Mag-subscribe

Menu

Susunod

Araw-araw na mga Salita ng Diyos | "Ang Mahalagang Kaibhan sa Pagitan ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng mga Taong Kinakasangkapan ng Diyos" | Sipi 137

354 2020-10-08

Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, ginagawa lamang Niya ang Kanyang gawain sa loob ng pagka-Diyos. Ito ang ipinagkatiwala ng makalangit na Espiritu sa nagkatawang-taong Diyos. Kapag dumarating Siya, yumayaon lamang Siya para magsalita sa lahat ng dako, upang isatinig ang Kanyang mga pagbigkas sa iba’t ibang paraan at mula sa iba’t ibang pananaw. Pangunahin Niyang itinuturing ang pagtutustos sa tao at pagtuturo sa tao bilang Kanyang mga layunin at prinsipyo sa paggawa, at hindi inaabala ang Sarili Niya sa mga bagay na tulad ng mga pag-uugnayan ng tao sa kapwa tao o mga detalye tungkol sa mga buhay ng mga tao. Ang Kanyang pangunahing ministeryo ay magsalita para sa Espiritu. Kapag ang Espiritu ng Diyos ay pisikal na nagpapakita sa katawang-tao, nagkakaloob lamang Siya para sa buhay ng tao at inilalabas ang katotohanan. Hindi Siya nakikialam sa gawain ng tao, na ang ibig sabihin, hindi Siya nakikilahok sa gawain ng sangkatauhan. Hindi maaaring gumawa ang tao ng gawain ng pagka-Diyos, at hindi nakikilahok ang Diyos sa pantaong gawain. Sa lahat ng mga taon mula nang ang Diyos ay dumating sa mundong ito upang gawin ang Kanyang gawain, palagi Niyang nagágawâ ito sa pamamagitan ng mga tao. Ngunit ang mga taong ito ay hindi maaaring ituring na Diyos na nagkatawang-tao, kundi mga tao lamang na ginagamit ng Diyos. Ngunit ang Diyos ng kasalukuyan ay maaaring magsalita nang tuwiran mula sa pananaw ng pagka-Diyos, na ipinadadala ang tinig ng Espiritu at gumagawa sa ngalan ng Espiritu. Ang lahat ng mga taong yaon na nagamit ng Diyos sa buong mga kapanahunan ay katulad din ng mga pangyayari na gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa loob ng pisikal na katawan, kaya bakit hindi sila maaaring matawag na Diyos? Ngunit ang Diyos ng kasalukuyan ay ang Espiritu ng Diyos din na tuwirang gumagawa sa katawang-tao, at si Jesus din ay ang Espiritu ng Diyos na gumagawa sa katawang-tao; ang mga ito ay parehong tinatawag na Diyos. Kaya ano ang kaibahan? Sa kabuuan ng mga kapanahunan, ang mga tao na nagamit ng Diyos ay may kakayahang lahat ng normal na pag-iisip at katwiran. Alam nilang lahat ang mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Nagtataglay sila ng normal na mga ideya ng tao, at nasasangkapan sila ng lahat ng mga bagay na nararapat taglayin ng mga karaniwang tao. Karamihan sa kanila ay may pambihirang talento at likas na katalinuhan. Sa paggawa sa mga taong ito, pinag-aayun-ayon ng Espiritu ng Diyos ang kanilang mga talento, na mga regalong ibinigay sa kanila ng Diyos. Pinagsasama-sama ng Espiritu ng Diyos ang kanilang mga talento, ginagamit ang kanilang mga lakas sa paglilingkod sa Diyos. Gayunman, ang kakanyahan ng Diyos ay malaya sa mga ideya at malaya sa mga iniisip, walang halong mga hangarin ng tao, at wala pa ng kung ano ang nakasangkap sa mga normal na tao. Na ang ibig sabihin, hindi man lamang Niya nakasanayan ang mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Ganito ito kapag ang Diyos ng kasalukuyan ay dumating sa lupa. Ang Kanyang gawain at Kanyang