Sa oras na ang gawain ng panlulupig sa tao ay makumpleto na, ang tao ay dadalhin sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, walang duda, sa mundo pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na kakamtin ng sangkatauhan matapos na ang sangkatauhan ay ganap nang malupig, ito ay magiging bagong simula ng tao sa mundo, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang kaharian. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay marahil, matapos ang tao ay malinis at malupig, siya ay susuko sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na inaasam ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain sa pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao. Ngunit ang pangakong ito ay hindi kaagad maisasakatuparan: Ang tao ay papasok sa hinaharap na hantungan sa oras lamang na maging ganap ang gawain sa mga huling araw at siya ay ganap nang nalupig, iyon ay, sa oras na si Satanas ay ganap nang natalo. Ang tao ay hindi na magkakaroon ng makasalanang kalikasan pagkatapos na siya ay madalisay, dahil madadaig na ng Diyos si Satanas, na nangangahulugan na hindi na makapanghihimasok ang mga masamang puwersa, at walang masamang mga puwersa ang maaaring sumalakay sa laman ng tao. At kaya makalalaya ang tao, at magiging banal—siya ay makapapasok sa kawalang-hanggan. Kapag ang masasamang puwersa ng kadiliman ay naigapos na saka pa lamang magiging malaya ang tao saan man siya magpunta, at nang walang paghihimagsik o pagsalungat. Si Satanas ay kailangang maigapos para maging maayos ang tao; sa ngayon, hindi siya maayos sapagkat si Satanas ay naghahasik pa rin ng kaguluhan kahit saan sa lupa, at sapagkat ang kabuuang gawain sa pamamahala ng Diyos ay hindi pa umaabot sa kanyang katapusan. Sa oras na matalo na si Satanas, ang tao ay magiging lubos nang malaya; kapag natamo ng tao ang Diyos at nakalabas sa ilalim ng sakop ni Satanas, kanyang pagmamasdan ang Araw ng pagkamatuwid. Ang buhay na karapat-dapat sa normal na tao ay mababawi; lahat ng dapat taglayin ng isang normal na tao—kagaya ng kakayahan na mawari ang mabuti sa masama, at pagkaunawa kung papaano pakainin at damitan ang sarili, at ang kakayahan na mabuhay nang normal—ang lahat ng ito ay mababawi. Kung si Eba man ay hindi natukso ng ahas, ang tao ay nagkaroon dapat ng normal na buhay pagkatapos na siya ay likhain noong pasimula. Siya dapat ay nakakain, dinamitan, at isinabuhay ang normal na buhay ng tao. Ngunit pagkatapos na ang tao ay maging ubod nang sama, ang buhay na ito ay naging pangarap na lamang, at kahit ngayon hindi nagtatangka ang tao na isipin ang gayong mga bagay. Sa katunayan, ang magandang buhay na kinasasabikan ng tao ay isang pangangailangan: Kung ang tao ay walang gayong hantungan, kung gayon ang kanyang buhay sa lupa na ubod nang sama ay hindi kailanman titigil, at kung walang gayong magandang buhay, hindi na magkakaroon ng konklusyon ang kapalaran ni Satanas o ang panahon na kung saan nasasakop pa ni Satanas ang dominyon ng buong lupa. Kailangang makarating ng tao sa isang kaharian na hindi maaabot ng mga puwersa ng kadiliman, at kapag nagawa niya, mapatutunayan nito na si Satanas ay natalo na. Sa ganitong paraan, sa oras na wala na ang panggugulo ni Satanas, Ang Diyos Mismo ang mamamahala sa sangkatauhan, at Kanyang aatasan at pamamahalaan ang buong buhay ng tao; ito lamang ang maituturing na pagkatalo ni Satanas. Ang buhay ng tao ngayon ay karamihang buhay ng karumihan, ay buhay pa rin ng pagdurusa at dalamhati. Hindi ito matatawag na pagkatalo ni Satanas; ang tao ay hindi pa nakatatakas sa dagat ng pagdurusa, hindi pa nakatatakas sa kahirapan ng buhay ng tao, o ng impluwensya ni Satanas, at siya ay may kakatiting pa ring pagkakilala sa Diyos. Ang lahat ng paghihirap ng tao ay gawa ni Satanas, si Satanas ang nagdala ng mga pagdurusa sa buhay ng tao, at pagkatapos lamang maigapos si Satanas makatatakas nang lubos ang tao mula sa dagat ng pagdurusa. Ngunit ang pagkagapos ni Satanas ay nakakamit sa pamamagitan ng paglupig at pagtamo sa puso ng tao, sa pamamagitan ng pagturing sa tao na samsam sa digmaan kay Satanas.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan