Paninindigan sa Isang Suliranin sa Paniniwala: ang Ideya ba ng Trinidad ay Mapanghahawakan?
Isang umaga, nagsisihuni ang mga ibon sa labas ng bintana. Gaya ng dati, bumangon ako at sinimulang isagawa ang pagpapanatang espiritwal. Habang binabasa ko ang mga salita ng Panginoon, “Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa: At iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo, at ng buong lakas mo” (Marcos 12: 29-30), hindi ko maiwasang alalahanin na sa panahon ng mga pagtitipon, palaging sinasabi sa amin ng mga pastor at ng matatanda na ang Diyos ay tatluhan. At binasa din nila ang mga salita ng Panginoong Jesus, “Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo” (Mateo 28:19), sinasabi na ang Diyos na si Jehovah ay ang Amang Banal, si Jesus ang Banal na Anak, at na naroroon rin ang Banal na Espiritu, at kapag ang tatlong persona ay pinagsama-sama sa isa, Sila ay nagiging isang tunay na Diyos. Naisip ko sa gayon: Sinabi ng Panginoong Jesus na ang Diyos ay ang nag-iisa Diyos lamang. Dahil mayroon isang Diyos lamang, paano nangyari na mayroon Siyang tatlong persona? Sa talata, ang sinabi lang ng Panginoong Jesus “… sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo;” Hindi Niya sinabi na ang Diyos ay isang Trinidad. Kaya ano ang ibig sabihin ng ideyang Trinidad? Nalito talaga ako tungkol rito.
Kinalaunan, naisip ko ang kapatid na Li: Kababalik lamang niya mula sa pagdalo sa isang programa ng pagsasanay sa ibang lugar, at bukod rito, mangangaral siya sa loob ng maraming taon. Marahil ay malulutas niya ang aking pagkalito. Dahil dito, nagpunta ako sa bahay ng kapatid na Li. Doon, nakilala ko ang kanyang kaibigan, si Zhang Mao, na isa ring mangangaral. Pagkatapos ay sinabi ko sa kanila ang aking pagkalito tungkol sa ideya ng Trinidad, at matiyaga silang nagbahagi sa akin.
Malumanay na sinabi sa akin ni Zhang Mo: “Kapatid na Zhong, ang iyong katanungan ay naging palaisipan din sa akin sa loob ng maraming taon. Kailan ko lang nakuha ang sagot sa isang aklat. Basahin nating magkakasama ang ilang salita sa aklat na ito, at pagkatapos ay malalaman mo ang sagot sa tanong na ito. Kapatid na Li, gusto mong basahin?
Sabi ni kapatid na Li: “OK. Nitong nakaraang mga araw nagbasa rin ako ng ilang mga salita sa aklat na ito. Napatunayan ko na ang mga salitang ito ay talagang praktikal at puno ng awtoridad at kapangyarihan, at pawang katotohanan! Nasagot ng mga ito ang tanong na ito nang napakalinaw. Babasahin ko ang ilang sipi ng mga salita sa aklat na ito: ‘Yamang ang lahat ng tao ay nagsasabing ang Diyos ay ang isa lamang tunay na Diyos, kung gayon ay mayroong nag-iisang Diyos lamang, na hindi kayang hati-hatiin ninuman ayon sa kagustuhan! Ang Diyos ay isang Espiritu lamang, at isang persona lamang; at iyon ay ang Espiritu ng Diyos. Kung ito ay kagaya ng iyong sinasabi, ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, kung gayon hindi ba Sila tatlong mga Diyos? Ang Banal na Espiritu ay isang paksa, ang Anak ay iba pa, at ang Ama ay isa pa rin. Sila’y magkakaibang mga persona na may magkakaibang mga sangkap, kaya paanong ang bawa’t isa sa Kanila ay magiging bahagi ng nag-iisang Diyos? Ang Banal na Espiritu ay isang Espiritu; ito ay madali lamang maintindihan ng tao. Kung ganoon nga, kung gayon ang Ama ay lalong higit pa na isang Espiritu. Hindi Siya kailanman nakakababa sa lupa at hindi kailanman nagiging katawang-tao; Siya ang Diyos na si Jehova sa puso ng tao, at tiyak na Siya ay isa ring Espiritu. Kung gayon ano ang relasyon sa pag-itan Niya at ng Banal na Espiritu? Ito ba ang relasyon sa pag-itan ng Ama at ng Anak? O ito ba ang relasyon sa pag-itan ng Banal na Espiritu at ng Espiritu ng Ama? Ang sangkap ba ng bawa’t Espiritu ay magkapareho? O ang Banal na Espiritu ay isang kasangkapan ng Ama? Paano ito naipapaliwanag? At ano naman ang relasyon sa pag-itan ng Anak at ng Banal na Espiritu? Ito ba ay relasyon sa pag-itan ng dalawang Espiritu o relasyon sa pag-itan ng isang tao at ng isang Espiritu? Ito ang mga bagay na hindi nagkakaroon ng paliwanag! Kung Silang lahat ay isang Espiritu, kung gayon ay hindi nagkakaroon ng usapin tungkol sa tatlong persona, sapagka’t taglay Nila ang iisang Espiritu. Kung magkakaiba Silang mga persona, kung gayon ang Kanilang mga Espiritu ay magkakaiba ng lakas, at tunay na hindi Sila maaaring maging isang Espiritu. Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay pinaka-katawa-tawa!’
‘Ano ang Banal na Ama? Ano ang Anak? Ano ang Banal na Espiritu? Si Jehova ba ang Banal na Ama? Si Jesus ba ang Anak? At ano naman ang Banal na Espiritu? Hindi ba ang Ama ay isang Espiritu? Hindi ba ang sangkap ng Anak ay isa ring Espiritu? Hindi ba ang gawain ni Jesus ay gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba ang gawain ni Jehova sa panahong iyon ay isinakatuparan ng Espiritu kagaya ng kay Jesus? Ilang Espiritu ba maaaring mayroon ng Diyos? Ayon sa iyong paliwanag, ang tatlong persona ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay iisa; kung gayon, mayroong tatlong mga Espiritu, nguni’t ang pagkakaroon ng tatlong mga Espiritu ay nangangahulugan na mayroong tatlong Diyos. Ito ay nangangahulugan na walang isang tunay na Diyos; papaanong ang ganitong uri ng Diyos ay nagtataglay pa rin ng likas na sangkap ng Diyos? Kung tinatanggap mo na may isang Diyos lamang, kung gayon ay paano Siya nagkakaroon ng isang anak at nagiging isang ama? Hindi ba’t mga paniwala mo lamang ang lahat ng mga ito?’” (“Umiiral ba ang Trinidad?”).
Pagkabasa ni kapatid Li sa mga salitang ito, ibinahagi ni Zhang Mo: “Sinasabi sa atin ng mga salitang ito na pinaghihiwa-hiwalay ang Diyos ng ideya ng Trinidad ng Ama, Anak, at ng Banal na Espiritu, isa itong maling aral. Mayroon isang Diyos lamang. At ang Diyos ay isang persona lamang, at ang Kanyang sangkap ay ang Espiritu. Kaya, ang ideya ng Trinidad ay hindi umiiral sa anumang paraan. Sa Kapanahunan ng Kautusan, hindi kailanman sinabi ng Diyos na si Jehovah sa mga Israelita na ang Diyos ay isang Trinidad. Gayundin, si Moises, ang tao na kinasangkapan ng Diyos sa panahong iyon, at ang mga propeta kagaya nina Isaias at Daniel, ay hindi nagsabi na ang Diyos ay binubuo ng Amang Banal, ng Banal na Anak, at ng Banal na Espiritu. Sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi kailanman sinabi ng Panginoong Jesus na ang Diyos ay tatluhan. Nang ang mga disipulo at mga apostol ng Panginoon ay naglakbay sa lahat ng dako upang mangaral at gumawa, hindi sila sumaksi na ang Diyos ay isang Trinidad. Sinasabi ng Biblia: ‘At ang Panginoo’y magiging Hari sa buong lupa: sa araw na yao’y magiging ang Panginoon ay isa, at ang kaniyang pangalan ay isa’ (Zacarias 14:9). Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang pangulo ay, Pakinggan mo, Oh Israel; Ang Panginoon nating Dios, ang Panginoon ay iisa’ (Marcos 12:29). Ang Diyos ay natatangi. Ang Diyos na si Jehovah ay Espiritu; ang panginoong Jesus ay ang katawang-tao ng Espiritu ng Diyos, ang Diyos Mismo, at ang Kanyang kakanyahan ay Espiritu rin; Ang Banal na Espiritu ay Espiritu pa rin. Kung gayon, ang Diyos ang iisang tunay na Diyos, at tiyak na hindi Siya maaaring hatiin sa magkakaibang persona. Kung gayon, ang Trinidad ay walang batayan sa Biblia, ni ito ay naaayon sa mga salita ng Diyos. Ito ay mali at ganap na produkto ng mga pagkaunawa at mga kathang-isip ng tao.”
Pagkarinig sa mga salitang ito sa aklat na ito at sa pagbabahagi ng kapatid na Zhang, nadama ko na ang mga ito ay makatuwiran. Gayunman mayroon pa ring ilang pagdududa sa puso ko, kaya nagtanong ako: “Kapatid na Zhang, sinabi mo ngayon lang na ang ideya ng Trinidad ay hindi sinusuportahan ng mga salita ng Diyos. Ngunit hindi ko pa rin maunawaan: Nang ipinaliliwanag ng mga mangangaral at ng matatanda ang Trinidad binabasa rin nila ang mga salita ng Diyos. Sinasabi nila kung paanong ito ay naitala sa Biblia na pagkatapos mabautismuhan ng Panginoong Jesus, isang tinig mula sa langit ang nagsabing ‘Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.’ Sinasabi rin nila kung paano madalas tawaging Ama ng Panginoong Jesus ang Diyos sa langit, at na sinabi Niyang ‘ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin’ at ‘Ako at ang Ama ay iisa.’ Sa mga talatang ito ay mayroong kasabihan ng Ama at ng Anak. Kaya ano ang nangyayari rito?
Matiyagang sumagot si Zhang Mo, “Ang totoo, pagkatapos maging tao ng Panginoong Jesus at dumating sa lupa doon lamang nagkaroon ng kasabihan ng Ama at ng Anak. Kapatid na Zhong, kababanggit mo lang na pagkatapos mabautismuhan ng Panginoong Jesus, isang tinig mula sa langit ang nagsabing, ‘Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.’ ito ang Diyos na nagpapatotoo sa Kanyang Sarili; pinatototohanan Niya ang Kanyang katawang-tao mula sa pananaw ng Espiritu, sapagkat hindi nalalaman ng mga tao sa panahong iyon na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo at kung kaya kinailangan nila ang patotoo ng Banal na Espiritu. Sunod nating tingnan ang pag-uusap na nakatala sa Ebanghelyo ni Juan sa pagitan ni Felipe at ng Panginoong Jesus: ‘Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo’y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa’ (John 14: 8-10). Inisip ni Felipe, na kulang ang kaalaman sa Panginoong Jesus, na ang Panginoong Jesus ay ang Anak at mayroong Diyos Ama sa langit, kaya sinabi niya sa Panginoon, ‘ipakita mo sa amin ang Ama.’ Itinama pagkatapos ng Panginoon ang kaniyang kamalian, na sinasabing ‘ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama’ at ‘ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin.’ Iyon ay, ang Ama ay ang Anak. Ang Anak ay ang Ama, at ang Ama at ang anak ay dati nang iisa at iisa sa Espiritu. Sinabi ito ng Panginoong Jesus upang malinaw na sabihin sa atin na Siya at ang Ama ay iisa at iisang Diyos. Ang totoo, dahil lamang sa pagkakatawang-tao ng Diyos kaya nagkaroon ng ideya ng Ama at ng Anak. At ang ideyang ito ay angkop lamang sa panahong kung saan gumawa ang Panginoong Jesus sa lupa. Pagkaalis ng Panginoong Jesus, ang ideya ng ng Ama at ng Anak ay hindi na umiral.”
Habang lalong nadaragdagan ang aking naririnig, lalo kong nauunawaan. Tuwang-tuwa kong sinabi, “Oo! Totoo na nagkaroon ang ideya ng Ama at ng anak pagkatapos lamang ng pagdating ng Panginoong Jesus. Lumalabas na nang sabihin ng Diyos ‘Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan,’ Siya ay sumasaksi sa Kanyang katawang-tao mula sa pananaw ng Espiritu. Nang sabihin ng Panginoong Jesus ‘ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin’ at ‘Ako at ang Ama ay iisa,’ sinasabi Niya na Siya at ang Diyos na si Jehovah ay dating iisa at iisang Espiritu, at na ang Diyos ay ang iisang tunay na Diyos. Salamat sa Panginoon! Nakatitiyak na ako ngayon na ang Trinidad ay talagang mula sa mga pagkaunawa at kathang-isip ng mga tao, at ito ay hindi mapanghahawakan!”
Pagkarinig sa aking mga salita, ang kapatid na Li ay tuwang-tuwang tumango.
Sa panahong iyon, isa pang tanong ang biglang sumulpot sa isip ko. Kaya sinabi ko, “Kapatid na Zhang, kapatid na Li, kasasabi palang ninyo na nang tinawag ng Diyos ang Panginoong Jesus na Kanyang sinisintang Anak, Siya ay nagpapatotoo mula sa pananaw ng Espiritu na ang Panginoong Jesus ay ang pagkakatawang-tao ng Diyos, at nauunawaan ko ito. Subalit tinawag ng Panginoong Jesus ang Diyos sa langit sa pangalang Ama sa Kanyang pananalangin sa Gethsemane, kaya paano ko dapat umawain ito? Mangyaring ibahagi sa akin.”
Sinabi ng kapatid na Li, “Tungkol sa iyong tanong, pinakalinaw ito ng mga salita sa aklat. Magbasa tayo ng ilan pang sipi ng mga salita: ‘Nang tinawag ni Jesus sa pangalang Ama ang Diyos sa langit habang Siya ay nananalangin, ito ay ginawa lamang mula sa pananaw ng isang taong nilikha, dahil lamang sa dinamitan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang Sarili bilang isang karaniwan at normal na tao at nagkaroon ng panlabas na panakip ng isang nilikhang pagkatao. Kahit na ang nasa loob Niya ay ang Espiritu ng Diyos, ang Kanyang panlabas na anyo ay nanatili pa ring yaong sa karaniwang tao; sa ibang salita, Siya ay naging ang “Anak ng tao” na sinabi ng lahat ng tao, kabilang si Jesus Mismo. Sabihin nang Siya ay tinawag na Anak ng tao, Siya ay tao (maging lalaki man o babae, sa alin mang kaso ay isa na may panlabas na pabalat ng isang tao) ipinanganak sa isang normal na sambahayan ng mga karaniwang tao. Samakatuwid, ang pagtawag ni Jesus sa Diyos sa langit sa pangalang Ama ay katulad lamang ng kung paano ninyo Siya tinawag na Ama noong una; ginawa Niya ang ganoon mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Natatandaan pa ba ninyo ang Panalangin ng Panginoon na itinuro ni Jesus sa inyo na kabisaduhin? “Ama namin na nasa langit….” Sinabi Niya sa lahat ng tao na tawagin ang Diyos sa langit sa pangalang Ama. At yamang tinawag Niya rin Siyang Ama, Kanyang ginawa ang ganoon mula sa pananaw ng isang nasa katayuan na kagaya ng sa inyong lahat. Yamang tinawag ninyo ang Diyos sa langit sa pangalang Ama, ipinakikita nito na nakita ni Jesus ang Kanyang Sarili na kapantay ninyo, at bilang isang tao sa lupa na pinili ng Diyos (iyon ay, ang Anak ng Diyos). Kung tinatawag ninyo ang Diyos na “Ama,” hindi ba ito ay dahil sa kayo ay taong nilikha? Gaano man kadakila ang awtoridad ni Jesus sa lupa, bago ang pagkakapako sa krus, Siya ay Anak lamang ng tao, pinamamahalaan ng Banal na Espiritu (iyon ay, ng Diyos), at isa sa mga nilikhang tao sa lupa, sapagka’t hindi pa Niya nakukumpleto ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang pagtawag Niya ng Ama sa Diyos sa langit ay tanging Kanyang kababaang-loob at pagkamasunurin. Ang Kanyang pagtawag sa Diyos (iyon ay, ang Espiritu sa langit) sa gayong paraan, gayunman, ay hindi nagpapatunay na Siya ay ang Anak ng Espiritu ng Diyos sa langit. Sa halip, ito lamang ay dahil iba ang Kanyang pananaw, hindi dahil sa Siya ay ibang persona. Ang pag-iral ng magkakaibang mga persona ay isang kamalian!’ ‘Nanalangin si Jesus mula sa pananaw ng katawang-tao. Yamang nagbihis Siya ng isang katawang-tao ng gayong normal na pagkatao, ito ay mula sa pananaw ng katawang-tao na Kanyang sinabi: “Ang aking balat ay yaong sa nilikhang tao. Yamang Ako ay nagbihis ng katawang-tao upang makarating dito sa lupa, Ako ngayon ay malayo, malayung-malayo mula sa langit.” Sa kadahilanang ito, makakapanalangin lamang Siya sa Diyos Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Ito ang Kanyang tungkulin, at ito ang dapat maipagkaloob sa nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos. Hindi masasabi na hindi Siya Diyos dahil lamang sa nananalangin Siya sa Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Bagama’t tinatawag Siya na sinisintang Anak ng Diyos, Siya pa rin ay Diyos Mismo, sapagka’t Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, at ang Kanyang sangkap ay ang Espiritu pa rin.’ ‘Walang pagkakataon na kung saan ang ideya ng Trinidad ng Ama, Anak, at Banal na Espiritu ay nakakatayô; ito ay isang maling aral na bihirang makita sa hinaba-haba ng mga kapanahunan at hindi umiiral!’” (“Umiiral ba ang Trinidad?”).
