Menu

Espiritwal na Labanan: Ang Paghilig sa Diyos ay Nagbibigay sa Akin ng Landas Nung Ako ay Sinubukang Pigilan ng Aking Asawa sa Paniniwala sa Diyos (II)

Quick Navigation
Ang Aking Asawa ay Inusig at Kinontrol Ako
Ang mga Salita ng Diyos ay Nagbibigay sa Akin ng Kalakasan sa Aking Kahinaan
Ang Aking Asawa ay Binantaan Ako ng Pakikipag-Diborsyo
Ang Susi Upang Malampasan ang temptasyon ay ang Pag-alam sa Soberanya ng Diyos

Ang Aking Asawa ay Inusig at Kinontrol Ako

Nang umuwi ako sa bahay matapos ang pang-araw-araw na trabaho, ang aking asawa ay mabilis na kinukuha ang aking telepono at maingat na tinitignan kung ako ba ay dumadalo sa mga pagtitipon online o nagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang mas nakakatakot ay, tuwing gabi ay pinipilit niya akong manood ng mga videos online kasama siya na kung saan ang mga relihiyosong mundo at ang CCP ay inaatake ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ang Kanyang Iglesia, ako ay lubhang nagagalit. Hindi ko mapigilang maisip ang mga Pariseyong Hudyo noong mga araw na kung saan nakipagsabwatan sa gobyernong Romano upang ipako ang panginoong Jesus. Ngayon ang kasaysayan ng mga relihiyosong kumunidad na kumakalaban sa Diyos ay umuulit muli—ang mga pastor at matatanda ng relihiyosong paikot ay nakikipagsabwatan sa CCP upang kalabanin ang Makapangyarihang Diyos. Ang kanila bang mga paraan ay naiiba sa mga Pariseo? ang kanilang hangarin ay upang pigilan tayo sa paniniwala at pagtanggap sa tunay na saan at kalabanin ang gawain ng nagbalik na Panginoon. Kinondena nila at nilapastangan ang Diyos sa ganoong paraan, kaya sa kalaunan sila ay isusumpa at parurusahan ng Diyos.

Dahil sa pang-uusig at pagkontrol ng aking asawa, ako lamang ay nakakatulog ng mga tatlo o apat na oras sa gabi. At sa araw ako ay nagbibigay ng leksyon sa eskwelahan at tuwing umuuwi sa bahay matapos ang trabaho, kailangan kong gumawa ng mga gawaing bahay at alagaan ang aking anak. Wala akong paraan upang makadalo kasama ang aking mga kapatid. Makalipas ang ilang panahon, nakaramdam ako ng pagkapagod sa pisikal at mentalidad.

Minsan, noong ako ay nagising sa kalagitnaan ng gabi, nadiskubre ko na ang aking asawa ay nakikipagdiskusyon kay kapatid Ma mula sa aking lumang iglesia sa telepono kung paano ako mapapasuko sa aking pananalig sa Makapangyarihang Diyos. Matapos malaman na nag-alok ng payo si brother Ma sa aking asawa sa pang-uusig sa akin, nakaramdam ako ng higit na galit at naiisip, “siya pa ba ay mananampalataya? Hindi ba’t pagbubuo ito ng sigalot sa pagitan ko at ng aking asawa?” at sa parehong oras, sinisisi ko rin ang aking asawa sa kakulangan ng sariling pananaw. Sa mga bagay na pagbabalik ng Panginoon hindi siya personal na nagsisiyasat ngunit nakikinig lamang kay kapatid Ma. Sa kalaunan siya ay nagiging tulad ng mga sinabi ng Panginoong Jesus noong isinusumpa Niya ang mga Pariseo, “Sila’y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay(Mateo 15:14). Upang gisingin ang aking asawa sa lalong madaling panahon, napagdesisyunan ko na hanapin si kapatid Ma at makipagbahagi sa kanya, inaasam na siya ay mas makakaintindi sa ang Iglesia ng Makpangyarihang Diyos at siyasatin ito kasama ang aking asawa.

Nang sumunod na araw, natagpuan ko si kapatid Ma at nakipag-usap ng marami s kanya, ngunit sa di inaasahan, sinabi niya sa asawa ko ang tungkol sa pag-uusap namin ng araw na iyon.

Kaya, pagkadating na pagkadating ko sa bahay, ang aking asawa ay nagsabi, “Bakit ka nagdadahilan kay kapatid Ma? Sinabi niya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus upang tubusin tayo at patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at kaya tayo ay pinawalang-sala ng pananampalataya at pang habang buhay na ligtas. Kapag ang Panginoon ay bumalik tayo ay direktang itataas sa kaharian ng langit. Hindi kinakailangan para sa Diyos na bumalik at gumawa ng gawain na pangkaligtasan at paglilinis. Pinapayuhan kita na makinig kay kapatid Ma at tumigil sa paniniwala sa Makapangyarihang Diyos.”

Sinabi ko sa aking asawa, “Ang Panginoong Jesus ay nagsabi, ‘Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit(Mateo 7:21). Ang mga salitang ito ay malinaw na nagsasabi na tanging ang mga yaong gumagawa sa kalooban ng Ama ang maaaring pumasok sa kaharian ng langit. Sa pinaka-mahalaga at importanteng bagay ng pagtanggap sa pagparito ng Panginoon, dapat tayong makinig sa mga salita ng Panginoon kaysa sa mga taong iyon. Ang Panginoong Jesus ay pinatawad tayo sa ating mga kasalanan ngunit hindi nagsabi na tayo ay lubusang nalinis sa pamamagitan ng pagpapatawad at ngayon ay karapat-dapat na makapasok sa kaharian ng langit. sinabi ng Bibliya, ‘Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal(Levitico 11:45). Dahil ang Diyos ay banal, dapat nating matanggal ang ating mga korapsyon kung nais nating pumasok sa kaharian ng langit at mamuhay kasama Siya. Sa mga taong tulad mo at tulad ko, na madalas na nagagalit, na walang kahinahunan at pagpapasensya sa iba, na nagkakasala at nagsisisi bawat araw, namumuhay na gapos ng mga kasalanan, iniisip mo ba na maari tayong makapasok sa kaharian ng langit? Ang Panginoong Jesus ay noon pa iprinopesiya na kapag Siya ay nagbalik sa mga huling araw, Siya ay magsasalita ng Kanyang mga salita at gagawa ng gawain ng paghatol at paglilinis sa mga tao. sinabi Niya, ‘Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). Mula rito ating makikita na upang makapasok sa kaharian ng langit kinakailangan nating tanggapin ang gawain ng Diyos ng paghatol sa mga huling araw, dahil tanging sa ganitong paraan na maaari nating maiwaksi ang gapos ng kasalanan at maging mga taong sumusunod sa daan ng Diyos.”

Pagkarinig ng sinabi kong ito, ang aking asawa ay pagalit na nagsabi, “Hindi ko naisip na matapos kang maniwala sa Makapangyarihang Diyos sa sandaling panahon, nakamit mo ang ganitong progreso at kaya mo akong pabulaanan gamit ang mga talata sa Bibliya.” Matapos ay nagtanong pa siya ng ibang mga katanungan at pinagsama-sama ko ang mga sipi sa Bibliya at nakipagbahagi sa kanya.

Nakita niya na ang aking pagbabahagi ay talagang may matatag na pundasyon, at kaya ay hindi niya kinaya na pabulaanan ako. Matapos ang ilang sandali, nang makita niya na wala akong pagnanais na isuko ang aking pananalig, hindi niya matanggap ito at pinilit ako upang manood ng mga negatibong pampublikong mga video. Nang makita siyang agresibong kumikilos, hindi ko alam kung gaano pa katagal ang kanyang pang-uusig. Naisip ko, “ang aking asawa ay paulit-ulit muling sinusubukang pigilan ako mula sa paniniwala sa Diyos at pati na rin hindi ako pinapayagang dumalo sa mga pagtitipon. Kapag ito ay nagpatuloy, anong dapat kong gawin?” Sa pag-iisip nito, hindi ko namamalayang ako ay paunti-unting nanghihina at nagsisimulang magnais na sumuko, ngunit alam ko na ang ganitong pag-iisip ay mali.

Sa aking kahinaan, dumalangin ako sa Diyos, “O Diyos, noon nang ang aking ama ay matatag na kumalaban sa aking pananalig sa Panginoon, nagawa kong ipagpatuloy ito. Ngunit ngayong nahaharap sa aking asawa na paulit-ulit na sinusubukang harangan ako, nakakaramdam ako ng kahinaan. O Diyos! Ngayon ang mga atake ni Satanas ay ginagawa akong miserable. Nawa’y bigyan mo ako ng pananalig upang ako ay matatag na makasunod sa Iyo hanggang sa huli.”

Ang mga Salita ng Diyos ay Nagbibigay sa Akin ng Kalakasan sa Aking Kahinaan

espiritwal-na-labanan-paghilig-sa-Diyos

Salamat sa Diyos. Sa oras ng aking kahinaan, si kapatid Zhang na mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpadala sa aking ng talata ng mga salita ng Diyos, “Huwag kang masiraan ng loob, huwag manghina, Aking ibubunyag sa iyo. Ang daan tungo sa kaharian ay hindi ganyang kapatag, walang ganyang kasimple! Nais ninyo ng mga pagpapala na madaling makamtan, tama? Ngayon, bawat isa ay magkakaroon ng mapait na mga pagsubok na haharapin, kung hindi ang pusong mapagmahal na taglay ninyo para sa Akin ay hindi titibay at kayo ay hindi magkakaroon ng tunay na pag-ibig para sa Akin. Kahit na ito ay maliliit na pangyayari lamang, bawat isa ay dapat na dumaan sa mga iyon, nagkakaiba lamang ang mga iyon nang kaunti sa ilang antas. Ang pangyayari ay isa sa Aking mga pagpapala.” Matapos kanyang ibinahagi, “Nakararanas tayo ng kahinaan at pasakit sa espiritwal na labanan, ngunit ang Diyos ay nagsabi sa atin na huwag masiraan ng loob. Mahirap lumakad sa landas patungo sa kaharian, sa panahon kung saan, upang magawa tayong maiwala ang pangkaligtasan ng Diyos sa mga huling araw, Si Satanas ay tiyak na patuloy na tutuksuhin at guguluhin tayo. Ginagamot din ng Diyos ang ganitong mga pangyayari upang magawa tayong makabuo ng tunay na pagmamahal sa Kanya at tunay na umasa sa Kanya sa gitna ng pasakit at pagdurusa, upang sa huli ay matanggap natin ang Kanyang pagpapala para sa atin. Ito ay tumutupad sa mga salita ng Panginoong Jesus, ‘Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran(Mateo 5:10).”

Matapos marinig ang kanyang pagbabahagi, Naramdaman ko ang matapat na intensyon ng Diyos upang mailigtas ang mga tao. Nakita ko rin ang aking sariling tunay na estado—nang humaharap sa paulit-ulit na pang-uusig ng aking asawa, ang aking pananalig ay humina, at ito ay tunay na sobrang liit. Dahil doon, gumawa ako ng pagpapasya sa Diyos: Anu’t-anuman, hindi ko hahayaan ang aking sarili na makontrol ni Satanas at ako ay tatayong patotoo para sa Diyos at hihiyain si Satanas.

Sa mga sumusunod na araw, kapag ako ay lumalabas mula sa trabaho tinitignan pa rin ng aking asawa ang aking telepono, at binubura ang lahat ng bagong kaibigan na idinagdag ko sa facebook sa oras na makita niya ang mga ito. Dahil palagi niya akong binabantayan, hindi talaga ako makasali sa pagpupulong sa bahay. Upang maka-ugnay sa mga kapatid, bumili ako ng isa pang telepono at nakikipagtipon sa kanila tuwing break ko sa trabaho.

Ang Aking Asawa ay Binantaan Ako ng Pakikipag-Diborsyo

Pagkatapos, nadiskubre ng aking asawa na ako ay nakikipag-ugnay sa mga kapatid mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Facebook. Pinagbantaan niya ako, sinabing, “Bakit mo muling kinokontak ang mga kapatid mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Sa mga oras na ito, sinusubukan ko ang lahat ng paraan upang pigilan ka na makipag-ugnayan sa kanila, kaya bakit hindi mo ikinokonsidera ang aking damdamin? Kapag ipinilit mo ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, gayon tayo ay magdiborsyo at ibenta ang bahay. Lumayas ka at dadalhin ko ang ating anak. Pag-isipan mo ito.”

Naharap sa ganitong sitwasyon, nakaramdam ako ng lubhang pamimighati. Naisip ko kung paano namin hinihikayat at sinusuportahan ang bawat isa noong naniniwala kami sa Panginoon, ngunit ngayon nais niya na magdiborsyo dahil sa pananalig ko sa Makapangyarihang Diyos. Ito’y nagpapasakit sa akin. Kapag kami ay nagdiborsyo, anong mangyayari sa aming anak kung wala ako na mag-aalaga sa kanya na maliit pa? Talagang papagalitan ako ng aking mga magulang kapag nalaman nila na ako ay nakipagdiborsyo dahil sa aking pananalig.

Sa pag-iisip nito, Nakaramdam ako ng pagkagulo at hindi alam kung anong gagawin na pinaka-nararapat. Kaya mabilis akong nagdasal sa Diyos, “O Diyos, ang aking asawa ay sinusubukang gamitin ang diborsyo upang maisuko ko ang aking pananalig sa Iyo. Alam kong ito ay temtasyon ni Satanas na dumarating sa akin, ngunit ako ay nag-aalala at natatakot ng kaunti. Hindi ko gusto na makipag-diborsyo, o di kaya’y alam kung paano haharapin ito. Diyos, nawa’y bigyan Mo ako ng pananalig upang aking malampasan ang pakana ni Satanas.” Pagtapos ng dalangin na ito, nakaramdam ako ng kapayapaan.

Gayon sinabi ko sa aking asawa, “Hindi ko naiisip ang makipag-diborsyo. Nakita mo ang pag-ibig ko sa iyo at sa ating pamilya sa loob ng mga panahon ng kasal natin. Hindi ko pinabayaan ang ating pamilya matapos maniwala sa Makapangyarihang Diyos. Hindi ko alam kung bakit mo pinagpipilitan na pilitin akong pumili. Kung gusto mong ikaila ko ang Makapangyarihang Diyos at isuko ang aking pananalig sa Kanya, hindi ko magagawa ito. Nais ko na huminahon ka.” Matapos marinig ito, ang aking asawa ay bumalik sa silid-aralan ng walang kahit isang salita.

Ang Susi Upang Malampasan ang temptasyon ay ang Pag-alam sa Soberanya ng Diyos

Sa mga sumusunod na mga araw, hindi ko maipalagay ang aking isipan, nag-aalala na ang aking asawa ay muling itaas ang bagay tungkol sa diborsyo. Kahit na aking napagpasiyahan na sundin ang Diyos, hindi ko gusto na isuko ang aking kasal at pamilya. Sa dahilang ito, ako ay namuhay ng may pagkabalisa.

Minsan, pagkatapos ng pagtitipon, Nalaman ni kapatid Zhang ang aking sitwasyon at kaya nagpadala ng dalawang talata ng mga salita ng Diyos, “Ang Makapangyarihang Diyos, ang Ulo ng lahat ng bagay, ay gumagamit ng Kanyang kapangyarihan bilang hari mula sa Kanyang trono. Namumuno Siya sa ibabaw ng sansinukob at sa lahat ng bagay at ginagabayan Niya tayo sa buong lupa.” “Ang pananampalataya ay gaya ng isang tulay na may iisang troso, sila na matinding nakakapit sa buhay ay mahihirapang tumawid rito, ngunit sila na handang isakripisyo ang kanilang mga sarili ay makatatawid nang walang pangamba. Kung ang tao ay mayroong mga isipang nag-aalala at natatakot, sila ay nililinlang ni Satanas, Natatakot ito na makatatawid tayo sa tulay ng pananampalataya upang makapasok sa Diyos.

Ang mga salita ng Diyos ay nagbibigay sa akin ng pananalig at kalakasan. Ang Diyos ang namumuno at namamahala sa lahat ng mga bagay, at ang pag-iisip at ideya ng tao ay nasa kamay rin ng Diyos, kaya kung makikipagdiborsyo o hindi ang aking asawa sa akin ay nasa Diyos rin ang pag-dedesisyon. Hindi ako maaaring bumigay kay Satanas dahil lamang sa mga bagay na sinabi ng aking asawa. Isa ako sa mga nilikhang tao ng Diyos, isa sa dapat na sumamba sa Diyos. Kahit pa ang aking asawa ay idiborsyo ako, ito ay may pahintulot ng Diyos. Dapat akong sumunod sa soberanya at pagsasaayos ng Diyos at umasa sa aking pananalig upang sumunod sa Diyos hanggang sa huli.

Pagkatapos nito, Si Kapatid Zhang ay nagbahagi ng higit pang pakikisalamuha sa akin, nagsasabing, “Ngayon dahil sa pagkapit sa kanyang sariling pagkakamaling nosyon at paniniwala sa negatibong publisidad, ang iyong asawa ay hindi ka naiintindihan at sinusubukang harangan ang iyong paniniwala sa Diyos. Sa oras na ito, dapat tayong magkaroon ng pananalig sa Diyos at umasa sa Diyos at matibay na tumayo. Anumang oras at kahit ano pang mga bagay ang ating nakakatagpo, Ang Diyos ay gagabayan tayo upang mapagtagumpayan ang mga ito hangga’t sa umaasa tayo sa Kanya. Hindi natin dapat hayaan ang ating sarili na pinipigilan at maging negatibo at tumalikod dahil sa paghadlang at pang-uusig ng ating mga kapamilya. Ngayon mayroong maraming mga katotohanan ang hindi natin nauunawaan, kaya dapat nating punan ang ating sarili ng mas maraming katotohanan sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pagtitipon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Kapag nauunawaan natin ang maraming katotohanan, maaari tayong makipagbahagian kasama ang ating mga kapamilya at tumayong patoo sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Ngayon upang maiwasan ang pagharang at pagsalungat ng iyong asawa, dapat kang gumamit ng karunungan sa pagdalo sa mga pagtitipon. Ang Diyos ay magbubukas ng daan para sa atin hangga’t umaasa tayo ng tapat sa Kanya.’’

Matapos marinig ang kanyang pagbabahagi, nakaramdam ako ng higit na kaginhawahan at nalaman kung paano magsasagawa sa susunod.

Kinalaunan, upang mapigilan ang aking asawa sa pag-alis sa akin sa pagdalo ng mga pagpupulong, sa tuwing ini-iskedyul ang pagtitipon, ako ay nagdarasal sa Diyos bago ang oras at humihiling sa Kanya na bigyan ako ng karunungan at magbukas ng daan para sa akin. Kapag may oras pa ako pagkatapos ng klase, nakikipagkita ako sa mga kapatid sa may park. Minsan, kapag tinatanong ako ng aking asawa kung ano ang aking kailangang gawin, May karunungan kong sinasabi na meron akong appointment sa aking mga kasamahan upang talakayin ang mga bagay sa silid aklatan sa paaralan. Matapos ang ilang panahon, inisip ng aking asawa na hindi na ako nakikipag-ugnyan sa mga kapatid mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kaya hindi na niya binabanggit ang aking pananalig sa Makapangyarihang Diyos o diborsyo. Ganito ako nakadadalo sa mga pagtitipon bawat linggo. Tinatamasa ang buhay Iglesia, Akin pang mas naintindihan ang mas marami pang katotohanan, at higit pa, Nagsimula akong gampanan ang aking tungkulin sa iglesia. Kapag ako ay may oras, ipinalalaganap ko ang ebanghelyo kasama ang aking mga kapatid. Nakaramdam ako ng lubhang kasiyahan at kalayaan.

Ang paulit-ulit na pagdanas ng espiritwal na labanan, tunay kong pinahahalagahan na ang Makapangyarihang Diyos ay ang aking bato, at Siya ay palaging kasama ko, ginagabayan ako upang makita ng malinaw ang mga tusong pakana ni Satanas sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at pinahihintulutan ako na magkaroon ng pananalig at lakas at tumayong patotoo. Kahit na ngayon ang aking asawa ay hindi pa rin sinusuportahan ang aking pananalig sa Makapangyarihang Diyos at sa hinaharap ay maaari kong maranasan ang maraming kapaligiran sa landas ng pagsunod sa Diyos, Naniniwala ako na mula sa pagsuporta ng mga salita ng Diyos sa akin, hangga’t umaasa at tumitingala ako sa Diyos, papatnubayan Niya ako tungo sa lahat ng mga paghihirap.

Tala ng Editor: Pagharap sa ganoong mga espiritwal na labanan, kahit na si Kapatid Grace ay nagdusa ng higit, hindi niya ikinaila o ipinagkanulo ang Diyos. Naantig ako ng kanyang pananalig, at inaasam na siya ay patuloy na umasa sa Diyos at tumayo ng matagumpay na patotoo sa mga sumusunod na labanang espiritwal. Pati na rin, nawa’y lahat tayo ay manalangin para sa kanya ng may iisang isip.

Pinahabang Pagbabasa:

Mag-iwan ng Tugon