Menu

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 20 Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 20
00:00/ 00:00

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 20

00:00
00:00

Sa katunayan, ang disposisyon ng Diyos ay lantad sa lahat at hindi nakatago, dahil hindi kailanman sinadyang umiwas ang Diyos sa sinumang tao at hindi Niya kailanman sinadyang hangarin na itago ang Sarili Niya upang hindi Siya makilala o maunawaan ng mga tao. Ang disposisyon ng Diyos ay palaging bukas at palaging nakaharap sa bawat tao sa isang lantad na paraan. Sa pamamahala ng Diyos, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain na lantad sa lahat; at ginawa Niya sa bawat tao ang Kanyang gawain. Sa paggawa Niya ng gawaing ito, patuloy Niyang ibinubunyag ang Kanyang disposisyon, patuloy Niyang ginagamit ang Kanyang diwa at kung anong mayroon at kung ano Siya upang gabayan at tustusan ang bawat tao. Sa bawat panahon at sa bawat yugto, maganda man o pangit ang mga kalagayan, ang disposisyon ng Diyos ay laging lantad sa bawat indibidwal, at ang Kanyang mga kataglayan at katauhan ay laging lantad sa bawat indibidwal, sa parehong paraan ng palagi at walang-patid na paglalaan at pag-alalay ng Kanyang buhay sa sangkatauhan. Sa kabila ng lahat ng ito, ang disposisyon ng Diyos ay nananatiling nakatago para sa ilan. Bakit ganoon? Dahil bagamat nabubuhay ang mga taong ito sa loob ng gawain ng Diyos at sumusunod sila sa Diyos, hindi nila kailanman pinagsikapang unawain o ginustong makilala ang Diyos, at mas lalo na ang mapalapit sa Diyos. Para sa mga taong ito, ang pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos ay nangangahulugang malapit na ang kanilang katapusan; nangangahulugan ito na malapit na silang hatulan at mapatunayang may sala sa pamamagitan ng disposisyon ng Diyos. Dahil dito, hindi kailanman ginusto ng mga taong ito na unawain ang Diyos o ang Kanyang disposisyon, at hindi nila sinikap na matamo ang mas malalim na pagkaunawa o kaalaman sa kalooban ng Diyos. Hindi nila nilalayong maintindihan ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng sinadyang pakikisama—habang-panahon lang sila na nagpapakasaya at hindi nagsasawa sa paggawa ng mga bagay na gusto nila; nananampalataya sa Diyos na nais nilang panampalatayanan; nananampalataya sa Diyos na umiiral lamang sa kanilang mga imahinasyon, ang Diyos na umiiral lamang sa kanilang mga pagkaintindi; at nananampalataya sa isang Diyos na hindi maihihiwalay sa kanila sa araw-araw nilang pamumuhay. Pagdating sa tunay na Diyos Mismo, ganap silang umiiwas, walang pagnanais na maunawaan Siya, makinig sa Kanya, at mas lalo nang kakaunti ang layunin na mapalapit sa Kanya. Ginagamit lang nila ang mga salitang ipinahahayag ng Diyos upang pagandahin ang sarili nilang anyo, upang maging mabenta sila. Para sa kanila, iyon na ang pagiging matagumpay na mananampalataya at iyon na ang mga taong may pananampalataya sa Diyos sa kanilang mga puso. Sa kanilang mga puso, ginagabayan sila ng kanilang mga imahinasyon, ng kanilang mga pagkaintindi, at kahit ang kanilang mga personal na pakahulugan sa Diyos. Sa kabilang banda, ang tunay na Diyos Mismo ay lubos na walang kaugnayan sa kanila. Dahil sa sandaling maunawaan nila ang tunay na Diyos Mismo, maunawaan nila ang tunay na disposisyon ng Diyos, at maunawaan nila kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, nangangahulugan ito na parurusahan ang kanilang mga gawa, ang kanilang mga pananampalataya, at