Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw: Pagkilala sa Diyos | Sipi 168
Kuwento 2. Isang Dakilang Bundok, Isang Maliit na Sapa, Isang Mabagsik na Hangin, at Isang Dambuhalang Alon
May isang maliit na sapa na nagpapaliku-liko paroo’t parito, hanggang nakarating sa wakas sa paanan ng dakilang bundok. Hinaharangan ng bundok ang daanan ng maliit na sapa, kaya tinanong ng maliit na sapa ang bundok sa kanyang mahina, maliit na boses, “Pakiusap padaanin mo ako, ikaw ay nakatayo sa aking dinaraanan at hinaharangan ang aking daanan pasulong.” Nagtanong ang bundok pagkatapos, “Saan ka pupunta?” Na tinugon naman ng maliit na sapa, “Hinahanap ko ang aking tahanan.” Sinabi ng bundok, “Sige, magpatuloy kang dumaloy ka sa ibabaw ko!” Ngunit dahil ang maliit na sapa ay masyadong mahina at masyadong bata, walang paraan para ito makadaloy sa ibabaw ng gayong kalaking bundok, kaya wala itong magawa kundi ang manatiling dumaloy sa paanan ng bundok …
Umihip ang isang mabagsik na hangin dala nito ang buhangin at alikabok kung saan nakatindig ang bundok. Umugong ang hangin sa bundok, “Padaanin mo ako!” Ang bundok ay nagtanong, “Saan ka pupunta?” Umugong pabalik ang hangin, “Gusto kong magpunta sa gilid na iyon ng bundok.” Sinabi ng bundok, “Sige, kung makalulusot ka sa aking gitna, kung gayon humayo ka!” Umugong nang umugong ang hangin, ngunit gaano man kalakas itong umihip, hindi ito makalusot sa gitna ng bundok. Napagod ang hangin, at tumigil upang magpahinga. Kaya sa gilid na iyon ng bundok pasumpung-sumpong lang umiihip ang hangin, na ikinagalak ng mga tao roon. Ang gayon ang pambati na ibinigay ng bundok sa mga tao …
Sa dalampasigan, ang wisik ng karagatan ay marahang gumulong sa bahura. Nang biglang, isang dambuhalang alon ang dumating at nanalasa patungo sa bundok. “Tumabi ka!” sigaw ng dambuhalang alon. Ang bundok ay nagtanong, “Saan ka pupunta?” Hindi huminto ang dakilang alon, at nagpatuloy ito sa pagdaluyong habang sumasagot, “Pinalalawak ko ang aking teritoryo at gusto kong i-unat ang aking mga braso nang konti.” Sinabi ng bundok, “Sige, kung makadadaan ka sa aking tuktok, ibibigay ko ang daan.” Umatras nang konti ang dakilang alon, at dumaluyong muli patungo sa bundok. Ngunit gaano man niya kasikap tangkain, hindi niya malampasan ang bundok. Wala siyang mapagpipilian kundi ang umurong pabalik kung saan siya nagmula …
Sa loob ng maraming siglo, marahang umaagos ang maliit na sapa palibot sa paanan ng bundok. Sa pamamagitan ng pagsunod sa daan na ginawa ng bundok, nagawa ng maliit na sapa na makabalik sa kanyang tahanan; sumama ito sa ilog, at dumaloy sa dagat. Sa ilalim ng pangangalaga ng bundok, hindi kailanman naligaw ang sapa. Ang maliit na sapa at ang dakilang bundok ay umasa sa isa’t isa, pinipigil nila ang isa’t isa, at umasa sa isa’t isa.
Sa loob ng maraming siglo, hindi binago ng mabagsik na hangin ang mga nakagawian nitong pag-ungol sa bundok. Hinihipan ng hangin ang mga nakapaikot na buhangin kapag “binibisita” niya ang bundok gaya ng dati nang nangyayari. Pinagbabantaan nito ang bundok, ngunit hindi kailanman nakalusot sa gitna ng bundok. Ang mabagsik na hangin at ang dakilang bundok ay umasa sa isa’t isa, pinigilan nila ang isa’t isa, at umasa sa isa’t isa.
Sa loob ng maraming siglo, ang dambuhalang alon ay hindi rin nagpahinga, at hindi tumigil sa paglawak. Ito ay dumadagundong at dumadaluyong nang paulit-ulit patungo sa bundok, gayunman hindi kailanman gumalaw ang bundok kahit isang pulgada. Binabantayan ng bundok ang dagat, at sa ganitong paraan, ang mga nilalang sa dagat ay dumami at lumago. Ang dambuhalang alon at ang dakilang bundok ay umasa sa isa’t isa, pinigilan nila ang isa’t isa, at umasa sa isa’t isa.
