Dapat Paghandaan ng mga Mananampalataya sa Diyos ang Kanilang Hantungan nang May Sapat na Mabubuting Gawa
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang awa Ko ay inihahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatatwa ng kanilang mga sarili. Samantala, ang kaparusahang sumasapit sa masasama ay mismong patunay ng matuwid na disposisyon Ko at, higit pa, patotoo sa poot Ko. Kapag sumapit ang sakuna, lahat ng sumasalungat sa Akin ay mananangis habang sila’y binibiktima ng taggutom at salot. Silang nakagawa na ng lahat ng uri ng kasamaan, ngunit sumunod na sa Akin nang maraming taon, ay hindi makatatakas sa pagbabayad para sa kanilang mga kasalanan; sila rin ay mahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang nakita sa loob ng milyon-milyong taon, at mamumuhay sila na palaging may sindak at takot. At yaong mga tagasunod Ko na nakapagpakita na ng katapatan sa Akin ay magagalak at pupurihin ang kapangyarihan Ko. Mararanasan nila ang di-mailarawang katiwasayan at mabubuhay sa gitna ng kagalakang kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong yaman ang mabubuting gawa ng tao at kinasusuklaman ang kanilang masasamang gawa. Mula nang una Kong simulang pangunahan ang sangkatauhan, masugid na Akong umaasa na makamit ang isang pangkat ng mga taong may kaisipang katulad ng sa Akin. Samantala, hindi Ko kailanman nalilimutan yaong mga hindi Ko kaisa sa pag-iisip; lagi Ko silang kinasusuklaman sa puso Ko, hinihintay ang pagkakataong gantihan Ko sila, na maiibigan Kong makita. Ngayon ay dumating na sa wakas ang araw Ko, at hindi Ko na kailangan pang maghintay!
Ang huling gawain Ko ay hindi lamang alang-alang sa pagpaparusa sa tao, kundi alang-alang din sa pag-aayos ng patutunguhan ng tao. Bukod dito, ito ay upang kilalanin ng lahat ng mga tao ang mga gawa at mga kilos Ko. Nais Kong makita ng bawat isang tao na tama ang lahat ng nagawa Ko na, at na ang lahat ng nagawa Ko na ay pagpapahayag ng disposisyon Ko. Hindi kagagawan ng tao, lalong hindi ng kalikasan, ang nagluwal sa sangkatauhan, kundi Ako, na nag-aaruga sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa sangnilikha. Kung wala ang pag-iral Ko, mapapahamak lamang ang sangkatauhan at pagdurusahan ang hagupit ng kapahamakan. Walang tao ang kailanman ay makikitang muli ang napakarikit na araw at buwan, o ang luntiang mundo; makakatagpo lamang ng sangkatauhan ang napakalamig na gabi at ang walang tinag na lambak ng anino ng kamatayan. Ako lamang ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ako lamang ang pag-asa ng sangkatauhan at, higit pa rito, Ako ang Siya kung saan nakasalalay ang pag-iral ng lahat ng sangkatauhan. Kung wala Ako, agad na hihinto ang sangkatauhan. Kung wala Ako, magdurusa ng kapahamakan at yuyurakan ng lahat ng uri ng mga multo ang sangkatauhan, bagaman walang nagbibigay ng pansin sa Akin. Nakagawa na Ako ng gawaing walang ibang sinumang makagagawa, at umaasa lamang na mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa. Bagaman iilan lamang ang nagagawang makabayad sa Akin, tatapusin Ko pa rin ang paglalakbay Ko sa mundo ng tao at sisimulan ang susunod na hakbang ng naglaladlad na gawain Ko, sapagkat ang lahat ng nagmamadaling paroo’t parito Ko sa gitna ng tao nitong maraming taon ay naging mabunga, at napakanasisiyahan Ako. Ang pinahahalagahan Ko ay hindi ang bilang ng mga tao, kundi ang mabubuti nilang gawa. Gayunman, umaasa Akong naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa patutunguhan ninyo. Kung gayon ay malulugod Ako; kung hindi, wala sa inyong makatatakas sa sakunang sasapitin ninyo. Magmumula sa Akin ang sakuna at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo lilitaw bilang mabuti sa paningin Ko, hindi ninyo matatakasang pagdusahan ang sakuna. Sa gitna ng kapighatian, ang mga kilos at mga gawa ninyo ay hindi itinuring na lubos na naaangkop, dahil hungkag ang