ang kanilang mga pinagkakaabalahan. Iyan ang dahilan kung bakit ayaw nilang unawain ang diwa ng Diyos, at kung bakit nag-aatubili sila at ayaw nilang maging aktibo sa pagsasaliksik o pananalangin upang mas maunawaan ang Diyos, mas lalong malaman ang kalooban ng Diyos, at mas lalong maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Mas gugustuhin pa nila na ang Diyos ay kathang-isip lamang, hungkag at mailap. Mas nanaisin pa nila na ang Diyos ay maging ganap na gaya ng nasa imahinasyon nilang Siya, isang Diyos na sunud-sunuran sa kanila, di-nauubos ang panustos at laging nariyan. Kapag nais nilang tamasahin ang biyaya ng Diyos, hinihiling nila sa Diyos na maging Siya ang biyayang iyon. Kapag kailangan nila ang pagpapala ng Diyos, hinihiling nila sa Diyos na maging Siya ang pagpapalang iyon. Kapag humaharap sila sa kahirapan, hinihiling nila sa Diyos na palakasin ang kanilang loob, na maging tagasalo nila. Ang kaalaman ng mga taong ito tungkol sa Diyos ay nananatili sa nasasaklawan ng biyaya at pagpapala. Ang pagka-unaw nila sa Gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at sa Diyos ay nalilimitahan din ng kanilang mga imahinasyon at pawang mga babasahin at doktrina lamang. Ngunit may ilang mga taong sabik na maunawaan ang disposisyon ng Diyos, nagnanais na tunay na makita ang Diyos Mismo, at tunay na maunawaan ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ang mga taong ito ay nagpupursiging mahanap ang reyalidad ng katotohanan at kaligtasan ng Diyos, at nagnanais na matanggap ang paglupig, pagligtas, at pagperpekto ng Diyos. Ginagamit ng mga taong ito ang kanilang mga puso upang bigyang-pansin ang salita ng Diyos, ginagamit ang kanilang mga puso upang pahalagahan ang bawat kalagayan ng bawat tao, pangyayari, o bagay na isinaayos ng Diyos para sa kanila, at nananalangin at nagsasaliksik nang may katapatan. Ang nais nila higit sa lahat ay malaman ang kalooban ng Diyos at maunawaan ang tunay na disposisyon at diwa ng Diyos. Ito ay para hindi na sila magkasala sa Diyos, at sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan, mas makita pa nila ang pagkamapagmahal ng Diyos at makita ang tunay Niyang panig. Ito rin ay upang iiral ang bukod-tanging tunay na Diyos sa kanilang mga puso, at upang magkaroon ang Diyos ng lugar sa kanilang mga puso, sa paraang ito hindi na sila mabubuhay sa kalagitnaan ng mga imahinasyon, pagkaintindi, o pagka-mailap. Para sa mga taong ito, ang dahilan kung bakit mayroon silang matinding kagustuhan na maunawaan ang disposisyon ng Diyos at Kanyang diwa ay dahil ang disposisyon ng Diyos at diwa ay mga bagay na maaaring kailanganin ng sangkatauhan sa anumang sandali sa kanilang mga karanasan, mga bagay na tumutustos sa buhay sa kanilang habang-buhay. Sa sandaling maunawaan nila ang disposisyon ng Diyos, magagawa nilang lalong igalang ang Diyos, lalo silang makakatuwang sa gawain ng Diyos, at lalo silang makapagbibigay-halaga sa kalooban ng Diyos at makatutupad ng kanilang tungkulin sa abot ng kanilang mga kakayahan. Ito ang dalawang uri ng tao pagdating sa kanilang saloobin sa disposisyon ng Diyos. Ang una ay ayaw maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Kahit pa sabihin nilang nais nilang maunawaan ang disposisyon ng Diyos, makilala ang Diyos Mismo, makita kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, at talagang pahalagahan ang kalooban ng Diyos, sa kaibuturan ng kanilang mga kalooban mas gugustuhin nilang wala na lang ang