Menu

Ano ang Eksaktong Kaibahan sa Pagitan ng Gawain ng Paghuhukom ng Diyos sa mga Huling Araw at ang Gawain ng Panginoong Jesus

Tanong:

Pinatototohanan mo na ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Palagay ko ang ating pananalig sa Panginoong Jesus at pagtanggap sa gawain ng Banal na Espiritu ay nangangahulugan na naranasan na natin ang gawain ng paghatol ng Diyos. Narito ang mga salita ng Panginoong Jesus bilang patunay: “Sapagka’t kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung ano’y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol” (Jn 16:7-8). Naniniwala kami, bagama’t ang gawain ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, matapos Siyang umakyat sa langit at sa araw ng Pentecostes, bumaba ang Banal na Espiritu at nag-impluwensya sa mga tao: “… kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol.” Dapat ay ito ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, kaya ang gusto kong liwanagin ay, ano ba talaga ang mga kaibhan sa pagitan ng gawain ng paghatol sa mga huling araw na ginawa ng Makapangyarihang Diyos at ng gawain ng Panginoong Jesus?

Gawain ng Panginoong Jesus

Sagot:

Dahil kinikilala n’yo na ang ginawa ng Panginoong Jesus ay ang gawain ng pagtubos, at ang paraan na Kanyang ibinigay ay “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit,” ano ang batayan n’yo sa pagpapasiya na dumating ang Banal na Espiritu noong Pentecostes para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw? Bumatay lang kayo sa salita ng Panginoong Jesus na nagsabing, “sapagka’t kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni’t kung ako'y yumaon, siya’y susuguin ko sa inyo. At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol(Juan 16:7-8), nangangahas kayong tiyakin na ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu ay gawain ng paghatol sa mga huling araw, batay ba iyan sa salita ng Diyos? Sinabi ba ng Panginoong Jesus na “Dumating na ang Banal na Espiritu. Ginagawa Niya ang gawain ng paghatol sa sa mga huling araw”? hindi iyan sinabi ng Panginoong Jesus kailanman. Tahasang sinabi ng Panginoong Jesus na, “At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw(Juan 12:47-48). Niliwanag nang husto ng Panginoong Jesus na ang Kanyang ginawa ay hindi gawain ng paghatol. Ipapahayag lang ng Panginoong Jesus ang katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol pagbalik Niya sa mga huling araw. Para sigurado, maling tukuyin ng ilang tao ang gawain ng Banal na Espiritu sa Kapanahunan ng Biyaya bilang gawain ng paghatol ng Diyos. Siyempre, kapag ipinagtapat natin ang ating mga kasalanan at nagsisi tayo sa harap ng Panginoon, kailanga'y nasa atin ang pagkilos at gawain ng Banal na Espiritu para matanggap ang biyaya ng Diyos, matamasa ang kapayapaan at kagalakan. Pero kapag nagsisisi ang isang tao sa Panginoon, at umiyak, nangangahulugan lang iyon na inantig siya ng Banal na Espiritu. Ang gawain ng Banal na Espiritu sa Kapanahunan ng Biyaya ay iba sa gawain ng Banal na Espiritu sa mga huling araw. Pakinggan natin ang dalawang talata ng salita ng Makapangyarihang Diyos at mauunawaan natin kung ano ang paghatol.

Sabi ng Diyos, “Pagdating sa salitang ‘paghatol,’ maiisip mo ang mga salitang sinalita ni Jehova sa lahat ng mga dako at ang mga salita ng pagsaway na sinalita ni Jesus sa mga Fariseo. Bagama’t matigas ang mga pananalitang ito, ang mga ito ay hindi paghatol ng Diyos sa tao, mga salita lamang na sinalita ng Diyos sa loob ng magkakaibang mga kapaligiran, iyon ay, magkakaibang tagpo; ang mga salitang ito ay hindi kagaya ng mga salitang sinalita ni Cristo habang hinahatulan Niya ang tao sa mga huling araw. Sa mga huling araw, Si Cristo ay gumagamit ng sari-saring mga katotohanan upang turuan ang tao, ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at mga gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Lalung-lalo na, yaong mga salitang naglalantad kung papaanong tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinalita patungkol sa kung paanong ang tao ay isang pagsasakatawan ni Satanas at isang pwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagka’t ang diwa ng ganitong gawain ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos”.

Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang Kanyang kahalili. Sapagka’t ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang ang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa gitna ng mga tao. Iyan ay upang sabihing, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at upang ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos”.

Ano ang pakiramdam n’yo matapos makinig sa salita ng Makapangyarihang Diyos? Ang gawain ng paghatol ng Diyos ay isang hiwaga. Kung wala ang pagbubunyag ng Diyos, walang makakaunawa rito. Totoo ba? Malinaw nang naipaliwanag ng Makapangyarihang Diyos kung ano ang paghatol at ang mga epekto ng gawain ng paghatol. Matapos makinig sa salita ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan na ba n'yo nang kaunti ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw? Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay para lubos na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Hindi ito simpleng pagsasabi ng ilang pangaral o pagsumpa sa tao. Ni hindi mapapalaya ng pagpapahayag ng ilang talata ng mga salita ang mga tao mula sa pagkaalipin sa kasalanan para makatanggap ng paglilinis at pagliligtas ng Diyos. Kailangang magpahayag ang Diyos ng sapat na mga salita para ipaliwanag ang lahat ng aspeto ng katotohanan na dapat maunawaan at pasukin ng tiwaling sangkatauhan para makatanggap ng paglilinis at pagliligtas, at ipaalam ang lahat ng hiwaga ng Kanyang plano ng pamamahala sa sangkatauhan. Ang mga salitang ito ay daan-daan, libu-libo pa nga, mahigit pa kaysa mga salitang ipinahayag ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay nakatuon sa pagpapahayag ng katotohanan at ng salita ng paghatol, para hatulan at ilantad ang likas na makademonyong katangian ng tao na kumakalaban at nagtataksil sa Diyos, at ang katotohanan na ginawang tiwali ni Satanas ang tao, na lubos na naghayag ng banal at matuwid at di-maiiwasang disposisyon ng Diyos. Ang lahat ng aspeto ng katotohanan tungkol sa intensyon at mga ipinagagawa ng Diyos sa sangkatauhan, anong klaseng mga tao ang tatanggap ng kaligtasan o parusa, at iba pa, ang ipinaalam sa atin. Sa pagdanas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw, nauunawaan natin ang layunin ng plano ng pamamahala ng Diyos. Matutukoy natin ang positibo at negatibong mga bagay, at malinaw na makikita ang demonyong mukha ni Satanas na walang-habas na kumakalaban sa Diyos. Nauunawaan natin ang katotohanan na lubhang ginawang tiwali ni Satanas ang tao at kinikilala ang ating likas na makademonyong katangian na kumakalaban at nagtatakwil sa Diyos. Patungkol sa matuwid na disposisyon, kapangyarihan, karunungan, at lahat ng tungkol sa mga pag-aari at pagkakilanlan ng Diyos, tumatanggap tayo ng kaunting tunay na pag-unawa at nagkakaroon tayo ng takot sa Diyos. Lumuluhod tayo sa lupa dahil sa hiya, na nadarama na hindi tayo karapat-dapat na mabuhay sa harap ng Diyos. Kinamumuhian at tinatalikuran natin ang ating sarili, unti-unti tayong lumalayo sa pang-aalipin ng kasalanan, namumuhay tayo na katulad ng tunay na tao at tunay na natatakot at sumusunod sa Diyos. Ito ang mga epekto ng pagdanas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ganitong klaseng gawain lang ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Nauunawaan ba n'yong lahat ito?

Kung gayo’y tingnan natin ang Kapanahunan ng Biyaya. Ginawa lamang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos at ipinangaral ang paraan ng pagsisisi, na nagpapakita lamang ng maawain at mapagmahal na damdamin ng disposisyon ng Diyos sa tao. Bagama't nagsabi rin ang Panginoong Jesus ng ilang salita para hatulan ang tao, parusahan at isumpa ang mga Fariseo, Ginawa lamang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos na nakasentro sa pagpapatawad ng mga kasalanan, pagtuturo ng pagsisisi at pagkakaloob ng biyaya. Hindi iyon ang gawaing nakasentro sa paghatol at paglilinis sa mga kasalanan ng tao. Kaya ang gawain ng Panginoong Jesus ay umikot lamang sa gawain ng pagtubos at limitado ang ipinahayag Niyang mga salita na nagturo sa tao kung paano magsisi at mangumpisal ng mga kasalanan, paano maging mapagkumbaba at matiyaga, paano mabinyagan, magpasan ng krus, magdusa, atbp. Sa pananalig sa Panginoon, kailangan lang nating maniwala sa salita ng Panginoon upang mangumpisal at magsisi, sa gayo'y mapapatawad ang ating mga kasalanan. Hindi na tayo hahatulan ng batas at sesentensyahan ng kamatayan. Magiging karapat-dapat tayong manalangin sa Diyos at magtamasa ng biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Ito ang mga epekto ng gawain ng pagtubos ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya, na lubos na naiiba sa mga epekto ng gawain ng paghatol sa mga huling araw. Gayunman, naniniwala ang ilang tao na, sa pagdanas sa gawain ng Banal na Espiritu sa Kapanahunan ng Biyaya at pagtanggap ng kaliwanagan, pangaral at pagdisiplina ng Banal na Espiritu, sa pagdarasal nang may luha, pangungumpisal ng mga kasalanan, at pagkilos nang maayos, talagang ito ang pagdanas ng paghatol at paglilinis ng Diyos. Kung gayo’y itinatanong ko sa inyo, alam ba natin ang ugat ng ating sariling mga kasalanan? Alam ba natin ang diwa ng ating sariling likas na makademonyong katangian na kumakalaban sa Diyos? Alam ba natin ang katotohanan tungkol sa malaking katiwalian ng tao? Malinaw ba nating nakikita ang masamang diwa ni Satanas? Alam ba natin ang matuwid, maringal at di-maiiwasang disposisyon ng Diyos? Talaga bang nakahiwalay tayo sa pang-aalipin at pagkontrol ng mga kasalanatan? Nalinis na ba ang ating makademonyong disposisyon? Naging mapitagan at masunurin ba tayo sa Diyos? Kung hindi pa natin nagagawa ang mga ito, paano masasabi na naranasan na natin ang paghatol at paglilinis ng Diyos? Naintindihan ba n’yo ang pagpapaliwanag ko? Ang gawain ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng biyaya ay hindi ang gawain ng paghatol. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian ay ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw.

Rekomendasyon: Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (4)

Mag-iwan ng Tugon