Mag-subscribe

Menu

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | "Kabanata 29" | Sipi 66 Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | "Kabanata 29" | Sipi 66
00:00/ 00:00

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw | "Kabanata 29" | Sipi 66

00:00
00:00

Ako ay naghahari sa kaharian, at, higit pa rito, Ako ay naghahari sa buong sansinukob; Ako ay parehong Hari ng kaharian at Pinuno ng sansinukob. Mula sa oras na ito magpahanggang sa hinaharap, titipunin Ko ang lahat ng hindi napili at magsisimula ng Aking gawa sa mga Hentil, at ipahahayag ko ang Aking mga batas ng pamumuno sa buong sansinukob, upang matagumpay Kong masimulan ang susunod na hakbang tungo sa Aking gawa. Gagamitin ko ang pagkastigo upang ipakalat ang Aking gawa sa mga Hentil, nangangahulugang, gagamit Ako ng puwersa laban sa mga Hentil. Natural lamang na ang gawang ito ay mangyari sa parehong oras ng Aking gawa para sa mga napili. Kapag ang Aking mga tauhan ay naghari at gumamit ng kapangyarihan sa daigdig ay siya ring araw na ang lahat ng tao sa daigdig ay nalupig, at higit pa rito, ito ay ang panahon na ako ay mamamahinga—at doon lang Ako lilitaw sa lahat ng mga nalupig. Nagpapakita Ako sa banal na kaharian, at itinatago ang Aking sarili mula sa lupain ng karumihan. Ang lahat ng mga nalupig at naging masunurin sa Akin ay kayang makita ang Aking mukha gamit ang kanilang mga sariling mata, at kayang marinig ang Aking tinig gamit ang kanilang mga sariling tainga. Ito ay isang pagpapala sa mga ipinanganak noong mga huling araw, ito ay ang pagpapala na Aking itinalaga, at ito ay hindi mababago ninuman. Ngayon, gumagawa Ako sa ganitong paraan para sa gawa sa kinabukasan. Ang lahat ng Aking gawa ay magkakaugnay, sa lahat ng ito ay isang panawagan at pagtugon: Hindi kailanman na ang anumang hakbang ay biglaang pinigilan, at hindi kailanman na ang anumang hakbang ay naisakatuparang mag-isa ng sinuman. Hindi nga ba ito iyon? Hindi nga ba ang gawa ng nakalipas ang siyang pundasyon ng gawa sa ngayon? Hindi nga ba ang mga salita ng nakalipas ang siyang pasimula ng mga salita sa ngayon? Hindi nga ba ang mga hakbang ng nakalipas ang siyang pundasyon ng hakbang sa ngayon? Noong pormal kong ipinahayag ang balita ang siya ring panahon na ang mga tao sa buong sansinukob ay naparusahan, noong ang mga tao sa buong mundo ay sasailalim sa pagsubok, at ito ang kasukdulan ng Aking gawa; lahat ng tao ay naninirahan sa isang lupaing walang liwanag, at lahat ng tao ay nananahan sa gitna ng banta sa kanilang kapaligiran. Sa madaling sabi, ito ang buhay na hindi kailanman naranasan ng tao mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, at walang sinuman sa lahat ng mga kapanahunan ang “nasiyahan” sa ganitong uri ng buhay, at dahil dito, winiwika Ko na kikilos Ako nang hindi pa nagagawa noon. Ito ang tunay na estado ng pamumuhay, at ito ay ang malalim na kahulugan nito. Dahil ang Aking araw ay papalapit na sa buong sangkatauhan, dahil hindi ito nagmumukhang malayo, ngunit ito ay tama lamang sa harap ng mata ng tao, sino ang hindi kayang matakot bilang bunga nito? At sino ang hindi kayang maging masaya rito? Ang maduming lungsod ng Babylon ay dumating na sa katapusan; ang tao ay nakatagpo na ng isang bagong mundo, at ang langit at lupa ay nabago na at nanumbalik.