mga salita ay walang halong mga hangarin ng tao o pag-iisip ng tao, kundi ang mga ito ay tuwirang pagpapakita ng mga hangarin ng Espiritu, at gumagawa Siya nang tuwiran sa ngalan ng Diyos. Nangangahulugan ito na ang Espiritu ay yumayaon upang gumawa, na hindi hinahaluan ng kahit katiting na mga hangarin ng tao. Ibig sabihin, isinasakatawan ng nagkatawang-taong Diyos ang pagka-Diyos nang tuwiran, nang walang pantaong kaisipan o mga ideya, at walang pagkaunawa sa mga prinsipyo ng pag-uugali ng tao. Kung ang pagka-Diyos lamang ang nasa paggawa (nangangahulugan na kung Diyos Mismo lamang ang nasa paggawa), walang magiging paraan para sa gawain ng Diyos na maisakatuparan sa lupa. Kaya nang dumating ang Diyos sa lupa, kailangan Niyang magkaroon ng isang maliit na bilang ng mga tao na ginagamit Niya upang gumawa sa loob ng pagkatao kasabay ng gawain na ginagawa ng Diyos sa pagka-Diyos. Sa ibang salita, gumagamit Siya ng gawain ng tao upang panindigan ang Kanyang pagka-Diyos na gawain. Kung hindi, walang magiging paraan para sa tao na tuwirang makipag-ugnay sa pagka-Diyos na gawain. Ganito noon kung paano gumawa si Jesus at ang Kanyang mga disipulo. Noong Kanyang panahon sa daigdig, binuwag ni Jesus ang mga lumang kautusan at itinatag ang mga bagong utos. Nangusap din Siya ng napakaraming salita. Lahat ng gawaing ito ay ginawa sa pagka-Diyos. Ang iba pa, gaya nina Pedro, Pablo, at Juan, ay nagsalalay lahat ng kasunod nilang gawain sa saligan ng mga salita ni Jesus. Ibig sabihin, inilulunsad ng Diyos ang Kanyang gawain sa kapanahunang iyon, inihahatid ang simula ng Kapanahunan ng Biyaya; na ibig sabihin, dinala Niya ang isang bagong kapanahunan, binubuwag ang luma, at gayon din tinutupad ang mga salitang “Ang Diyos ay ang Simula at ang Katapusan.” Sa ibang salita, dapat gawin ng tao ang gawain ng tao sa saligan ng pagka-Diyos na gawain. Pagkatapos sabihin ni Jesus ang lahat ng kailangan Niyang sabihin at tinapos ang Kanyang gawain sa lupa, nilisan Niya ang tao. Pagkatapos nito, ang lahat ng tao, sa paggawa, ay gumawa nga ayon sa mga prinsipyong ipinahayag sa Kanyang mga salita, at nagsagawa ayon sa mga katotohanan na Kanyang sinabi. Ang mga ito ang lahat ng mga tao na gumagawa para kay Jesus. Kung si Jesus lamang ang mag-isang gumagawa ng gawain, gaano man karami ang mga salitang Kanyang sinabi, ang mga tao ay hindi pa rin makakayang makipag-ugnay sa Kanyang mga salita, sa dahilang gumagawa Siya sa pagka-Diyos at nakakapagsalita lamang ng mga salita ng pagka-Diyos, at hindi Niya maipaliwanag ang mga bagay-bagay hanggang sa punto kung saan maaaring maunawaan ng mga ordinaryong tao ang Kanyang mga salita. Kaya’t kailangan Niyang magkaroon ng mga apostol at mga propeta na dumating kasunod Niya na nagpúpunô sa Kanyang gawain. Ito ang prinsipyo kung paano ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain—gamit ang laman na nagkatawang-tao upang magsalita at gumawa nang maging ganap ang gawain ng pagka-Diyos, at sa gayon gamit ang ilan, o marahil higit pa, na mga tao ayon sa sariling puso ng Diyos upang magpunô sa Kanyang gawain. Ibig sabihin, gumagamit ang Diyos ng mga tao ayon sa Kanyang puso na gumawa ng gawain ng pag-aalaga at pagdidilig sa pagkatao upang ang lahat ng tao ay maaaring magtamo ng katotohanan.

