Sa mga huling araw, ang Tagapagligtas na Makapangyarihang Diyos ay pumarito upang magpahayag ng mga katotohanan, nagpapakita at gumagawa upang ganap na iligtas ang sangkatauhan. Mula nang ang aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay nailagay online para sa mundo, nakita ng mga tao mula sa lahat ng dako na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at narinig nila ang tinig ng Diyos. Natitiyak nila na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik at tinanggap nila Siya nang may kagalakan. Kinakain at iniinom nila ang mga salita ng Diyos araw-araw, tinatamasa ang pagdidilig at pagpapastol ng mga salita ng Diyos. Ang pananampalataya nila'y lumalago at nagmamadali silang ipalaganap ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Gayunpaman, nakikita ng ilang tao na ang Makapangyarihang Diyos ay mukhang isang ordinaryong tao, at hindi siya tinatawag na Jesus at hindi Siya nagpakita sa espirituwal na anyo ni Jesus, kaya hindi nila kinilala na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik. Bilang resulta, hindi pa rin nila nasasalubong ang Panginoon, at sila'y nahulog sa mga sakuna. Ang laking sayang nito! Kung gayon, sa pagbabalik ng Tagapagligtas, tatawagin pa rin ba Siyang Jesus? Sa episode na ito ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya, maaari nating hanapin ang katotohanan nang sama-sama at matagpuan ang kasagutan.