Menu

Ganito Ako Umasa sa Diyos Nang Malubhang Nagkasakit ang Babae Kong Apo

Ang anim-na-taong gulang na apo ng may-akda ay biglang dinapuan ng encephalitis. Matapos ipasok sa ospital at mabigyan ng lunas sa loob ng 13 araw, nagbigay ng abiso ang doctor na mamamatay ang bata, at sinabing: “Wala na kaming magagawa pa para sa kanya.” Nang malapit nang mamatay ang apong babae ng may-akda, umasa siya sa kanyang pananampalataya sa Diyos at sa kanyang pagkamasunurin sa Diyos, at pagkatapos ay nasaksihan niya ang mga gawa ng Diyos, at ang batang babae ay nagbalik mula sa bingit ng kamatayan! Nais mo bang maintindihan ang mga gawa ng Diyos? Nais mo bang malaman kung paano maranasan ang mga paghihirap kapag nakaharap mo ang mga ito? Kung ganoon ay basahin mo ang karanasan ng may-akda.

Apo na 6 na Taong Gulang

Quick Navigation
Tumaas ang lagnat ng apo ko—tungkol saan lahat ng ito?
Nagtanim ako ng galit sa puso ko nang hindi gumaling ang apo ko.
Naiintindihan ang kalooban ng Diyos, binitawan ko ang matinding mga hinihingi at sinunod ang kapangyarihan ng Diyos.
Tumawag ang anak ko upang sabihin sa’kin na wala nang magagawa pa ang mga doktor para kay Guoguo.
Nagpapatotoo, nakita ko ang magagandang gawain ng Diyos.

Tumaas ang lagnat ng apo ko—tungkol saan lahat ng ito?

Isang araw sa Hunyo ng 2009, ay balisang umuwi ang apo kong babae na si Goguo mula sa eskuwelahan at pagkatapos ay nanghihinang humiga sa kama. Naisip kong napaka-kakatwa nito, dahil madalas ay punung-puno siya ng buhay, tumatalon at tumatakbo kung saan-saan. Nasip ko: “Bakit bigla siyang humiga sa kanyang higaan pagkauwi niya palang? Maaari kayang may sakit siya?” Isinugod ko siya sa isang klinika upang magpakonsulta sa doktor. Sinabi ng dokor doon na may sinat ang apo ko, nagreseta ito ng ilang mga antipyretics para dito, at pagkatapos ay iniuwi ko siya. Gayunman, matapos inumin ang gamot nang lampas sa isang araw, hindi bumuti si Guoguo. Kaya dinala ko siya sa klinika upang tumanggap ng intravenous therapy. Habang naka-drip siya, bumaba ang lagnat niya, ngunit makalipas ang isa o dalawang oras ng gamutan ay nag-umpisa siyang magkalagnat muli. Pakatapos, hindi na siya makakain, at kahit na kumain man siya, isinusuka rin niya iyon. Sa bawat paglipas ng araw ay lumalala siya, at sa wakas ay ni wala na siyang lakas upang magsalita. Noon namin mabilis tinawagan ng asawa ko ang aming anak at manugang at, nang malaman nila ang tungkol kay Guoguo, dali-dali silang bumalik. Nang sumunod na araw, dinala ng anak at manugang ko si Guoguo sa ospital ng probinsiya. Hindi nagtagal matapos silang makarating doon, tumawag sa’kin ang anak ko at sinabing: “Pa, isa lang ang nasabi ni Guoguo pagdating namin dito, at pagkatapos ay nag-umpisa nang manigas ang bibig niya, at ngayon ay hindi na siya makapagsalita. Pinayuhan ako ng doktor na dalhin si Guoguo sa ibang ospital sa lalong madaling panahon.” Nang marinig ko ang sinabi ng anak ko, tila may ingay sa loob ng isip ko at biglang nanlambot at nanghina ang buong katawan ko na tila isang bolang goma na inalisan ng hangin. Naisip ko sa sarili ko: “Paanong naging mabilis ang paglala ng sakit ng apo ko? Ngayon ay nasa punto na ito na hindi siya makapagsalita. Kapag may nangyari sa kanya....” Nang maisip ko ito, nakaramdam ako ng sakit at nalungkot na tila pinipilipit ng kutsilyo ang puso ko, at hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagdaloy. Sa loob ng ilang mga araw na iyon, ni hindi kami makakain o makatulog ng maayos ng asawa ko. Habang inaalala namin ang tungkol sa sakit ni Guoguo, tumawag muli ang anak namin at sinabing, “Pa, matapos ang eksaminasyon, sinabi ng doktor na dinapuan si Guoguo ng encephalitis, at sa kasalukuyan, naninigas pa rin ang bibig ni Guoguo, hindi siya makaramdam ng kahit ano sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan, at paralisado ang kalahati ng katawan niya. Lubhang seryoso ang kanyang kondisyon. Bibigyan lang siya ng dalawang gamutan ng mga doktor. Kapag gumaling siya, ipagpapatuloy nila ang gamutan; kung hindi, ihihinto nila iyon. At sinabi rin nila na kahit na magamot ang sakit niya, maaaring maging imbalido siya.” Nang marinig ko ang mga salita ng anak ko, malayang dumaloy ang mga luha ko na tila beads mula sa isang sirang pisi, at nakaramdam ako ng matinding sakit na tila ba mabibiyak ang puso ko.

Nagtanim ako ng galit sa puso ko nang hindi gumaling ang apo ko.

Pagkatapos noon, inasahan namin ng asawa ko na gagaling si Guoguo. Gayunman, hindi kagaya ng iniisip ko ang katotohanan. Hindi gumanda ang kondisyon ni Guoguo. Hindi ko namalayan, bumangon sa puso ko ang kagustuhan na sisihin ang Diyos, at naisip ko: “Ginagawa naming mag-asawa ang tungkulin namin at sinusunod din namin ang mga pagsasaayos ng iglesia. Paano nangyari sa amin ang ganitong klase ng bagay? Bakit hindi siya prinotektahan ng Diyos at pagalingin siya agad?” Mas napapadalas ang pag-iisip ko noon, mas lalong sumasama ang nararamdaman ko; naging labis na negatibo at mahina ang buong pagkatao ko, at dumilim nang dumilim ang espiritu ko. Nang panahong nasasaktan ako at walang mapuntahan, isang kapatid ang pumunta sa bahay ko at binasa ang sipi ng mga salita ng Diyos patungkol sa sitwasyon ko: “Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang pagalingin Ko sila. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gamitin Ko ang Aking mga kapangyarihan upang itaboy ang masasamang espiritu mula sa kanilang mga katawan, at napakaraming naniniwala sa Akin para lamang makatanggap sila ng kapayapaan at kagalakan mula sa Akin. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang hingan Ako ng mas maraming materyal na kayamanan. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang gugulin ang buhay na ito sa kapayapaan at maging ligtas at matiwasay sa mundong darating. Napakaraming naniniwala sa Akin para maiwasang magdusa sa impiyerno at para matanggap ang mga pagpapala ng langit. Napakaraming naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang kaginhawahan, ngunit hindi naghahangad na magkamit ng anuman sa mundong darating. Nang ibuhos Ko ang Aking matinding galit sa tao at bawiin ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Noong ibinigay Ko sa tao ang pagdurusa ng impiyerno at binawi ang mga pagpapala ng langit, ang kahihiyan ng tao ay naging galit. Noong hilingin ng tao na pagalingin Ko siya, hindi Ko siya pinakinggan at namuhi Ako sa kanya; lumayo sa Akin ang tao upang hanapin ang paraan ng panggagaway at pangkukulam. Noong alisin Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, naglaho ang lahat ng nasa tao nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming magiging pakinabang(“Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?”).

Pagkatapos ay ibinahagi ng kapatid: “Inihantad ng salita ng Diyos ang ating mga intensiyon, layunin, at lahat ng uri ng di-wasto, maluho na pangangailangan sa paniniwala sa Kanya. Ginawa ng Diyos ang sangkatauhan at ibinigay lahat ng mga bagay na kinakailangan para sa ating kaligtasan sa buhay. Kaya naman, kautusan ng langit at lupa na tayong mga tao ay dapat maniwala at sambahin ang Diyos. Ngunit matapos tayong gawing tiwali ni Satanas, ang ating likas na katangian ay naging labis na makasarili at napakasama. Hindi na tayo naniniwala sa Diyos para sa kapakanan nang pagmamahal at pagpapasaya sa Diyos, ngunit sa halip ay naniniwala tayo na upang makatanggap nang mga biyaya o magkaroon ng masayang pamilya; ito ay pakikipagkasundo sa Diyos. Tuluyang namantsahan ang ating pananampalataya—kapag dumarating sa atin ang mga biyaya ng Diyos, napupuno ng kagalakan ang ating mga puso, ngunit sa mga sitwasyon na isinaayos ng Diyos na hindi tumutugon sa ating mga kagustuhan, nawawalan tayo ng pananampalataya sa Kanya, at nag-uumpisa tayong maging negatibo, hindi maintindihan at sinisisi Siya, at kahit pa iwasan at ipagkanulo Siya. Ito ay sanhi ng maling pananaw sa paniniwala natin sa Diyos.

“Dumarating ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain at iligtas ang tao sa mga huling araw. Iyon ay, gumagamit siya ng iba’t ibang uri ng mga kapus-palad na sitwasyon upang ilantad ang ating panloob na katiwalian at karumihan, dahilan upang pumunta tayo sa Kanyang harapan at suriin ang ating mga sarili sa Kanyang mga salita, kilalanin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagninilay at makita kung gaano tayo pinasama ni Satanas, at kung gaano tayo makasarili at napakasama. Pagkatapos niyon ay maaari na tayong magdasal sa Diyos at manindigan sa ating mga sarili na itakwil ang kasamaan, at maaari nating maranasan ang gawain ng Diyos nang paunti-unti. Pagkatapos niyon ay hindi na natin kailangan pang makipagkasundo sa Diyos, at magiging isa ang kaisipan natin sa Diyos, at magiging mga taong tunay na sumusunod at sumasamba sa Diyos. Kapatid, hindi ba’t ipinapakita ng pagkakasakit ng bata ang maling pananaw na ang paniniwala sa Diyos ay upang makatanggap ng biyaya? Kung ganoon, ano ang kalooban ng Dios? Umaasa ang Diyos na magninilay ka at maiintindihan at aayusin ang iyong mga maling pananaw tungkol sa kung anong dapat na sundan sa pananampalataya, upang ang iyong masamang disposisyon ay malinis at mabago. Ang ganitong uri ng sitwasyon ay ang paglapit sa iyo ng pagmamahal ng Diyos, at ito ay pagdadalisay at pagliligtas sa iyo ng Diyos. Kung hindi tayo malalantad sa pamamagitan ng pagdanas ng ganitong uri ng sitwasyon, iisipin pa rin natin na ang ating tapat na mga puso ay puro, at magpapatuloy tayo sa paniniwala sa Diyos na taglay ang ating mga maling pananaw. Kapag nagpatuloy tayong ganoon, maniniwala tayo sa Diyos hanggang sa huli at hindi matatamo ang Kanyang papuri!”

Iniisip ang mga salita ng Diyos at ang pagbabahagi ng kapatid, dumating ako sa ilang pag-unawa, at sinabi sa kanya: “Talagang tama ang inihantad ng mga salita ng Diyos. Mula nang magkasakit ang apo ko, madalas akong tumawag sa Diyos para lamang hingin sa Kanya na pagalingin ang sakit niya. Kapag nagdarasal ako, hinihingi ko sa Diyos ng hindi tuwiran na pagalingin ang apo ko, at kapag nakita kong hindi gumanda ang kondisyon niya, sa halip ay lalo pang lumala, nahantad nang tuluyan ang pagiging mapaghimagsik ko. Nag-simula akong magreklamo sa Diyos, iniisip na, dahil naniniwala kaming mag-asawa sa Diyos at ginagawa ang aming tungkulin, dapat ay bantayan ng Diyos at gawing ligtas ang aming buong pamilya. Ngayon ko lamang nakita na napaka-makasarili at kasuklam-suklam ako. Ang pananampalataya ko sa Diyos ay para lamang sa mga biyaya, at humihingi sa Diyos at nakikipagkasundo sa Kanya. Paanong ang aking pananaw sa paniniwala sa Diyos ay naaayon sa kalooban ng Diyos? Hindi ako tunay na mananampalataya sa Diyos!”

Nagpatuloy ang kapatid upang sabihin: “Salamat sa Diyos! Ngayong araw na ito, nagawa mong makilala ang iyong mga maling pananaw patungkol sa pananampalataya sa Diyos. Epekto ito ng mga salita ng Diyos sa iyo. Ngayon, isa itong pagsubok at pagpipino para sa’yo at sa iyong asawa na dinapuan nang ganoon katinding karamdaman ang apo mo. Habang nakikilala natin ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagninilay, dapat din nating maintindihan ang kalooban ng Diyos at hanapin ang daan upang magsagawa sa ilalim ng mga salita ng Diyos. Tanging sa ganitong paraan lamang tayo hindi mamumuhay nang negatibo at mali ang pagkakaunawa sa Diyos, ngunit sa halip ay magagawa nating tunay na sundin at bigyang kasiyahan ang Diyos. Tingnan natin ang sinasabi ng Diyos.”

Naiintindihan ang kalooban ng Diyos, binitawan ko ang matinding mga hinihingi at sinunod ang kapangyarihan ng Diyos.

Kaya, kinuha ko ang aklat ng mga salita ng Diyos at binasa: “Kapag hinaharap mo ang mga pagdurusa, dapat mong makaya na hindi isaalang-alang ang laman at huwag magreklamo laban sa Diyos. Kapag itinatago ng Diyos ang Sarili Niya mula sa iyo, dapat magkaroon ng pananampalataya na sumunod sa Kanya, mapanatili ang iyong dating pag-ibig nang hindi hinahayaang maging marupok o maglaho ito. Maging anuman ang ginagawa ng Diyos, dapat magpasakop ka sa Kanyang plano, at higit na nakahandang sumpain ang iyong sariling laman sa halip na magreklamo laban sa Kanya. Kapag ikaw ay nakaharap sa mga pagsubok dapat mong mapalugod ang Diyos sa kabila ng anumang pagbabantulot na mawalay sa isang bagay na iyong iniibig, o mapait na pagtangis. Ito lamang ang matatawag na tunay na pag-ibig at pananampalataya. … Kung tulad ka ni Job, na sinumpa ang kanyang laman at hindi nagreklamo laban sa Diyos sa gitna ng mga pagsubok, at nagawang kamuhian ang kanyang sariling laman nang walang pagrereklamo o pagkakasala sa kanyang mga salita, yaon ang pagtayong saksi. Kapag ikaw ay sumasailalim sa mga pagpipino hanggang sa isang tiyak na antas at nagagawa pa ring maging tulad ni Job, lubos na masunurin sa harap ng Diyos at walang ibang mga kinakailangan sa Kanya o iyong sariling mga pagkaunawa, sa gayon magpapakita sa iyo ang Diyos(“Yaong Mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino”). “Huwag mawalan ng pag-asa sa panahon ng pagkakasakit, patuloy na maghanap at huwag kailanman susuko, at pasisikatin ng Diyos ang Kanyang liwanag sa iyo. Gaano ba katapat si Job? Ang Makapangyarihang Diyos ay isang makapangyarihan-sa-lahat na manggagamot! Ang manahan sa karamdaman ay ang magkasakit, subalit ang manahan sa espiritu ay ang gumaling. Kung mayroon ka lamang isang hininga, hindi ka hahayaang mamatay ng Diyos(“Kabanata 6” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula).

Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, naintindihan ko: Ang pagdurusa pala ay nangangahulugan nang pagsubok at pagpipino para sa mga nananampalataya sa Diyos, at ginagamit ng Diyos ang mga pagsubok at pagpipino upang subukin ang ating pananampalataya sa Kanya. Kung tatalikuran natin ang ating mga likas na interes sa mga sitwasyon na magiging dahilan upang magdusa tayo at panghawakan ang ating pananampalataya sa Diyos, kung hindi tayo magdududa sa Diyos kahit na ano pa ang gawin Niya, o sisihin Siya o pagtaksilan Siya, at nakikita ng Diyos na nais nating bigyang-kasiyahan at sundin Siya, kung ganoon ay lilitaw sa harapan natin ang mga gawain ng Diyos. Habang pinagninilayan ko ito, naintindihan ko na ang pagkakasakit ng apo ko ay isang bagay na hinayaan ng Diyos na mangyari. Sa isang banda, ang maling pananaw ko sa paniniwala sa Diyos ay naihantad; sa kabilang banda, pinapanood ng Diyos ang saloobin ko upang makita kung magagawa kong umasa sa aking pananampalataya, sundin ang Kanyang kapangyarihan at pagsasaayos, at magpatotoo sa Kanya sa pagsubok na ito. Gaya na lang nang mawala kay Job ang napakaraming tupa at mga baka, ang kanyang kayamanan, at ang kanyang sampung mga anak na lalaki at babae, at siya mismo ay nagkaroon ng kakila-kilabot na mga bulutong sa kanyang buong katawan, ngunit hindi siya nagreklamo sa Diyos, sa halip ay umasa sa kanyang pananampalataya at pagkamasunurin at nagpatotoo sa Diyos at, sa huli, nakamit niya ang papuri at biyaya ng Diyos at nakita ang anyo ng Diyos. “Nais kong maging gaya ni Job,” naisip ko. “Kahit ano pang mga pangyayari ang harapin ko sa hinaharap, susundin ko ang mga pagsasaayos ng Diyos at mga plano nang walang reklamo.” Habang nasa isip ito, sinabi ko sa kapatid: “Salamat sa Diyos! Mula sa mga salita ng Diyos, naintindihan ko ang Kanyang kalooban. Sa pamamagitan ng sitwasyon na ito, inaalis ng Diyos ang panloob na intensiyon ko upang magkamit ng mga biyaya para subukin ang pananampalataya ko sa Kanya at pagkamasunurin ko sa Kanya. Hindi ako maaaring maging negatibo at hindi ako maaaring manumbalik sa kasamaan, at hindi na maaaring maging mali ang pagkaintindi ko sa Diyos. Ang tanging hiling ko lang ay ang maranasan ang gawain ng Diyos.”

Masayang sinabi ng kapatid: “Kapatid, maganda na mayroon kang ganitong klase ng pang-unawa. Sa likod ng mga pagsubok at pagpipino ay ang mga magandang intensiyon ng Diyos. Dapat tayong maniwala na makapangyarihan ang Diyos at nasa Kanya ang huling salita kung mabubuhay o mamamatay ang tao. Kailangan lang nating umasa sa ating pananampalataya sa Diyos upang maranasan iyon, na ipaubaya ang sakit ng apo mo sa Diyos at sundin ang Kanyang mga pagsasaayos. Ito ang diwa na dapat nating taglayin.”

Matapos makinig sa mga salita ng kapatid, tumango ako. Pagkatapos ay pumunta ako sa harapan ng Diyos at nagbigay ng nagsisisi, masunuring panalangin sa Kanya: “O Diyos, mali ako. Hindi dapat ako gumawa ng mga hindi makatwirang hinihingi sa Iyo, lalo na ang hindi ka maintindihan at sisihin Ka dahil sa sakit ng aking apo. O Diyos! Naniniwala ako na ang mabuting kalooban mo ang nasa likod ng lahat nang iyon. Handa akong lubusang magpasakop sa Iyo. Handa akong ipaubaya ang buhay at kamatayan ng aking apo sa Iyong mga kamay, at magpasakop sa Iyong kapangyarihan at pagsasaayos. Kahit na talagang mamatay siya, hindi ako magsasabi ni isang reklamo.” Matapos ang panalangin na ito, ang mabigat at nasasaktan kong puso ay lumuwag nang husto.

Tumawag ang anak ko upang sabihin sa’kin na wala nang magagawa pa ang mga doktor para kay Guoguo.