Tapos na ang Aking kuwento. Una, ano ang masasabi ninyo sa Akin tungkol sa kuwentong ito, ano ang pangunahing paksa nito? Una may isang bundok, pagkatapos ano? (Isang maliit na sapa, isang mabagsik na hangin, at isang higanteng alon.) Ano ang nangyari sa unang bahagi sa maliit na sapa at sa dakilang bundok? Bakit natin pinag-uusapan ang tungkol sa dakilang bundok at sa maliit na sapa? (Sapagkat pinrotektahan ng bundok ang sapa, ang sapa ay hindi kailanman nawala. Umasa sila sa isa’t isa.) Masasabi niyo ba na pinrotektahan ng bundok o hinarangan ang maliit na sapa? (Pinrotektahan ito.) Maaari kayang hinarangan niya ito? Ang bundok at ang maliit na sapa ay magkasama; pinrotektahan nito ang sapa, at ito rin ay isang harang. Pinrotektahan ng bundok ang sapa upang dumaloy ito sa ilog, ngunit pinanatili din niya ito mula sa pagdaloy sa lahat ng dako kung saan maaari itong maging baha at maging malaking pinsala para sa mga tao. Ito ba ang pangunahing punto sa bahaging ito? (Oo.) Ang pag-iingat ng bundok sa sapa at ang pag-kilos nito bilang harang ang nangalaga sa tahanan ng mga tao. Sa gayon mayroon kayong maliit na sapa na sasanib sa ilog sa paanan ng bundok at kalaunan ay dadaloy papuntang dagat; hindi ba ito ang kinakailangan sa maliit na sapa? (Oo.) Nang dumaloy ang sapa sa ilog at pagkatapos sa dagat, ano ang inaasahan nito? Hindi ba ito umaasa sa bundok? Ito ay umaasa sa pag-iingat ng bundok na nagsisilbing isang harang; ito ba ang pangunahing punto? (Oo.) Nakikita mo ba ang kahalagahan ng mga bundok sa tubig sa halimbawang ito? (Oo nakikita namin.) Mahalaga ba ito? (Oo.) May layunin ba ang Diyos sa paggawa Niya sa mga bundok na parehong mataas at mababa? (Oo mayroon Siya.) Mayroon itong layunin, tama? Ito ay maliit na bahagi ng kuwento, at mula lang sa isang maliit na sapa at isang malaking bundok nakita natin ang halaga at kabuluhan ng dalawang bagay na ito sa paglikha ng Diyos sa kanila. Makikita din natin ang Kanyang karunungan at layunin kung paano Niya pinamamahalaan ang dalawang bagay na ito. Hindi ba tama iyon?
Ano ang kinapapalooban ng ikalawang bahagi ng kuwento? (Isang mabagsik na hangin at ang dakilang bundok.) Ang hangin ba ay isang mabuting bagay? (Oo.) Hindi sa lahat ng oras, yamang may mga pagkakataon na kapag malakas ang hangin ito ay nakapipinsala. Ano ang madarama mo kung kinailangan mong manatili sa labas sa gitna ng mabagsik na hangin? Ito ay depende kung gaano ito kalakas, tama? Kung ito ay bahagyang simoy lang, o kung ito ay may antas na 2-3 hangin, o isang antas ng 3-4 hangin kung gayon ito ay katamtaman lamang, karaniwan mahihirapan ang isang tao na panatilihing bukas ang kanyang mga mata. Ngunit makakaya mo ba kung iihip ang hangin nang may sapat na lakas upang maging buhawi? Hindi mo ito makakaya. Kaya mali para sa mga tao ang sabihin na ang hangin ay palaging mabuti, o na ito ay palaging masama sapagkat ito ay depende kung gaano kalakas ang hangin. Kaya ano ang pakinabang ng bundok dito? Ito ba ay parang pansala para sa hangin? (Oo.) Tinatanggap ng bundok ang mabagsik na hangin at pinagpira-piraso ito sa ano? (Isang banayad na hangin.) Sa banayad na hangin. Maaari itong mahawakan at madama ng karamihan sa mga tao sa kapaligiran kung saan sila nakatira—ang mabagsik na hangin ba o ang bahagyang simoy ang kanilang nadama? (Isang banayad na hangin.) Hindi ba ito ang isa sa mga layunin sa likod ng paglikha ng Diyos sa mga bundok? Hindi ba ito ang Kanyang layon? Ano kaya ang magiging pakiramdam ng mga tao na manirahan sa isang kapaligiran kung saan hihipang paikot ng mabagsik na hangin ang mga butil ng buhangin nang walang sasangga o haharang dito? Maaari kaya na habang umiihip ito na mayroong kasamang buhangin at mga bato, hindi makapaninirahan ang tao sa lupa? Maaaring matamaan sa ulo ang ilang tao ng mga batong lumilipad, o ang iba ay maaaring malagyan ng buhangin sa kanilang mga mata at hindi makakita. Maaaring ang tao ay masipsip sa kalawakan o ang hangin ay iihip nang malakas at hindi sila makatayo. Masisira ang mga bahay at lahat ng uri ng