Menu

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 60 Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 60
00:00/ 00:00

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 60

00:00
00:00

Ang bawat tao sa sangkatauhan ay dapat tanggapin ang pagmamasid ng Aking Espiritu, dapat siyasating mabuti ang kanilang bawat salita at gawa, at, higit pa rito, ay dapat tumingin sa Aking nakakamanghang gawa. Ano ang inyong pakiramdam sa oras ng pagdating ng kaharian sa lupa? Nang umagos ang Aking mga anak at tao sa Aking trono, pormal Kong sinisimulan ang paghatol sa harap ng malaking puting trono. Na ang ibig sabihin, kapag sinimulan Ko ang Aking gawain sa lupa nang personal, at kapag ang panahon ng paghatol ay malapit na sa pagtatapos, nagsisimula Akong mag-atas ng Aking mga salita sa buong sansinukob, at pinakakawalan ang tinig ng Aking Espiritu sa buong sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, lilinisin Ko ang lahat ng mga tao at mga bagay kasamang lahat ng nasa langit at sa lupa, upang ang lupain ay hindi na marumi at may kahalayan, ngunit isang banal na kaharian. Babaguhin Ko ang lahat ng mga bagay, upang sila ay mailaan para sa Aking paggamit, upang hindi na nila muling dalhin ang makamundong paghinga, at hindi na muling madungisan ng lasa ng lupa. Sa lupa, ang tao ay naghagilap para sa layunin at mga pinagmulan ng Aking mga salita, at nakamasid sa Aking mga gawa, gayon pa man walang kahit sinuman ang tunay na nakakaalam sa pinagmulan ng Aking mga salita, at walang kahit sinuman ang tunay na namasdan ang kamanghaan ng Aking mga gawa. Ngayon lamang, kapag Ako ay personal na dumarating kasama ng tao at sinasabi ang Aking mga salita, na ang tao ay may kaunting kaalaman sa Akin, inaalis ang lugar para sa “Akin” sa kanilang mga isipan, sa halip ay lumilikha ng isang lugar para sa praktikal na Diyos sa kanilang kamalayan. Ang tao ay may mga pagkaintindi at puno ng pag-uusisa; sino ang hindi nais na makita ang Diyos? Sino ang hindi nagnanais na makaharap ang Diyos? Ngunit ang tanging bagay na sumasakop sa isang tiyak na lugar sa puso ng tao ay ang Diyos na sa pakiramdam ng tao ay malabo at mahirap maunawaan. Sino ang matatanto ito kung hindi Ko sinabi sa kanila nang malinaw? Sino ang totoong maniniwala na Ako ay talagang umiiral? Siguradong walang pahiwatig nang pagdududa? May napakalaking pagkakaiba sa pagitan ng “Ako” sa puso ng tao at ang “Ako” ng realidad, at walang sinuman ang may kakayahang maghambing sa kanila. Kung hindi Ako naging katawang-tao, hindi Ako kailanman makikila ng mga tao, at kahit na makikilala niya Ako, hindi ba’t ang naturang kaalaman ay isa pa ring pagkaintindi? Sa bawat araw ay naglalakad Ako sa gitna nang walang tigil na daloy ng mga tao, at sa bawat araw ay kumikilos Ako sa loob ng bawat tao. Kapag Ako ay totoong nakita ng tao, magagawa niyang makilala Ako sa Aking mga salita, at maunawaan ang mga paraan kung paano Ako nagsasalita pati na rin ang Aking mga layunin.

Kapag ang kaharian ay pormal na dumating sa lupa, ano, sa lahat ng bagay, ang hindi tahimik? Sino, sa lahat ng mga tao, ang hindi takot? Lumakad Ako sa lahat ng dako ng mundong sansinukob, at lahat ng bagay ay personal na inayos Ko. Sa oras na ito, sino ang hindi nakakaalam na ang Aking mga gawa ay kahanga-hanga? Itinataguyod ng Aking mga kamay ang lahat ng mga bagay, gayon pa man Ako ay higit sa lahat ng bagay. Ngayon, hindi ba ang pagkakatawang-tao at ang Aking personal na pagharap sa tao ay ang totoong kahulugan ng Aking kababaang-loob at pagkatago? Sa panlabas, maraming tao ang pumalakpak sa Akin bilang mabuti, at pinupuri Ako bilang kaibig-ibig, ngunit sino ang totoong nakakakilala sa Akin? Ngayon, bakit Ako nagtatanong kung kilala ninyo Ako? Ang Aking layunin ba ay huwag ipahiya ang malaking pulang dragon? Hindi Ko nais na pilitin ang tao na purihin Ako, ngunit para makilala niya Ako, kung saan siya ay lalapit upang mahalin Ako, at sa gayon ay purihin Ako. Ang ganitong papuri ay karapat-dapat sa pagkatawag nito, at ito ay hindi walang katuturang usapan; tanging ang papuring tulad nito ang maaaring makaabot sa Aking trono at pumailanlang sa kalangitan. Sapagka’t ang tao ay natukso at ginawang masama ni Satanas, dahil siya ay nasakop sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga pagkaintindi, Ako ay naging katawang-tao upang personal na lupigin ang buong sangkatauhan, upang ilantad ang lahat ng mga pagkaintindi ng tao, at upang wasakin ang pag-iisip ng tao. Bilang resulta, hindi na muling nagmamarangya ang tao sa harapan Ko, at hindi na muling naglilingkod sa Akin gamit ang kanyang mga sariling pagkaintindi, at sa gayon ang “Ako” sa mga pagkaintindi ng tao ay ganap na naitaboy. Kapag ang kaharian ay dumating, una Kong sinisimulan ang yugtong ito ng gawain, at ginagawa Ko ito sa Aking bayan. Ang pagiging Aking bayan na ipinanganak sa lupain ng malaking pulang dragon, tiyak na hindi lang maliit, o isang bahagi, ng kamandag ng malaking pulang dragon ang nasa loob ninyo. Samakatuwid, ang yugtong ito ng Aking gawa ay pangunahing nakatutok sa inyo, at ito ay isang aspeto ng kabuluhan ng Aking pagkakatawang-tao sa Tsina. Karamihan sa mga tao ay hindi kayang maunawaan kahit na kapiraso ng mga salita na Aking sinasabi, at kapag nagawa nila, ang kanilang pagkakaunawa ay malabo at magulo. Ito ay isa sa mga pagbabago ng paraan gamit ang Aking pananalita. Kung ang lahat ng tao ay kayang basahin ang Aking mga salita at maunawaan ang kanilang mga kahulugan, kung gayon sino sa mga tao ang maaaring maligtas, at hindi itapon patungong Hades? Kapag ang tao ay kilala Ako at sumusunod sa Akin saka lamang Ako makapagpapahinga, at ang mismong oras na ang tao ay makakayang maunawaan ang kahulugan ng Aking mga salita. Ngayon, masyadong maliit ang inyong tayog, ito ay halos nakakaawa sa liit, hindi man lamang karapat-dapat upang maiangat—na walang masabi sa inyong kaalaman tungkol sa Akin.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 11

Mag-iwan ng Tugon