Alam Mo Ba ang Karunungan ng Pagsisiyasat sa Tunay na Daan?
Ito ngayon ang pinakamahalagang sandali ng pagsalubong sa Panginoon. Sa buong mundo, tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay bumalik na bilang ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, na nagpapahayag nang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia at isinasagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Ngunit nang nakita nila ang gobyerno ng CCP at ang mga pastor at elders ng relihiyosong mundo ay kinokondena ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, maraming mga tao ang naniniwala na hindi ito ang tunay na daan, at kaya hindi nila ito sinasaliksik o tinitingnan man lang. Kung sisiyasatin natin ang tunay na daan nang hindi hinahanap ang kalooban ng Diyos, bagkus ay nagtutuon sa pagtrato ng relihiyosong mundo at ng gobyerno ng Tsina, ito ba ang karunungan na dapat nating taglayin kapag sinisiyasat ang tunay na daan? Ano eksakto ang karunungan ng pagsisiyasat sa tunay na daan? Paano natin sisiyasatin ang tunay na daan upang magawa nating salubungin ang Panginoon? Tutuklasin natin ngayon ang mga isyu na ito sa pamamagitan ng fellowship.
Ang Karunungan ng Pagsisiyasat sa Tunay na Daan (1)
Ang ilan sa mga tao ay naniniwala na bago nila siyasatin ang tunay na daan, kailangan muna nilang makita kung ano ang palagay ng relihiyosong mundo at pambansang pamahalaan. Iniisip nila na, kung ang relihiyosong mundo at ang may mga kapangyarihan ang hahatol at uusig dito, imposibleng maging tunay na daan ito. Ngunit naaayon ba ang interpretasyon na ito sa kalooban ng Diyos, at naaayon ba ito sa mga katotohanan? Dalawang libong taon na ang nakalilipas, hindi pa nagtatagal ng ipinanganak ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus, nang Siya ay ipatugis ni Haring Herodes. Matapos pormal na simulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, ang mga punong pari, eskriba at Fariseo ng relihiyosong mundo ay lantad na sumalansang at kinondena Siya; ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang hanapan ng kasalanan ang Panginoong Jesus, at hinusgahan at nilapastangan nila Siya, na sinabing nagsasalita Siya ng mga kalapastanganan. Nagpakalat din sila ng mga alingawngaw sa mga pangkaraniwang mga Hudyo, kinondena ang daan ng Panginoong Jesus bilang maling pananampalataya, at sa huli ay nakipagsabwatan sa mga awtoridad ng Roma upang maipako Siya sa krus—ito ang katotohanan na malinaw sa buong mundo. Kung susubukan nating maabot ang anumang konklusyon batay sa ating sariling mga pananaw, sa paniniwalang ang anumang daan na hinahatulan ng pambansang pamahalaan at ng relihiyosong mundo ay hindi maaaring maging tunay na daan, hindi ba’t hinahatulan din natin ang Panginoong Jesus? Malinaw na hindi ito ang tamang landas na dapat lakaran upang siyasatin ang tunay na daan.
Sa katunayan, kung pagninilay-nilayan at hahanapin natin nang mabuti, makikita natin sa mga katunayan ng pag-uusig sa Panginoong Jesus ang karunungan na dapat nating taglayin sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Matagal nang sinabi ng Panginoong Jesus, “Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11:29). “At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa” (Juan 3:19). Si Satanas ay nakahawak sa mundo at ang lahat ng sangkatauhan ay nakatira sa ilalim ng kanyang dominyon. Walang sinumang tumatanggap sa pagdating ng tunay na Diyos at itinataboy ng mundo ang pagkakaroon ng liwanag—paanong hindi tatanggihan ng masamang henerasyong ito ang pagdating ng tunay na Diyos sa gitna ng tao? Nang magpakita ang Panginoong Jesus at isinagawa ang Kanyang gawain, inusig at kinondena Siya ng buong relihiyosong Hudyo at ng mga awtoridad ng Roma, gayunman kahit papaano man nila inusig at malupit na pinahirapan Siya, o kung gaano man nila ginawa ang kanilang buong makakaya upang pigilan Siya, ang ebanghelyo ng Panginoong Jesus ay lumaganap pa rin tulad ng nagbabagang apoy, sa gayon lubos na pinapatunayan na “Simula pa noong sinaunang panahon, ang tunay na daan ay napapailalim sa pag-uusig” at “Ang nagmumula sa Diyos ay dapat umunlad.” Samakatuwid, mas galit na galit na hinahatulan ng satanikong rehimen at ng relihiyosong mundo, mas dapat nating saliksikin at siyasatin ito upang makita kung ang daan na ito ay may gawain ng Banal na Espiritu at kung nagmula ito sa Diyos. Ito lamang ang karunungan na dapat nating taglayin kapag sinisiyasat ang tunay na daan.
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagpapatotoo ngayon nang hayagan na ang Panginoong Jesus ay bumalik bilang ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw. Kapag nakikita natin ang gobyernong CCP at mga pastor at elders ng relihiyosong mundo na kinokondena ang Makapangyarihang Diyos at kaya pipiliin na ’di saliksikin at siyasatin ang tunay na daan, kung gayon hindi ba natin lubusang pinalalampas ang ating pagkakataon na salubungin ang Panginoon? Simula ng magpakita ang Makapangyarihang Diyos at nagsimulang gumawa noong 1991, dumanas na Siya ng labis na pagkondena at pag-uusig ng ateyistang gobyerno ng CCP at ng relihiyosong mundo, sa gayon tiyak na tinutupad ang propesiya ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). Dangan ang tunay na daan ay palaging pinag-uusig mula pa noong unang panahon at ang anumang nagmumula sa Diyos ay dapat na umunlad, at kahit gaano pa hatulan at labanan ng pamahalaan ng CCP at mga pastor at elders, ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ay lumaganap pa rin sa buong lupain ng Tsina, na may milyun-milyong mga tao na tumatanggap sa ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos—Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao—ay matagal nang nasa online, at maraming mga nagmamahal sa katotohanan mula sa mga iba’t-ibang bansa sa buong mundo na nagnanais na magpakita ang Diyos, ang nag-online upang saliksikin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Ang gawain at mga salita ng Makapangyarihang Diyos, samakatuwid, ay kumikislap tulad ng kidlat mula sa Silangan patungo sa Kanluran, at ang mga simbahan ng Makapangyarihang Diyos ay naitatag sa maraming mga bansa bukod sa Tsina, sa gayo’y tinutupad ang mga salita ng Panginoong Jesus nang sinabi Niya, “Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27). Ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay mabilis na lumalaganap sa ilalim ng matinding kalupitan, at ito ang matibay na patunay na ang Banal na Espiritu ay gumagawa, tulad na lamang noong isinagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain. Kung tunay na naiintindihan natin na ang tunay na daan ay palaging pinag-uusig mula pa noong unang panahon, at na kung ano ang nagmumula sa Diyos ay dapat umunlad, kung gayon sa pagsisiyasat natin sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, tayo’y hindi na mapipigilan o makokontrol ng mga salita ng paghatol na sinasabi ng relihiyosong mundo at ng rehimeng satanikong CCP. Samantala, dapat may kusa tayong saliksikin at siyasatin ito, dahil ito lamang ang karunungan na dapat nating taglayin kapag sinisiyasat ang tunay na daan, at sa pamamagitan lamang ng paggawa nito ay masasalubong natin ang Panginoon.
Ang Karunungan ng Pagsisiyasat sa Tunay na Daan (2)
Bukod sa pagkumpirma na ang tunay na daan ay palaging inuusig mula noong unang panahon at na ang nagmumula sa Diyos ay dapat umunlad, mayroong isa pa, na mas mahalagang aspeto na dapat nating maunawaan tungkol sa karunungan na dapat nating taglayin sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Ang Panginoong Jesus ay minsang nagpropesiya, “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). At iprinopesiya ng Aklat ng Pahayag, “Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20). “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7). Sabi ng Diyos, “Yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagka’t kung saan man naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan man naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan man naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saan man nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.”
Ang mga salitang ito ay nagpapakita sa atin na sa pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, magpapahayag Siya ng maraming mga katotohanan at gagamitin ang Kanyang mga salita upang kumatok sa mga pintuan ng ating mga puso. Ang lahat ng nakikinig sa tinig ng Diyos at may kakayahang tanggapin at sundin ito ay ang mga matatalinong dalaga na maaaring sumama sa Panginoon sa Kanyang piging. Kung sinisiyasat natin ang tunay na daan, samakatuwid, kinakailangan na magtuon tayo sa pakikinig sa tinig ng Diyos upang makita kung ang daang ito ay may mga pagpapahayag ng katotohanan at kung ang Diyos Mismo ang nagsasalita. Ito ang isa pang aspeto ng karunungan sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Sapagkat ang Diyos ang katotohanan, daan, at buhay, samakatuwid ang Kanyang mga salita ay hindi mapapasubaliang mga katotohanan, at dahil ang mga salitang ipinahayag ng Diyos ay mga pagpapahayag ng Kanyang kakanyahan, mga pagpapakita ng Kanyang disposisyon, at mga salitang hindi kailanman maipapahayag ng sinumang nilalang, sa pagsisiyasat natin sa tunay na daan, kung gayon, hangga’t sigurado tayo na ang daang ito ay may mga pagpapahayag ng katotohanan at maaari itong magdala sa atin ng daan at buhay, kung gayon ito ay ang gawain at mga salita ng Diyos, ito ay ang pagpapakita ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagtanggap at pagpapasakop dito, sa gayon ay sinasalubong natin ang pagbabalik ng Panginoon. Noong isinagawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, halimbawa, sina Pedro, Juan, Nathaniel, at ang iba pa ay nagawang salubungin ang Mesiyas sapagkat sila ay nagtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos. Nang marinig nila ang awtoridad at kapangyarihan sa mga salita ng Panginoong Jesus, nang makita nila na lubos na naipaliwanag ng Panginoon ang maraming mga hiwaga at nakita ang kaibuturan ng puso ng tao, at lagi Niyang nalulutas ang mga problema at kahirapan ng mga tao, sa gayon ay nakilala nila ang Panginoong Jesus bilang ang Mesiyas, at sa huli ay sumunod sa Kanya at natanggap ang Kanyang kaligtasan. Sa kabaligtaran, ang mga eskriba at Fariseo sa mundo ng relihiyon ay hindi nagtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos, at kahit gaano pa ka-puno ng awtoridad at kamakapangyarihan ang mga salita ng Panginoong Jesus, pinili pa rin nila na huwag saliksikin o siyasatin ang Kanyang gawain, at galit na galit nilang nilabanan at hinatulan ang Panginoon. Sa huli, kanila Siyang ipinako sa krus, at sa gayon sinumpa sila at pinarusahan ng Diyos. Samantala, ang karaniwang mga Hudyo ay pinili din na ’di magtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos, bagkus pikit-matang naniwala sa sinasabi ng mga pinuno ng relihiyosong komunidad. Sumama sila sa mga Fariseo at nilabanan ang Diyos, at sa huli naiwala ang kaligtasan ng Diyos magpakailanman. Ang mga aral na ito ng kasaysayan ay nagpapakita sa atin na kung nais nating siyasatin ang tunay na daan at masalubong ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw, dapat tayong magtuon na makinig sa tinig ng Diyos at hanapin kung ano ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia. Ito lamang ang karunungan at landas ng pagsisiyasat sa tunay na daan. Kapag naririnig natin ang mga pananalita ng Banal na Espiritu, hindi ba’t naririnig natin ang tinig ng Diyos at tinatanggap ang Panginoon?
Sa buong mundo, tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang bukas na nagpapatotoo na bumalik na ang Panginoong Jesus, at nagpahayag Siya ng milyun-milyong mga salita at nagsasagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Talagang tinutupad nito ang mga propesiya ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:48). Ang mga salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos—Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao—ay matagal ng nailathala sa online para sa lahat ng nananabik sa katotohanan at naghahanap sa pagpapakita ng Diyos upang magsaliksik at magsiyasat. Ang mga salitang ito ay hindi lamang inilalantad ang misteryo ng anim-na-libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, ang misteryo ng pagkakatawang-tao, ang panloob na kwento at diwa ng tatlong yugto ng gawain, at ang kahalagahan ng mga pangalan ng Diyos, sinasabi rin ng mga ito sa atin kung paano ginawang tiwali ni Satanas ang tao, kung paano inililigtas ng Diyos ang tao nang hakbang-hakbang, kung paano nililinis, binabago at pineperpekto ang tao sa mga huling araw, kung ano ang patutunguhan at hantungan na naghihintay sa iba’t ibang uri ng tao, kung paano natin dapat hangarin na mabuhay ng may isang tunay na wangis ng tao, kung paano tayo magiging matapat na tao, kung paano tayo magiging matapat at masunurin sa Diyos, kung paano natin dapat hangarin na makamit ang ganap na kaligtasan at makapasok sa kaharian ng langit, at higit pa. Sa pamamagitan ng pakikinig sa tinig ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagsaksi na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na nagtataglay ang mga ito ng awtoridad at kapangyarihan, at ang mga salita ng Diyos, ang mga tao mula sa lahat ng relihiyon at denominasyon na nagnanais na magpakita ang Diyos ay bumalik na ngayon sa harap ng trono ng Diyos, nang sunod-sunod. Kaya sa pamamagitan ng pagbabasa nang higit pa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, malalaman natin kung ang mga ito ay tinig ng Diyos, at kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagpapakita ng Diyos sa gawa.
Nasabi nang lahat, may dalawang aspeto sa karunungan na dapat nating taglayin kapag sinisiyasat ang tunay na daan: Ang isa ay upang maunawaan na ang tunay na daan ay laging inuusig mula pa noong unang panahon, na ang lahat na nagmumula sa Diyos ay dapat na umunlad, at na mas higit na inuusig ang daan, mas dapat nating saliksikin at siyasatin ito; ang pinakamahalagang aspeto ay, habang hinahanap at sinisiyasat natin ang tunay na daan, dapat tayong magtuon sa pakikinig sa tinig ng Diyos at hanapin at siyasatin ang kasalukuyang gawain at salita ng Diyos. Kung makakamit natin ang dalawang aspeto ng karunungan sa pagsisiyasat sa tunay na daan, gayon ay hindi tayo maliligaw sa ating daan. Sa halip, maririnig natin ang tinig ng Diyos, masusundan ang Kanyang mga yapak, masasalubong ang nagbalik na Panginoon, at matatamo ang kaligtasan ng Diyos sa mga huling araw.
Tala ng Editor: Inaasahan namin na, sa pamamagitan ng pagbabasa ng artikulong ito, mauunawaan mo na ngayon ang karunungan ng pagsisiyasat sa tunay na daan. Kung sa palagay mo makakatulong ito, mangyaring patuloy na suriin ang aming website, dahil naglalagay kami ng mga bagong artikulo palagi upang matugunan ang anumang pangangailangan mo. Kung mayroon kang anumang karagdagang mga katanungan, maaari kang makipag-ugnayan sa amin anumang oras sa pamamagitan ng aming mga online chat buttons.