kapinsalaan ay mangyayari. May halaga ba ang mabagsik na hangin? (Oo.) Ano ang halaga nito? Nang sabihin ko na ito ay masama, kung gayon ay madadama ng mga tao na wala itong halaga, ngunit tama ba iyon? Wala bang halaga na ito ay naging banayad na hangin? Ano ang pinakakailangan ng mga tao kapag mahalumigmig o walang sariwang hangin? Kailangan nila ng isang banayad na hangin na marahang iihip sa kanila, upang palamigin at maging maaliwalas ang kanilang mga kaisipan, upang pakalmahin ang kanilang kalooban at mapabuti ang kalagayan ng kanilang kaisipan. Halimbawa, nakaupo kayong lahat sa isang silid na puno ng mga tao at walang hangin, at ano ang inyong pinakakailangan? (Isang banayad na hangin.) Sa mga lugar na kung saan ang hangin ay hindi malinis at puno ng dumi pinababagal nito ang pag-iisip ng isang tao, pinabababa nito ang pagdaloy ng kanilang dugo, at ginagawa silang hindi masyadong alisto. Gayunman, ang hangin ay magiging sariwa kung magkakaroon ito ng pagkakataon na gumalaw at dumaloy, at magiging mas mabuti ang pakiramdam ng mga tao. Kahit na maaaring ang maliit na sapa at ang mabagsik na hangin ay maging sakuna, hangga’t ang bundok ay naroroon gagawin sila nitong mga bagay na tunay na kapaki-pakinabang sa mga tao; hindi ba tama iyon?
Ano ang pinag-uusapan sa ikatlong bahagi ng kuwento? (Ang dakilang bundok at ang malaking alon.) Ang dakilang bundok at ang malaking alon. Ang senaryo dito ay isang bundok sa tabi ng dagat kung saan makikita natin ang bundok, ang pagwisik ng karagatan, at maging, isang malaking alon. Ano ang bundok sa alon sa pagkakataong ito? (Isang tagapagsanggalang at isang harang.) Ito ay parehong tagapagsanggalang at harang. Tama? Ang layunin sa pagsasanggalang nito ay upang pigilang mawala ang bahaging ito ng dagat nang sa gayon ang mga nilalang na naninirahan dito ay mapaunlad. Bilang harang, pinananatili ng bundok ang tubig dagat—ang anyong tubig na ito—sa pag-apaw at maging sanhi ng sakuna, na makakapinsala at makakasira sa mga tahahan ng mga tao. Tama? Kaya masasabi natin na ang bundok ay parehong isang harang at isang tagapagsanggalang.
Ipinakikita nito ang kahalagahan ng pag-aasahan sa pagitan ng bundok at ng sapa, ng bundok at ng mabagsik na hangin, at ng bundok at ng malaking alon at kung paano nila pinipigilan ang isa’t isa at umaasa sa isa’t isa, na siyang binanggit ko. May isang patakaran at isang batas na namamahala sa kaligtasan ng mga bagay na ito na nilikha ng Diyos. Nakikita ba ninyo kung ano ang ginawa ng Diyos batay sa nangyari sa kuwento? Nilikha ba ng Diyos ang daigdig at ipinagwalang-bahala na lang ang nangyari pagkatapos? Binigyan ba Niya sila ng mga patakaran at dinisenyo ang mga paraan na kanilang ginagampanan at pababayaan na lang pagkatapos noon? Iyon ba ang nangyari? (Hindi.) Ano iyon kung gayon? (Ang Diyos ang may kontrol.) Ang Diyos pa rin ang may kontrol sa tubig, sa hangin, at sa mga alon. Hindi Niya sila hinayaang magwala at hindi Niya sila hinayaang makapinsala o makasira ng mga tahahan ng mga tao, at dahil dito makapagpapatuloy ang tao na manirahan at umunlad sa kapirasong lupa na ito. Na nangangahulugang pinanukala na ng Diyos ang mga patakaran sa pag-iral nang likhain Niya ang sansinukob. Nang ginawa ng Diyos ang mga bagay na ito, tiniyak Niya na pakikinabangan sila ng sangkatauhan, at kinontrol din Niya ang mga ito nang upang sila ay hindi makagulo o makapinsala sa sangkatauhan. Kung hindi sila pinangasiwaan ng Diyos, hindi ba dadaloy ang mga tubig sa lahat ng dako? Hindi ba iihip ang hangin sa lahat ng dako? Kung hindi sila pinamahalaan ng Diyos hindi sila mapamumunuan ng kahit alin sa mga patakaran, at ang hangin ay uugong at ang mga tubig ay tataas at dadaloy sa lahat ng dako. Kung ang malaking alon ay naging mas mataas kaysa sa bundok makaiiral pa ba ang bahaging iyon ng dagat? Ang dagat ay hindi na makaiiral. Kung ang bundok ay hindi kasingtaas ng alon, ang bahaging iyon ng dagat ay hindi na iiral at mawawala ng bundok ang kanyang halaga at kabuluhan.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII