Menu

Mga Talata sa Bibliya tungkol sa Kaharian ng Langit: Ang Paglalantad sa Misteryo ng Kaharian ng Langit

Lahat ng mga naniniwala sa Diyos ay nananabik na madala sa Kaharian ng Langit at matamasa ang magandang buhay sa loob ng Kaharian ng Langit kapag ang Panginoon ay bumalik sa huling mga araw. Kaya, Nasaan eksakto ang Kaharian ng Langit? Anong klase ng tao ang makakapasok dito? Paano tayo makakapasok dito? Ang mga sumusunod na mga Talata ng Bibliya ay magpapakita sayo sa daan papuntang Kaharian ng Langit at magkakaroon ka ng pagkakataon na maisakatuparan ang iyong pangarap na makapasok sa Kaharian ng Langit.

kaharian ng diyos bible verse

Quick Navigation
Ang Pangako ng Diyos - Ang Magandang Buhay sa Loob ng Kaharian ng Langit.
Nasaan Eksakto ang Kaharian ng Langit?
Anong klase ng mga Tao ang Makakapasok sa Kaharian ng Langit?
Paano tayo makakapasok sa Kaharian ng Langit?

Ang Pangako ng Diyos - Ang Magandang Buhay sa Loob ng Kaharian ng Langit

Pahayag 21:4

At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.

Pahayag 21:11

Na may kaluwalhatian ng Dios: ang kaniyang ilaw ay katulad ng isang totoong mahalagang bato, na gaya ng batong jaspe, na malinaw na gaya ng salamin.

Pahayag 21:18-26

At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe: at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog. Ang mga pinagsasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda; Ang ikalima ay sardonica; ang ikaanim ay sardio; ang ikapito ay crisolito; ang ikawalo ay berilo; ang ikasiyam ay topacio; ang ikasangpu ay crisopasio; ang ikalabingisa ay jacinto; ang ikalabingdalawa ay amatista. At ang labingdalawang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas; at ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog. At hindi ako nakakita ng templo doon: sapagka't ang Panginoong Dios, ang Makapangyarihan sa lahat, at ang Cordero ay siyang templo doon. At ang bayan ay hindi nangangailangan ng araw, o ng buwan man, upang lumiwanag sa kaniya: sapagka't nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Dios, at ang ilaw doon ay ang Cordero. At ang mga bansa ay lalakad sa pamamagitan ng liwanag nito: at ang mga hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang karangalan sa loob niyaon. At ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw (sapagka't hindi magkakaroon doon ng gabi): At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa.

Pahayag 22:1-5

At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero, Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa. At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya'y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin; At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo. At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Sa buong sansinukob, nabubuhay sa Aking luwalhati ang Aking piniling bayan, pinagpalang walang kapantay, hindi bilang bayang namumuhay sa gitna ng mga tao, kundi bilang bayang nabubuhay kasama ang Diyos. Naranasan na ng lahat ang kasamaan ni Satanas, nalasap ang kapaitan at katamisan ng buhay. Ngayong nabubuhay sa Aking liwanag, paanong hindi magdiriwang ang isang tao? Paanong basta na lamang hahayaan ang gayon kagandang sandali at palalampasin ito? Bayan! Umawit ngayon ng mga awit sa inyong mga puso at sumayaw para sa Akin! Itaas ngayon ang inyong mga pusong tapat at ialay ang mga ito sa Akin! Magtambol kayo ngayon at tumugtog para sa Akin! Pinagniningning Ko ang kagalakan sa buong sansinukob! Ipinakikita Ko sa bayan ang Aking maluwalhating mukha! Kukulog Ako! Mangingibabaw Ako sa sansinukob! Naghahari na Ako sa gitna ng bayan! Itinataas Ako ng bayan! Nagpapadala Ako sa bughaw na kalangitan at sumasama sa Akin ang bayan. Lumalakad Ako sa gitna ng mga tao at pinaliligiran Ako ng bayan Ko! Masaya ang mga puso ng mga tao, niyayanig ng kanilang mga awit ang sansinukob, binabasag ang himpapawid! Hindi na nalulukuban ng hamog ang sansinukob; wala nang putik, wala nang naiipong dumi. Banal na bayan ng sansinukob! Nabubunyag ang inyong totoong mukha sa ilalim ng Aking pagsusuri. Hindi kayo mga taong puno ng dumi, kundi mga banal na kasing-dalisay ng batong-luntian, lahat ay Aking minamahal, lahat ay Aking kaaliwan! Muling nabubuhay ang lahat! Nasa langit muli ang lahat ng banal na naglilingkod sa Akin, pumapasok sa Aking mainit na yakap, hindi na umiiyak, hindi na nababahala, inaalay ang kanilang mga sarili sa Akin, bumabalik sa Aking tahanan, at sa kanilang sariling lupain mamahalin nila Ako nang walang katapusan! Di-nagbabago! Nasaan ang kalungkutan! Nasaan ang mga luha! Nasaan ang laman! Wala na ang lupa; walang hanggan ang kalangitan. Nagpapakita Ako sa lahat ng mga bayan, at pinupuri Ako ng lahat ng mga bayan. Itong buhay, itong kagandahan, mula pa noong unang panahon at magpakailanman, ay hindi na mababago. Ito ang buhay sa kaharian.