Kung, sa pagdating sa katawang-tao, ginagawa lamang ng Diyos ang gawain ng pagka-Diyos nang walang karagdagang pagkakaroon ng ilang tao ayon sa puso ng Diyos na gumagawang kasama Niya, kung gayon walang magiging paraan para maunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos o makipag-ugnay sa Diyos. Dapat gumamit ang Diyos ng mga normal na tao ayon sa Kanyang puso upang tapusin ang gawaing ito, upang bantayan at alagaan ang mga iglesia, upang makarating sa antas na kayang marating ng mga proseso ng pag-unawa ng tao, ang kanyang utak. Sa ibang salita, gumagamit ang Diyos ng maliit na bilang ng mga tao na ayon sa Kanyang puso upang “isalin” ang gawaing Kanyang ginagawa sa loob ng Kanyang pagka-Diyos, upang maaari itong mabuksan, iyan ay, upang mapabagong-anyo ang pagka-Diyos na wika tungo sa wika ng tao, ginagawa ang gayon para maabot ito ng lahat ng tao, at maunawaan ito ng lahat. Kung hindi ginawa ng Diyos ang gayon, walang sinuman ang makakaunawa sa banal na wika ng Diyos, sa dahilang ang mga tao ayon sa puso ng Diyos, pagkatapos ng lahat, ay maliit na minorya, at ang kakayahan ng tao na umintindi ay mahina. Iyan ang dahilan kung bakit pinipili lamang ng Diyos ang paraang ito kapag gumagawa sa nagkatawang-taong laman. Kung mayroon lamang pagka-Diyos na gawain, walang magiging paraan para makilala o makaugnay ng tao ang Diyos, sa dahilang hindi nauunawaan ng tao ang wika ng Diyos. Nakakaya ng tao na maunawaan ang wikang ito sa pamamagitan lamang ng pagkatawan ng mga tao ayon sa puso ng Diyos na siyang nagpapalinaw ng Kanyang mga salita. Gayunman, kung mayroon lamang gayong mga tao na gumagawa sa loob ng pagkatao, maaari lamang niyaong mapanatili ang normal na buhay ng tao; hindi nito mapapabago ang disposisyon ng tao. Ang gawain ng Diyos kung gayon ay hindi maaaring magkaroon ng bagong panimulang punto; magkakaroon lamang ng parehong mga lumang awit, ng parehong mga lumang pagsasalita. Tanging sa pagkakatawan lamang ng nagkatawang-taong Diyos, na nagsasabi ng lahat ng kinakailangang sabihin at gumagawa ng lahat ng kinakailangang gawin sa panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, kung saan pagkatapos nito ang mga tao ay gumagawa at nakakaranas ayon sa Kanyang mga salita, sa gayon lamang ang kanilang disposisyon sa buhay ay maaaring magbago at makakaya nilang sumama sa agos ng panahon. Siya na gumagawa sa loob ng pagka-Diyos ay kumakatawan sa Diyos, habang yaong gumagawa sa loob ng pagkatao ay mga tao na ginagamit ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang nagkatawang-taong Diyos ay may malaking kaibahan mula sa mga tao na ginagamit ng Diyos. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kayang gawin ang gawain ng pagka-Diyos, samantalang ang mga tao na ginagamit ng Diyos ay hindi. Sa simula ng bawa’t isang kapanahunan, ang Espiritu ng Diyos ay personal na nagsasalita upang ilunsad ang bagong kapanahunan at dalhin ang tao sa isang bagong simula. Kapag natapos na Siya sa pagsasalita, nagpapahiwatig ito na ang gawain ng Diyos sa loob ng Kanyang pagka-Diyos ay tapos na. Pagkatapos noon, ang mga tao ay sumusunod lahat sa pangunguna niyaong mga ginagamit ng Diyos upang pumasok sa karanasan ng kanilang buhay. Sa parehong kaparaanan, ito rin ang yugto kung saan dinadala ng Diyos ang tao sa bagong kapanahunan at binibigyan ang lahat ng bagong panimulang punto. Sa ganito, nagtatapos ang gawain ng Diyos sa katawang-tao.

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mag-iwan ng Tugon