Kapag nagpapakita Ako sa lahat ng bansa at lahat ng tao, ang mga puting kaulapan ay bumabati sa kalangitan at binabalot Ako. Ganoon din naman ang mga ibon sa lupa na umaawit at sumasayaw sa galak para sa Akin, binibigyang kahalagahan ang kapaligiran sa daigdig, at siyang nagdudulot sa lahat ng bagay sa daigdig na mabuhay, para hindi na “matambak” bagkus ay mamuhay sa kapaligirang puno ng buhay. Kapag ako ay nasa mga ulap, ang tao ay nakikita nang madilim ang Aking mukha at Aking mga mata, at sa panahong ito ay nakakaramdam siya ng kaunting takot. Noong nakalipas, nakarinig siya ng makasaysayang mga tala tungkol sa Akin sa mga alamat, at dahil dito, siya ay bahagya lamang naniniwala at bahagya ring nagdududa sa Akin. Hindi niya alam kung nasaan Ako, o kung gaano kalaki ang Aking mukha—dahil ito ay kasing-lawak ng karagatan, o walang hanggan gaya ng mga luntiang pastulan? Walang sinuman ang nakaaalam sa mga bagay na ito. Hindi lamang sa tuwing nakikita ng tao ang Aking mukha sa mga ulap ngayon na nakakaramdam ang tao na Ako ay tunay lamang batay sa mga kuwento, at kaya naman siya umaayon nang bahagya tungo sa Akin, at dahil lamang ito sa Aking mga gawa na ang kanyang paghanga sa Akin ay nagiging mas dakila. Ngunit ang tao ay hindi pa rin Ako kilala, at nakikita lamang ang isang bahagi ng Aking sarili sa mga ulap. Pagkatapos noon, nag-unat ako ng Aking mga bisig at ipinakita iyon sa tao. Ang tao ay namangha, at itinakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig, matinding natatakot na mahampas ng Aking kamay, at kaya naman nagdadagdag siya ng kaunting paggalang sa kanyang paghanga. Ang tao ay itinititig ang kanyang mga mata sa bawat kilos Ko, natatakot nang matindi na siya ay Aking igugupo kapag hindi siya nakikinig—ngunit binabantayan ito ng tao at hindi Ako pinipigilan, at patuloy Akong gumagawa gamit ang Aking mga kamay. Hindi lamang ang Aking mga gawa ang nais ng tao tungo sa Akin, at dahil dito, ang tao ay marahang tumutungo sa Akin para makipagkaisa sa Akin. Kapag ang Aking kabuuan ay naibunyag sa tao, makikita ng tao ang Aking mukha, at mula sa panahong iyon, hindi Ko na itatago o ikukubli pa ang Aking sarili mula sa tao. Sa buong sansinukob, magpapakita Ako nang hayagan sa mga tao, at lahat ng kaisa ng laman at dugo ay makikita ang Aking mga gawa. Lahat ng kaisa ng Espiritu ay tiyak na maninirahan nang may kapayapaan sa aking tahanan, at siguradong masisiyahan sa kaaya-ayang pagpapala kasama Ko. Lahat ng Aking pinagmamalasakitan ay tunay ngang makaliligtas sa pagkastigo, at tiyak na makaiiwas sa pasakit ng tumatangay na espiritu at pagdurusa ng katawang-tao. Magpapakita Ako nang hayagan sa sangkatauhan at maghahari at gagamit ng kapangyarihan, upang ang amoy ng mga namayapa ay hindi na lumaganap pa sa sansinukob; sa halip, ang Aking sariwang samyo ang siyang kakalat sa buong mundo, dahil ang Aking araw ay papalapit na, ang tao ay nagigising, ang lahat ng nasa daigdig ay magiging maayos, at ang mga araw ng pagkaligtas ng mundo ay wala na, dahil Ako ay dumating na!

Hinango mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

God Reigns in the Kingdom

I

God reigns in the kingdom, God reigns in the universe. He is the King of the kingdom, He is the Head of the universe. From this time onward, God will assemble all of those who are not chosen. From this time onward, God will begin to work among the Gentiles. From this time onward, He will announce His administrative decrees to the whole universe, so that He may do the next step of His work successfully.

II

From this time onward, God will use chastisement to spread His work among the Gentiles. From this time onward, He will use force, He will use force against all Gentiles. From this time onward, He'll do this while He works, while He works among the chosen ones. When God's people wield power, all on earth will have been conquered, God will rest and appear to the conquered ones. God reigns in the kingdom, God reigns in the universe. He is the King of the kingdom, He is the Head of the universe.

III

God appears in the holy kingdom and hides Himself from the land of filth. All those who're conquered and obey God are able to see His face. It is with their very own eyes they see, and His voice they hear with their ears. This is the blessing predestined by God for those who were born in the last days. God reigns in the kingdom, God reigns in the universe. He is the King of the kingdom, He is the Head of the universe.

IV

When God opens the scroll, that will be the day when all the people will be chastised. When God opens the scroll, people all over the world will be subjected to His trials. When God opens the scroll, God's work will reach its climax. All people will live in a land without light; amid the threat of their environment, all the people will live their lives. God reigns in the kingdom, God reigns in the universe. He is the King of the kingdom, He is the Head of the universe. Because God's day draws near, right before man's eyes, who could not be fearful? And who could not be delighted in this? It's finally come to an end, the filthy city of Babylon. Man has met with a brand-new world. All are renewed, the heavens and earth.

from Follow the Lamb and Sing New Songs

Mag-iwan ng Tugon