Nasaan Eksakto ang Kaharian ng Langit

Mateo 6:10

Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.

Pahayag 11:15

At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya'y maghahari magpakailan kailan man.

Pahayag 21:2-3

At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Sa sandaling ang gawain ng panlulupig sa tao ay nakukumpleto na, ang tao ay madadala tungo sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, sabihin pa, sa lupa pa rin, nguni’t ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na tataglayin ng sangkatauhan matapos na ang buong sangkatauhan ay nalulupig, ito ay magiging bagong simula para sa tao sa lupa, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakakapasok na sa isang bago at magandang kinasasaklawan. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay dapat na, matapos na ang tao ay nadadalisay at nalulupig, siya ay nagpapasakop sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang sangkatauhan sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na kinasasabikan ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain ng pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao.

Anong klase ng mga Tao ang Makakapasok sa Kaharian ng Langit

Mateo 7:21

Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.

Mateo 5:3

Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

Mateo 5:10

Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka't kanila ang kaharian ng langit.

Mateo 18:3

At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.

Mateo 14:4

Sapagka't sinabi ni Juan sa kaniya, Hindi matuwid sa iyo na aariin mo siya.

Pahayag 22:14

Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, dinadalisay Niya sila, at mas dalisay sila mas higit silang ginagawang perpekto ng Diyos. Kapag ang karumihan, paghihimagsik, pagsalungat, at ang mga bagay ng laman sa iyong loob ay naaalis, kapag ikaw ay napapadalisay, ikaw ay mamahalin ng Diyos (sa ibang salita, ikaw ay magiging banal); kapag ikaw ay nagagawang perpekto ng Diyos at nagiging banal, ikaw ay mapapabilang sa Milenyong Kaharian.

Kung ang paghahanap sa daan ng katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa na laging nananahan sa liwanag. Kung galak na galak kang maging isang taga-serbisyo sa tahanan ng Diyos, masipag at matapat na gumagawa nang nakakubli, laging nagbibigay at hindi kailanman tumatanggap, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isang tapat na banal, sapagka’t hindi ka naghahanap ng gantimpala at nagiging isang matapat na tao lamang. Kung handa kang maging lantad, kung handa kang gugulin ang iyong lahat-lahat, kung kaya mong isakripisyo ang iyong buhay para sa Diyos at tumayong saksi, kung ikaw ay matapat hanggang sa punto na ang alam mo lamang ay bigyang-kasiyahan ang Diyos at hindi isaalang-alang ang iyong sarili o kumukuha para sa sarili, kung gayon ay sinasabi Ko na ang mga taong ito ay yaong pinalulusog sa liwanag at siyang mabubuhay magpakailanman sa kaharian.

Paano tayo makakapasok sa Kaharian ng Langit

Mateo 4:17

Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.

Pahayag 2:29

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.

Juan 10:27

Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin.

Mateo 25:6

Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.

Pahayag 3:20

Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko.

Pahayag 14:4

Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos

Dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Habang hinahanap ang mga yapak ng Diyos, ipinagwalang-bahala ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” Kaya kapag tumatanggap ang maraming tao ng katotohanan, hindi sila naniniwalang nakita na nila ang mga yapak ng Diyos at lalong hindi tinatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Napakalubhang pagkakamali iyon! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalong hindi maaaring magpapakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang mga sariling pasiya at Siya ay may sariling mga plano kapag Siya ay kumikilos para sa Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Hindi Niya kailangang ipaalam sa tao ang ginagawa Niya o humiling ng payo sa tao, lalong hindi kailangang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang mga gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, at higit pa rito, ay dapat itong tanggapin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, at nais ninyong sundan ang mga yapak ng Diyos, nararapat niyo munang lampasan ang inyong kaisipan. Hindi ninyo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi ninyo dapat Siya ikulong sa sarili ninyong hangganan at limitahan Siya sa sarili ninyong mga pagkaintindi. Bagkus, dapat ninyong itanong kung paano ni'yo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano niyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; iyan ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi taglay ang katotohanan, ang tao ay dapat magsaliksik, tumanggap, at sumunod.

Mag-iwan ng Tugon