pananampalataya at pagmamahal ninyo, at ipinakita lamang ninyo ang mga sarili ninyo na mahiyain o matigas. Tungkol dito, gagawa lamang Ako ng paghatol ng mabuti o masama. Ang pag-aalala Ko ay patuloy na ang paraan kung paanong ang bawat isa sa inyo ay kumikilos at nagpapahayag ng sarili niya, na siyang batayan kung saan tutukuyin Ko ang wakas ninyo. Gayunman, dapat Ko itong gawing malinaw: Tungo sa yaong mga hindi nagpakita sa Akin ni katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, hindi na Ako magiging mahabagin, sapagkat natatakdaan ang abot ng habag Ko. Higit pa rito, wala Akong gugustuhin sa sinumang minsan na Akong ipinagkanulo, mas lalong hindi Ko gustong nakikipag-ugnayan sa yaong mga nagkakanulo sa mga kapakanan ng mga kaibigan nila. Ito ang disposisyon Ko, hindi alintana kung sino man ang taong iyan. Dapat Ko itong sabihin sa inyo: Sinumang babasag sa puso Ko ay hindi makatatanggap ng habag mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon, at ang sinumang naging matapat sa Akin ay magpakailanmang mananatili sa puso Ko.
Hinango mula sa “Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Umaasa lamang Ako na sa huling yugto ng Aking gawain, maibibigay ninyo ang inyong pinakamahusay na pagganap, at mailalaan ninyo ang inyong mga sarili nang buong puso, hindi na kalahati lamang. Mangyari pa, umaasa rin Ako na lahat kayo ay magkakaroon ng isang magandang hantungan. Gayunpaman, mayroon pa rin Akong kinakailangan, at ito ay ang magawa ninyo ang pinakamahusay na desisyon na ihandog sa Akin ang inyong natatangi at huling pamimintuho. Kung may isang tao na walang ganitong natatanging pamimintuho, tiyak na siya ay isang iniingatang pag-aari ni Satanas, at hindi Ko na ipagpapatuloy ang paggamit sa kanya kundi pauuwiin Ko siya para alagaan ng kanyang mga magulang.
Hinango mula sa “Tungkol sa Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dapat ninyong gawin ang inyong sariling tungkulin sa abot ng inyong makakaya nang may bukas at tapat na mga puso, at maging handang magbayad ng anumang kinakailangang halaga. Gaya nga ng sinabi ninyo, pagdating ng araw na iyon, hindi pababayaan ng Diyos ang sinumang nagdusa o nagbayad para sa Kanya. Ang ganitong uri ng matibay na paniniwala ay karapat-dapat panghawakan, at nararapat lamang na hindi ninyo ito kailanman kalimutan. Sa ganitong paraan Ko lamang mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo. Kung hindi, magpakailanman kayong magiging mga taong hindi Ko makakayang ipagpalagay ang Aking isipan, at magpakailanman kayong magiging mga layon ng Aking pag-ayaw. Kung masusunod ninyong lahat ang inyong konsensya, at ibibigay ang inyong lahat para sa Akin, nang walang hindi pagsusumikapan para sa Aking gawain, at mag-uukol ng buong buhay na pagsusumikap sa Aking gawain ng ebanghelyo, hindi ba’t laging lulukso sa tuwa ang Aking puso dahil sa inyo? Sa ganitong paraan, lubos Kong mapapalagay ang Aking isipan ukol sa inyo, hindi ba?
Hinango mula sa “Tungkol sa Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung nakalulugod sa iyong mabuti ang paghahanap sa daan ng katotohanan, isa kang taong palaging nananahan sa liwanag. Kung lubhang nagagalak kang maging isang tagapaglingkod sa tahanan ng Diyos, na gumagawa nang masigasig at matapat sa di-katanyagan, palaging nagbibigay at hindi kailanman kumukuha, sinasabi Kong isa kang tapat na banal, sapagkat hindi ka naghahanap ng gantimpala at nagsisikap lamang na maging tapat na tao. Kung handa kang maging matapat, kung handa kang gugulin ang lahat ng nasa iyo, kung kaya mong isakripisyo ang buhay mo para sa Diyos at tumayong matatag sa patotoo mo, kung tapat ka hanggang sa puntong pagbibigay-kasiyahan lamang sa Diyos ang alam mo at hindi pagsaalang-alang ng sarili mo o pagkuha para sa sarili mo, sinasabi Kong ang ganitong mga tao ay yaong mga pinalulusog sa liwanag at siyang mabubuhay kailanman sa kaharian.
