggugulo nito sa gawain. Ang tamang tao para sa gawain ay nakasalalay sa kalikasan ng gawaing ginagampanan ng manggagawa, at ang kahalagahan ng gawain. Pagdating sa kahalagahan ng gawaing ito, sa kung anong paraan ng gawain ang gagamitin—gawaing tuwirang ginawa ng Espiritu ng Diyos, o gawaing ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao, o gawaing tinapos sa pamamagitan ng tao—ang unang aalisin ay ang gawain na ginampanan sa pamamagitan ng tao, at, batay sa kalikasan ng gawain, at sa kalikasan ng gawain ng Espiritu laban sa yaong sa katawang-tao, napagpasyahan sa huli na higit na kapaki-pakinabang para sa tao ang gawaing ginawa sa katawang-tao kaysa sa gawain na tuwirang ginawa ng Espiritu, at nag-aalok ito ng higit na mga pakinabang. Ito ang kaisipan ng Diyos sa oras na nagpapasya Siya kung ang gawain ay gagawin ng Espiritu o ng katawang-tao. May isang kabuluhan at isang batayan sa bawat yugto ng gawain. Hindi paglalarawan sa isip nang walang batayan ang mga ito, ni isinasagawa nang walang pakundangan; may tiyak na karunungan sa mga ito. Gayon ang totoong kalagayan sa likod ng lahat ng gawain ng Diyos. Sa partikular, may higit pa sa plano ng Diyos sa gayong kadakilang gawain kung saan personal na gumagawa sa gitna ng tao ang Diyos na nagkatawang-tao. Samakatwid, ang karunungan ng Diyos at ang kabuuan ng Kanyang pagiging Diyos ay nasasalamin sa bawat kilos, pag-iisip, at ideya sa Kanyang gawain; ito ang higit na kongkreto at sistematikong pagiging Diyos ng Diyos. Napakahirap para sa tao na ilarawan sa isip ang mga banayad na saloobin at ideya, at mahirap para sa tao na paniwalaan, at, higit pa rito, mahirap para sa tao na malaman. Ginagawa ang gawaing ginawa ng tao ayon sa pangkalahatang prinsipyo, na, para sa tao, ay lubos na kasiya-siya. Ngunit kung ihahambing sa gawain ng Diyos, may sadyang napakalaking pagkakaiba; bagama’t dakila ang mga gawa ng Diyos at nasa isang kagila-gilalas na antas ang gawain ng Diyos, maraming mumunti at eksaktong mga plano at mga pagsasaayos sa likod ng mga ito na hindi mailarawan ng isip ng tao. Hindi lamang ayon sa prinsipyo ang bawat yugto ng Kanyang gawain, ngunit naglalaman din ng maraming bagay na hindi makakayang masabi nang maliwanag sa pamamagitan ng wika ng tao, at ang mga ito ay ang mga bagay na hindi nakikita ng tao. Gawain man ito ng Espiritu o gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, naglalaman ang bawat isa ng mga plano ng Kanyang gawain. Hindi Siya gumagawa nang walang batayan, at hindi Siya gumagawa ng walang-kabuluhang gawain. Kapag tuwirang gumagawa ang Espiritu, ito ay sa Kanyang mga mithiin, at kapag Siya ay nagiging tao (na ang ibig sabihin, kapag nagbabagong-anyo ang Kanyang panlabas na kaanyuan) upang gumawa, ito ay higit pa sa Kanyang layunin. Bakit pa Niya kaagad na babaguhin ang Kanyang pagkakakilanlan? Bakit pa kaagad Siyang magiging isang tao na ang turing ay hamak at pinag-uusig?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao

Mag-iwan ng Tugon