Menu

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw: Pagkilala sa Diyos | Sipi 30 Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw: Pagkilala sa Diyos | Sipi 30
00:00/ 00:00

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw: Pagkilala sa Diyos | Sipi 30

00:00
00:00

Ginawa ng Diyos ang Bahaghari bilang isang Palatandaan ng Kanyang Tipan sa Tao (Mga piling sipi)

(Genesis 9:11–13) At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa. At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa’t kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon: Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.

Sa katapusan ng kuwento ni Noe, nakikita nating gumamit ang Diyos ng di-karaniwang paraan upang ipahayag ang Kanyang mga damdamin sa panahong iyon. Ang paraang ito ay lubhang natatangi, at iyan ay ang paggawa ng tipan sa tao. Ito ay paraang nagpapahayag ng katapusan sa paggamit ng Diyos sa baha upang gunawin ang mundo. Mula sa labas, ang paggawa ng isang tipan ay para bang napaka-pangkaraniwang bagay. Walang ginagawa dito kundi gumamit ng mga salita upang bigkisin ang magkabilang partido sa pag-iwas sa mga paglabag, nang makatulong na matupad ang layunin na pangalagaan ang kapakanan ng magkabilang panig. Sa anyo, ito ay isang napaka-pangkaraniwang bagay, nguni’t sa nasa likod na mga dahilan at kahulugan ng paggawa nito ng Diyos, ito ay isang tunay na pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos at lagay ng isipan. Kung isasantabi mo lamang ang mga salitang ito at hindi papansinin, kung hindi ko kailanman sabihin sa inyo ang katotohanan ng mga bagay-bagay, hindi talaga kailanman malalaman ng sangkatauhan ang pag-iisip ng Diyos. Marahil sa iyong imahinasyon ay nakangiti ang Diyos habang ginagawa Niya ang tipang ito, o marahil ay seryoso ang mukha Niya, nguni’t ano man ang pinakakaraniwang uri ng kahayagan ng Diyos sa imahinasyon ng mga tao, walang nakakakita sa puso ng Diyos o sa Kanyang nadaramang sakit, at lalo pa sa Kanyang pamamanglaw. Walang makagagawang pagkatiwalaan sila ng Diyos o maging karapat-dapat sa tiwala ng Diyos, o maging isang taong mapagpapahayagan ng Kanyang mga iniisip o mapagbubuksan Niya ng nadarama Niyang sakit. Iyan ang dahilan kung bakit walang ibang maaaring gawin ang Diyos kundi ang gawin ang ganoong bagay. Sa pang-ibabaw, madaling bagay ang ginawa ng Diyos na pagpapaalam sa naunang sangkatauhan, pagsasaayos sa nakaraan at paghuhugot ng ganap na konklusyon sa paggunaw Niya sa mundo sa pamamagitan ng baha. Subali’t ibinaon ng Diyos ang sakit mula sa sandaling ito sa kailaliman ng Kanyang puso. Sa panahong walang sinumang mapagbubuksang-loob ang Diyos, gumawa Siya ng tipan sa sangkatauhan, sinabi sa kanilang hindi na ulit Niya gugunawin ang mundo sa pamamagitan ng baha. Kapag lumilitaw ang bahaghari, ito ay upang ipaalala sa mga tao na minsan ay naganap ang ganoong pangyayari, upang magbabala sa kanila na huwag gumawa ng masasamang mga bagay. Kahit na sa ganoong kasakit na kalagayan, hindi kinalimutan ng Diyos ang sangkatauhan at nagpakita pa rin ng napakalaking malasakit para sa kanila. Hindi ba ito ang pag-ibig at pagiging-hindi-makasarili ng Diyos? Nguni’t ano ang iniisip ng mga tao kapag sila ay nagdurusa? Hindi ba’t ito ang panahong pinaka-kailangan nila ang Diyos? Sa mga panahong tulad nito, laging kinakaladkad palapit ng mga tao ang Diyos upang mapaginhawa sila ng Diyos. Kailanman, hinding-hindi bibiguin ng Diyos ang mga tao, at lagi Niyang iaahon ang mga tao mula sa kanilang mga mabibigat na suliranin at mabuhay sa liwanag. Kahit ganoong tinutustusan ng Diyos ang sangkatauhan, sa puso ng tao, ang Diyos ay isa lamang pildoras na pampalakas-loob, isang gamot na nakapagpapaginhawa. Kapag ang Diyos ay nagdurusa, kapag sugatan ang Kanyang puso, ang pagkakaroon ng isang nilikha o sinumang taong sasamahan Siya o pagiginhawahin Siya ay walang-dudang isang marangyang pagnanais lamang para sa Diyos. Hindi kailanman pinapansin ng tao ang mga damdamin ng Diyos, kaya hindi kailanman humihingi ang Diyos ni hindi umaasa na mayroong sinumang makaaaliw sa Kanya. Ginagamit lamang Niya ang Kanyang sariling mga pamamaraan upang ipahayag ang lagay ng Kanyang damdamin. Hindi iniisip ng mga tao na isang malaking bagay para sa Diyos ang dumaan sa kaunting pagdurusa, nguni’t kapag talagang sinubukan mo lamang na maunawaan ang Diyos, kapag totoong napahahalagahan mo ang mga taimtim na mga hangarin ng Diyos sa lahat ng Kanyang ginagawa, madarama mo ang kadakilaan ng Diyos at ang Kanyang pagiging-hindi-makasarili. Bagama’t gumawa ang Diyos ng isang tipan sa sangkatauhan gamit ang bahaghari, hindi Niya kailanman sinabi sa kahit kanino kung bakit Niya ginawa ito, bakit Niya itinatag ang tipan na ito, nangangahulugang hindi Niya kailanman sinabi sa kahit kaninuman ang Kanyang totoong mga kaisipan. Ito ay dahil walang sinumang nakaiintindi sa lalim ng pag-ibig na mayroon ang Diyos para sa sangkatauhang nilikha Niya sa pamamagitan ng Kanyang sariling mga kamay, at wala ring sinumang makapagpapahalaga kung gaano talaga kasakit ang pinagdusahan ng Kanyang puso noong nilipol Niya ang sangkatauhan. Kaya kahit sabihin Niya sa mga tao kung ano ang nadarama Niya, hindi nila kayang isagawa ang pagkakatiwalang ito. Kahit nasasaktan Siya, nagpapatuloy pa din Siya sa susunod na gawain Niya. Laging ibinibigay ng Diyos ang pinakamahusay na panig Niya, at ang mga pinakamahusay na bagay sa sangkatauhan habang tahimik na dinadala Niya mismo ang lahat ng pagdurusa. Hindi kailanman lantarang ipinahahayag ng Diyos ang mga pagdurusang ito. Sa halip, tinitiis Niya ang mga ito at tahimik na naghihintay. Ang pagtitiis ng Diyos ay hindi malamig, manhid, o walang-magawa, ni hindi ito tanda ng kahinaan. Ang pag-ibig at diwa ng Diyos ay palaging hindi makasarili. Ito ay isang likas na pagbubunyag ng Kanyang diwa at disposisyon, at isang totoong pagsasakatawan ng pagkakakilanlan ng Diyos bilang tunay na Manlilikha.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Mag-iwan ng Tugon