Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 229
Ang mga bansa ay nasa malaking kaguluhan, dahil ang pamalo ng Diyos ay nagsimulang ganapin ang papel nito sa lupa. Ang gawain ng Diyos ay makikita sa kalagayan ng mundo. Kapag sinasabi ng Diyos “uungol ang mga tubig, guguho ang mga bundok, mabubuwag ang malalaking ilog,” ito ang unang gawain ng pamalo sa lupa, na may resulta na “Magkakawatak-watak ang lahat ng sambahayan sa lupa, at mahahati-hati ang lahat ng bansa sa mundo; mawawala na ang mga araw ng pagbabalikan ng mag-asawa, hindi na muling magkikita ang ina at anak na lalaki, hindi na kailanman magtatagpo ang ama at anak na babae. Dudurugin Ko ang lahat ng bagay na dating nasa lupa.” Ganyan ang magiging pangkalahatang kalagayan ng mga pamilya sa lupa. Siyempre, hindi ito maaaring maging kalagayan ng lahat sa kanila, nguni’t ito ang kalagayan ng karamihan sa kanila. Sa kabilang banda, tinutukoy nito ang mga pangyayaring naranasan ng mga tao ng agos na ito sa hinaharap. Inihuhula nito na, sa sandaling sila ay sumailalim sa pagkastigo ng mga salita at ang mga hindi naniniwala ay naisailalim sa kapahamakan, wala nang mga pampamilyang relasyon sa kalagitnaan ng mga tao sa lupa; silang lahat ay magiging mga tao ng Sinim, at lahat ay magiging tapat sa kaharian ng Diyos. Kung gayon, mawawala na ang mga araw ng pagbabalikan ng mag-asawa, hindi na muling magkikita ang ina at anak na lalaki, hindi na kailanman magtatagpo ang ama at anak na babae. At sa gayon, ang mga pamilya ng mga tao sa mundo ay magkakahiwa-hiwalay, wawakwaking pira-piraso, at ito ang magiging pangwakas na gawain na gagawin ng Diyos sa tao. At dahil palalaganapin ng Diyos ang gawaing ito sa buong sansinukob, sasamantalahin Niya ang pagkakataon na linawin ang salitang “damdamin” para sa mga tao, kaya pinahihintulutan sila na makita na ang kalooban ng Diyos ay paghiwalayin lahat ang mga pamilya ng mga tao, at nagpapakita na ang Diyos ay gumagamit ng pagkastigo upang malutas ang lahat ng alitan ng pamilya sa kalagitnaan ng sangkatauhan. Kung hindi, walang paraan upang madala ang huling bahagi ng gawain ng Diyos sa lupa sa isang wakas. Ang huling bahagi ng mga salita ng Diyos ay nagpapahayag ng pinakamatinding kahinaan ng sangkatauhan—lahat sila ay nabubuhay sa damdamin—at sa gayon ay hindi iniiwasan ng Diyos ang isa man sa kanila, at inilalantad ang mga lihim na nakatago sa mga puso ng buong sangkatauhan. Bakit napakahirap para sa mga tao na ihiwalay ang kanilang mga sarili mula sa damdamin? Mas mataas ba ito kaysa sa mga pamantayan ng konsiyensya? Maisasakatuparan ba ng konsiyensya ang kalooban ng Diyos? Makakatulong ba sa mga tao ang damdamin sa pagdaan sa kagipitan? Sa mga mata ng Diyos, ang damdamin ay Kanyang kaaway—hindi ba ito malinaw na nakasaad sa mga salita ng Diyos?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 28