Menu

Isang Maliit na Dahon ng Damong Tumubo Kasama ng mga Palumpong

Noong Nobyembre 2016 nakilala ko sa pamamagitan ng Facebook sina Brother Lin, Sister Zhang at Sister Xiaoxiao ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isinama nila ang ilan sa mga propesiya mula sa Biblia sa pagbabahagi nila sa akin at nagpatotoo sila sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Ipinaunawa sa akin ng pagbabahagi at mga patotoo nila na ginagampanan ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol at paglinis sa mga tao sa pamamagitan ng mga salita batay sa saligan ng gawain ng pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus. Ginagampanan ng Makapangyarihang Diyos ang gawaing ito upang lubusang iligtas ang sangkatauhan mula sa nasasakupan ni Satanas at alisan tayo ng ating mga tiwaling disposisyon upang hindi na tayo maghimagsik laban sa Diyos at labanan Siya, ngunit sa halip ay magiging mga taong tunay na sumusunod at sumasamba sa Kanya. Naunawaan ko mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ibubunyag ang trigo at masasamang damo, ang mga tupa at mga kambing, at ang matatalinong birhen at mga hangal na birhen, sa kahuli-hulihan ay ihihiwalay ang bawat isa ayon sa kanilang mga uri at gagantimpalaan ang mabubuti at parurusahan ang masasama. Natanto kong ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus na pinananabikan ko at masaya kong tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.

meetup sa facebook

Isang araw, bigla akong tinanong ni Sister Zhu mula sa dati kong iglesia kung anong pinagkakaabalahan ko kamakailan, at kaya sinabi ko sa kanyang sinisiyasat ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Maraming masamang sinabi si Sister Zhu tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at nilapastangan niya rin ang Makapangyarihang Diyos. Hinimok niya akong huwag makipag-ugnayan sa kanila. Sinabi ko, “Matagal-tagal na akong nakikipag-ugnayan sa ilang kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at naging mabuti ang makipagpalitan ng mga ideya sa kanila. Mayroon silang sariwa at malinaw na paraan ng pagbabahagi ng mga katotohanan, at naunawaan ko na ang maraming katotohanan mula sa pakikinig sa kanila. Malaki na ang naitulong nito sa akin, malaki na ang naging pakinabang ko, at talagang hindi sila kagaya ng sinasabi mo. Bukod pa riyan, napakapraktikal ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nalutas ng mga ito ang maraming isyung hindi ko kailanman nagawang malaman dati. Kayang tustusan ng mga salita Niya ang mga buhay natin at naipakita na ng mga ito sa atin ang landas ng pagsasagawa.” Nang makita ang matigas kong saloobin, nagbago ng pamamaraan si Sister Zhu at tinanong ako kung sasabihin ko kay Sister Yun—na nangaral sa amin ng ebanghelyo ng Panginoon—ang tungkol sa pagsisiyasat ko sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sinabi ko sa kanya, “Hindi pa kailangang sabihin sa kanya. Marami pang bagay na hindi ko nauunawaan, ngunit kapag natapos ko nang siyasatin ito at naging ganap nang sigurado, saka ko sasabihin sa lahat kung ano ang natuklasan ko.” Umayon siya na dapat muna akong magkaroon ng malinaw na pagkaunawa bago ako magsabi ng anuman kay Sister Yun.

Kaya ikinagulat ko noong, matapos ang limang araw, lumapit sa akin ang boss sa salon kung saan ako nagtratrabaho at sinabing, “Yixin, hiniling sa akin ni Sister Yun na ipanalangin ka. Sa katunayan, hindi ko alam kung paano manalangin subali’t gagawin ko ang makakaya ko….” Pagkarinig nito ay agad kong natanto na sinabi ni Sister Zhu kay Sister Yun ang tungkol sa pagsisiyasat ko sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Pakiramdam ko ay hindi masyadong mabuti ang inasal ni Sister Zhu, at medyo nainis ako sa kanya. Pakiramdam ko ay nalinlang niya ako at pinagtaksilan ako, at nagsimula kong maramdaman na kahit ang mga kapatid ko sa Panginoon ay hindi mapagkakatiwalaan. Habang iniisip ko ito, tinawag ng boss ko ang pansin ng humigit-kumulang isang dosenang katrabaho ko sa salon, nang hindi ako kinokonsulta tungkol sa anuman, at sinabihan silang hindi ako mabuting Kristiyano at na naligaw na ako. Pagkatapos ay nagsabi siya ng maraming bagay na tumututol at kumokondena sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Napakabilis na nangyari ang lahat ng ito kung kaya’t hindi ko alam kung paano kikibo, at sumama talaga ang loob ko. Tahimik akong nanalangin: “Mahal na Panginoon, narinig na nila ang balitang nagbalik Ka na, kaya bakit hindi sila interesado ni bahagya na siyasatin ang pagbabalik Mo? Bakit nakikinig lang sila sa mga sabi-sabi online at sinasabi ang lahat ng bagay na iyon na tumututol at kumokondena sa Iyo? Napakarami nang katotohanan ang naipahayag ng Makapangyarihang Diyos, kaya hindi ba pinapatunayan noon na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Iyong pagbabalik? Bakit nila kailangang tutulan ang pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos? Maaari kayang ako ang mali? O Panginoon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Akayin at gabayan mo nawa ako….”

Sinabi ko kinalaunan kay Brother Lin kung anong nangyari noong araw na iyon, at nakahanap siya ng isang sipi sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos para sa akin: “Palaging inaagaw ni Satanas ang kaalaman na pinanghahawakan ng mga tao sa kanilang mga puso tungkol sa Akin, at palaging nakikibaka, nang nakalabas ang mga ngipin at nakaamba ang mga kuko, sa mga huling paghihingalo nito sa bingit ng kamatayan. Nais ba ninyong mabihag ng mapanlinlang nitong mga pakana sa pagkakataong ito? Nais ba ninyong matapos na ngayon ang huling yugto ng Aking gawain, upang matapos na ang sarili ninyong buhay? Hindi kaya’t hinihintay ninyo lang Ako na ibahagi pa nang isang beses ang Aking pagkamaluwag? Ang paghahangad na makilala Ako ang pinakamahalagang bagay, ngunit hindi ninyo dapat kaligtaan na bigyang pansin ang aktuwal na pagsasagawa. Tuwiran Kong ihinahayag sa inyo ang Aking mga pananaw sa Aking mga salita, sa pag-asang magpapasakop kayo sa Aking paggabay(“Kabanata 6” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pagkatapos ay nagbahagi si Brother Lin. “Makikita natin mula sa mga salita ng Diyos na ang nangyari sa iyo ay isang labanan sa espirituwal na daigdig at na nakalaban mo ang panunukso ni Satanas. Sa mga huling araw, nagkatawang-tao ang Diyos sa laman at binibigkas ang Kanyang mga salita upang iligtas ang sangkatauhan. Sa paggawa nito, binibigyan Niya tayo ng kakayahang maunawaan ang katotohanan mula sa Kanyang mga salita, malaman ang gawain ng Diyos, malaman ang disposisyon ng Diyos, lubusang talikdan si Satanas at bumaling muli sa Diyos, at magkamit ng kaligtasan at makamit ng Diyos. Laging nakabuntot sa Diyos si Satanas, sinusubukang gambalain at guluhin ang gawain ng Diyos, at gumagamit ng lahat ng uri ng tao upang gumawa ng mga sabi-sabi upang siraan ng puri at kondenahin ang Makapangyarihang Diyos—ang Cristo ng mga huling araw—at pigilan tayong humarap sa Diyos. Ang mga pinuno ng mga relihiyon at mga ateistang nasa mga posisyon ng kapangyarihan ay ang mga sagisag ni Satanas, at tuwing nagkakatawang-tao ang Diyos sa lupa upang gawin ang Kanyang gawain ay nilalabanan at kinokondena nila Siya, at sinusubukan nilang gambalain at pigilan ang mga taong sumunod sa Kanya. Noong ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain Niya, kumilos bilang mga tagasunod ni Satanas ang mga punong saserdote, mga escriba, at mga Fariseo ng panahong iyon at ginawa nila ang lahat ng makakaya nila upang kondenahin at tutulan ang gawain Niya. Nagpakalat sila ng mga huwad na sabi-sabi at huwad na nagpatotoo upang siraan ng puri at lapastanganin ang Panginoong Jesus. Halimbawa, lapastangan nilang sinabing nagpapalayas ng mga demonyo ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebub, naninirang-puri nilang sinabing inuudyukan ng Panginoong Jesus ang mga lokal na mamamayan na huwag magbayad ng buwis kay Cesar, at sinuhulan nila ang ilang kawal upang huwad na magpatotoong hindi nabuhay muli ang Panginoong Jesus at na palihim na kinuha ng mga alagad Niya ang katawan Niya. Nang nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang panibagong gawain sa mga huling araw, ang Komunistang pamahalaan ng Tsina, na nagtatangkang gawin ang Tsina na isang lugar ng ateismo, kasama ng maraming pastor at elder ng relihiyon na nais protektahan ang sarili nilang mga kabuhayan at katayuan, ay nagsimulang magpakalat ng di-mabilang na kasinungalingan at huwad na patotoo tungkol sa Makapangyarihang Diyos at Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang linlangin at takutin ang mga tao, at upang pigilan ang mga taong siyasatin at tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Maraming taong hindi nakakaunawa sa katotohanan at walang pagkilatis na bulag na naniniwala sa mga sabi-sabing ito at ginagawa ang kagustuhan ni Satanas sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga kamaliang ito, panggugulo sa mga tao at pagpigil sa kanilang tanggapin ang tunay na daan. Nagiging mga kasabwat ni Satanas ang mga ganitong tao at sila ay nagiging ang masasamang tumututol sa Diyos. Dapat natin kung gayong makita nang malinaw na ang ateistang Komunistang pamahalaan ng Tsina ay ang kalaban ng Diyos, at makita nang malinaw na ang mga pastor at elder na iyong pumipigil sa iba na siyasatin ang gawain ng Diyos ay ang mga Fariseo ng ating panahon. Dapat nating makita na ang mga sabi-sabi sa Internet ay bahagi ng pakana ni Satanas upang pigilan tayong bumaling sa Diyos, at dapat din maging malinaw sa atin na kung nais nating siyasatin ang tunay na daan, dapat tayong makinig lang sa mga salita ng Diyos at ganap na hindi maniwala sa mga sabi-sabi ni Satanas. Ganito natin magagawang tumayo sa panig ng Diyos sa panahon ng mga espirituwal na labanan at magpatotoo sa Diyos, at hindi makuha ni Satanas.”