Pagkatapos, si Zhang Mo ay nagbahagi. “ Mula sa mga salitang ito, malalaman natin na nang tawaging Ama ng Panginoong Jesus ang Diyos sa langit habang Siya ay nananalangin sa Gethsemane, ginawa Niya iyon mula sa pananaw ng katawang-tao, iyon ay, mula sa pananaw ng isang nilalang—ito ang kababang-loob at pagkamasunurin ng Panginoong Jesus. Gayunpaman, maraming mga tao, dahil hindi nila nauunawaan ang katotohanang ito, ang nag-iisip na dahil nanalangin ang Panginoong Jesus sa Diyos Ama, pinatutunayan nito na ang Panginoon ay ang Anak ng Diyos Ama—na ang Diyos sa langit ay ang Amang Banal at si Cristong nasa lupa ay ang Banal na Anak. Ang lahat ng ito ay ang pagkaunawa at kathang-isip ng mga tao. Ang kakanyahan ng Diyos ay Espiritu at kaya paanong Siya ay magiging isang Ama o Anak? Ang Panginoong Jesus ay ang nagkatawang-taong Diyos at ang Kanyang kakanyahan ay Espiritu. Ang Kanyang pagtawag ng Ama sa Diyos sa langit na mula sa pananaw ng isang tao ay ang pagkamasunurin ni Cristo sa Ama na nasa langit. Kaya, hindi alintana kung kailan, walang gayong bagay kagaya ng Trinidad ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.”
Pagkarinig sa kanilang pagbabahagi, nadama ko na parang ako ay nagigising mula sa isang panaginip. Nadama ko rin na ako ay masyadong mangmang na basta na lamang nakikinig sa mga maling aral na ipinapalaganap ng mga pastor at ng matatanda: Ang mga relihiyosong mga lider na ito ay talagang mapaminsala.” Kagaya ng sinabi ng Panginoong Jesus: “sila’y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay” (Mateo 15:14).
Kinalaunan, pinabasa sa akin ng Kapatid na Zhang ang isa pang sipi ng mga salita sa aklat: “May isang Diyos lamang, isang persona lamang sa Diyos na ito, at isang Espiritu ng Diyos lamang, yamang ito ay nakasulat sa Biblia na ‘Mayroon lamang isang Banal na Espiritu at isang Diyos lamang.’ Hindi alintana kung ang Ama at ang Anak man na iyong sinasabi ay umiiral, matapos ang lahat ay may isang Diyos lamang, at ang sangkap ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu na inyong pinaniniwalaan ay ang sangkap ng Banal na Espiritu. Sa ibang salita, Ang Diyos ay Espiritu, nguni’t may kakayahan Siyang maging katawang-tao at mamuhay sa gitna ng mga tao, gayundin ay mangibabaw sa lahat ng mga bagay. Ang kanyang Espiritu ay sumasa-lahat at nasa lahat ng dako. Kaya Niyang sabay-sabay na mapasa-katawang-tao at mapasa-lahat ng dako ng sansinukob. Yamang ang lahat ng tao ay nagsasabing ang Diyos ay ang isa lamang tunay na Diyos, kung gayon ay mayroong nag-iisang Diyos lamang, na hindi kayang hati-hatiin ninuman ayon sa kagustuhan! Ang Diyos ay isang Espiritu lamang, at isang persona lamang; at iyon ay ang Espiritu ng Diyos” (“Umiiral ba ang Trinidad?”). Sa pamamagitan ng mga salitang ito nagkaroon ako ng isang mas malinaw na pagkaunawa: Ang Diyos ay Espiritu, at mayroong isang Espiritu lamang, hindi siya maaaring hatiin sa magkakaibang persona. Wala ring gayong bagay kagaya ng ideya ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. Ang Espiritu ng Diyos ay sumasaklaw sa lahat at pinupuno ang kabuuan ng sansinukob. Ito ay para sa kapakanan lamang ng mga pangangailangan ng kanyang gawain at para sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan na ang Espiritu ng Diyos ay nadamitan ng laman bilang isang tao, at dumating sa lupa upang bigkasin ang Kanyang mga salita at gawin ang Kanyang gawain; ito ang dakilang pag-ibig ng Diyos.
Rekomendasyon: