Ang mga pastor at elder ay kadalasang itinuturo sa mga tao na hindi sila matatawag na mga mananampalataya kapag lumayo sila mula sa Biblia, at na sa pagtangan lang sa Biblia sila magtatamo ng buhay at makakapasok sa kaharian ng langit. Sang-ayon ba sa kalooban ng Diyos ang pananaw na ito? Ang Biblia ba ang makapagbibigay sa atin ng buhay, o ang Diyos? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan; sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan: at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay" (Juan 5:39-40). Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Naghahatid ng buhay si Cristo ng mga huling araw, at naghahatid ng walang maliw at magpakailanmang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng tao ang Diyos at masasang-ayunan ng Diyos" (Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang pinagmumulan ng buhay ay si Cristo at hindi ang Biblia. Si Cristo lamang ang pinagmumulan ng buhay at Siya ang Panginoon ng Biblia. Tutulunga ka ng videong ito na magtamo ng panibagong pagkaunawa sa Biblia!