Diyos. Ito ay dahil palaging sumusuway at lumalaban sa Diyos ang ganitong uri ng mga tao; linalabanan nila ang Diyos para sa puwesto sa sarili nilang mga puso at madalas ay nagdududa o itinatanggi pa ang pag-iral ng Diyos. Ayaw nilang hayaang manahan sa kanilang mga puso ang disposisyon ng Diyos o ang Diyos Mismo. Nais lang nilang pagbigyan ang sarili nilang mga kagustuhan, mga imahinasyon, at mga ambisyon. Kaya ang mga taong ito ay maaaring mananampalataya sa Diyos, sumusunod sa Diyos, at maaari ring isakripisyo ang kanilang mga pamilya at hanapbuhay para sa Kanya, ngunit hindi nila tinatapos ang kanilang mga masasamang kagawian. Ang iba pa nga ay nagnanakaw o nagwawaldas ng mga kaloob, o isinusumpa ang Diyos nang palihim, samantalang ang iba ay maaaring gamitin ang kanilang mga katungkulan upang paulit-ulit na magpatotoo tungkol sa kanilang mga sarili, palaguin ang kanilang mga sarili, at makipag-agawan sa Diyos para sa mga tao at katungkulan. Gumagamit sila ng sari-saring mga paraan at hakbang para sambahin sila ng mga tao, palaging sinusubukang makuha ang mga tao at panghawakan sila. Ang mga iba nga ay sinasadya pang ilihis ang mga tao para isiping sila ay Diyos at maaaring tratuhing parang Diyos. Hinding-hindi nila sasabihin sa mga tao na sila rin mismo ay makasalanan, na sila rin ay tiwali at mayabang, at huwag silang sambahin, at gaano man sila kahusay, ito ay dahil lamang sa pagpaparangal sa Diyos at dapat rin lang naman nilang ginagawa. Bakit hindi nila ito binabanggit? Dahil lubha silang natatakot na mawala ang kanilang lugar sa puso ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit ang mga taong tulad nito ay hindi kailanmang dumakila sa Diyos at hindi kailanmang sumaksi tungkol sa Diyos, katulad ng kailanmang hindi nila pagsubok na unawain ang Diyos. Maaari ba nilang makilala ang Diyos nang hindi Siya nauunawaan? Imposible! Kaya, bagamat maaaring simple ang mga salita sa paksang “Ang Gawain ng Diyos, Ang disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo”, ang kanilang kahulugan ay hindi pare-pareho para sa lahat. Para sa isang taong madalas sumuway sa Diyos, lumalaban sa Diyos, at masama ang pakikitungo sa Diyos, ito ay nangangahulugang pagpaparusa; samantalang para sa isang tao na naghahanap ng reyalidad ng katotohanan at madalas na lumalapit sa Diyos upang hanapin ang kalooban ng Diyos, walang dudang para siyang isda na pinakawalan sa tubig. Kaya sa inyo, kapag ang ilan ay nakarinig ng usaping tungkol sa disposisyon ng Diyos at gawain ng Diyos, magsisimulang sumakit ang kanilang mga ulo, mapupuno ng panlalaban ang kanilang mga puso, at magiging napakabalisa ang mga ito. Ngunit may mga iba sa inyong mag-iisip: Ang paksang ito ang ganap na kailangan ko, dahil lubhang kapakipakinabang sa akin ang paksang ito. Isa itong bahagi na hindi maaaring wala sa karanasan ko sa buhay; ito ang pinakamahalaga sa pinakamahalaga, ang pundasyon ng pananampalataya sa Diyos, at isang bagay na hindi kakayaning talikuran ng sangkatauhan. Para sa inyong lahat, ang paksang ito ay maaaring tila ba parehong malapit at malayo, hindi alam ngunit pamilyar. Ngunit ano pa man, ito ay paksa na dapat pakinggan ng lahat ng mga nakaupo rito, dapat malaman, at dapat maunawaan. Kahit paano ka man makitungo dito, kahit paano mo mang tanawin ito o paano mo mang tanggapin ito, ang kahalagahan ng paksang ito ay hindi maaaring ipagsawalang-bahala.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Mag-iwan ng Tugon