Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 159
Dapat kayong makarating sa pagkakaalam sa pangitain ng gawain ng Diyos at matarok ang pangkalahatang tunguhin ng Kanyang gawain. Ito ay pagpasok sa isang positibong paraan. Sa sandaling makabisado ninyo nang tumpak ang mga katotohanan ng pangitain, ang iyong pagpasok ay magiging ligtas; paano man nagbabago ang Kanyang gawain, ikaw ay mananatiling matatag sa iyong puso, magiging malinaw tungkol sa pangitain, at ikaw ay magkakaroon ng isang tinutumbok para sa iyong pagpasok at iyong paghahabol. Sa gayong paraan, ang lahat ng karanasan at kaalaman sa loob mo ay lalalim at magiging mas pino. Sa sandaling matarok mo ang mas malaking larawan sa kabuuan nito, hindi ka magdurusa ng mga kawalan sa buhay, at hindi ka mawawala. Kung hindi mo malalaman ang mga hakbang na ito ng gawain, magdurusa ka ng kawalan sa bawa’t isa sa mga iyon. Hindi ka makababawi sa loob lamang ng ilang araw, at hindi ka makatatahak sa tamang landas kahit sa loob ng ilang linggo. Hindi ba ito nakapipigil sa iyo? Mayroong napakarami sa pagpasok sa isang positibong paraan at ganoong mga pagsasagawa na dapat mong makabisa, at ganoon din dapat mong tarukin ang maraming punto hinggil sa pangitain ng Kanyang gawain, katulad ng kahalagahan ng Kanyang gawain ng paglupig, ang landas sa pagiging pineperpekto sa hinaharap, ano ang dapat makamtan sa pamamagitan ng karanasan sa mga pagsubok at mga paghihirap, ang kahalagahan ng paghatol at pagkastigo, ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at ang mga prinsipyo ng pagkaperpekto at ng paglupig. Ang mga ito ay lahat mga katotohanan ng pangitain. Ang iba pa ay ang tatlong yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya at Kapanahunan ng Kaharian, gayundin ang patotoo sa hinaharap. Ang mga ito ay mga katotohanan din patungkol sa pangitain, at ang mga pinakapangunahin, gayundin ay pinakamahalaga. Sa kasalukuyan, may napakarami na dapat ninyong pasukin at isagawa, at ito ngayon ay higit na susun-suson at mas detalyado. Kung ikaw ay walang kaalaman sa mga katotohanang ito, ito ay patunay na hindi ka pa nakapapasok. Kadalasan, ang kaalaman ng tao sa katotohanan ay masyadong mababaw; hindi kayang isagawa ng tao ang ilang mga pangunahing katotohanan at hindi alam kung papaano gampanan kahit ang mga di-gaanong mahahalagang bagay. Ang dahilan kung bakit hindi makayang isagawa ng tao ang katotohanan ay dahil sa kanyang disposisyon ng pagiging suwail, at dahil ang kanyang kaalaman sa mga gawain ng kasalukuyan ay masyadong mababaw at may pinapanigan. Sa gayon, hindi madaling gawain na ang tao ay gawing perpekto. Ang iyong pagiging-suwail ay masyadong matindi, at napakalaki ng iyong dating sarili ang nananatili sa iyo; hindi ka makapanindigan sa panig ng katotohanan, at hindi mo makayang isagawa kahit ang pinakamaliwanag sa mga katotohanan. Ang ganoong mga tao ay hindi maililigtas at ang mga yaong hindi pa nalulupig. Kung ang iyong pagpasok ay walang detalye ni mga layunin, magiging mabagal ang dating ng paglago para sa iyo. Kung ang iyong pagpasok ay wala ni kaunti mang reyalidad, kung gayon ang iyong paghahabol ay masasayang lamang. Kung ikaw ay hindi nakakamalay sa nilalaman ng katotohanan, ikaw ay mananatiling hindi-nababago. Ang paglago sa buhay ng tao at mga pagbabago sa kanyang disposisyon ay nakakamtang lahat sa pamamagitan ng pagpasok tungo sa reyalidad at, higit sa rito, sa pamamagitan ng pagpasok sa detalyadong mga karanasan. Kung ikaw ay maraming detalyadong mga karanasan sa panahon ng iyong pagpasok, at ikaw ay maraming tunay na kaalaman at pagpasok, ang iyong disposisyon ay mabilis na magbabago. Kahit na sa kasalukuyan ay hindi ka pa masyadong naliliwanagan sa pagsasagawa, ikaw ay dapat na maliwanagan man lamang tungkol sa pangitain ng gawain. Kung hindi, ikaw ay hindi makapapasok, at hindi mo ito magagawa malibang magkaroon ka muna ng kaalaman sa katotohanan. Tangi lamang kung liliwanagan ka ng Banal na Espiritu sa iyong karanasan magkakamit ka ng mas malalim na pang-unawa sa katotohanan at makapapasok nang mas malalim. Dapat mong malaman ang gawain ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao