Ang Lahat ba ng mga Salita sa Biblia ay Hango sa Diyos?
Pansin ng Patnugot: Ang Kristiyanong si Liu Xun ay palaging naniniwala na ang Biblia ay mula sa inspirasyon ng Diyos, at lahat ng mga salita sa loob nito ay mga salita ng Diyos. Ngunit isang araw, habang nagbabasa siya ng Biblia, may nakita siyang dalawang magkaibang opinyon tungkol sa iisang bagay. Nagpalito ito sa kanya. Kung ang mga salita sa Biblia ay mula sa inspirasyon ng Diyos, wala dapat na hindi tugma na mga tala! Kalaunan, sa pamamagitan ng fellowship ng mga kapatid, ay nalutas ang kanyang kalituhan sa wakas.
Kumusta Brother Xiangming:
Kamakailan lamang ay nalilito ako tungkol sa isang bagay, at nais kong hingin ang inyong tulong. Ilang dekada na akong naniniwala sa Diyos, at palagi kong iniisip na ang Biblia ay hango sa Diyos. Ngunit kamakailan lamang, habang nagbabasa ako ng mga kasulatan, nagulat ako nang madiskubre na ang mga nakatala sa Biblia ay hindi magkakapareho. Halimbawa: Sa mga nakatala sa Biblia patungkol sa tatlong beses na pagtatwa ni Pedro sa Panginoon, sinasabi ng Mateo 26:34, “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na sa gabing ito, bago tumilaok ang manok, ay ikakaila mo akong makaitlo.” Ngunit sinasabi ng Marcos 14:30, “At sinabi sa kaniya ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa iyo, na ngayon, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok ng makalawa, ay ikakaila mo akong makaitlo.” Kahit na ang dalawang sipi na ito ay patungkol sa pagtatwa ni Pedro, ang isa’y nagsasabi itatatwa ni Pedro ang Panginoon nang tatlong ulit bago tumilaok ang manok, at ang isa naman ay bago tumilaok ang manok ng makalawa, kaya may malinaw na hindi magkapareho ang oras. Isa pa, itinatala sa Lumang Tipan ang pagbilang ni David sa Israel. Isinasaad sa 2 Samuel 24:1, “At ang galit ni Jehova ay nagalab uli laban sa Israel, at kaniyang kinilos si David laban sa kanila, na sinabi, Ikaw ay yumaon, iyong bilangin ang Israel at Juda.” Ngunit, isinasaad ng 1 Paralipomeno 21:1, “At si Satan ay tumayo laban sa Israel, at kinilos si David na bilangin ang Israel.” Ang parehong sipi ay may kinalaman sa pagbibilang ni David sa Israel, ngunit ang isa ay nagsasabing pinakilos ni Jehovah si David upang bilangin ang mga ito, at ang isa ay nagsasabing pinakilos ni Satanas si David upang bilangin ang mga ito. Magkaibang-magkaiba ang kahulugan nila. Nagulat ako nang madiskubre ko ito. Bakit magtataglay ang Biblia ng magkasalungat na talaan ng iisang pangyari, na umabot pa sa antas ng direktang pagsalungat sa isa’t isa? Kung lahat ng mga salita sa Biblia ay hango sa Diyos, dapat ay wala ni katiting na pagkakamali! Nais kong malaman ang inyong pananaw sa tanong na ito?Sana ay matulungan niyo ako na malutas ang aking kalituhan!
Liu Xun
Mayo 3, 2018
Kumusta Kapatid na Liu Xun,
Pagbati! Ang tinanong mo ay isa sa nakalilito sa maraming kapatid. Bakit may mga di-magkatugma na mga talaan sa Biblia? Upang maintindihan ang tanong na ito, una nating dapat malaman ay kung paano ginawa ang Biblia at kung anong uri ng aklat ito. Ang totoo, marami sa ating mga kapatid na naniniwala sa Panginoon ang nakakaalam na ang buong Biblia ay binubuo ng mga aklat ng hula ng mga propeta, mga talaan ng kasaysayan, mga awit ni David, ang Aklat ng Karunungan, ang apat na ebanghelyo ng Bagong Tipan, mga sulat ng mga apostol, at Pahayag. Sa mga ito, tanging ang mga aklat ng hula ng mga propeta lamang at Pahayag ang direktang hango sa Diyos. Ang ibang mga bahagi, gaya ng limang aklat ni Moses at ang mga aklat ni Joshua hanggang kay Esther sa Lumang Tipan at ang apat na ebanghelyo at mga liham ng mga apostol sa Bagong Tipan, ay mga talaan na isinulat ng mga tao matapos maranasan ang gawain ng Diyos. Halimbawa: Mula sa makasaysayang talaan ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, makikita natin kung paano pinili ng Diyos ang mga Israelita, kung paano Niya ginabayan ang mga Israelita palabas ng Ehipto, kung paano nila tinawid ang ilog ng Jordan, at kung paano sila pumasok sa Canaan; maaari din tayong matuto mula sa paghahari nina Saul, David, at Solomon. Ang mga makasaysayang talaan na ito ay isinulat lahat mula sa mga alaala ng magkakapanahon na mga saksi o mga nagtala kalaunan, at ipinahahayag nila ang talaan ng mga totoong nangyari sa kasaysayan. Hindi sila hinango sa Diyos. Sa Bagong Tipan, ang apat na ebanghelyong sinulat ng mga tao, gaya nina Mateo at Mark, gayundin ang mga sulat ng mga taong gaya nina Pedro at Pablo ay kasama rin sa kategoryang ito. Ang mga ebanghelyo ay mga talaan na isinulat ng mga tao ng mga bagay na kanilang nakita at narinig matapos maging mga tagasunod ng Diyos, at ilan ay isinulat para sa kanilang mga kapatid base sa mga pangyayari sa iglesia. Kaya naman, ang apat na ebanghelyo at lahat ng mga sulat ay hindi rin hango sa Diyos. Dahil tanging ang aklat ng mga propeta lamang at Pahayag ang direktang hango sa Diyos, at ang iba pang mga bahagi ng Biblia ay nakabase lahat sa kaalaman at karanasan ng tao, nakagugulat ba na nagtataglay sila ng pagkakaiba? Posible ba na hindi sila makontamina ng paniniwala ng mga tao? Gaya iyon ng pagsusulat ng mga tao sa mga bagay na nangyari ilang taon na ang nakalilipas. Sinong makakapagsulat ng nangyari nang walang pagkakamali o walang dagdag at bawas? Imposible iyon! Ito ang dahilan kung bakit may pagkakaiba nang itala nina Mateo at Mark ang pagtatwa ni Pedro sa Bagong Tipan, at nang itinala ni Samuel at 1 Paralipomeno ang pagbibilang ni David sa Israel sa Lumang Tipan. Mahirap itong iwasan. Palagi nang magtataglay ng pagkakamali ang talaan ng mga tao, kaya madali itong maintindihan.
Ngunit, kung sasabihin natin na tanging ang mga aklat lang ng mga propeta at Pahayag sa Biblia ang direktang hango sa Diyos at ang iba pang mga bahagi ng Biblia ay nanggaling lahat sa kaalaman at karanasan ng tao, kung ganoon ay bakit nakasulat sa Timoteo 3:16 na “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios”? Una, dapat nating maintindihan na “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios” ay sariling pananaw ni Pablo. Sinabi ba ng Panginoong Hesukristo ang mga salitang ito? Nagpatotoo ba ang Banal na Espiritu sa katotohanang ito sa Biblia? Kung sasaliksikin natin ang Biblia, makikita natin na hindi kailanman pinatotohanan ng Panginoong Hesus at ng Banal na Espiritu ang katotohanang ito. Na ang sinabing ito ni Pablo ay kumakatawan sa sarili niyang opinyon, ngunit hindi ito naaayon sa katotohanan.
Idagdag pa, kung titingnan natin ang pahayag ni Pablo na, “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios,” anong bahagi ng “kasulatan” ang tinutukoy niya? Alam nating lahat na isinulat ni Pablo ang 2 Timoteo higit 60 taon makalipas dumating ng Panginoon, at na ang Bagong Tipan sa Biblia ay hindi isinulat sa aklat nang mga panahong iyon. Tanging ang Lumang Tipan lamang ang mayroon. Ito ay higit lamang sa 300 taon pagkatapos dumating ang Panginoon, sa Unang Konseho ng Nicaea, kung saan ang mga pinuno ng relihiyon mula sa iba’t ibang bansa ay pumili ng apat na ebanghelyo at mga sulat mula sa mga tao na gaya nina Pablo, Pedro at Juan mula sa maraming magagamit, at pagkatapos ay itinala ang mga ito sa Pahayag tulad ng isinulat ni Juan upang magawa ang Kasulatan ng Bagong Tipan. Pagkatapos, pinagsama nila ang Lumang Tipan at Bagong Tipan upang buuin ang Biblia ngayon, na ginawa mula sa dalawa. Sinasabi nito sa atin na si Pablo ay sumulat kay Timoteo nang higit sa 200 taon na mas maaga kaysa sa pagbuo ng Kasulatan ng Bagong Tipan. Napagpasiyahan ang mga Kasulatan, na nagpapatunay na nang isulat ni Pablo ang “Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios,” sa sulat niya kay Timoteo, ang “kasulatan” na binanggit niya ay hindi kasama ang Bagong Tipan. Mula dito, makikita natin na ang paniniwala na ang buong Biblia, kahit na isinulat ng tao, ay hango sa Diyos, ay isang kalokohang pag-unawa ng tao, isang hindi naaangkop sa mga katotohanan.
May nabasa rin akong may kinalaman sa bagay na ito sa isa pang aklat, “Hindi lahat ng nasa Biblia ay isang talaan ng mga salitang personal na sinabi ng Diyos. Isinasaad lang ng Biblia ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kung saan ang isang bahagi ay isang talaan ng mga hula ng mga propeta, at ang isang bahagi ay mga karanasan at kaalamang isinulat ng mga taong ginamit ng Diyos sa nagdaang mga panahon. Ang mga karanasan ng tao ay nabahiran ng mga opinyon at kaalaman ng tao, na hindi maiiwasan. Marami sa nasa mga aklat ng Biblia ang mga pagkaintindi ng tao, mga pagkiling ng tao, at mga kakatwang pag-unawa ng tao. Siyempre, karamihan ng mga salita ay resulta ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at tama ang mga pagkaunawang iyon—pero hindi pa rin masasabi na sila ay tamang-tama na mga pagpapahayag ng katotohanan.” “Sa katunayan, maliban sa mga aklat ng propesiya, karamihan sa Lumang Tipan ay talaan ng kasaysayan. Ang ilan sa mga sulat sa Bagong Tipan ay nagmula sa mga karanasan ng mga tao, at ang ilan ay nagmula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu; ang mga sulat ni Pablo, halimbawa, ay nagmula sa gawain ng tao, resulta lahat ito ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at isinulat para sa mga iglesia, mga salitang nagpapayo at naghihikayat sa mga kapatid sa mga iglesia. Hindi ito mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu—hindi makapagsasalita si Pablo sa ngalan ng Banal na Espiritu, at hindi siya isang propeta, at lalong hindi siya nakakita ng mga pangitain na nakita ni Juan. Ang kanyang mga sulat ay isinulat para sa mga iglesia ng Efeso, Filadelfia, Galacia, at iba pang mga iglesia. Sa gayon, ang mga sulat ni Pablo sa Bagong Tipan ay mga isinulat ni Pablo para sa mga iglesia, at hindi mga inspirasyon mula sa Banal na Espiritu, ni hindi ito mga direktang pagbigkas ng Banal na Espiritu. … Kung ituturing ng mga tao ang mga sulat o salita na katulad ng kay Pablo bilang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, at sinasamba ang mga ito bilang Diyos, masasabi lamang na masyado silang hindi maselan. Sa mas masakit na pananalita, hindi ba ito’y wala nang iba kundi paglapastangan sa Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos? At paano yuyukod ang mga tao sa mga talaan ng kanyang mga sulat at ng mga salitang kanyang sinabi na para bang ang mga ito ay isang banal na aklat, o isang makalangit na aklat? Maaari bang mapagwalang-bahalang bigkasin ng tao ang mga salita ng Diyos? Paano makapagsasalita ang isang tao sa ngalan ng Diyos?” (“Tungkol sa Biblia (3)”).
Malinaw na isinasaad ng aklat na ito na ang Biblia ay nagtataglay ng mga salita ng Diyos, ngunit naglalaman din ito ng mga kapaki-pakinabang na liham mula sa mga apostol sa kanilang mga kapatid sa simbahan upang tugunan ang kanilang mga pasanin sa buhay. Ito ay isang katotohanan, kaya dapat tayong magkaroon ng pag-intindi at tingnan ang Biblia ng tama. Sa Biblia, maliban sa mga propetang nagpapahayag ng salita ng Diyos at Pahayag, kahit kailan ay hindi pinatnubayan ng Diyos ang sinuman upang ipahayag ang Kanyang mga salita, at kahit na kasama ang sulat ng mga apostol sa Biblia, kailanman ay hindi nila inangkin na hango sa Diyos ang kanilang isinulat. Bago ang alinman sa mga salita ng Diyos sa Biblia, ito ay direktang nakasulat na “nagpakita si Jehovah sa ganoon at gayong propeta,” “Sinabi ni Jehovah,” “Ipinahayag ni Jehovah,” o “sinabi ng Panginoong Hesus.” Alinmang hindi kasama sa kategoryang ito ay mga salita ng tao, hindi mga salita ng Diyos. Kung, dahil mapamahiin tayo tungkol sa Biblia o sinasamba ito, sinasabi natin na ang lahat ng mga salita sa Biblia ay direktang hango sa Diyos o ang mga salita ng Diyos, isa itong walang katotohanang pagkakamali na lumalapastangan sa Diyos! Ang mga salita ng tao ay mga salita ng tao, kahit na kasama pa sila sa Biblia. Isa itong hindi maitatangging katotohanan.
Sana ay natulungan ka ng ibinahagi namin na makita ng mas malinaw ang isyu. Kung may karagdagan ka pang mga katanungan, maaari kang magpaskil muli.
Xiangming
Mayo 18, 2018
Inirerekomenda para sa iyo:
Clip ng Pelikulang (4) "Talaga Bang Kinasihan ng Diyos ang Buong Biblia?"