Hinango mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:
Sa isang banda ang mabubuting gawa ay isang patotoo sa ating kaligtasan, at sa kabila naman ay isang pagpapakita ng ating pagpasok sa katotohanan at ang katotohanan ng salita ng Diyos. Ganoon din, kung naghahanda tayo ng maraming mabubuting gawa, ipinapakita din nito na tayo ay naipanganak na muli sa harap ng Diyos at tayo ay may tunay na patotoo ng pagiging isang tao. Ang ating mabubuting gawa ang pinakamabuting pagpapakita na tunay na nagsisi tayo at naging bagong mga tao. Kung tayo ay may maraming mabubuting gawa, nagpapatunay ito na tayo ay kawangis ng isang tunay na tao. Kung naniwala kayo sa Diyos sa loob ng maraming taon pero wala kang ginawang maraming mabubuting gawa, kung gayon, nagtataglay ng anyo ng tao? May konsensya at pakiramdam ba kayo? Kayo ba ay taong nagsusukli sa pag-ibig ng Diyos? Nasaan ang inyong tunay na pananampalataya? Nasaan ang inyong pag-ibig sa Diyos? Nasaan ang inyong pagkamasunurin sa Diyos? Nasaan ang katotohanan na inyong pinasok? Wala kayo ng alinman sa mga ito. Samakatwid, ang isang taong walang ginagawang mabubuting gawa ay isang taong walang natatanggap, isang taong hindi makakuha ng kaligtasan mula sa Diyos, isang taong ang kasamaan ay malalim at hindi man lang nabago kahit kaunti. Kaya nga ang mabubuting gawa ang pinakanaglalantad sa isang tao.
Hinango mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay
Ano ang kahulugan ng gumawa ng sapat na mabubuting gawa? Anumang tungkuling magagampanan ng tao sa kanyang karanasan sa gawain ng Diyos, anumang tungkuling dapat niyang gampanan o anumang ipinagagawa ng Diyos sa tao, kung magagawa ito ng tao at mabibigyang-kasiyahan niya ang Diyos, masasabing mabuting gawa iyan. Kung mabibigyang-kasiyahan mo ang mga hinihingi ng Diyos, ibig sabihin mabuting gawa iyan. Kung may debosyon ka sa Diyos habang ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin, ibig sabihin mabuting gawa iyan. Kung ang mga bagay na ginagagawa mo ay kapaki-pakinabang sa mga piniling tao ng Diyos at iniisip ng lahat na ang ginagawa mo ay mabuti, ibig sabihin mabuting gawa iyan. Lahat ng bagay na pinaniniwalaan ng konsensya at diwa ng tao na alinsunod sa mga layunin ng Diyos ay mabubuting gawa. Ang mga bagay na makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos at kapaki-pakinabang sa mga piniling tao ng Diyos ay mabubuting gawa rin. Kung magagawa ng tao ang ilang mabubuting gawang ito na katatapos lang nating pag-usapan, kung nagagawa niya ang lahat sa pagsasagawa ng mga ito, ibig sabihi’y sapat ang naisagawa niyang mabubuting gawa. … Bawat tao ngayon ay naghahangad na magampanan ang kanilang tungkulin at makamit ang kaligtasan, ngunit hindi sapat na magkaroon lamang ng kapasiyahan at pagnanais. Dapat magpakita ng mga praktikal na pag-uugali at gumawa ng mga praktikal na aksyon. Anong mga tungkulin ang nagawa mo na para makapasok sa buhay ng mga taong pinili ng Diyos? Ano ang iyong nagawa at ano ang halagang iyong binayaran para makaabot sa mga pamantayan ng Diyos? Ano ang iyong nagawa para makalugod sa Diyos at masuklian ang Kaniyang pagmamahal. Ito ang lahat ng bagay na dapat mong pag-isipan. Kapag marami ka nang nagawa at labis na nagsakripisyo para lamang makatugon sa mga kahilingan ng Diyos at para sa kapakanan ng pagpasok sa buhay at pag-unlad ng mga taong pinili ng Diyos, saka lang masasabi na nakapaghanda ka ng sapat na mabubuting gawa.
