Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 156
Yaong kinapapalooban ng mga pangitain ay pangunahing tumutukoy sa gawain ng Diyos Mismo, at yaong kinapapalooban ng pagsasagawa ay dapat magawa ng tao, at walang kaugnayan sa Diyos. Ang gawain ng Diyos ay tinatapos ng Diyos Mismo, at ang pagsasagawa ng tao ay kinakamit ng tao mismo. Ang mga nararapat magawa ng Diyos Mismo ay hindi kailangang gawin ng tao, at ang dapat isagawa ng tao ay walang kaugnayan sa Diyos. Ang gawain ng Diyos ay Kanyang sariling ministeryo, at walang kaugnayan sa tao. Ang gawaing ito ay hindi kailangang gawin ng tao, at, higit sa lahat, hindi makakayang gawin ng tao ang gawain na gagawin ng Diyos. Yaong kinakailangang gawin ng tao ay dapat magawa ng tao, kung ito man ay ang pagbibigay ng kanyang buhay, o ang paghahatid ng kanyang sarili kay Satanas upang maging patotoo—ang lahat ng ito ay dapat magawa ng tao. Tinatapos ng Diyos Mismo ang mga gawain na nararapat Niyang gawin, at ang nararapat gawin ng tao ay ipinakikita sa tao, at ang mga natitirang gawain ay iniwan sa tao. Hindi gumagawa ang Diyos ng mga karagdagang gawain. Ginagawa Niya lamang ang gawain na sakop ng ministeryo Niya, at ipinakikita lamang sa tao ang daan, at ginagawa lamang ang gawain ng pagbubukas ng daan, at hindi ginagawa ang gawain ng paghahanda ng daan; ito ay dapat maunawaan ng tao. Ang pagsasagawa ng katotohanan ay nangangahulugan ng pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, at ang lahat ng ito ay tungkulin ng tao, na kailangang isagawa ng tao, at walang kinalaman sa Diyos. Kung hinihiling ng tao na ang Diyos ay magdanas din ng pasakit at pagpipino sa katotohanan, katulad nang sa tao, kung gayon ang tao ay nagiging suwail. Ang gawain ng Diyos ay ang gampanan ang Kanyang ministeryo, at ang tungkulin ng tao ay ang sundin ang lahat ng paggabay ng Diyos, nang walang anumang paglaban. Yaong kailangang kamtin ng tao ay nararapat niyang tuparin, hindi alintana kung paano gumagawa o nabubuhay ang Diyos. Ang Diyos Mismo lamang ang maaaring magtalaga ng kinakailangan sa tao, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lamang ang naaangkop na magtalaga ng mga kinakailangan sa tao. Hindi dapat magkaroon ng anumang pagpili ang tao, walang dapat gawin kundi ang lubos na magpasakop at magsagawa; ito ang damdaming dapat taglayin ng tao. Sa sandaling matapos ang gawain ng Diyos Mismo, kailangan ng tao na ito ay maranasan, isa-isang hakbang. Kung, sa katapusan, kapag ang lahat ng pamamahala ng Diyos ay natapos na, at hindi pa rin nagawa ng tao yaong mga kinakailangan ng Diyos, kung gayon dapat parusahan ang tao. Kung hindi tinutugunan ng tao ang mga kinakailangan ng Diyos, kung gayon ito ay dahil sa hindi pagsunod ng tao; hindi ito nangangahulugan na ang Diyos ay hindi naging masusi sa Kanyang gawain. Ang lahat niyaong hindi makapagsagawa ng salita ng Diyos, yaong mga hindi makatupad sa mga kinakailangan ng Diyos, at yaong mga hindi makapagbigay ng kanilang katapatan at makatupad sa kanilang mga tungkulin—silang lahat ay maparurusahan. Ngayon, kung ano ang kinakailangan sa inyo na kamtin ay hindi mga karagdagang hinihingi, kundi ang tungkulin ng tao, at siyang kailangang gawin ng lahat ng mga tao. Kung kayo ay walang kakayahan na gampanan man lamang ang inyong tungkulin, o magawa ito nang mainam, hindi ba’t pinahihirapan ninyo lamang ang inyong mga sarili? Hindi ba’t sinusuyo ninyo ang kamatayan? Paano pa kayo makakaasa sa hinaharap at mga posibilidad? Ang gawain ng Diyos ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at ang pakikipagtulungan ng tao ay para sa kapakanan ng pamamahala ng