Natulungan ako ng pagbabahagi ni Brother Lin na maunawaan ang mga pinagmulan ng mga sabi-sabi. Naunawaan ko na ngayon na ang layunin ni Satanas sa pagpapakalat ng mga sabi-sabi upang guluhin at hadlangan ako ay upang pigilan akong makamit ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Matapos ko itong pag-isipan pa lalo, natanto kong ang mga taong itong umaatake sa akin ay hindi pa kailanman nabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, hindi pa kailanman nasiyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at bulag lamang na naniniwala sa mga sabi-sabi at lumalaban at kumokondena sa Makapangyarihang Diyos. Ganap nang nasira ni Satanas ang mga pag-iisip nila at ginagawa nila ang kagustuhan ni Satanas at nilalabanan ang Diyos nang hindi nila nalalaman. Ang isang marunong na tao ay masigasig munang babasahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at masusi munang magsisiyasat bago gumawa ng anumang konklusyon. Subali’t hindi maliit na bagay ang pananampalataya sa Diyos, at takot akong maglakad sa maling landas, kaya mayroon pa rin akong kaunting pag-aalala sa puso ko. Pagkauwi ko mula sa trabaho, nanalangin ako sa Panginoon nang may luha sa aking mga mata: “O Panginoon, labis akong naliligaw at nalilito, ngunit hindi ko nais na basta maniwala sa sinasabi ng iba at ulitin iyon nang salita bawat salita. Nais kong kumilos ayon sa kalooban Mo, kaya akayin at gabayan Mo nawa ako.” Noong gabing iyon, nakatulog ako, at makaraan ang ilang oras ay nagkaroon ako ng di-maipaliwanag na pakiramdam na may kung anong dumadagan sa akin. Sinikap kong idilat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa. Nang matanto kong walang patutunguhan ang pagpupumilit, agad akong sumigaw, “Iligtas Mo ako Panginoong Jesus!” Dalawang beses kong isinigaw ito, ngunit walang nangyari. Nararamdaman ko pa ring may dumadagan sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at lubha akong natakot. Bigla kong naisip ang Makapangyarihang Diyos, at kaya tumawag ako, “Makapangyarihang Diyos! Makapangyarihang Diyos!” at pagkatapos ay nagising ako. Pagkagising, medyo balisa pa rin ako, at matagal bago ako lubos na huminahon. Nagtaka ako kung bakit walang nangyari noong tinawag ko ang pangalan ng Panginoong Jesus samantalang agad akong nagising noong tinawag ko ang “Makapangyarihang Diyos!” Pagkatapos ay naalala ko ang isang pagbabahagi sa akin ni Brother Lin: “Gumagamit ang Diyos ng iba’t ibang ngalan sa bawat kapanahunan at, matapos magsimula ng panibagong gawain ang Diyos, pinagtitibay ng Banal na Espiritu ang ngalan Niya para sa panibagong kapanahunan. Kaya upang makamit ng mga mananampalataya ang papuri, pagkalinga, at pangangalaga ng Diyos, dapat silang manalangin gamit ang ngalan ng Diyos sa kasalukuyang kapanahunan. Sa kapanahunang ito, nagbalik na ang Panginoong Jesus at ginagamit ang ngalang ‘Makapangyarihang Diyos’ upang tapusin ang Kapanahunan ng Biyaya at simulan ang Kapanahunan ng Kaharian. Sa mga huling araw, ang ngalan ng Diyos ay Makapangyarihang Diyos, kaya dapat nating gamitin ang ngalang ito sa ating mga panalangin, kung hindi ay hindi maririnig ng Diyos ang mga iyon.” Noon ko napagtanto na hindi kusang nangyari ang bangungot ko, kundi narinig ng Diyos ang panalangin ko at binigyan ako ng katibayang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Salamat sa Diyos! Matapos kong matanto ito, napuno ng lakas ang puso ko at mayroon na ako ngayong pananampalataya upang harapin ang anumang pag-atake mula sa boss at mga katrabaho ko.

Noong sumunod na araw sa trabaho muling sinabi ng boss ko sa harap ng lahat ng nagtratrabaho roon na naligaw na ako at nagsabi rin siya ng maraming bagay na lumalapastangan sa Makapangyarihang Diyos. Nagalit talaga ako nang marinig ko siyang magsabi ng ganoong mga bagay, kaya tinanong ko siya, “Lahat tayo ay mananampalataya sa Diyos. Bakit hindi mo siyasatin ang mga salita at ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at hanapin ang kalooban ng Diyos sa halip na bulag lang na kinokondena at nilalapastangan Siya? Ang paggawa ng ganyang mga bagay ay nagpapakita na wala kang paggalang sa Diyos sa puso mo!” Pagkatapos sabihin ang lahat ng ito, umalis ako. Maya-maya ay hinanap ako ng boss ko at sinabi sa aking hindi ako dapat nagalit sa kanya. Sinabi ko, “Hindi ko gustong magalit ngunit hindi mo dapat sinabi ang mga bagay na iyon. Ang mga sinabi mong lumalapastangan, tumututol, at kumokondena sa Diyos ay hindi mga bagay na dapat kailanman sinasabi nating mga mananampalataya sa Diyos, dahil nagkakasala ang mga iyon sa Kanya. Mula sa pananaw mo, maaaring tila gumagawa ka ng mabuting gawa sa paghimok mo sa aking baguhin ang isip ko. Ngunit nasa edad na ako, at makatwiran kong pinag-iisipan ang mga bagay-bagay. Ang isyu ng kung ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus o hindi ay isang bagay na nahanap at nasiyasat ko na. Hindi ito isang bagay na basta ko na lang piniling paniwalaan. Irespeto mo sana ang desisyon ko, at huwag mo akong subukang pigilan o limitahan ang paghahanap at pagsisiyasat ko sa gawain ng Diyos sa mga huling araw.” Tinanong ako pagkatapos ng boss ko kung nakita ko na ang alinman sa mga sabi-sabi sa telebisyon at sa Internet tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sumagot ako, “Ang mga negatibong bagay ay laging nanggagaling kay Satanas. Ang binabasa ko ay ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at ang pinapanood ko ay ang mga pelikula, video ng koro, at video ng musikang ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ko pinapanood ang pinapanood mo. Hindi pinapayagan ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang mga miyembro nila na gumawa ng masasamang gawa, na siya mismong kabaligtaran ng sinasabi ninyong lahat. Hinihingi ng Makapangyarihang Diyos na maging matatapat na tao kami at mabubuting tao na nagtataglay ng pagkatao, konsensya at katwiran.” Pagkatapos makinig sa sasabihin ko ay hindi nakakibo ang boss ko, at dahil wala na siyang pagpipilian, umalis na siya.

Pagkatapos noon ay nagsimula akong pag-initan ng boss ko at nagsimula pa siyang magsabi ng mga mapanuyang bagay tungkol sa akin. Alam kong sinasabi niya ang mga bagay na ito upang subukan akong pilitin na iwanan ang pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos. Isang araw, bigla niyang sinabi sa akin, “Nais kang kausapin ni Sister Yun pagbalik niya mula sa business trip niya.” Nang marinig ko iyon, medyo nainis ako at medyo kinabahan. Naisip ko: “Tiyak na susubukan ni Sister Yun na pigilan akong manampalataya sa Makapangyarihang Diyos. Naging Kristiyano ako matapos kong makinig sa pangangaral niya at isa siyang VIP customer sa aming beauty salon. Kapag nasaktan ko ang damdamin niya ay hindi matutuwa ang boss at lalo lang akong magkakaproblemang makasundo siya sa hinaharap.” Lalo akong kinabahan at natakot habang papalapit ang araw ng pagbabalik ni Sister Yun. Isang tanghali, nakaupo ako sa VIP room at nananalangin sa Diyos. Kakatapos ko lang manalangin nang nag-ring ang telepono ko. Ang boss ko iyon. “Darating si Sister Yun. Bigyan mo siya ng facial.” Hindi ako nasasabik ni kaunti na gawin iyon ngunit walang paraan para tumanggi ako. Pinatugtog ko ang isang recording ng mga himno pagbalik ko sa treatment room upang mapakalma ko ang sarili ko sa presensiya ng Diyos. Habang nakikinig sa himnong “Determinado Akong Mahalin ang Diyos” ay narinig ko ang mga linyang ito: “Hinihiling ko sa Iyo na buksan ang mga mata ng aking espiritu, hinihiling ko sa Iyo na antigin ang aking puso, upang sa harap Mo mahubaran ako sa lahat ng walang kibong mga kalagayan, at di-mapipigilan ng sinumang tao, pakay, o bagay; ang aking puso ay ganap na ipinapahayag ko sa harap Mo, anupa’t ang aking buong pagkatao ay iniaalay sa harap Mo, at maaari Mo akong subukin paano Mo man ibigin. Ngayon, hindi ako magbibigay ng anumang palagay sa aking mga inaasahan, ni ako ay nakagapos sa kamatayan. Gamit ang aking puso na umiibig sa Iyo, nais kong hangarin ang daan ng buhay(Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Binigyan ako ng pananampalataya ng mga salita ng Diyos, at dahan-dahan kong nagsimulang maramdaman ang pagiging mas kalmado at mahinahon. “Tama iyon,” naisip ko. “Hindi ako dapat mapigilan ng sinumang tao o anumang bagay pagdating sa pagpili ng tunay na daan. Dahil tiyak na akong ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, dapat ko Siyang sundin nang wala ni katiting na pagdududa o pag-aalangan. Nasa mga kamay na ng Diyos kung paano ako nakikita at trinatrato ng boss ko o kung anong mangyayari sa relasyon ko kay Sister Yun. Dapat kong alisin sa sarili ko ang mga pag-aalala at sumunod sa mga pagsasaayos ng Diyos.” Kaya hinarap ko ang sitwasyon nang may lakas ng loob.

Dumating si Sister Yun pagkaraan ng ilang minuto. Tahimik akong nanalangin sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos, natatakot akong may sasabihin siyang lalapastangan, lalaban, kokondena at aatake sa Iyo. Natatakot din akong susubukan niya akong guluhin. Tulungan at ingatan Mo nawa ako, Diyos ko.” Noong simula, nagsalita lamang si Sister Yun tungkol sa kanyang business trip sa Israel at kung gaano iyon katagumpay. Subali’t, hindi nagtagal ay paliguy-ligoy na niyang binanggit ang paksa. “Maraming mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta ang sumusubok na linlangin ang mga tao sa mga huling araw—” Hindi ko nais marinig siyang magsabi ng anumang lalapastangan sa Makapangyarihang Diyos kaya pinatigil ko siya sa pamamagitan ng pagsasabing, “Oo, ibinigay sa atin ng Panginoon ang paalalang ito upang makapagbantay tayo laban sa mga huwad na Cristong iyon na ginagaya ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga tanda at himala. Subali’t ang layunin ng Panginoon ay gawin tayong matutong kumilatis, hindi ang gawin tayong tumangging makinig sa lahat ng nangangaral ng ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon. Sinabi ng Panginoong Jesus: ‘Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin(Juan 10:27). Aakayin tayo ng Panginoon sa tamang landas, kaya hindi tayo dapat mag-alala na mailigaw ng mga huwad na Cristo sa mga huling araw, ngunit dapat ding tandaan ang katunayang babalik ang Panginoon sa mga huling araw. Hangga’t hinahanap natin ang Panginoon ay mahahanap natin ang pagpapakita ng Panginoon sapagkat sinabi na Niya sa ating maririnig ng mga tupa ng Diyos ang tinig ng Diyos.” Subali’t hindi nakinig ni Sister Yun sa sinabi ko at inulit lang ang tungkol sa mga huwad na Cristo na nanlilinlang sa mga tao sa mga huling araw at na dapat akong maging mas maingat. Pagkatapos nagsabi pa siya ng iba pang bagay tungkol sa kung gaano kasama ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ko siya pinansin, at tumigil siya sa pagsasalita nang makita niyang hindi ako sasagot.

Pagkatapos noon, hindi pa rin masaya ang boss ko tungkol sa pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos at nagpatuloy na pag-initan ako at atakehin ako sa harap ng mga katrabaho ko. Sa panahong ito, laging naroon ang mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang magbahagi at makibahagi sa akin ng mga salita ng Diyos upang maunawaan ko ang kalooban ng Diyos. Sinabi rin nila sa akin na banal ang Diyos, at na binigyan tayo ng Diyos ng malayang kalooban, ng kalayaang pumili, noong nilikha Niya ang sangkatauhan. Sinabi nila na hindi kailanman pinipilit ng Diyos ang sinumang gumawa ng anuman kundi nagpapahayag lamang ng mga katotohanang tumutustos sa atin at tumutulong sa ating maunawaan ang kalooban Niya at makilala ang pagkakaiba ng mabuti at masama. Halimbawa, sinabi ng Diyos kina Adan at Eva na maaari nilang kainin ang bunga mula sa anumang puno sa Halamanan ng Eden maliban ang bunga mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama, sapagkat kung gagawin nila iyon ay tiyak na mamamatay sila! Mabuti ang diwa ng Diyos at binibigyan Niya ang sangkatauhan ng kalayaang pumili; tanging si Satanas ang kumokontrol at pumipilit sa mga tao, dahil masama si Satanas. Kaya, desisyon ng bawat tao ang pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at walang sinuman ang pinipilit dito. Bukod sa pagsasabi sa akin ng mga bagay na ito, humanap din ang mga kapatid ng isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Sa bawat hakbang ng paggawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at nangangailangan sa tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyo ay pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag ang Diyos at si Satanas ay naglalaban sa espirituwal na dako, paano mo dapat pasayahin ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo(“Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Tinulungan ako ng mga pagbabahaginan kasama ng mga kapatid na maunawaan nang bahagya ang siping ito. Naintindihan ko na ngayon na anuman ang mangyari sa akin, palagi iyong pinapahintulutan ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang mga sitwasyong ito upang subukan akong makita kung may tunay akong pananampalataya sa Kanya at upang gawin akong matutong kumilatis. Nais ng Diyos na malinaw kong makita kung ano ang nagmumula sa Kanya at kung ano ang nagmumula kay Satanas, at nais Niyang matutuhan kong umasa sa Kanya at bumaling sa Kanya sa mga panahon ng pagsubok, na tumayong patotoo sa Diyos gaya ni Job, at sa gayon ay ipahiya si Satanas.

Sa tulong ng paggabay ng mga salita ng Diyos at ng tulong ng mga kapatid, nagawa kong bumuo ng mas malinaw na larawan ng tunay na daan, naging tiyak ako na hindi ako nasa maling landas sa pagsunod sa Makapangyarihang Diyos ngunit sa halip ay sumasabay sa mga bakas ng paa ng Cordero. Ibinabahagi sa akin ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanan at ang kalooban ng Diyos. Nagpapatotoo sila sa gawain ng Diyos ng pagliligtas sa sangkatauhan, at sa lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Hindi nila ako kailanman sinubukang piliting maniwala sa kahit ano, ngunit sa halip ay tinulungan akong matutong kilatisin ang iba’t ibang tinig upang malaya akong makakagawa ng sarili kong mga pagpapasya. Subali’t naniwala sina Sister Yun at ang boss ko sa lahat ng sabi-sabi online at patuloy na nagsabi ng mga bagay na lumalaban at lumalapastangan sa Diyos upang hadlangan at pilitin ako, at upang pigilan akong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Noong hindi ko tinanggap ang kanilang pananaw, nagsimula silang apihin ako, kutyain ako, at atakehin ako nang pasalita. Subali’t malinaw kong nakita na ang lahat ng sinabi at ginawa nila ay galing kay Satanas, dahil ang pang-aapi, pamimilit, at pag-atake sa mga tao ay mga pagkilos na maaaring manggaling lamang kay Satanas. Salamat sa Diyos! Nagawa ko na ngayong agad na makita kung sino ang nagmumula sa Diyos at sino ang kay Satanas, at mayroon na ako ngayong pagkilatis sa mga ganitong uri ng tao. Naramdaman ko na ngayon na puno ng liwanag ang puso ko at na naalis na ang malaking pabigat mula rito. Lubos akong nagpasalamat sa Diyos para sa Kanyang pagkakatawang-tao sa mga huling araw at pagpapahayag ng napakaraming katotohanan kung kaya, tuwing ginugulo ako, nagagawa kong bumaling sa mga salita ng Diyos upang maunawaan ang kalooban Niya at mahanap ang landas ng pagsasagawa. Pakiramdam ko ay napakapalad kong magawang lumago, nang paunti-unti, sa ilalim ng pagtustos ng mga salita ng Diyos!

Noong una, akala ko natapos na ang buong isyu, kaya nagulat ako noong nagsimula muli ang mga pag-atake. Isang araw, kakatapos ko lang bigyan ang isang kostumer ng isang treatment na pampaganda nang dumating ang boss ko at dinala ako sa katabing gusali. Pagdating namin sa pintuan, sinabi niyang hinihintay ako roon ni Sister Yun. Pumasok ako at biglang nagsimulang kabahan nang makita kong naroon si Sister Yun at sina Pastor Liu at ang asawa niya, at hindi ko alam kung anong gagawin nila. Mabilis akong tahimik na nanalangin sa Diyos: “O Diyos, nagpunta sila upang kausapin akong muli. Nawa’y pangalagaan Mo ako at tulungan ako sa pamamagitan ng pagbibigay sa akin ng karunungan upang sagutin sila.” Pagkatapos manalangin, hindi na ako kinabahan, at napaisip ako: Nagpunta ba sila upang pilitin akong iwanan ang Makapangyarihang Diyos? At kung tatanggi ako, mawawalan ba ako ng trabaho? Ngunit naalala ko noon na ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos, at na laging naaangkop ang mga pagsasaayos ng Diyos, kaya nagpasya akong, kahit mawalan man ako ng trabaho, hindi ko pa rin iiwanan ang Makapangyarihang Diyos.

Tinanong ako ng pastor kung kailan ako nagsimulang manampalataya sa Panginoon, at pagkatapos ay nagsalita tungkol sa maraming bagay na may kinalaman sa pananampalataya sa Panginoon. Pagkatapos ay tinanong niya ako, “Alam mo ba ang tungkol sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Nakikipag-ugnayan ka pa rin ba sa kanila?” Sumunod ay nagsabi siya ng maraming bagay na lumalapastangan sa Makapangyarihang Diyos at naglatag ng mga huwad na paratang laban sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Nagalit ako sa pakikinig sa kanya, at sinabing, “Bakit napakalayo ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nilalarawan mo roon sa nakakaugnay ko at talagang alam ko? Nakita na nating lahat ang mga bagay-bagay na online. Ang nakita ko ay ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at ang mga pelikula at video na ginawa ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, pati na ang mga nasusulat na patotoo ng mga karanasang pinagdaanan ng mga kapatid. Tiningnan ko na rin ang ilan sa mga negatibong propaganda, ngunit ang tanging nakita ko ay maraming hungkag na mga sabi-sabi na walang basehan at mga kasinungalingan. Hindi nila kayang gumawa ni katiting na katibayang kapani-paniwala upang suportahan ang kahit isa sa mga sabi-sabing iyon. Kung hindi sila gumagawa ng kwento mula sa wala ay kumukuha sila ng kasinungalingan na nariyan na at dinadagdagan iyon at saka ipinapakalat pa lalo. Puro mga kasinungalingan ni Satanas ang lahat ng ito, kaya hindi ko sila pinapaniwalaan at lubos akong walang interes sa kanila. Paanong naniniwala lang kayo sa mga negatibong sabi-sabi ngunit ni hindi kailanman tinitingnan ang mga salita ng Diyos sa website ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Wala sa inyong nagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at hindi rin ninyo sinisiyasat ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, ngunit sa halip ay basta ninyo itong kinokondena kung paano ninyo gusto. Iyan ba ang tamang gawin?” Hindi tahasang sinagot ng pastor ang tanong ko ngunit sa halip ay sinabing, “Napakabilis na lumaki ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at aktibo silang pumupunta sa ibang mga iglesia upang nakawin ang mga miyembro nila. Kung magpupumilit kang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos, hindi na kami magiging mabait pa sa iyo. Sasabihin namin sa lahat ng kapatid sa iglesia namin na nananampalataya ka na ngayon sa Makapangyarihang Diyos, kaya sa susunod na pumunta ka sa aming kongregasyon ay iisipin nilang dumating ka upang nakawin sila at tatanggihan ka nila.” Sumunod ay sinubukan niyang gumamit ng ilang huwad na patotoo upang takutin ako ngunit walang naging epekto sa akin ang anumang sinabi niya. Sa katunayan, nakaramdam ako ng higit na lakas ng loob at sinabi kong, “Itong bagay na sinasabi mo, personal mo bang nakita itong nangyari? O nagsagawa ka na ba ng masusing pagsisiyasat at nakakuha ng matibay na ebidensya? Anong katibayan mo na ginawa ng mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng ito? Nasaan ang ebidensya? Ginagamit mo lang ang mga sabi-sabi at huwad na patotoong ipinapakalat ng pamahalaang CCP at ng pamayanan ng relihiyon upang kondenahin ang Makapangyarihang Diyos at huwad na paratangan at idawit ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi ka ba nag-aalalang kokondenahin ka ng Panginoon, kagaya ng mga Fariseo?”

Nagpatuloy ako, nagsasabing, “Inihula ito ng Panginoong Jesus tungkol sa Kanyang pagbabalik: ‘Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito(Lucas 17:25). Anong ibig sabihin nito? Sa kasalukuyan, sinusubukan ng buong pamayanan ng relihiyon at ng ateistang Komunistang pamahalaan ng Tsina ang lahat ng makakaya nila upang labanan at kondenahin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hindi ba isinasakatuparan nito ang hula ng Panginoon? Hindi ba’t ang paglaban at pagkondena ng pamayanan ng relihiyon sa Makapangyarihang Diyos ngayon ay mismong kagaya ng paglaban at pagkondena ng mga Fariseong Judio sa Panginoong Jesus noong mga taong iyon? Nilabanan ng mga Fariseo ang Panginoong Jesus at itinanggi na Siya ang inihulang Mesias, ngunit nagawang makilala ng mga alagad ng Panginoon na ang Panginoong Jesus ang Mesias na inihula sa mga propesiya kung kaya sumunod sila sa Kanya. At ngayon, nakikita natin ngayon ang mga sarili natin sa mismong kaparehong sitwasyon. Hindi tinatanggap ng mga pastor at elder ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at nilalabanan at kinokondena nila ang Makapangyarihang Diyos, ngunit ang mabubuting tupa sa iba’t ibang denominasyon ay nagagawang makilala ang tinig ng Diyos sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakikilala na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Paano nagkagayon? Sinabi ng Panginoong Jesus na ang mga tupa ng Diyos ay nagagawang marinig ang tinig ng Diyos, at na ibubukod ng pagbabalik ng Diyos ang mga tupa mula sa mga kambing. Sandali pa lang akong nananampalataya sa Panginoon, at hindi ko masyadong nauunawaan ang Biblia, kaya hindi ko alam kung paano ibubukod ng Panginoon ang mga tupa mula sa mga kambing. Pastor Liu, nakapasok ka na sa seminaryo at maraming taon ka nang pastor ngayon. Baka pwede mo itong ipaliwanag sa akin?” Galit na tumingin sa akin si Pastor Liu, dahil malinaw na hindi niya alam kung paano ito ipapaliwanag sa akin. Ang tanging sinabi niya ay, “Nagkakamit tayong mga mananampalataya ng buhay na walang hanggan dahil tayo ay nabautismuhan na.” Kaya sinabi ko, “Ano? Ganoon lang kadali ang magkamit ng buhay na walang hanggan? Kung gayon lahat ng taong nakapunta sa iglesia mo at nabautismuhan ay papasok sa kaharian ng langit? Tumutugma ba iyan sa sinabi ng Panginoon? Lahat ba sila ay mga taong lumalapit sa Panginoon nang may tunay na mga puso? Sinusunod ba nilang lahat ang kalooban ng Ama sa langit? Binabanggit ng bawat sermon sa iglesia ang pagbibigay ng mga handog, ngunit hindi kailanman sinabi ng Panginoon na ang pagbibigay ng mga handog ay kapareho ng pagmamahal sa Panginoon. Kaya ano ang pagmamahal sa Panginoon?” Sumagot si Pastor Liu, “Ang madalas na pagbabasa ng Biblia at madalas na pananalangin ay pagmamahal sa Panginoon.” Bagaman hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagmamahal sa Panginoon, alam kong kahangalan ang sabihing ang pagbabasa ng Biblia at madalas na pananalangin ay pagmamahal sa Panginoon. Madalas magbasa ng Biblia ang mga Fariseo at madalas manalangin, ngunit masasabi bang minahal nila ang Panginoon? Kung minahal nila ang Panginoon, kung gayon bakit nila Siya nilapastangan at kinondena, at ipinako Siya sa krus? Sa wari ko ay hindi naunawaan ng pastor ni bahagya kung ano ang ibig sabihin ng pagmamahal sa Panginoon. Maaaring nauunawaang mabuti ng mga pastor ang kaalaman sa Biblia at mga teolohikal na teorya ngunit hindi iyon nangangahulugan na nauunawaan nila ang mga katotohanan! Ngunit ang sarili ko lang ang masisisi ko kung bakit hindi ako nagkaroon ng sapat na pagkilatis dati at masyadong pinahalagahan ang mga ito.

