Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Pagkakatawang-tao | Sipi 115

807 2021-07-14

Ang Diyos ay nagkakatawang-tao hindi para sa layuning tulutan ang tao na makilala ang Kanyang katawang-tao, o tulutan ang tao na makita ang mga kaibahan sa pagitan ng katawan ng Diyos na nagkatawang-tao at yaong sa tao; ni ang Diyos ay nagiging tao upang sanayin ang kakayahan ng tao sa pagkilatis, at lalo nang hindi sa intensyong tulutan ang tao na sambahin ang katawang-tao ng Diyos, nang sa gayon ay magkaroon ng dakilang kaluwalhatian. Wala sa mga bagay na ito ang orihinal na intensyon ng Diyos sa pagiging tao. Hindi rin nagiging tao ang Diyos upang kondenahin ang tao, ni ibunyag ang tao nang sadya, ni gawing mahirap ang mga bagay para sa kanya. Wala sa mga bagay na ito ang orihinal na intensyon ng Diyos. Tuwing ang Diyos ay nagkakatawang-tao, ito ay isang uri ng gawaing hindi maiiwasan. Para sa kapakinabangan ng Kanyang mas malaking gawain at Kanyang mas malaking pamamahala kaya Siya kumikilos gaya ng ginagawa Niya, at hindi para sa mga dahilang naiisip ng tao. Ang Diyos ay dumarating lamang sa mundo ayon sa hinihingi ng Kanyang gawain, at kung kinakailangan lamang. Hindi Siya napaparito sa lupa na may intensyong tumingin-tingin lang sa paligid, kundi isagawa ang gawaing dapat Niyang gawin. Bakit pa Niya tatanggapin ang ganoon kabigat na pasanin at haharapin ang mga ganoon kalubhang panganib upang isagawa ang gawaing ito? Ang Diyos ay nagkakatawang-tao lamang kapag kailangan Niya, at palaging may natatanging kabuluhan. Kung ito lamang ay para sa kapakanan ng pagpapahintulot sa mga tao na makita Siya at mapalawak ang kanilang mga karanasan, ganap na tiyak na hindi Siya kailanman tutungo sa mga tao nang basta-basta. Siya ay dumarating sa mundo para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala at ng Kanyang mas malaking gawain, at upang makakuha Siya ng higit sa sangkatauhan. Siya ay dumarating upang kumatawan sa kapanahunan, dumarating Siya upang talunin si Satanas, at upang talunin si Satanas Siya ay nagkakatawang-tao. Higit pa rito, Siya ay dumarating upang gabayan ang buong lahi ng tao sa kanilang pamumuhay ng kanilang mga buhay. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa Kanyang pamamahala, at ito ay may kinalaman sa gawain sa buong sansinukob. Kung ang Diyos ay naging tao lamang upang pahintulutan ang mga tao na makilala ang Kanyang katawang-tao at buksan ang mga mata ng mga tao, bakit hindi Siya maglalakbay sa bawat bansa? Hindi ba ito isang bagay na napakadali? Ngunit hindi Niya ito ginawa, sa halip ay pumili ng isang angkop na lugar upang manirahan at simulan ang gawain na dapat Niyang gawin. Ang katawang-tao lang na ito ay malaki na ang kahalagahan. Kinakatawan Niya ang buong kapanahunan, at isinasagawa rin ang gawain ng buong kapanahunan; pareho Niyang dinadala ang naunang kapanahunan sa katapusan at inihahatid ang bago. Ang lahat ng ito ay isang mahalagang bagay na may kinalaman sa pamamahala ng Diyos, at lahat ng ito ang kahalagahan ng isang yugto ng gawain na isinagawa ng Diyos na dumating sa lupa.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 3

Mag-iwan ng Tugon