Diyos. Pagkatapos na nagawa ng Diyos ang lahat ng mga nararapat Niyang gawin, ang tao ay kinakailangang maging mapagbigay sa kanyang pagsasagawa, at makipagtulungan sa Diyos. Sa gawain ng Diyos, ang tao ay hindi dapat magkulang sa pagsisikap, nararapat mag-alay ng kanyang katapatan, at hindi dapat magpasasa sa napakaraming mga pagkaintindi, o maúpô nang walang-kibô at maghintay ng kamatayan. Kayang isakripisyo ng Diyos ang Kanyang Sarili para sa tao, kaya bakit hindi maibigay ng tao ang kanyang katapatan sa Diyos? May iisang puso at isip ang Diyos tungo sa tao, kaya bakit hindi makapag-alok ng kaunting pakikipagtulungan ang tao? Gumagawa ang Diyos para sa sangkatauhan, kaya bakit hindi magampanan ng tao ang ilan sa mga tungkulin niya para sa kapakanan ng pamamahala ng Diyos? Nakarating ang gawain ng Diyos nang ganito kalayo, gayunman kayo ay nakakakita pa rin nguni’t hindi kumikilos, kayo ay nakakarinig nguni’t hindi gumagalaw. Hindi ba’t ang mga taong ganyan ay ang mga layon ng kapahamakan? Nailaan na ng Diyos ang Kanyang lahat para sa tao, kaya bakit, ngayon, hindi pa rin magampanan ng tao nang masigasig ang kanyang tungkulin? Para sa Diyos, ang Kanyang gawain ay ang Kanyang uunahin, at ang gawain ng Kanyang pamamahala ay ang pinakamahalaga. Para sa tao, ang pagsasagawa ng mga salita ng Diyos at pagtupad sa mga kinakailangan Niya ay kanyang unang prayoridad. Ito ay dapat maunawaan ninyong lahat. Narating na ng mga salitang sinabi sa inyo ang kaibuturan ng inyong katauhan, at nakapasok na ang gawain ng Diyos sa larangang hindi pa nito napapasok. Maraming tao ang hindi pa rin nakakaunawa sa katotohanan o sa kasinungalingan ng daan na ito; sila ay naghihintay pa rin at nagmamasid, at hindi ginagampanan ang kanilang tungkulin. Sa halip, sinusuri nila ang bawa’t salita at kilos ng Diyos, sila ay nagtutuon ng pansin sa kung ano ang kinakain at isinusuot Niya, at ang kanilang mga pagkaintindi ay naging mas nakalulungkot. Hindi ba’t ang mga taong ganoon ay nababahala sa wala? Paanong nangyari na ang mga taong iyon ay sila ring naghahangad sa Diyos? At paanong naging sila rin ang mga nagkukusang magpasakop sa Diyos? Isinasantabi nila ang kanilang katapatan at tungkulin sa kanilang mga isipan, at sa halip ay pinagtutuunan ng pansin ang mga kinaroroonan ng Diyos. Sila ay mga lapastangan! Kung naunawaan ng tao ang dapat niyang maunawaan, at naisagawa ang lahat ng dapat niyang isagawa, kung gayon, ang Diyos ay tiyak na magkakaloob ng Kanyang mga pagpapala sa tao, sapagka’t yaong mga kinakailangan Niya sa tao ay ang tungkulin ng tao, at yaong dapat na gawin ng tao. Kung walang kakayahan ang tao na abutin kung ano ang dapat niyang maunawaan, at walang kakayahan na isagawa ang dapat niyang isagawa, kung gayon ang tao ay maparurusahan. Yaong mga hindi nakikipagtulungan sa Diyos ay may galit sa Diyos, yaong mga hindi tumatanggap sa bagong gawain ay laban dito, kahit na ang mga taong iyon ay hindi gumagawa niyaong lantad na paglaban dito. Ang lahat ng hindi nagsasagawa ng katotohanan na iniatas ng Diyos ay ang mga taong sinasadyang lumaban at hindi sumusunod sa mga salita ng Diyos, kahit pa ang mga taong ito ay nagbibigay ng “natatanging pansin” sa gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga tao na hindi sumusunod sa salita ng Diyos at hindi nagpapasakop sa Diyos ay mga mapanghimagsik, at kinakalaban ang Diyos. Ang mga taong hindi gumaganap sa kanilang tungkulin ay silang hindi nakikipagtulungan sa Diyos, at ang mga taong hindi nakikipagtulungan sa Diyos ay silang hindi tumatanggap sa gawain ng Banal na Espiritu.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao