Menu

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 52 Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 52
00:00/ 00:00

Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 52

00:00
00:00

Makapangyarihang Diyos! Hayagang nagpapakita ang Kanyang maluwalhating katawan, lumilitaw ang banal na espirituwal na katawan at Siya ang ganap na Diyos Mismo! Parehong nagbago ang mundo at ang katawang-tao, at ang Kanyang pagbabagong-anyo sa bundok ay ang persona ng Diyos. Suot Niya ang gintong korona sa Kanyang ulo, ang Kanyang kasuotan ay puting-puti, may bigkis ang dibdib ng isang pamigkis na ginto at lahat ng bagay sa mundo ay tuntungan ng Kanyang paa. Ang Kanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy, sa loob ng Kanyang bibig ay may isang matalas na tabak na tigkabila’y talim at sa Kanyang kanang kamay ay may pitong bituin. Ang daan patungo sa kaharian ay walang hangganan ang ningning at lumilitaw at kumikinang ang Kanyang kaluwalhatian; masaya ang mga bundok at nagtatawanan ang katubigan, at ang araw, buwan, at mga bituin ay umiinog na lahat sa mahusay na pagkakaayos ng mga ito, sinasalubong ang natatangi at totoong Diyos na ang matagumpay na pagbabalik ay ihinahayag ang pagtatapos ng Kanyang anim-na-libong-taon na plano ng pamamahala. Lahat ay naglulundagan at nagsasayawan sa galak! Magbunyi! Nakaupo ang Diyos na makapangyarihan sa lahat sa Kanyang maluwalhating luklukan! Umawit! Ang matagumpay na bandila ng Makapangyarihan ay itinataas sa maringal at kahanga-hangang Bundok ng Sion! Nagbubunyi ang lahat ng bansa, nag-aawitan ang lahat ng tao, masayang tumatawa ang Bundok ng Sion, lumitaw na ang kaluwalhatian ng Diyos! Ni hindi ko kailanman pinangarap na makikita ko ang mukha ng Diyos, subalit ngayon nakita ko na ito. Kaharap Siya araw-araw, binubuksan ko sa Kanya ang aking puso. Sagana ang ibinibigay Niyang pagkain at inumin. Buhay, mga salita, mga pagkilos, mga kaisipan, mga ideya—pinagliliwanag ng Kanyang maluwalhating liwanag ang lahat ng ito. Nangunguna Siya sa bawat hakbang ng daan, at sumasapit kaagad ang Kanyang paghatol sa anumang pusong naghihimagsik.

Kumakain, naninirahan, at nabubuhay na kasama ng Diyos, ang makasama Siya, magkasamang naglalakad, magkasamang nasisiyahan, magkasamang nagkakamit ng kaluwalhatian at mga pagpapala, kabahagi sa Kanyang paghahari, at magkasamang nabubuhay sa kaharian—ah, napakasaya! Ah, napakatamis! Kaharap natin Siya araw-araw, kausap Siya araw-araw at palaging nag-uusap, at pinagkakalooban ng bagong kaliwanagan at mga bagong kabatiran araw-araw. Nabuksan ang ating espirituwal na mga mata at nakikita natin ang lahat; ibinubunyag sa atin ang lahat ng hiwaga ng espiritu. Talagang masayang mabuhay nang banal; tumakbo nang mabilis at huwag tumigil, patuloy na sumulong—mayroon pang mas kamangha-manghang buhay sa hinaharap. Huwag masiyahan sa tamis lamang; patuloy na hangaring makapasok sa Diyos. Siya ay sumasaklaw sa lahat at masagana, at mayroon Siya ng lahat ng klaseng bagay na wala tayo. Aktibong makipagtulungan at pumasok sa Kanya, at wala nang magiging katulad ng dati kailanman. Magiging dakila ang ating buhay, at walang tao, usapin, o bagay ang makagagambala sa atin.

Kadakilaan! Kadakilaan! Tunay na kadakilaan! Nasa kalooban ang dakilang buhay ng Diyos, at talagang nakapahinga na ang lahat ng bagay! Nalalagpasan natin ang mundo at ang mga makamundong bagay, na walang nadaramang pagkatali sa mga asawa o mga anak. Nalalagpasan natin ang pagkontrol ng sakit at mga kapaligiran. Hindi nangangahas si Satanas na gambalain tayo. Ganap na nalalagpasan natin ang lahat ng kalamidad. Tinutulutan nito ang Diyos na maghari! Tinatapakan natin si Satanas, sumasaksi tayo para sa iglesia, at lubos nating inilalantad ang pangit na mukha ni Satanas. Ang pagtatayo ng iglesia ay na kay Cristo, at lumitaw na ang maluwalhating katawan—ganito ang mabuhay sa pagdadala!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 15

Ang Banal na Katawang Espirituwal ng Makapangyarihang Diyos ay Nagpakita

Makapangyarihang Diyos naibunyag mal'walhati N'yang katawan sa publiko. Banal N'yang katawan nagpakita; S'ya ay Diyos Mismo: Diyos na lubusang totoo. Mundo'y nagbagong lahat, gayundin ang katawang-tao. S'ya'y nagbagong-anyo upang maging persona ng Diyos, may ginintuang korona sa ulo, puting balabal sa katawan N'ya, ginintuang sinturon sa dibdib N'ya. Lahat ng bagay sa mundo'y tuntungan N'ya, parang liyab ng apoy ang mga mata N'ya, magkabilang-talim na tabak tangay N'ya, pitong bit'win sa kanang kamay N'ya. Daan ng kaharia'y walang-hanggana't maliwanag, l'walhati ng Diyos tumataas, sumisikat. Mga bundok nagsasaya't katubiga'y nagbubunyi; araw, b'wan, mga bit'win lahat umiikot, nakapilang maayos sa tanging totoong Diyos, na tumupad sa anim-na-libong-taong planong pamamahala, at nagbabalik nang matagumpay!

Bawa't isa'y sumasayaw, lumulundag sa tuwa, pumapalakpak sa Diyos. Ang totoong Makapangyarihang Diyos! Sa mal'wal'hating trono N'ya'y nakaluklok! Kaya tayo'y magsiawit ng papuri sa Banal Niyang ngalan! Watawat ng tagumpay ng Makapangyarihan nakataas na matayog maringal sa Bundok Sion! Mga bansa'y nagsasaya, mga bayan saanman nag-aawitang malakas at malinaw! Bundok Sion nagbubunyi, l'walhati ng Diyos nangingibabaw! 'Di ko kailanman pinangarap S'ya'y makatagpo, nguni't ngayo'y nakamtan. Kaharap S'ya araw-araw, kinakausap ko't nilalantad puso ko sa Kanya. Sa Kanya galing pagkain ko't inumin, tustos N'ya lahat ng bagay. Buhay, salita't gawa, at aking isipan, L'walhati N'ya'y sumisikat habang nangunguna sa paghakbang. Kung alinmang puso susuway, paghatol ay agad na nariyan.

Kumakai't namumuhay kasama ng Diyos; nasis'yahang naglalakad, Diyos ko'y kaagapay. Tanggap l'walhati N'ya't pagpapala, naghaharing kasama N'ya sa Kanyang kaharian. Kaysaya-saya! At kaytamis-tamis! Kaharap bawa't araw, S'ya'y nangungusap sa amin. Kausap namin S'ya, naliliwanagan araw-araw, at may bagong nakikita bawa't bagong araw. Buksan mga mata n'yong espirituwal, hayag mga hiwagang espirituwal ng Diyos! Pamumuhay ng banal ay malaya. Halina, h'wag pigilan inyong mga paa. Sumulong nang sumulong nang mauna, kamangha-manghang dalisay na buhay nasa unahan. 'Di sapat ang tumikim lamang, manatiling tumatakbo sa Diyos. Lahat-nakapaloob at masagana, lahat nating kulang nasa kamay N'ya. Magtulungang masigasig, pumasok sa Kanya, at buhay ay maiiba.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mag-iwan ng Tugon