Sa ika-labintatlong gabi, tinawagan akong muli ng aking anak at nanghihinang sinabi sa’kin: “Pa, wala nang magagawa pa ang mga doktor para kay Guoguo, at pinayuhan nila ako na ilabas na siya.” Naririnig ang mga salita niya, pinigilan namin ng asawa ko na mapahikbi. Nang maisip ko na iiwan na kami ng apo ko habambuhay, nakaramdam ako nang matinding sakit sa puso at hindi ko mapigilang manghina nang kaunti. Ngunit napagtanto ko na ang sitwasyon ko ay hindi tama, at kaya naman paulit-ulit kaming nanalangin ng asawa ko sa Diyos, hinihingi sa Kanya na pigilan ang aming mga puso na sisihin Siya. Matapos kaming manalangin, naisip ko ang mga salita ng Diyos. “Ang puso’t espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay(“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao”). Mula sa mga salita ng Diyos, naintindihan ko: kinokontrol at pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay. Kung sila ay nabubuhay o namatay, nagbabago iyon ayon sa iniisip ng Diyos. Tunay ngang nasa kamay ng Diyos pareho ang buhay at kamatayan ng apo ko. Kapag nakaligtas siya, awtoridad iyon ng Diyos at kapangyarihan; kapag namatay siya, pinahintulutan iyon ng Diyos. Kahit na hindi ko maintindihan iyon nang buo, taglay niyon ang mabuting kalooban ng Diyos at hindi na ako maaaring magreklamo pa tungkol sa Diyos at sisihin Siya at maging katatawanan kay Satanas. Dapat kong tuluyang ibigay ang apo ko sa Diyos at magpaubaya sa Kanyang mga pagsasaayos. Taglay ang Diyos bilang aking suporta, nagkaroon ako ng tapang na harapin at tanggapin ang susunod na mangyayari, at hindi na nakaramdam ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa sa bagay na ito.

Nagpapatotoo, nakita ko ang magagandang gawain ng Diyos.

Nang sumunod na araw, pumunta kami sa ospital ng asawa ko para makita si Guoguo. Nang pumasok kami sa silid ay nakita namin siyang nakahiga sa kama ng ospital. Naninilaw ang kanyang mukha, at napakalaki nang ipinayat niya na nagbago na ang itsura niya. Nakikita ang walang-malay kong apo, hindi ko maipakita ang matinding kalungkutan ko, pinapalabo ng mga luha ang aking paningin. Nang labis na ang sama ng loob ko, inisip ko si Job. Labis din siyang nasaktan nang sapitin niya ang ganoon katitinding mga pagsubok, gayunman ay mayroon siyang pusong may takot sa Diyos, at pinili niyang sisihin ang sarili niyang laman sa halip na magkasala at sisihin ang Diyos o husghan ang Diyos. Ang kanyang pananampalataya sa Diyos at pagsunod sa Diyos ay naging dahilan upang pahalagahan at mahalin siya ng Diyos, at dahilan ito upang lalo pa siyang pahalagahan. Pagkatapos ay naisip ko: “Sa pagsunod sa Diyos hanggang ngayon, napakarami ko nang nabasa na mga salita ng Diyos at naintindihan ko ang kalooban ng Diyos. Kung hindi ko magagawang magpatotoo sa Diyos at ikahiya si Satanas, hindi ako karapat-dapat na maniwala sa Diyos. Dapat kong sundin ang halimbawa ni Job nang pagpapatotoo sa Diyos. Kahit na anong mangyari sa apo ko, hindi ako magrereklamo sa Diyos.” Pagkatapos nito, nanalangin ako sa Diyos upang payapain ang puso ko: “O Makapangyarihang Diyos, nasasaktan akong makita ang apo kong mamamatay. Gayunman, ayokong magkamali ng pag-unawa o sisihin Ka. Handa akong sumunod. Nagmamakaawa lang ako sa Iyo na protektahan ang aking puso upang magawa kong magpatotoo sa Iyo sa pagsubok na ito.”

Nagpapatotoo, nakita ko ang magagandang gawain ng Diyos.

Pagkatapos, umupo kami ng asawa ko sa paanan ng kama ng apo ko sa ospital, tahimik siyang tinitingnan. Makalipas ang isang oras ay nangyari ang hindi inaasahan: dahan-dahang nagmulat ng kanyang mga mata si Guoguo, at natutok ang tingin niya sa inumin sa kamay ng anak ko, at inilagay ng anak ko ang straw sa kanyang bibig. Sa pagkabigla namin, dahan-dahan niyang ibinuka ang kanyang bibig at napaka-natural na sumimsim ng kaunti. Nasasaksihan ang eksenang ito, nagulat kami, at paulit-ulit kong pinasalamatan ang Diyos sa puso ko: “O Diyos! Nakita ko ang iyong awtoridad at kapangyarihan. Ikaw ang nagligtas sa buhay ni Guoguo, at ang awtoridad mo ang dahilan kaya nangyari ang himalang ito!” Higit sa isang oras ang lumipas, at pinakain namin si Guoguo ng pakwan at saging, at mabagal niya iyong kinain. Ang mas nakakamangha, pagdating ng hatinggabi ay bigla siyang nagsalita, sinasabi sa mahinang tinig: “Lola, lolo!” Nagagawa na rin niyang igalaw ang dalawa niyang mga braso, at ang bahagi ng katawan niya na wala nang pakiramdam ay nakakakilos na rin. Halos hindi kami makapaniwala sa nakita namin. Ang apo ko, na sinukuan nang gamutin ng mga doktor, ay tunay na bumubuti na ang lagay. Talaga ngang magandang gawain iyon ng Diyos! Nang mga sandaling iyon, higit pa sa mga salita ang nararamdaman naming kagalakan ng asawa ko at ang tanging nagawa lang namin ay patuloy na magpasalamat at sambahin ang Diyos! Ang Diyos ang nagbigay ng pangalawang buhay sa apo ko at binuhay siyang muli.

Nang sumunod na araw, bumangon sa higaan si Guoguo at nagtatakbo. Namamanghang sinabi sa’kin ng doktor: “Isang himala! Parang hindi na siya maililigtas. Ni hindi ko naisip na, matapos ang isang araw at gabi, gagaling siya sa sakit. Sa buong panahon nang pagiging doktor ko, kahit kailan ay hindi pa ako nakakita ng ganitong sitwasyon. Kahapon ay may batang babae na dinapuan ng encephalitis, ngunit hindi kasing-lala ng sa apo mo ang kondisyon niya. Matapos ang gamutan, nabulag siya, samantalang si Guoguo, na sinukuan na naming gamutin, ay milagrong gumaling! Higit pa ito sa pang-unawa ko. Nakakamangha!” Naririnig na sinasabi ito ng doktor, punung-puno ako ng pasasalamat sa Diyos at alam ko na dahil iyon sa dakilang kapangyarihan ng Diyos kaya nagawang mabuhay muli ng apo ko. Tunay ngang nasa mga kamay ng Diyos ang tadhana ng mga tao, at gayundin ang buhay at kamatayan ng mga tao. Gaya ng sinabi ng mga salita ng Diyos: “Malinaw na hindi ang sangkatauhan ang humahawak ng kapangyarihan ng buhay at kamatayan, hindi isang nilalang sa natural na mundo, kundi ang Lumikha, na ang awtoridad ay natatangi. Ang buhay at kamatayan ng sangkatauhan ay hindi bunga ng ilang batas ng mundong natural, ngunit bunga ng kapangyarihan ng awtoridad ng Lumikha(“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III”).

Sa pamamagitan ng hindi pangkaraniwang karanasan na ito, nagkaroon ako ng ilang pag-unawa sa aking mga walang kabuluhang pagtingin sa paniniwala sa Diyos, at napagtanto ko: Sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi dapat tayo maghanap lamang ng biyaya o tamasahin ang grasya ng Diyos, ngunit dapat din tayong magtuon ng atensiyon na maranasan ang Kanyang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok at pagpipino, nilulunasan ang ating mga maling pananaw sa pananampalataya, at inaalis ang ating satanikong disposisyon. Kahit na ano pang kapaligiran ang masalubong natin na taliwas sa ating mga paniniwala, maaari tayong umasa sa ating pananampalataya at pagka-masunurin sa Diyos at magpatotoo para sa Kanya nang hindi sinisisi o hindi Siya maunawaan. Kasabay niyon, nagtamo ako ng tunay na kaalaman at pagpapahalaga sa kapangyarihan at soberanya ng Diyos; nakita ko na ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos ay nasa lahat ng dako, at na ang buhay at kamatayan ng lahat ay pinapamunuan ng Diyos. Ngayon, lumago ang pananampalataya ko sa Diyos. Kahit gaano pa katindi ang mga pagsubok na harapin ko, naniniwala ako na ang Diyos ang matatag na suporta ko at, higit pa, Siya lamang ang tanging kaligtasan ko. Salamat sa Diyos! Sa mga susunod na araw, nais kong masigasig na hanapin ang katotohanan at tuparin ang tungkulin nang isang nilikha upang mabayaran ang pag-ibig ng Diyos!

Mag-iwan ng Tugon