Nang mapagtanto ko ito, nakita kong walang saysay ang magpatuloy sa pakikipagdebate kay Pastor Liu, kaya huminto na ako sa pagsasalita. Ngunit may sasabihin pa ang pastor. “Alam mo bang sinasabi nilang nagbalik ang Panginoon at nagkatawang-tao bilang isang babae upang gawin ang gawain ng Diyos?” Sumagot ako, “Nasa Diyos kung anong wangis ang gagamitin ng Panginoon kapag nagbalik Siya at nagkatawang-tao upang gawin ang gawain. Maliliit at di-mahahalagang nilalang lang tayo na nilikha ng Diyos, kaya paano tayo makakagawa ng mga panuntunan para sa gawain ng Diyos? Sinasabi sa Biblia: ‘Sino ang kaniyang naging kasangguni?’ (Roma 11:34). Sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: ‘Hindi dapat bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos; higit pa rito, hindi maaaring bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang tao ay mas maliit kaysa isang langgam, kaya paano maaarok ng tao ang gawain ng Diyos?(Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay at higit sa lahat ang karunungan ng Diyos, kaya paano man ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ay hindi Niya kailangang sumangguni muna sa ating mga tao!” Nang makita kong wala sila ni katiting na interes sa paghahanap at pagsisiyasat ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, ngunit nais lang na maghanap ng butas at maghanap ng mga pagkakataong atakehin at lapastanganin ang Diyos at pigilan akong tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, nagpasya akong hindi na ituloy ang usapan. Sa wakas, tinanong ko sila, “Inisip ninyo ba kailanman kung paano makakaapekto sa trabaho ko rito ang pagpunta ninyo sa salon ngayon?” Labis ang pagkagulat ko nang harap-harapang nagsinungaling sa akin ang pastor at sabihing, “Hindi alam ng boss mo kung tungkol saan ang usapang ito.” Noon, labis akong magugulat na ang pastor na ito—isang lalaking nangangaral at nagtuturo sa mga tao at alam na alam ang Biblia—ay makakapagsabi ng isang lantad na kasinungalingan. Ngunit matapos na marinig silang gumawa ng mga kasinungalingang lumalapastangan sa Diyos, hindi ako nagulat ni bahagya. Napakanormal na para sa kanila ang ganitong pag-uugali. Hindi ko napigilang isipin ang mga salita ng Panginoong Jesus: “Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka’t walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka’t siya’y isang sinungaling, at ama nito(Juan 8:44). Sa puso ko ay sinabi ko sa Diyos ang mga salitang ito: “Salamat, Diyos ko! Pinahintulutan mong maganap ang pangyayaring ito sa akin ngayon upang makita ko na wala silang pagkaunawa sa mga katotohanan, at na mga sinungaling sila na walang hiyang nagpapakalat ng mga kabulaanan at nanlilinlang ng mga tao. Tunay silang mga ipokritong Fariseo.” Wala na akong sasabihin sa kanila at gusto ko nang umalis agad.

Nang makitang wala akong ganang ituloy ang pag-uusap, sinabi ni Sister Yun sa akin, “Yixin, dapat mong isipin ang mga anak at mga magulang mo.” Sumagot ako, “Maayos silang lahat, at nasa mabuting kalagayan kaming lahat. Sumasampalataya ako sa nag-iisang tunay na Diyos, ang Lumikha ng lahat ng bagay. Ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Ang Diyos ay ang Diyos na nagmamahal at nagliligtas sa mga tao, at sa tulong ng mga pagpapala at paggabay ng Diyos, bubuti nang bubuti ang pamilya ko.” Nais ng pastor at ni Sister Yun na ipagdasal ako, ngunit tumanggi ako. Nagtapos si Pastor Liu sa isang babala: “Kung hindi mo iiwan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itatakwil ka sa aming iglesia!” Naisip ko: “At paano ba ang iglesia sa mga araw na ito? Para itong iyong templo nang unang nagsimula ang Panginoong Jesus na gawin ang Kanyang gawain: walang iba kundi isang pugad ng mga magnanakaw. Walang ibinibigay na anumang espirituwal na tustos ang mga pagpupulong, kaya anong mayroon doon na mawawala sa akin?” Natanggap ko na ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, sumasabay na ako sa mga bakas ng paa ng Cordero, at humarap na ako sa luklukan ng Diyos. Tinutustusan ako ng buhay na tubig ng buhay na ibinigay ni Cristo at nagtatamasa ako ng harap-harapang pagdidilig at pagpapastol ng Diyos. Ako ang pinakamasayang babae sa lupa, at ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na ang tunay kong tahanan ngayon.

Sinasabi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang lahat na naisaayos na ngayon ay para sa layunin ng pagsasanay sa inyo upang lumago kayo sa inyong mga buhay, upang gawing malinaw at matalas ang inyong espiritu, upang buksan ang inyong espirituwal na mga mata at hayaan kayong makilala ang mga bagay-bagay na galing sa Diyos(“Kabanata 13” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa pagkakaroon ng habag sa akin at sa paggamit sa pang-aapi ng mga puwersang pangrelihiyon upang bigyan ako ng kakayahang magkaroon ng pagkilatis. Nakita ko kung gaano kapuno ng kasinungalingan ang mga relihiyosong pastor, kung paano nila nilalabanan at kinokondena ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, at gaano sila walang anumang paggalang sa Diyos. Nakita ko kung paano kumakapit ang kongregasyon nila sa mga makasalanang paraan nila, paano sila sumusunod sa mga kalakaran at moda ng materyal na daigdig, paano nila niloloko ang isa’t isa, at paano sila hindi kumikilos na parang mga mananampalataya ng Diyos sa anumang paraan. Ginawa ako ng lahat ng ito na lalo pang tiyak na ang pamayanan ng relihiyon ay hindi na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, na nababalutan ito ng kadiliman at nasa ilalim ng kontrol ni Satanas. Kasabay nito, nagawa kong makita na ang mga kapatid sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay hinahabol ang katotohanan at hinahangad na makilala ang Diyos sa ilalim ng paggabay ng mga salita ng Diyos at, kapag nakakatagpo sila ng mga kahirapan, hinahangad nilang gamitin ang mga salita ng Diyos upang lutasin ang kanilang mga problema. Sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ganap na ang katotohanan, ang mga salita ng Diyos, at ang Banal na Espiritu ang naghahari. Dapat matupad ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at kung ano ang sinabi ay iyon ang gagawin. Walang sinumang makakahadlang sa kung ano ang nais ng Diyos na matupad, at ito ay isang katunayang hindi maitatanggi! Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay talagang ang katotohanan, at ang Makapangyarihang Diyos ang pagpapakita ng Panginoon ng paglikha. Nais kong sundin ang Makapangyarihang Diyos sa buong buhay ko.

Mag-iwan ng Tugon