Hinango mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay
Sa pinakamababa, ang pagtupad sa ilang tungkulin ay halos hindi pa sapat para makabuo ng sapat na dami ng mabubuting gawa. Sa ibang salita, ang pagsasagawa lamang ng bahagi ng iyong tungkulin ay talagang hindi maituturing na sapat na mabubuting gawa. Ang sapat na mabubuting gawa ay tiyak na hindi kasing simple ng inaakala ng tao. Ang paghahanda ng sapat na dami ng mabubuting gawa ay nangangailangan ng ganap na paggugol ng sarili sa Diyos. Higit pa rito, ito ay nangangailangan ng pagsasakripisyo at pagiging tapat sa mga utos ng Diyos mula sa simula hanggang sa katapusan na may mabuting pananampalataya; ito ang tanging paraan para makaabot sa mga pamantayan ng Diyos.
Sa pagsasakatuparan ng kanilang tungkulin ay may mga tao na talagang nagsakripisyo, gumawa ng mga bagay na pinuri ng Diyos, na nagsagawa ng kanilang tungkulin sa mga paraan na katangi-tangi, pambihira, kahanga-hanga at kapuri-puri hanggang sa puntong itinuturing na silang nagsakatuparan ng mabubuting gawa. Ang ilan sa mga kapatid ay nakulong dahil sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin, na nakaranas ng maraming pagdurusa nang hindi nagpapasakop kay Satanas, at tumayong saksi. Pagkatapos ay may mga tao na nangahas na humarap sa panganib nang hindi isinaalang-alang ang personal na kaligtasan o kapakinabangan, na nakatuon sa paggawa ng mga mapanganib na tungkulin sa diwa ng matapang na paggawa ng matuwid. At may mga kapatid na nagawang ilaan ang kanilang sarili sa gawain ng ebanghelyo, at nagawa nilang tiisin ang kahihiyan sa pangangaral ng ebanghelyo para iligtas ang mga tao. Mayroon ding mga masigasig sa gawain ng ebanghelyo, na tinitiis ang mga paghihirap nang walang reklamo, na isinasantabi ang mga personal at pampamilyang usapin habang abala sa pag-iisip kung paano maipapalaganap ang ebanghelyo para mapalapit ang mas maraming tao sa Diyos at makalugod sa kalooban ng Diyos. Ang lahat ng tapat at ganap na iginugol ang kanilang sarili para makalugod sa Diyos ay mga taong nakapagsagawa na ng mabubuting gawa. Gayunpaman, sila ay medyo malayo pa mula sa “sapat na mabubuting gawa” na hinihingi ng Diyos. Karamihan sa mga tao ay naghanda lamang ng ilang mabubuting gawa at hindi ganap na nakaabot sa mga pamantayan ng Diyos. Hinihiling nito sa atin na tuklasin pa ang ating potensyal para maisakatuparan ang ating tungkulin at maging masigasig na makapaloob sa katotohanan para makagawa ng sapat na mabubuting gawa. Hinihingi nito na hangarin nating makamit ang pinakamagagandang resulta para makalugod sa puso ng Diyos, anuman ang tungkuling isinasakatuparan natin. Lalo na sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, gaano man kalaki ang kahihiyan na ating pinagdudusahan, o gaano karaming pagdurusa ang ating tinitiis, hangga’t mas marami tayong taong nadadala para maligtas, dapat natin itong gawin bilang tungkulin anuman ang personal na kapalit. Ito lamang ang pagsasagawa ng pinakamabuting gawa. Kung ang mga tao ay makagagawa ng mas maraming mabubuting gawang tulad nito, ito ay maituturing na sapat na mabubuting gawa. Ito ang nagdudulot ng lubos na kaligayahan at kagalakan sa Diyos, at tiyak na matatanggap ng gayong mga tao ang papuri ng Diyos. Bukod dito, sa pagsasakatuparan ng ating tungkulin ay dapat tayong maging matapat at maingat, na laging naghahanap ng makakapagpabuti sa sarili, at hindi hinahayaan na mawalan ng sigasig. Para maigugol ang ating sarili sa Diyos, dapat tayong magkaroon ng tapat na debosyon bago tayo lubos na makalugod sa kalooban ng Diyos.
Hinango mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas