Paano Ko Napagtagumpayan ang Kasamaan ng Karamdaman Matapos Pahirapan ng Nakamamatay na Uremia
Nang dapuan ang Kristiyanong si Zhang Lei ng malalang uremia, ang mga pagpipilian niya ay kidney transplant o dialysis, pero wala siyang sapat na pera para sa kahit alin do’n. Paano niya napagtagumpayan ang kasamaan ng karamdaman habang nakakulong sa desperadong mga kalagayan?
- Quick Navigation
- 1. Pagtuklas ng Aking Nakamamatay na Karamdaman, Pagbagsak sa Kawalang Pag-asa
- 2. Pinaginhawa ng Salita ng Diyos sa Aking Paghihirap
- 3. May Sakit at Walang Pera Para Panggamot, wala Nang Mapagpipilian
- 4. Pag-unawa sa mga Pagsasaayos ng Diyos, Hindi na Nag-aalala Tungkol sa Dialysis
- 5. Mas Bumuti ang Aking Kalagayan, Walang Hanggang Pasasalamat
Pagtuklas ng Aking Nakamamatay na Karamdaman, Pagbagsak sa Kawalang Pag-asa
Noong Oktubre ng 2016, nagsimula akong magdusa sa uremia, at matapos ang eksaminasyon sa ilang kilalang mga ospital sa Beijing, nasuri ako na may malalang karamdaman sa bato. Meron lang dalawang lunas para manatili akong buhay: Ang isa ay kidney transplant, at ang isa ay dialysis. Ang resultang ito ay parang isang sentensya ng kamatayan para sa akin. Ang kidney transplant ay lagpas sa kaya kong bayaran bilang isang karaniwang manggagawa, kaya hindi na ‘ko nangangahas pang isipin ang tungkol do’n. Ang dialysis, sa kabilang banda, ay magkakahalaga ng mahigit sa 600 yuan sa bawat gamutan, at mangangailangan ako ng dialysis tatlong beses sa isang linggo, na nangangahulugang ginagasta ko linggu-linggo ang halos buong sahod ng asawa ko sa isang buwan, at sa katagalan, hindi na kakayanin ng ipon namin ang gano’n kalaking gastusin. Hindi ko kayang bayaran ang presyo ng dalawang gamot na ito. Wala akong ibang mapagpipilian, maaari lang akong umasa sa Chinese medicine para maibsan ang sakit.
Habang umiinom ako ng Chinese medicine, pinagpatuloy ko rin ang pakikiusap at pananalangin sa Diyos, nagtiwala sa Diyos bilang nag-iisa kong suporta at pag-asa habang desperado akong umaasa na pagagalingin ako ng Diyos. Pero matapos lumipas ang ilang panahon, hindi bumuti ang sakit ko, at sa katunayan ay lumala pa. Naisip ko, “Mahal ng Diyos ang tao, at kaya ng Diyos na bumuhay ng patay, at hindi isang mahirap na bagay ang karamdaman ko sa mga kamay ng Diyos. Pero nagdasal ako sa Diyos, kaya bakit hindi bumubuti ang kalagayan ko? At naghirap ako at nagtrabaho nang matagal noon, kaya bakit hindi ‘yon naaalala ng Diyos at ginagamot ang sakit ko?”
Pinaginhawa ng Salita ng Diyos sa Aking Paghihirap
Namuhay ako sa sakit ng paghihirap mula sa karamdaman ko at pagrereklamo laban sa Diyos. Miserable ako, at hindi ko alam kung pa’no dadanasin ang sitwasyon ko. Sa kahinaan ko, makakalapit lang ako sa harap ng Diyos para magdasal, sabihin sa Diyos ang pasakit ko, at hilingin sa Diyos na gabayan at tulungan akong maunawaan ang kalooban Niya sa mga pangyayaring ito.
Hindi nagtagal, nabasa ko ang mga salita ng Diyos, “Kinakailangan ang pananampalataya ng mga tao kapag may isang bagay na hindi nakikita ng mata lamang, at kinakailangan ang iyong pananampalataya kapag hindi mo mapakawalan ang iyong sariling mga kuru-kuro. Kapag hindi malinaw sa iyo ang gawain ng Diyos, ang kinakailangan mong gawin ay manampalataya at manindigan at tumayong saksi. Nang umabot si Job sa puntong ito, nagpakita sa kanya ang Diyos at nangusap sa kanya.” Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, naunawaan kong ang paghihirap ko sa karamdaman ko ay ang pag-iinspeksyon ng Diyos sa aking pananalig at pag-alam kung makakaya ko bang matatag na manindigan at magpatotoo, hindi magreklamo, at hindi maunawaan ang Diyos pag hindi ko nakikita ang mga gawa Niya at naghihirap ang katawan ko. Gaya ng mawala kay Job ang malaki niyang kayamanan, sampung anak, at pagkabalot sa kanya ng mga pigsa, hindi nagbago ang katapatan niya sa Diyos. Nanatili siyang matatag at nagbigay ng maganda, matunog na patotoo sa Diyos, at ipinahiya si Satanas dahilan para mabigo ‘yon. ‘Yon ang tunay na pananampalataya. Pero nang magkasakit ako, nagdasal sa Diyos, at hindi gumaling, napuno ako ng mga reklamo at nawalan ng pananalig, lubos na baligtad sa ginawa ni Job. Nagpasalamat ako sa Diyos sa paggabay Niya sa akin gamit ang mga salita Niya noong mahina ako at ginagamit ang halimbawa ni Job para ituro ang daan sa paggawa para hindi ako mawalan ng pananalig sa Diyos o tanggihan ang Diyos. Lubos na lumakas ang loob ko, at hinangad na sundin ang halimbawa ni Job, huwag mawalan ng pananalig dahil sa karamdaman ko, at matatag na manindigan at magpatotoo.
May Sakit at Walang Pera Para Panggamot, wala Nang Mapagpipilian
Matapos ang kalahating buwan, nang pumunta ako sa ospital para sa isa pang eksaminasyon, tiningnan ng doktor ang medical history ko at pisikal na kondiisyon at sinabi sa ‘king manganganib ang buhay ko kapag pinagpaliban ko pa ang pagpapagamot. Sinabihan niya akong i-refund ang aking registration fee at magsimula agad ng dialysis. Matapos kong marinig ang doktor, salu-salungat ang naramdaman ko. Kung walang dialysis, patuloy na lalala ang kondisyon ko, at mamamatay ako, pero kahit pa subukan kong magpagamot, hindi ko ‘yon mababayaran. Alam ng mga kamag-anak at mga kaibigan kong meron akong uremia, at walang katapusan ang mga bayarin sa pagpapagamot, kaya nagsilayo silang lahat…. Ang bigat ng paghihirap, ang banta ng kamatayan, at ang mga hadlang na pinansyal, ang nagbigay sa puso ko ng kawalang pag-asa at kalungkutan! Manhid akong naupo sa bangkito sa pasilyo ng ospital, nanghihina at hindi mapigil sa pag-iyak sa Diyos, “Diyos ko! Talaga bang matatapos na ang buhay ko? Lagi at walang palya akong umiinom ng Chinese medicine, at nananalangin sa ‘Yo araw-araw, pero sa kabila no’n hindi pa rin bumuti ang kondisyon ko, lalo lang lumala. Diyos ko, hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon, at hinihiling ko ang Inyong kaliwanagan para maunawaan ko ang kalooban Mo.”
Matapos manalangin, mas kumalma ako nang kaunti. Naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos, “Mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos ngayon ayon sa mga titik at sa hungkag na doktrina. Hindi nila alam na wala silang diwa ng paniniwala sa Diyos, at hindi nila matatanggap ang pagsang-ayon ng Diyos. Nagdarasal pa rin sila sa Diyos para mapagpala ng kapayapaan at sapat na biyaya. Huminto tayo, patahimikin natin ang ating puso, at itanong sa ating sarili: Maaari kaya na ang paniniwala sa Diyos talaga ang pinakamadaling bagay sa lupa? Maaari kaya na ang paniniwala sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Talaga bang ang mga taong naniniwala sa Diyos nang hindi Siya nakikilala o naniniwala sa Diyos subalit kinakalaban Siya ay napapalugod ang kalooban ng Diyos?” Nang maharap sa mga salita ng Diyos, labis akong napahiya. Napagtanto kong naniwala lang ako sa Diyos para magkamit ng mga pagpapala, sa halip na makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Hinihiling ng Diyos na mahalin natin Siya nang buong puso, kaluluwa, at pagsisikap natin, pasiyahin ang Diyos gamit ang isang dalisay na puso, magawang dinggin at isabuhay ang mga salita ng Diyos. Pero mula nang magsimula akong maniwala sa Diyos, nagtrabaho ako, nagpabaya, at walang pagod na gumugol sa pagpapakalat ng ebanghelyo, at ginamit ang halagang ibinayad ko bilang puhunan para makipagpalitan para sa mas malalaking biyaya ng Diyos. Ang ginawa ko ay pasiyahin ang sarili ko, para makamit ang layunin na makakuha ng mga biyaya. Samakatuwid, nang hindi magkamit ng mga biyaya ng Diyos ang paghihirap ko, sa halip ay nagbigay sa ‘kin ng karamdaman, nasiraan ako ng loob at nagreklamo sa Diyos. Dahil ‘yon sa mga mali kong pagkaunawa tungkol sa Diyos. Naisip ko kung pa’no nawala kay Job ang maraming kayamanan niya at napuno siya ng mga pigsa, pero nagawa niya pa ring magpatotoo ng “Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:10). Ipinako rin nang patiwarik si Pedro at masunuring namatay para sa Diyos. Pareho nilang naisantabi ang sarili nilang mga interes para mapasiya, masunod, at katakutan ang Diyos. Tunay ngang sila ay mga taong may pananampalataya sa Diyos at patotoo. Naniwala ako sa Diyos hindi para maging maunawain sa kalooban ng Diyos, ngunit sa halip ay makipagpalitan sa Diyos saanman sa pagtatangkang magkamit ng mas maraming mga pakinabang. Lubos na mali ang mga gawain at pananaw na ito, at masyadong parang bata! Habang lalo kong iniisip, lalo kong nararamdamang may utang ako sa Diyos. Naniwala ako sa Diyos sa loob ng maraming taon at nagbasa ng maraming salita ng Diyos, pero hindi ko kayang isagawa ang salita ng Diyos. Talagang hindi ako karapat-dapat sa pagliligtas ng Diyos sa akin o mamuhay sa presensya ng Diyos. Naisip ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos, “Kapag nagdurusa ka, kailangan mong magawang isantabi ang pag-aalala sa laman at huwag magreklamo laban sa Diyos. Kapag itinatago ng Diyos ang Kanyang Sarili mula sa iyo, kailangan mong magkaroon ng pananampalatayang sundan Siya, na mapanatili ang iyong dating pagmamahal nang hindi ito hinahayaang maging marupok o maglaho. Anuman ang gawin ng Diyos, kailangan kang magpasakop sa Kanyang plano at maging handang sumpain ang iyong sariling laman sa halip na magreklamo laban sa Kanya. Kapag nahaharap ka sa mga pagsubok, kailangan mong mapalugod ang Diyos, bagama’t maaaring mapait ang iyong pagluha o nag-aatubili kang mawalay sa ilang bagay na minamahal mo. Ito lamang ang tunay na pagmamahal at pananampalataya.” Ang mga salita ng Diyos ay talagang mga napapanahong panustos, dahil naipaunawa no’n sa akin na hindi tapat ang panananampalataya ko kung susundin ko lang ang Diyos sa komportableng mga kalagayan. Ang gano’ng pag-ibig sa Diyos ay hindi maaaring tumayo sa mga pagsubok, laging binubunyag ng mahihirap na pangyayari ang ating tunay na ispiritwal na katayuan. Ang mga tao lang na tunay na naniniwala sa Diyos at nagsasabuhay sa mga salita Niya ang handang maghirap at magpasaya sa Diyos ano man ang sitwasyon. Kaya nilang gumawa ng tapat na patotoo, at sila ang mga taong gustong iligtas ng Diyos. Binigyan ako ng malinaw na direksyon ng mga salita ng Diyos. Handa ko nang baguhin ang mga mali kong pananaw, pakawalan ang paghahangad ko ng mga pagpapala, at tunay na ituloy ang pagpapasaya sa Diyos. Magpapasalamat ako sa bawat araw ng buhay na ibibigay ng Diyos, at kung gugustuhin ng Diyos na mamatay ako, katuwiran din ‘yon ng Diyos. Nang maunawaan ko ang mga bagay na ito, hindi na ‘ko nagdanas ng mga gano’ng limitasyon mula sa malubha kong sakit, at nakaramdam ako ng malaking kaluwagan at kalayaan.
Kaya, taimtim akong nanalangin sa Diyos sa puso ko, “Diyos ko! Salamat sa Inyong kaliwanagan at paglilinaw. Kahit maraming taon Kitang sinunod, ngayon ko lang nakita ang maling mga ideya ko ng gawain. Kung hindi dahil sa karamdamang ito, hindi ko kailanman malalaman na ang ginugol ko at ang halagang ibinayad ko para sa ‘Yo ay pakikipagpalit sa ‘Yo. Gusto ko na ngayong pakawalan ang mga mali kong gawain, ilagay ang buhay ko sa ‘Yong mga kamay, at magpasakop sa ‘Yong mga pagsasaayos. Alam kong naroroon ang pag-ibig at pagliligtas Mo sa lahat ng gawin Mo sa akin! Gusto kong sundin ang mga halimbawa nina Job at Pedro, magpasakop sa ‘Yong mga pagsasaayos at disposisyon, hindi magreklamo kailanman kung kailangan kong mamatay, hindi Ka kailanman ipagkanulo, matatag na tumayo at magpatotoo sa ‘Yo, at hiyain si Satanas. Amen!” Matapos akong manalangin, naramdaman kong mas ligtas ako.
Pag-unawa sa mga Pagsasaayos ng Diyos, Hindi na Nag-aalala Tungkol sa Dialysis
Pagbalik ko sa bahay, nagdasal ako uli para sabihin sa Diyos ang tungkol sa kondisyon ko, at para sabihin na handa na akong payagan ang Diyos na gabayan ako, na magpapasakop ako kahit pa mangahulugan ‘yon ng kamatayan ko, at hindi na ako gagawa ng ano mang hindi makatwirang mga kahilingan sa Diyos. Matapos manalangin, naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos, “Sa lahat ng bagay na nagaganap sa sansinukob, walang anuman na hindi Ako ang may huling kapasyahan. Mayroon bang anumang wala sa Aking mga kamay?” “Ang Diyos ay nananagot sa bawa’t isang buhay ng tao at Siya ay nananagot hanggang sa katapus-tapusan. Naglalaan ang Diyos para sa iyo, at kahit na, sa kapaligirang ito na winasak ni Satanas, ikaw ay nagkasakit o narungisan o nilapastangan, hindi ito mahalaga—ang Diyos ay maglalaan para sa iyo, at hahayaan kang mabuhay ng Diyos. Mayroon ka bang pananampalataya dito? (Oo.) Hindi basta-basta tinutulutan ng Diyos na mamatay ang isang tao.” Binigyan ako ng malaking kaginhawahan ng mga salita ng Diyos. Naghahari ang Diyos sa lahat ng bagay, ang buhay at kamatayan ko ay nasa mga kamay ng Diyos, at kung hindi ako hahayaang mamatay ng Diyos, hindi ako mamamatay, pero kung nasa dulo na ang buhay ko, walang halaga ng salapi ang makakapagligtas sa akin. Walang magagawa ang mga tao sa ganitong mga bagay, kahit pa ang doktor. Kahit meron akong uremia, na mahirap gamutin, kung hindi ako hahayaan ng Diyos na mamatay, hindi ako mamamatay kahit may pera man ako o wala, at dapat akong manalig sa katotohanang ‘yon. Sa sandaling ito, gusto ko lang ipagkatiwala ang sarili ko Sa Diyos at sundin ang mga pagsasaayos at disposisyon ng Diyos.
Matapos akong sumailalim, narinig ko sa isang hindi sinasadyang pagkakataon mula sa isang kapwa pasyente na kung babalik ako sa kung saan naka-rehistro ang aking hukou, ang gastos ng bawat gamutan ko ay magiging halos 200 yuan. Kinalkula ko, at sa pagitan ng mga ipon namin at buwanang sweldo ng asawa ko, makakaya kong bayaran ang pagpapagamot ng ilang panahon. Inilapit ko rin ang bagay na ito sa Diyos at nanalangin. Naging napakamatiwasay ng pakiramdam ko dahil sa panalangin, at matapos kong kausapin ang aking asawa, bumalik kami sa aming bayang sinilangan. Nagulat ako nang matuklasan kong mula nung araw na nagsimula ako ng dialysis, nagsimula ‘yong ialok nang libre. Malinaw kong nalaman na hindi lang ‘yon pagkakataon, kundi nagbukas ng daan ang Diyos para sa akin. Sinasabi ng Diyos, “Mula nang umiral ang tao, iyon na ang ginagawa ng Diyos, pinamamahalaan ang sansinukob, pinangangasiwaan ang mga panuntunan ng pagbabago para sa lahat ng bagay at kung paano gagalaw ang mga ito. Tulad ng lahat ng bagay, tahimik at hindi alam ng tao na pinalulusog siya ng tamis at ulan at hamog mula sa Diyos; tulad ng lahat ng bagay, hindi alam ng tao na nabubuhay siya sa ilalim ng pagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay.” Nilikha ng Diyos ang lahat, pinangingibabawan ang mga tuntunin ng pag-iral para sa lahat ng bagay na parehong buhay at walang buhay, at lahat ay nakapaloob sa pakana at pagsasaayos ng Diyos. Ang mga isipan at ideya ng lahat, bawat kilos, at bawat sitwasyon sa buhay, at napapailalim din sa pagmamasid ng Diyos. Nang hindi na ako napipigil ng aking karamdaman at payag na akong pakawalan ang pagnanais kong makipagkasundo sa Diyos at sundin ang Kanyang mga pakana, nag-ayos ang Diyos ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay para tulungan ako, para makakuha ako ng dialysis nang hindi gumagasta ng pera. Naramdaman kong nasa tabi ko ang Diyos sa lahat ng oras, inaalagaan ang aking kahinaan, ginagabayan ako, tinutulungan ako, at nagbubukas ng daan para sa akin.
Mas Bumuti ang Aking Kalagayan, Walang Hanggang Pasasalamat
Nang dumating ako sa dialysis lab, nakita ko ang maraming mga pasyente, pinahirapan ng kanilang karamdaman, madilim ang mga mukha gaya ng akin, at pinagdurusahan ang parehong kahinaan at kawalang kakayahan na tiniis ko. Ang kondisyon ko ang pinakamalubha sa aming lahat, pero nagulat akong matuklasang mas mabilis akong gumaling kesa sino man. Sa loob lang ng ilang buwan, bumuti ang kondisyon ko, tumaba ako, sinabi ng head nurse na mukha akong malusog, at lahat ng nakakakilala sa ‘kin ay nagsabing ako ay nagmukhang ibang tao. Isang lalakeng sinamahan ang kanyang asawa na mag-dialysis ang mausisang nagtanong sa ‘kin, “Anong health supplements ang iniinom mo? Nakabawi ka nang mabuti, at nakikita sa ‘yong mukha na malusog ka!” Sinabi ko, “Wala pa ‘kong iniinom na ano mang health supplements, at ayokong kumain ng karne at itlog. Ang katotohanang buhay ako ngayon ay ipinagpapasalamat ko sa biyaya ng Diyos!” Pagkatapos, napuno ng pasasalamat sa Diyos ang puso ko! Alam kong ito ay awa at pagliligtas ng Diyos!
Sinasabi ng Diyos, “Ang Makapangyarihang Diyos ay isang manggagamot na makapangyarihan sa lahat! Ang manahan sa karamdaman ay ang magkasakit, subalit ang manahan sa espiritu ay ang gumaling.” “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios” (Mateo 4:4). Habang pinagninilayan ko ang mga salita ng Diyos, nang alalahanin ko kung paano ako ginabayan ng Diyos palayo sa aking sakit, madalas akong lumuluha dahil sa walang katapusang pasasalamat sa harap ng Diyos! Ang mga salita ng buhay ng Diyos ang nagbigay sa ‘kin ng gabay sa tamang sandali para makaya kong matatag na tumayo sa harap ng aking nakakatakot na karamdaman. Noong ako ay may malubhang sakit at napakahina, binigyan ako ng pananampalataya ng mga salita ng Diyos. Noong sinabi ng doktor na malubha ang karamdaman ko at pwede akong mamatay ano mang oras, noong desperado ako, ginamit ng Diyos ang Kanyang mga salita para gabayan ako at sabihin sa ‘king ang aking pananaw sa paniniwala sa Diyos para magkamit ng mga pagpapala ay mali. Nang bumaling ako sa Diyos at pumayag na sumunod sa Diyos, isinaayos ng Diyos ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay para pagalingin ako, at mahimalang gumaling ang aking malubhang uremia. Ang karanasang ito ang talagang nagpadama sa akin ng kahanga-hangang gawa ng Diyos.
Ngayon, bumubuti na ang kalusugan ko, at kumuha na ako ng mga tungkulin sa iglesia. Pinahahalagahan ko nang higit kesa dati ang pangalawang buhay na binigay sa akin ng Diyos. Pwede kong tingnan araw-araw ang luntiang mundong ito at tamasahin ang mga bagay na nilikha ng Diyos at ang masaganang panustos ng mga salita ng Diyos, at magagawa ko ang aking bahagi sa pagpapakalat ng ebanghelyo ng Diyos. Sa tingin ko ako ang pinakapinagpalang tao sa mundo! Sa liwanag ng hinaharap, nais kong gawin ang aking pinakamalaking mga tungkulin para patotohanan ang gawain na ginawa sa akin ng Diyos at ang Kanyang pagliligtas sa mas maraming tao para gantihan ang pagmamahal ng Diyos para sa akin. Sa Diyos ang lahat ng kaluwalhatian!